You are on page 1of 24

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

ARALING GRADE
PANLIPUNAN 10

3
LEARNING QUARTER

MODULE WEEK 1-2

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 0


MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN

KWARTER III
LINGGO 1
ARAW 1-6

KASARIAN AT SEKSWALIDAD

Development Team
Writers: Billy Joe T. Rosal Merry Cris A. Tacang
Lorma D. Valdez
Editors/Reviewers: Mercydora L. Pascual Gloria M. Hernandez

Michel B. Bagaoisan

Layout Artist: Billy Joe T. Rosal


Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 1


Most Essential Learning Competency:
• Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa
iba’t- ibang bahagi ng daigdig.

Mga Layunin:
1. Napaghahambing ang mga konsepto ng;
a. gender at sex; at
b. gender identity at sexual orientation.
2. Nasusuri ang mga gender roles sa iba’t -ibang bahagi ng mundo
at;
3. Nakagagawa ng slogan na nagsusulong ng pagtanggap ng iba’t -
ibang kasarian sa lipunan.

Alamin
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at sekswalidad. Ito
ay may epekto sa kanyang buong pagkatao. Subalit dahil sa ibat-ibang paniniwala at
pananaw, hindi maiwasang magkaroon ng malubhang isyu tungkol dito.

Sa linggong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa konsepto ng kasarian,


sekswalidad at gender roles. Gamit ang modyul na ito, inaasahan na mabibigyang-
linaw ang pagkakaiba ng konsepto ng kasarian at sekswalidad at masusuri ang mga
ibat- ibang gender roles sa mundo. Ang modyul na ito ay naglalaman ng teksto at
gawain na naglalayong magbigay ng aral at kaliwanagan sa aralin. Inaasahan rin na
magagawa mo ang lahat ng mga gawain na iyong ilalagay sa Activity Notebook/
Sagutang Papel samantalang ang lahat ng awtput ay ilagay sa Long Bond Paper.

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa bagong aralin, subukin mong


sagutin ang panimulang pagsusulit upang iyong masukat kung
hanggang saan ang kaalaman mo sa aralin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 2


Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong: Piliin ang
pinakawastong sagot, isulat ang titik lamang.

1. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa biyolohikal at


pisyolohikal na katangian na nagtatakda sa pagkakaiba ng babae at lalaki?
A. Gender B. Gender Identity C. Sex D. Sexual Orientation

2. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang palagi mong


kasama mula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid.
Matapos mong matuklasan ang kaniyang oryentasyong sekswal, ano ang
gagawin mo?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito.
D. Igagalang ko ang kaniyang oryentasyong sekswal at pananatilihin ang
aming pagkakaibigan.

3. Ang konsepto ng gender at sex ay kadalasang napagpapalit. Ayon sa World


Health Organization, alin sa mga sumusunod na konsepto ang pinaka
WASTO?
A. Ang sex ay tumutukoy sa pisyolohikal at kultural na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
B. Ang sex ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
C. Ang sex ay tumutukoy sa pisyolohikal at biyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
D. Ang sex ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain
na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

4. Alin sa mga pahayag na ito ang naglalarawan sa mga homosekswal?


A. May sarili silang wikang ginagamit.
B. Gumagamit ng bahaghari na sagisag na watawat.
C. Sila iyong mga nakakaranas ng ekslusibong atraksiyon sa katulad na
kasarian.
D. Sila iyong mga tinatawag na paminta mula sa “pamen” na
nagpapanggap na lalaki.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 3


5. Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal o sexual
orientation ay:
A. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa
kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
B. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma
sa sex niya nang siya’y ipanganak.
C. Ito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring
mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba
pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
D. Lahat ng nabanggit.

Para sa aytem 6-10. Basahin at piliing mabuti ang tinutukoy na konsepto.


