You are on page 1of 25

WHOLE BRAIN LEARNING

SYSTEM OUTCOME-BASED
EDUCATION

ARALING GRAD
PANLIPUNA E

3
10
1-2
LEARNING QUARTER
MODULE WEEK
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 0
MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN

KWARTER III
LINGGO 1
ARAW 1-6

KASARIAN AT SEKSWALIDAD

Development Team
Billy Joe T. RosalMerry Cris A. Tacang Lorma D. Valdez
Writers: Mercydora L. Pascual

Editors/Reviewers: Gloria M. Hernandez

Michel B. Bagaoisan

Layout Artist: Billy Joe T. Rosal


Management Team: Vilma D. EdaArnel S. Bandiola
Lourdes B. ArucanJuanito V. Labao Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Most Essential Learning Competency:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa
iba’t- ibang bahagi ng daigdig.

Mga Layunin:
Napaghahambing ang mga konsepto ng;
gender at sex; at
gender identity at sexual orientation.
Nasusuri ang mga gender roles sa iba’t -ibang bahagi ng mundo at;
Nakagagawa ng slogan na nagsusulong ng pagtanggap ng iba’t - ibang kasarian sa lipunan.

Alamin
Isang mahalagang katangian ng bawat tao ay ang kasarian at sekswalidad. Ito ay may
epekto sa kanyang buong pagkatao. Subalit dahil sa ibat-ibang paniniwala at pananaw, hindi
maiwasang magkaroon ng malubhang isyu tungkol dito.

Sa linggong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa konsepto ng kasarian, sekswalidad


at gender roles. Gamit ang modyul na ito, inaasahan na mabibigyang- linaw ang pagkakaiba
ng konsepto ng kasarian at sekswalidad at masusuri ang mga ibat- ibang gender roles sa
mundo. Ang modyul na ito ay naglalaman ng teksto at gawain na naglalayong magbigay ng
aral at kaliwanagan sa aralin. Inaasahan rin na magagawa mo ang lahat ng mga gawain na
iyong ilalagay sa Activity Notebook/ Sagutang Papel samantalang ang lahat ng awtput
ay ilagay sa Long Bond Paper.

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa bagong aralin, subukin mong sagutin ang panimulang

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 2


Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong: Piliin ang
pinakawastong sagot, isulat ang titik lamang.

1. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal


na katangian na nagtatakda sa pagkakaiba ng babae at lalaki?
A. Gender B. Gender Identity C. Sex D. Sexual Orientation

2. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang palagi mong


kasama mula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid.
Matapos mong matuklasan ang kaniyang oryentasyong sekswal, ano ang gagawin
mo?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito.
D. Igagalang ko ang kaniyang oryentasyong sekswal at pananatilihin ang aming
pagkakaibigan.

3. Ang konsepto ng gender at sex ay kadalasang napagpapalit. Ayon sa World


Health Organization, alin sa mga sumusunod na konsepto ang pinaka WASTO?
A. Ang sex ay tumutukoy sa pisyolohikal at kultural na katangian na nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
B. Ang sex ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
C. Ang sex ay tumutukoy sa pisyolohikal at biyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
D. Ang sex ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

4. Alin sa mga pahayag na ito ang naglalarawan sa mga homosekswal?


A. May sarili silang wikang ginagamit.
B. Gumagamit ng bahaghari na sagisag na watawat.
C. Sila iyong mga nakakaranas ng ekslusibong atraksiyon sa katulad na
kasarian.
D. Sila iyong mga tinatawag na paminta mula sa “pamen” na
nagpapanggap na lalaki.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 3


5. Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal o sexual orientation
ay:
A. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba
sa kanya, o kasariang higit sa isa.
B. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak.
C. Ito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.
D. Lahat ng nabanggit.

Para sa aytem 6-10. Basahin at piliing mabuti ang tinutukoy na konsepto.


A. Babaylan B. Bigay Kaya C. Binukot
D. Boxer Coder E. Comfort Women

6. Ang kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa ng marami.


7. Mga babae na itinatago sa mata ng publiko, itinuturing silang prinsesa at hindi sila
pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan
hanggang sa magdalaga.
8. Ito ay binibigay ng lalaki sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
9. Naging parausan ng mga sundalong Hapon sa panahon ng digmaan.
10. Ang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot kadalasan ay
kababaihan.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 4


Aralin

1 Kasarian at Sekswalidad

Tuklasin
Ang Kasarian at Sekswalidad ay dalawang konsepto na palaging napagpapalit ng
kahulugan. Upang ikaw ay maliwanagan sa konseptong ito basahing mabuti ang teksto
tungkol sa Konsepto ng Kasarian at Sekswalidad.

