You are on page 1of 22

Payak na

Aralin 3.1

Mapa ng
Aking
Komunidad
`
Ang Mapa ng Komunidad
Ang mapa ay lapad o patag na paglalarawan ng
isang lugar. Ito ay isang napakahalagang
sanggunian. Ipinakikita rito ang kinalalagyan ng
iba-ibang lugar. Maraming impormasyon ang
makukuha rito. Sa paggawa ng mapa, kailangang
may kaalaman sa mga direksyon. May apat na
pangunahing direksyon, ang Hilaga, Timog,
Kanluran at Silangan.
Dapat tandaan na ang Hilaga ay katapat ng
Timog at ang Silangan ay katapat ng
Kanluran. Sinasabing sa Silangan, sumisikat
ang araw at ito’y lumulubog naman sa
Kanluran. Maliban sa apat na pangunahing
direksyon, mayroon ding pangalawang
pangunahing direksyon. Pagmasdan ang
guhit sa ibaba.
Pananda na ginagamit sa paggawa ng
mapa
Pananda na ginagamit sa paggawa ng
mapa
Pananda na ginagamit sa paggawa ng
mapa
Sagutin:
1. Ano ang mapa?
2. Ano-ano ang pangunahing direksiyon?
Pangalawang pangunahing direksiyon?
3. Ano ang kabutihan nang may kaalaman sa
pangunahin at pangalawang pangunahing
direksiyon?
4. Ano-ano ang panandang ginagamit sa paggawa
ng mapa? Iguhit sa pisara.
5. Bakit mahalaga ang mga pananda sa paggawa
ng mapa?
A. Iguhit ang mahalagang lugar, estruktura,
bantayog, palatandaan at pook-pasyalan na
makikita mula sa iyong paaralan. Ilagay sa
tamang direksiyon.

H
B. Sumulat ng 2 -3
pangungusap tungkol
sa lokasyon ng lugar,
estruktura, at pook-
pasyalan na iyong
iginuhit sa Gawain A.
C. Pag-aralan ang mapa. Isulat sa papel ang
sagisag at panandang tinutukoy ng
direksiyong nakasulat sa ibaba ng mapa.
Basahin at isaisip ang mga ideyang
nakapaloob sa kahon. Makatutulong ito
para sa pagsasagot mo ng panghuling
pagtataya.
 May mga mahahalagang lugar,
bantayog, palatandaan at mga pook-
pasyalan ang maaaring matagpuan sa
isang komunidad. Ang mga ito ay mga
pagkakakilanlan ng isang komunidad.
 Ang lokasyon ng mga lugar na ito ay maaaring
nasa hilaga, timog, silangan at kanluran ng
sariling tahanan.
 Maaari ring gamitin ang pangalawang
pangunahing direksyon: Hilagang Silangan,
Timog Silangan, Timog Kanluran, Hilagang
Kanluran sa pagtukoy ng lokasyon ng mga
nasabing mahahalagang lugar at pook- pasyalan.
 Sa paggawa ng payak na mapa, makakatulong
ang kaalaman sa pangunahin at pangalawang
pangunahing direksyon sa pagtukoy ng mga
nabanggit na pagkakakilanlan.
NATUTUHAN KO
Isagawa:
1. Gumawa ng mapa ng iyong komunidad
gamit ang mga patapong bagay tulad ng
kahon, bote at papel.
2. Ipakita sa mapa ang mga mahahalagang
lugar, estruktura, bantayog, palatandaan at
mga pook-pasyalan at ang lokasyon nito
mula sa iyong tahanan.
3. Sumulat ng 2-3 salaysay tungkol sa
ginawang mapa ng komunidad.

You might also like