A. Babaylan B. Bigay Kaya C. Binukot
D. Boxer Coder E. Comfort Women

6. Ang kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa ng marami.


7. Mga babae na itinatago sa mata ng publiko, itinuturing silang prinsesa at
hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng
kalalakihan hanggang sa magdalaga.
8. Ito ay binibigay ng lalaki sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
9. Naging parausan ng mga sundalong Hapon sa panahon ng digmaan.
10. Ang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot
kadalasan ay kababaihan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 4


Aralin
Kasarian at Sekswalidad
1
Tuklasin
Ang Kasarian at Sekswalidad ay dalawang konsepto na palaging napagpapalit
ng kahulugan. Upang ikaw ay maliwanagan sa konseptong ito basahing mabuti ang
teksto tungkol sa Konsepto ng Kasarian at Sekswalidad.

Konsepto ng Kasarian (Gender) at Sekswalidad (Sex)


Ang konsepto ng gender at sex ay kadalasang napagpapalit. Malaki ang
pagkakaiba ng dalawang konseptong ito. Ayon sa World Health Organization (2014),
ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga
panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae
at lalaki.

Katangian Kategorya

Ang Male
pagkakakilanlan ng
mga kalidad ng
pagkababae o
Sex pagkalalaki ng
isang tao. Female
Bayolohikal na
kalagayan ng
isang tao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 5


Ito ang
klasipikasyon ng Masculine
isang tao na
ibinibigay ng
lipunan sa babae o
lalaki.
Feminine
Gender
Nag-uugat sa
kultura ng isang
tao hindi sa
kanyang
bayolohikal na
katangian

Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin


man ng lipunan, subalit sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang pagkakaiba-iba
nito.

Upang lubos na maintindihan mo ito, pag-aralan ang tsart tungkol sa katangian


ng Sex at Gender.
Sex Gender
Bayolohikal o kakambal na ng tao Sosyo-sikolohikal o nakabatay sa kultura
pagkapanganak. at lipunang ginagalawan.
Panlahat (universal) Nakatali sa kultura
Hindi nagbabago Maaaring magbago dahil sa kultura,
lipunan at panahon.

Halimbawa ng Katangian ng Sex at Gender (Characteristics of Sex and Gender)


Sex Gender
Ang babae ay nagkakaroon ng Ang mga babae ay hindi dapat gumawa
buwanang regla samantalang ang lalaki ng mabibigat na bagay.
ay hindi
Ang lalaki ay may bayag (testicles) Sa Vietnam, mas maraming lalaki ang
habang ang mga babae ay wala. naninigarilyo.
Sa Saudi Arabia, ang mga babae ay
hindi maaaring magmaneho.

Ang mga binaggit sa itaas ay mga halimbawa lamang ng katangian ng sex at


gender. Ang sex ay magkakapareho sa mundo habang ang gender ay maaaring
magkakaiba-iba sa iba’t- ibang lipunan sa mundo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 6


Suriin
.
Upang mapagtibay mo ang iyong kaalaman, basahing mabuti ang teksto
tungkol sa Konsepto ng Sexual Orientation at Gender Identity. Pagkatapos, subuking
sagutan ang gawain sa ibaba.

Konsepto ng Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI)


Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual
orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit
sa isa. Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay
kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan)
at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.
Upang lubos mong maintindihan ang dalawang konsepto tunghayan ang
dalawang tsart na ito.

Katangian Kategorya

Heterosexual-
atraksiyon sa ibang
seks (lalaki sa babae,
babae sa lalaki)

Ito ang pisikal, Homosexual-


emosyonal na atraksiyon sa kapwa
atraksiyon ng isang kasarian (lalaki sa
indibidwal para sa lalaki, babae sa
iba pang indbidwal. babae)
Sexual Nakabatay sa
Orientation kagustuhan ng isang Bisexual- kung may
atraksiyon sa
tao depende sa
kinalakhang parehong babae at
paniniwala, kapaligiran lalaki.
at pakikisalamuha sa
ibang tao.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 7


Cisgender- Ang
pagkilala sa sarili
ay tugma sa sex
assigned at birth
Ito ay malalim na
damdamin at Lesbian- sila ang
personal na mga babae na ang
karanasang kilos at damdamin
Gender pangkasarian ng
isang tao.
ay panlalaki; mga
babaeng may
Identity Maaaring
pusong lalaki at
umiibig sa kapwa
nakatugma o hindi babae.
nakatugma sa sex
niya nang siya’y Gay- mga lalaking
ipanganak nakararamdam ng
atraksyon sa
kanilang kapwa
lalaki
Transgender-
babae o lalaki na
piniling magpalit
ng kasarian sa
pamamagitan ng
pagpaparetoke o
pag-inom ng mga
gamot.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 8


Pagyamanin
Matapos mong malaman ang mga konsepto na may kinalaman sa kasarian at
sekswalidad. Ngayon naman ay iyong pagyamanin ang iyong natutunan.