Konsepto ng Kasarian (Gender) at Sekswalidad (Sex)


Ang konsepto ng gender at sex ay kadalasang napagpapalit. Malaki ang pagkakaiba
ng dalawang konseptong ito. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos,
at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

Katangian Kategorya

Ang pagkakakilanlan ng mga kalidad ng pagkababae o pagkalalakiMale


ng isang tao.
Bayolohikal na kalagayan ng isang tao

Sex Female

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 5


Ito ang
klasipikasyon ng Masculine
isang tao na
ibinibigay ng
lipunan sa babae o
lalaki.
Feminine
Gender
Nag-uugat sa
kultura ng isang
tao hindi sa
kanyang
bayolohikal na
katangian

Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ng
lipunan, subalit sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang pagkakaiba-iba nito.

Upang lubos na maintindihan mo ito, pag-aralan ang tsart tungkol sa katangian ng Sex
at Gender.
Sex Gender
Bayolohikal o kakambal na ng tao Sosyo-sikolohikal o nakabatay sa kultura
pagkapanganak. at lipunang ginagalawan.
Panlahat (universal) Nakatali sa kultura
Hindi nagbabago Maaaring magbago dahil sa kultura,
lipunan at panahon.

Halimbawa ng Katangian ng Sex at Gender (Characteristics of Sex and Gender)


Sex Gender
Ang babae ay nagkakaroon ng Ang mga babae ay hindi dapat gumawa ng
buwanang regla samantalang ang lalaki mabibigat na bagay.
ay hindi
Ang lalaki ay may bayag (testicles) Sa Vietnam, mas maraming lalaki ang
habang ang mga babae ay wala. naninigarilyo.
Sa Saudi Arabia, ang mga babae ay
hindi maaaring magmaneho.

Ang mga binaggit sa itaas ay mga halimbawa lamang ng katangian ng sex at gender.
Ang sex ay magkakapareho sa mundo habang ang gender ay maaaring magkakaiba-iba sa
iba’t- ibang lipunan sa mundo.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 6


.Suriin
Upan g mapagtibay mo ang iyong kaalaman, basahing mabuti ang teksto tungkol sa
Konsepto ng Sexual Orientation at Gender Identity. Pagkatapos, subuking sagutan ang
gawain sa ibaba.

Konsepto ng Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI)


Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual
orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala
bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Upang lubos mong maintindihan ang dalawang konsepto tunghayan ang dalawang
tsart na ito.

Katangian Kategorya

Heterosexual-
atraksiyon sa ibang
seks (lalaki sa babae,
babae sa lalaki)

Ito ang pisikal, Homosexual-


emosyonal na atraksiyon sa kapwa
atraksiyon ng isang kasarian (lalaki sa
indibidwal para sa lalaki, babae sa
iba pang indbidwal. babae)
Sexual Nakabatay sa
Orientation kagustuhan ng isang Bisexual- kung may
atraksiyon sa
tao depende sa
kinalakhang parehong babae at
paniniwala, kapaligiran lalaki.
at pakikisalamuha sa
ibang tao.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 7


Cisgender- Ang
pagkilala sa sarili
ay tugma sa sex
assigned at birth
Ito ay malalim na
damdamin at Lesbian- sila ang
personal na mga babae na ang
karanasang kilos at damdamin
Gender pangkasarian ng
isang tao.
ay panlalaki; mga
babaeng may
Identity Maaaring
pusong lalaki at
umiibig sa kapwa
nakatugma o hindi babae.
nakatugma sa sex
niya nang siya’y Gay- mga lalaking
ipanganak nakararamdam ng
atraksyon sa
kanilang kapwa
lalaki
Transgender-
babae o lalaki na
piniling magpalit
ng kasarian sa
pamamagitan ng
pagpaparetoke o
pag-inom ng mga
gamot.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 8


Pagyamanin
Matapos mong malaman ang mga konsepto na may kinalaman sa kasarian at sekswalidad.
Ngayon naman ay iyong pagyamanin ang iyong natutunan.

Gawain 1. Error Correction Test Item


Suriing mabuti ang nasagutang gawain sa AP 10. Gawin ang mga sumusunod.
1. Tukuyin kung tama ba ang sagot.
2. Ipaliwanag kung bakit mali ang sagot.
3. Ipaliwanag ang itinamang sagot.

Tanong Sagot
1. Ang Gender ay bayolohikal na Tama
pagkakakilanlan ng isang tao.
2. Ang Gender ay klasipikasyon ng isang tao na Mali, ang inilahad na
ibinibigay ng lipunan sa babae o lalaki. kahulugan ay patungkol sa Sex.

3. Ang Sexual Orientation ay nakabatay sa Tama


kagustuhan ng isang tao depende sa kinalakhang
paniniwala, kapaligiran at
pakikisalamuha sa ibang tao.
4. Ang Gender Identity ay pisikal, emosyonal Tama
na atraksiyon ng isang indibidwal para sa iba
pang indbidwal.

