You are on page 1of 3

LEARNER’S COPY

PANGKALAHATANG TAGUBILIN:
May mga kamaliang nakita sa Modyul ng Filipino 10-Kuwarter 2-Linggo 1: Sina Thor
at Loki sa Lupain ng mga Higante. Mangyaring gamitin ang mga impormasyong nasa ibaba na
siyang gabay sa pagsasakatuparan sa mga gawain sa modyul.

Maligayang pag-aaral!

I. Pagwawasto
Pahinang
Bahagi ng Modyul Kinaroronan ng Kamalian Pagwawasto
kamalian
ISAISIP p. 18 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
Gawain 6: Konsepto, nasusukat din sa iba ang bahaging ito.
Ibigay Mo pang gawain.
ISAGAWA pp. 19-20 Ang gawain na ito ay Hindi na isasagawa ang
Gawain 7: Magsanay maaaring masukat sa Gawain 7 at 8 bagkus
Magsuri ibibigay na Lagumang ay isasagawa na
Pagsusulit lamang ang Lagumang
Gawain 8: Ihambing (Summative Pagsusulit (Summative
Mo! Assessment). Assessment).
TAYAHIN p. 21 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
Gawain 9: Isalaysay nasusukat din sa iba ang bahaging ito.
Mo pang gawain.
KARAGDAGANG p. 21 Ang gawain na ito ay Maaaring tanggalin na
GAWAIN nasusukat din sa iba ang bahaging ito.
pang gawain.

II. Lagumang Pagsusulit (Summative Assessment)

CLAIM-EVIDENCE-REASONING TIC-TAC-TOE ASSESSMENT BOARD


Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang artikulo at ang mga kaugnay na katanungang nasa
Claim-Evidence-Reasoning Tic-Tac-Toe Assessment Board. Sa gawaing ito, ikaw ay
obligadong sagutin ang tanong bilang 5. Pagkatapos, pumili ng dalawa pang tanong mula sa
talahanayan na maaaring pahalang, pababa o pahilis na porma (hal. Pahalang para sa mga
tanong 4,5,6; pababa para sa mga tanong 2,5,8; pakaliwang pahilis para sa mga tanong 1,5,9;
o pakanang pahilis para sa mga tanong 3,5,7). Malaya kang makapipili kung anumang ayos ang
naisin sapagkat ang pinakamahalaga ay tatlong tanong lamang ang iyong sasagutin. Nararapat
na isulat ang bilang ng tanong gayundin ang mismong tanong na sasagutin at kumpletuhin ito.
Para sa bahaging evidence, kailangang sumangguni mula sa binasang artikulo.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (U)
 Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
(F10PU-IIa-b-73)
ARTIKULO:
Ang Engkantada ng Makulot
Source: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-engkantada-ng-makulot/

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at matakutin


sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng Makulot. Siya ay mahiwaga.
Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng
pangkaraniwang baka, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.
Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob ng mga
mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at mapagkawanggawa sa mga taong
dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga mahihirap na
nangangailangan ng tulong upang ipagtawid-gutom.
Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga tao'y mahilig
sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.
Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa magandang halimbawa
at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong Ginto. Nawala rin ang
prinsesa.
Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng gutom,
salot, sakit at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal,
nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anito.
Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng Torong Ginto. Kung
makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga halaman o di kaya'y magkakaroon
ng malaking baha o masamang ani.
Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng pulong.
Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong Ginto ay huwag nang
makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok na kawal
ay ialay sa prinsesa upang maalis ang kanyang galit.
Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin. Di-umano'y ang
usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong pagpapakasakit!
Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng
Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng
prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.
Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa isang iglap ay
iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa sakay ng Torong Ginto ay
pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula noon ay hindi na nagpakita.
Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago na
rin at nanatiling mabubuting tao.

T1 T2 T3
Paano nagkakaroon ng Bakit nawalang bigla ang Ano-ano raw ang maaaring
magandang ugnayan ang Torong Ginto at ang prinsesa? mangyari kung muling
mga mamamayan at magpapakita ang Torong
prinsesa ng Cuenca? Ginto at ang prinsesa?
T4 T5 T6
Ano ang napagkasunduan Paano nagkakatulad at Ano-anong kaugaliang
nilang paraan upang nakakaiba ang mga mitong Pilipino ang inilalarawan sa
tuluyang di-makita ang Sina Thor at Loki sa Lupain binasang akda?
Torong Ginto at ang ng mga Higante at Ang
prinsesa? Isalaysay ito. Engkantada ng Makulot?
Isa-isahin.
T7 T8 T9
Bakit nagulat ang mga Batay sa mga elemento ng Anong kaisipan ang
mamamayan habang mitolohiya malaki ba ang ipinaabot ng akda sa mga
isinasagawa ang seremonya pagkakatulad o pagkakaiba ng mambabasa?
laban sa Torong Ginto at sa mitolohiya ng Kanluranin at ng
prinsesa? Pilipinas? Patunayan.
CLAIM-EVIDENCE-REASONING TIC-TAC-TOE ASSESSMENT
ANSWER SHEET
TANONG 5: Paano nagkakatulad at nakakaiba ang mga mitong Sina Thor at Loki sa Lupain ng
mga Higante at Ang Engkantada ng Makulot? Isa-isahin.
CLAIM: Ang aking kasagutan sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang detalyeng halaw mula sa artikulo na sumusuporta sa aking kasagutan ay…
REASONING: Ang inilahad na katibayan ay tumatalima o tumutugon sa aking kasagutan
dahil/sapagkat…
TANONG BILANG: ________
CLAIM: Ang aking kasagutan sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang detalyeng halaw mula sa artikulo na sumusuporta sa aking kasagutan ay…
REASONING: Ang inilahad na katibayan ay tumatalima o tumutugon sa aking kasagutan
dahil/sapagkat…
TANONG BILANG: ________
CLAIM: Ang aking kasagutan sa tanong ay…
EVIDENCE: Ang detalyeng halaw mula sa artikulo na sumusuporta sa aking kasagutan ay…
REASONING: Ang inilahad na katibayan ay tumatalima o tumutugon sa aking kasagutan
dahil/sapagkat…

Marka Pamantayan sa Pagmamarka

4 Naipaliwanag nang napakahusay at napakabisa ang mga sagot sa mga tanong kaya’t
masasabing sistematiko ang naging pagsusuri.

3 Naipaliwanag nang mahusay at mabisa ang mga sagot sa mga tanong kaya’t
masasabing sistematiko ang naging pagsusuri.

2 Naipaliwanag nang medyo mahusay at mabisa ang mga sagot sa mga tanong kung
kaya’t hindi gaanong sistematiko ang naging pagsusuri.
1 Malabo at hindi angkop ang mga sagot na ibinigay para sa mga tanong kaya hindi
naging sistematiko ang pagsusuri.
0 Walang ginawang awtput

Pinahusay nina: Sinuri nina:

JANE S. DANCEL RICHARD M. COLLADO ALLAN M. UTLEG

DIANA C. VERGARA JANE S. DANCEL

You might also like