Gawain 1. Error Correction Test Item


Suriing mabuti ang nasagutang gawain sa AP 10. Gawin ang mga sumusunod.
1. Tukuyin kung tama ba ang sagot.
2. Ipaliwanag kung bakit mali ang sagot.
3. Ipaliwanag ang itinamang sagot.

Tanong Sagot
1. Ang Gender ay bayolohikal na Tama
pagkakakilanlan ng isang tao.
2. Ang Gender ay klasipikasyon ng isang tao na Mali, ang inilahad na
ibinibigay ng lipunan sa babae o lalaki. kahulugan ay patungkol sa
Sex.
3. Ang Sexual Orientation ay nakabatay sa Tama
kagustuhan ng isang tao depende sa
kinalakhang paniniwala, kapaligiran at
pakikisalamuha sa ibang tao.
4. Ang Gender Identity ay pisikal, emosyonal Tama
na atraksiyon ng isang indibidwal para sa iba
pang indbidwal.

IDENTIFIED ERROR CORRECTION OF EXPLANATION OF


ERROR CORRECTION

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 9


Rubric sa Pagmamarka ng Error Correction Test Item

Component Acceptable Partially Acceptable Not Acceptable


(2) (1) (0)
Error Wastong at ganap Wasto ngunit hindi Walang kamalian
Identification na natukoy ang ganap na natukoy ang na natukoy
kamalian kamalian
Explanation of Lohikal na Ang pagpapaliwanag Hindi nagbigay ng
Correction naipapaliwanag ay nakakalito pagpapaliwanag
ang mga kamalian
Correction and Tama ang mga Tama ang iniwasto Hindi nagbigay ng
its Explanation iniwasto at lohikal ngunit nakakalito ang pagpapaliwanag.
na naipapaliwanag pagpapaliwanag.
ang sagot. Maari ring mali ang
iniwasto.

Magaling! Ipagpatuloy ang pagsusuri sa aralin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 10


Aralin
Gender Roles
2
Gender Roles sa Pilipinas
Ang Gender Roles ay batayan o pamantayan ng lipunan sa kung ano ang
nararapat na tungkulin ng bawat kasarian. Ang gender roles ay nakadepende sa
kultura at kapaligiran na ginagalawan ng babae at lalaki. Kayat may mga
pagkakataong hindi akma sa nakagisnang kasarian ang tungkulin na ginagampanan.
Narito ang katayuan at gampanin ng lalaki at babae sa iba’t- ibang panahon sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Noong panahon bago pa dumating ang mga Kastilla, ang kababaihan ay
kabilang sa may mataas na antas ng pamumuhay. Ang Binukot ay mga babae na
itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa at hindi sila pinapayagang
umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay. Babaylan ang katawagan
para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot kadalasan ay kababaihan. Kung
ang isang lalaki naman ay gustong maging babaylan ay dapat siya ay magdamit
pangbabae. Isa pang kultura na nagpapakita ng pagiging mataas ang antas ng
kababaihan ay ang pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng
lalaki sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan. Makikita sa mga tradisyong ito na
pinapahalagahan ang kababaihan sa pre-kolonyal na lipunan. Ayon naman sa Boxer
Codex ang kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa ng marami. Maaaring patayin
ng lalaki ang kanyang asawa sa sandaling makita na niya na may kasama itong lalaki.
Kung maghihiwalay ang mag-asawa, kukunin ng lalaki ang dote o bigay-kaya at ang
babae ay walang makukuha dito.
Sa pagpasok ng Kolonyang Espanya sa Pilipinas, naging limitado ang
karapatan ng mga kababaihan dahil sa patriarkal na pamumuno nito. Ito ay dahil sa
sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas
na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan. Ngunit sa
Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego
Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin,
sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon,
Melchora Aquino at iba pa ay tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan
ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Sa pagdating ng mga Amerikano dinala nila ang ideya ng kalayaan, karapatan,


at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na
bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 11


ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay
at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan
sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap
noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa
pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na
may kinalaman sa politika.
Sa pagdating ng mga Hapones sa bansa at pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban
sa mga Hapones. Ngunit ang panahong ito rin ang nagbigay dungis sa kababaihan,
marami sa kanila ang naging Comfort Women o naging parausan ng mga sundalong
Hapon sa panahon ng digmaan.
At noong makamtang muli ng bansa ang kalayaan noong July 4, 1946, Ang
kababaihan ay nagpapatuloy muli sa kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan
sa tahanan at tumanggap ng iba’t- ibang trabaho na kahalintulad sa mga kalalakihan.
Sa pagdaan ng panahon, unti-unting pumantay ang kababaihan sa kalalakihan,
pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa. Sa katunayan pati
ang mundo ng pulitika ay umukit ng kasaysayan ang kababaihan nang malukluk si
Geronima Tomelden-Pecson bilang kauna-unahang senador at Elisa Rosales-
Ochoa – kauna-unahang kongresista, Corazon Aquino at Gloria Arroyo bilang
pangulo ng ating bansa.

Ang Komunidad ng LGBT sa Pilipinas


Matatandaan na hindi nabago ang LGBT sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong
panahong Pre-Kolonyal, may mga lalaking gustong maging Babaylan, kung kayat sila
ay nagdadamit ng pambabae at nag-aasawa ng parehong kasarian. Ngunit sa
pagpasok ng Kolonyal na kaisipan na hatid ng mga Kastila, naging pangunahing
relihiyon ng mga Pilipino ang Katolisismo na kung saan tahasang tinuligsa nito ang
mga gawaing pang-homosekswal na tanging lalaki at babae lamang ang ginawa ng
Diyos.
Dekada 60, ang pinaniniwalaang panahon na umusbong ang gay culture sa
Pilipinas. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa
homoseksuwalidad. Noong Dekada 90 naman pinaniniwalaang umusbong ang LGBT
movement sa bansa, matapos naitatag ang iba’t- ibang mga samahan ng LGBT at
naging bukas ang kamalayan ng ilang Pilipino tungkol sa Ikatlong kasarian.

Gender Roles sa Iba’t -ibang Bahagi ng Mundo

Ang mga bansang nasa kontinente ng Amerika at Europa ay kilala sa pagiging


liberal o may mas higit na pagtingin sa kababaihan kaysa sa mga saradong bansa sa
Africa at Kanlurang Asya. Sa pagdaan ng panahon sa liberal na bansa, unti-unting
pumapantay ang kababaihan sa kalalakihan sa iba’t- ibang larangan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 12


Africa at Kanlurang Asya
Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo
na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga
babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito
lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Taong 2015, muling binigyan ng
karapatan ng Saudi Arabia ang mga kababaihang bumoto at noong 2017 naman ay
tinapos ang dalawang dekadang pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan. Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang
bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung
payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang
benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri
ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ang
Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council
noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo
ng mga miyembro ng LGBT.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa
na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang
pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili
roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur,
at Tchambuli.
Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito,
nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa
Estados Unidos. Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na
nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na
ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga
anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala
sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na
Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente,
at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling
pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay
may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina
Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng
makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang
abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 13


Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.
HarperCollins Publishers, 1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html

Pagyamanin
Matapos mong malaman ang mga konsepto ng gender roles at iba’t-ibang
gampanin ng mga kasarian sa iba’t -ibang parte ng mundo. Ngayon naman ay iyong
pagyamanin ang iyong natutunan.

Gawain 2. Gender Role Timeline


Punan ang bawat yugto ng kasaysayan ng bansa ng gampanin ng lalaki at babae.
Gampanin ng Babae Yugto ng Kasaysayan Gampanin ng Lalaki
Pre-Kolonyal

Panahon ng Kastilla

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapones

Kasalukuyang Panahon

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na
napansin mo?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________

2. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa


lipunan/pamayanan? Pangatwiranan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 14


Gawain 3. Opinyon Ko!!!!