IDENTIFIED ERROR CORRECTION OF EXPLANATION OF


ERROR CORRECTION

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 9


Rubric sa Pagmamarka ng Error Correction Test Item

Component Acceptable Partially Acceptable Not Acceptable


(2) (1) (0)
Error Wastong at ganap Wasto ngunit hindi Walang kamalian
Identification na natukoy ang ganap na natukoy ang na natukoy
kamalian kamalian
Explanation of Lohikal na Ang pagpapaliwanag Hindi nagbigay ng
Correction naipapaliwanag ang ay nakakalito pagpapaliwanag
mga kamalian
Correction and Tama ang mga Tama ang iniwasto Hindi nagbigay ng
its Explanation iniwasto at lohikal ngunit nakakalito ang pagpapaliwanag.
na naipapaliwanag pagpapaliwanag.
ang sagot. Maari ring mali ang
iniwasto.

Magaling! Ipagpatuloy ang pagsusuri sa aralin.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Aralin

2 Gender Roles

Gender Roles sa Pilipinas


Ang Gender Roles ay batayan o pamantayan ng lipunan sa kung ano ang nararapat na
tungkulin ng bawat kasarian. Ang gender roles ay nakadepende sa kultura at kapaligiran na
ginagalawan ng babae at lalaki. Kayat may mga pagkakataong hindi akma sa nakagisnang
kasarian ang tungkulin na ginagampanan. Narito ang katayuan at gampanin ng lalaki at babae
sa iba’t- ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong panahon bago pa dumating ang mga Kastilla, ang kababaihan ay kabilang sa
may mataas na antas ng pamumuhay. Ang Binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng
publiko. Itinuturing silang prinsesa at hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na
kasanayan sa Panay. Babaylan ang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong
manggagamot kadalasan ay kababaihan. Kung ang isang lalaki naman ay gustong maging
babaylan ay dapat siya ay magdamit pangbabae. Isa pang kultura na nagpapakita ng pagiging
mataas ang antas ng kababaihan ay ang pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito
ay binibigay ng lalaki sa pamilya ng babae bago niya ito pakasalan. Makikita sa mga
tradisyong ito na pinapahalagahan ang kababaihan sa pre-kolonyal na lipunan. Ayon naman
sa Boxer Codex ang kalalakihan ay pinapayagang mag-asawa ng marami. Maaaring
patayin ng lalaki ang kanyang asawa sa sandaling makita na niya na may kasama itong lalaki.
Kung maghihiwalay ang mag-asawa, kukunin ng lalaki ang dote o bigay-kaya at ang babae
ay walang makukuha dito.
Sa pagpasok ng Kolonyang Espanya sa Pilipinas, naging limitado ang karapatan ng
mga kababaihan dahil sa patriarkal na pamumuno nito. Ito ay dahil sa sistemang legal na
dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang
kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may
mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay
ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina
Marina Dizon, Melchora Aquino at iba pa ay tumulong sa adhikain ng mga katipunero na
labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Sa pagdating ng mga Amerikano dinala nila ang ideya ng kalayaan, karapatan, at


pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para
sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa
Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril
30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
Sa pagdating ng mga Hapones sa bansa at pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga
Hapones. Ngunit ang panahong ito rin ang nagbigay dungis sa kababaihan, marami sa kanila
ang naging Comfort Women o naging parausan ng mga sundalong Hapon sa panahon ng
digmaan.
At noong makamtang muli ng bansa ang kalayaan noong July 4, 1946, Ang
kababaihan ay nagpapatuloy muli sa kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa
tahanan at tumanggap ng iba’t- ibang trabaho na kahalintulad sa mga kalalakihan. Sa pagdaan
ng panahon, unti-unting pumantay ang kababaihan sa kalalakihan, pinasok nila ang mga
trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa. Sa katunayan pati ang mundo ng pulitika ay
umukit ng kasaysayan ang kababaihan nang malukluk si Geronima Tomelden-Pecson
bilang kauna-unahang senador at Elisa Rosales-
Ochoa – kauna-unahang kongresista, Corazon Aquino at Gloria Arroyo bilang pangulo
ng ating bansa.

Ang Komunidad ng LGBT sa Pilipinas


Matatandaan na hindi nabago ang LGBT sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong panahong
Pre-Kolonyal, may mga lalaking gustong maging Babaylan, kung kayat sila ay nagdadamit
ng pambabae at nag-aasawa ng parehong kasarian. Ngunit sa pagpasok ng Kolonyal na
kaisipan na hatid ng mga Kastila, naging pangunahing relihiyon ng mga Pilipino ang
Katolisismo na kung saan tahasang tinuligsa nito ang mga gawaing pang-homosekswal na
tanging lalaki at babae lamang ang ginawa ng Diyos.
Dekada 60, ang pinaniniwalaang panahon na umusbong ang gay culture sa
Pilipinas. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa
homoseksuwalidad. Noong Dekada 90 naman pinaniniwalaang umusbong ang LGBT
movement sa bansa, matapos naitatag ang iba’t- ibang mga samahan ng LGBT at naging
bukas ang kamalayan ng ilang Pilipino tungkol sa Ikatlong kasarian.

