Professional Documents
Culture Documents
PAKIKINIG
PAGSASALITA
PAGBASA
PAGSULAT
Kahulugan ng PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo
ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan,
tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga
salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais
ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring
pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na
tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog
na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay
dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig
natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave
stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa
utak.
Kahalagahan ng Pakikinig
ng pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng
pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
Alamin ang layunin sa pakikinig
Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
Maging isang aktibong kalahok
Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa
kakayahan ng tagapagsalita
Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
MGA URI NG PAKIKINIG
-Deskriminatibo
-Komprehensibo
-Paglilibang
-Paggamot
-Kritikal
Deskriminatibo
-matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang
paraan ng komunikasyon.
-binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang
nagsasalita.
Komprehensibo
-Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
-Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang
pinakikinggan.
Paglilibang
-upang malibang o aliwin ang sarili
-ginagawa para sa sariling kasiyahan
Paggamot
matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na
madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng
pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
Kritikal
gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
(analyze and critically give analysis on what we have
listened)