Ipahayag ang opinyon tungkol sa Gender Roles sa Kanlurang Asya, Africa at New
Guinea.

1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae?
Ano sa palagay mo ang epekto sa kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

2. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro


ng LGBT sa Africa at Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

3. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalaki sa tatlong
pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

4. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng


personalidad at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________

Magaling! Ipagpatuloy ang pagsagot sa mga gawain.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 15


Isaisip
Bago mo isabuhay ang mga natutunan mo sa modyul na ito, kailangang mo
munang pagtibayin ang mga natutunan mo. Buuin ang mga pangungusap sa ibaba.

Ang sex ay tumutukoy sa ________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
samantalang ang gender ay tumutukoy sa _______________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang sexual orientation ay tumutukoy sa _________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
samantalang ang gender identity ay tumutukoy sa ______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang Gender Roles ay _____________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kita sa pagsagot sa mga gawain!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 16


Isagawa

Gawain 4. Written Work


Creative Constructed Response Test Item

SITUATION(SITWASYON)
Isang malaking isyu na kinakaharap pa rin ngayon ng lipunan ay ang
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lipunan. Hindi natin maikakaila kahit sa
panahong ngayon ay patuloy pa ring lumalaki ang agwat ng mga kasarian sa
lipunan.
QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT
Ikaw ay bibigyan ng pagkakataong, sumulat ng position paper tungkol sa tunay na
katayuan ng mga lalaki, babae at miyembro ng LGBT sa lipunan. Ang position paper
ay dapat maglaman ng mga sagot sa mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang katayuan ng mga lalaki, babae at miyembro ng LGBT sa lipunang
Pilipino?
2. Ano-ano ang mga dahilan kung may hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan?
3. Ano ang maaari nating gawin upang maibsan ang agwat at maisulong ang
pagkakapantay-pantay sa lipunan?
SAMPLE PROMPTS/OUTLINE (BALANGKAS)
Pagkakasunod-sunod ng nilalaman ng position paper.
1. Katayuan ng mga Kasarian sa lipunan.
2. Dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.
3. Mga hakbang upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa
lipunan.

Rubric sa Pagmamarka ng Position Paper


Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(4) (3) (2) (1)
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Magulo ang Walang
maayos ang kabuuan ng ilang datos. kaayusan ang
paglalahad ng paglalahad. mga datos.
mga datos.
Kalidad ng Lahat ng mga May ilang Hindi Hindi tama o
Impormasyon impormasyon ay impormasyon na maliwanag ang tiyak ang mga
maliwanag at hindi kaugnay ng mga impormasyon.
ayon sa paksa. paksa. impormasyon.
Paglalahad ng Malinaw at Malinaw ngunit Malabo at hindi- Walang
mga makatwiran ang hindi-makatwiran makatwiran ibinigay na
Reaksiyon lahat ng mga ang ilang mga ang reaksiyon o reaksiyon o
reaksiyon at opinion. opinion. opinion.
opinion.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 17


Gawain 5. Performance Task
Slogan ng Pagtanggap!
SITUATION:
Hindi lingid sa kaalaman natin na maraming mga indibidwal at grupo na may
layuning isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lipunan. Hangad
nila na magkaroon ng pagtanggap at paggalang sa lahat sa lipunan. Bilang isang
responsableng mag-aaral, lahat tayo ay may kani-kanilang gampanin upang
mawakasan ang masalimout na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Lahat
tayo ay may magagawa upang unti-unting maging pantay ang lahat sa lipunan. Isa
na rito ang pagpapahayag ng ating pagtanggap at paggalang sa lahat ng kasarian
sa lipunan.
GOAL:
Maipahayag ang pagtanggap at paggalang ng lahat ng kasarian sa lipunan.
ROLE:
Responsableng Mamamayan
PRODUCT:
Slogan na nagpapakita ng pagtanggap at paggalang ng lahat ng kasarian sa
lipunan.

Para sa Online Learning: Maaaring gumamit ng Computer Applications sa


paglalapat ng slogan.

