You are on page 1of 15

Pagpaparami ng

Halamang
Ornamental
 Ang pagpaparami ng pananim ay nagagawa hindi lamang sa
pagtatanim. Nagagawa rin ito sa pamamagitan ng ibang paraan.
May dalawang uri ng pagpaparami ng pananim. Ito ang
sumusunod:
1. Pagtatanim ng buto o butil
2. Paggamit ng ibang bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno, sanga, at
dahon. Ang mga ito ay ihinihiwalay at pinalalago upang maging bagong
tanim. May dalawang uri ng ganitong pagtatanim. Ang natural at
artipisyal.

b. Artipisyal Ito ay ginagawa na ang ginagamit ay sanga, dahon, o


usbong ng tanim
1. Pasanga (cutting). Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na
pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay pinuputol, pinauugat, at
itinatanim. Ginagawa rin ito sa dahon at ugat.
2. Marcotting o air layering.
• Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay
hindi pa nahihiwalay sa puno. Sa marcotting, sinusunod ang mga
hakbang na ito:

• Pagtatanggal ng balat • Pagkakaskas ng panlabas na


hibla ng sanga
• Paglalagay ng lupa at • Pagbabalot nito ng bunot ng
lumot niyog/plastik
• Pagtatali

• Ginagawa ang marcotting sa mga punong namumunga


tulad ng chico at manga.
3. Inarching
Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno at sanga ng isa
pang punong nakalagay sa paso. Kadalasang ginagawa ito sa kaimito.
Ang inarching ay binubuo ng sumusunod na hakbang:
• Gumawa ng pahabang hiwa sa puno o sangang pagsasamahin
• Pagharapin ang dalawang hiwa. Pagdikitin, at itali nang
mahigpit
4. Grafting
• Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang galing sa
dalawang puno.
Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng halamang ornamental at
punongkahoy na maaaring itanim:

1. Halamang – dahon
• Ito ay mga halamang hindi namumulaklak ngunit may magaganda at
malalapad na dahon. Karaniwang itinatanim ito sa harapan ng
bahay. Maaaring itanim din ito sa paso at gamiting palamuti sa loob
ng bahay. Ang halimbawa nito ay San Francisco, pako, five fingers,
at iba pa.
2. Halamang namumulaklak
• Kabilang dito ang mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay
nilang bulaklak at mababangong halimuyak. Ang halimbawa nito ay
ang rosas, kamya, sitsirika, bougainvillea, dapo, mirasol, at iba pa.
3. Halamang – palumpon
• Ito ay mga halaman na mayroong matitigas na sanga na maaaring
gamiting pambakod. Ang ibang halamang- palumpon ay
namumulaklak din. Ang halimbawa nito ay gumamela, adelfa, rosal,
santan, sampaguita, at iba pa.
4. Halamang – baging
• Ito ay mga halaman na gumagapang tulad ng kampanilya, niyug–
nyogan, kadena de amor, at iba pa.
TANDAAN NATIN:
Iba-iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng pagpupunla,
pagpuputol, at pagpapaugat.

GAWIN NATIN:
Dumalaw at mamasyal sa isang narseri o halamanan. Magmasid at
magtanong kung bakit may mga halaman tulad ng kalamansi na maliit
pa pero may bunga na

PAGYAMANIN NATIN:
1. Bakit kailangan isagawa ang air layering o marcotting?
2. Paano ito isinasagawa?
3. Ano ang nararamdaman ninyo pag nakakakita kayo ng isang
halamang tulad ng kalamansi na maliliit palang pero may bunga na?
PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod: Lagyan ng titik (T) kung
tama ang pangungusap at (M) naman kung mali ito.

___ 1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.


___ 2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa
isasagawang marcotting.
___ 3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at
galing sa malusog na bunga.
___ 4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong
kemikal ang butong itatanim.
___ 5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat,
pagpupunla, at pagpuputol

You might also like