Para sa Modular Learning: Sa isang medium-sized bond paper, ilagay ang slogan
at lapatan ng malikhaing disenyo na angkop sa tema ng slogan.
AUDIENCE:
Mga mamamayan
STANDARDS:
Ang islogan ay dapat nakahihikayat(persuasive), malinaw, nababasa, at malinis.
Kinakailangang maihayag ang layunin ng unyon at makapagbigay aral sa tao.

Rubric sa Pagmamarka sa Slogan


Pamatanyan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(4) (3) (2) (1)
Pagkamalik- Napakahusay at Mahusay at Di-gaanong Magulo ang
hain napakaganda maganda ang maganda at slogan.
ng slogan. slogan. mahusay ang
slogan.
Nilalaman/ Buong husay na Mahusay na Di-gaanong Kulang na
Mensahe naipapakita sa naipapakita sa mahusay na kulang sa
slogan ang slogan ang naipakita sa damdamin ang
mensahe na gustong slogan ang ipinakita sa
gustong ipabatid. gustong slogan.
ipabatid. ipabatid.
Kalinisan Napakalinis at Malinis at Di gaanong Marumi at
napakaayos ng maayos ang malinis at magulo ang
pagkakagawa. pagkakagawa. maayos ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 18


Tayahin
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong: Piliin ang
pinakawastong sagot, isulat ang titik lamang.

1. Ano ang tawag sa batayan o pamantayan ng lipunan sa kung ano ang


nararapat na tungkulin ng bawat kasarian?
A. Gender B. Gender Identity
C. Gender Role D. Sexuality
2. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga kababaihan ay kabilang
sa may mataas na antas ng pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang
sumusuporta dito?
A. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso
ng mga Espanyol.
B. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
C. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki
sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
3. Sa pagdating ng mga Kastila, ano ang ginampanan ng mga kababaihan?
A. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
B. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
C. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso
ng mga Espanyol.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki
sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
4. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting pumantay ang kababaihan sa
kalalakihan. Sa kasalukuyan, alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay
dito?
A. Maraming kababaihan ang nakapag-aral.
B. Naluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
C. Simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa Panahon ng Amerikano dinala nila ang ideya ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Ano ang nagpapatunay dito?
A. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
B. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
C. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso
ng mga Espanyol.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki
sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 19


Para sa aytem 7-10, Piliin ang tamang sagot na naglalarawan sa konsepto na
nasa ibaba. Gamitin ang mga pagpipilian na ito.

A. Gender B. Gender Identity C. Sex


D. Sexual Orientation E. Homosexual F.Heterosexual

6. Ito ang klasipikasyon ng isang tao na ibinibigay ng lipunan sa babae o lalaki.

7. Maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

8. Ang pagkakakilanlan ng mga kalidad ng pagkababae o pagkalalaki ng isang


tao.

9. Nakabatay sa kagustuhan ng isang tao depende sa kinalakhang paniniwala,


kapaligiran at pakikisalamuha sa ibang tao.

10. Ito ay tawag sa atraksiyon sa ibang seks (lalaki sa babae, babae sa lalaki).

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 20


Mga Sanggunian
Abejo, Raymund Arthur, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu, Advance
Reading Copy; Vibal Publishing House. Quezon City.

Antonio, Eleanor, et. al. (2017); Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu; Rex
Bookstore. Quezon City.

Araling Panlipunan 10, Learner’s Module

Department of Education, Araling Panlipunan, Most Essential Learning


Competencies.

Francisco, Paul Micah, et. al. (2015); Mga Kontemporaryong Isyu, The Library
Publishing House. Quezon City.

Jose, Mary Dorothy, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu; Vibal
Publishing House. Quezon City.

Sarenas, Diana Lyn R. (2017); Mga Kontemporaneong Isyu: Sibs Publishing


House Inc. Quezon City.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 21


Araling Panlipunan 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
22
Tayahin Subukin
1. C 1. C
2. D 2. D
3. C 3. C
4. A 4. C
5. D 5. D
6. A 6. D
7. B 7. C
8. C 8. B
9. D 9. E
10. E 10. A
Susi sa Pagwawasto
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City


Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10

You might also like