Gender Roles sa Iba’t -ibang Bahagi ng Mundo

Ang mga bansang nasa kontinente ng Amerika at Europa ay kilala sa pagiging liberal
o may mas higit na pagtingin sa kababaihan kaysa sa mga saradong bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Sa pagdaan ng panahon sa liberal na bansa, unti-unting pumapantay ang
kababaihan sa kalalakihan sa iba’t- ibang larangan.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Africa at Kanlurang Asya
Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa
mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae
upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang
ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya
ang mga babae na makaboto. Taong 2015, muling binigyan ng karapatan ng Saudi
Arabia ang mga kababaihang bumoto at noong 2017 naman ay tinapos ang dalawang
dekadang pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan. Ang paglalakbay rin
ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang mga
babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng
pang-aabuso (seksuwal at pisikal). Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO),
may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa
29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-
medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ang Female Genital
Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon,
pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon
na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may
mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si
Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang
mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang
tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli.
Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre
nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga
pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga
at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang
pamilya at pangkat. Samantala sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o
kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa
huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay
may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at
Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng
kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos
sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies.
HarperCollins Publishers, 1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html

Pagyamanin
Matapos mong malaman ang mga konsepto ng gender roles at iba’t-ibang gampanin
ng mga kasarian sa iba’t -ibang parte ng mundo. Ngayon naman ay iyong pagyamanin ang
iyong natutunan.

Gawain 2. Gender Role Timeline


Punan ang bawat yugto ng kasaysayan ng bansa ng gampanin ng lalaki at babae.
Gampanin ng Babae Yugto ng Kasaysayan Gampanin ng Lalaki
Pre-Kolonyal

Panahon ng Kastilla

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapones

Kasalukuyang Panahon

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin
mo?

2. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa


lipunan/pamayanan? Pangatwiranan.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Gawain 3. Opinyon Ko!!!!

Ipahayag ang opinyon tungkol sa Gender Roles sa Kanlurang Asya, Africa at New Guinea.

1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ano sa
palagay mo ang epekto sa kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?

2. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at mga miyembro ng


LGBT sa Africa at Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.

3. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalaki sa tatlong
pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?

4. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng personalidad at


pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?

Magaling! Ipagpatuloy ang pagsagot sa mga gawain.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan 1


Isaisip
Bago mo isabuhay ang mga natutunan mo sa modyul na ito, kailangang mo munang
pagtibayin ang mga natutunan mo. Buuin ang mga pangungusap sa ibaba.

Ang sex ay tumutukoy sa

samantalang ang gender ay tumutukoy sa

Ang sexual orientation ay tumutukoy sa

samantalang ang gender identity ay tumutukoy sa

Ang Gender Roles ay

Binabati kita sa pagsagot sa mga gawain!

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


1
Isagawa

Gawain 4. Written Work


Creative Constructed Response Test Item

SITUATION(SITWASYON)
Isang malaking isyu na kinakaharap pa rin ngayon ng lipunan ay ang pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian sa lipunan. Hindi natin maikakaila kahit sa panahong ngayon ay
patuloy pa ring lumalaki ang agwat ng mga kasarian sa
lipunan.
QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT
Ikaw ay bibigyan ng pagkakataong, sumulat ng position paper tungkol sa tunay na
katayuan ng mga lalaki, babae at miyembro ng LGBT sa lipunan. Ang position paper ay
dapat maglaman ng mga sagot sa mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang katayuan ng mga lalaki, babae at miyembro ng LGBT sa lipunang
Pilipino?
2. Ano-ano ang mga dahilan kung may hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan?
3. Ano ang maaari nating gawin upang maibsan ang agwat at maisulong ang
pagkakapantay-pantay sa lipunan?
SAMPLE PROMPTS/OUTLINE (BALANGKAS)
Pagkakasunod-sunod ng nilalaman ng position paper.
1. Katayuan ng mga Kasarian sa lipunan.
2. Dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.
3. Mga hakbang upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa lipunan.

Rubric sa Pagmamarka ng Position Paper


Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(4) (3) (2) (1)
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Magulo ang Walang
maayos ang kabuuan ng ilang datos. kaayusan ang
paglalahad ng paglalahad. mga datos.
mga datos.
Kalidad ng Lahat ng mga May ilang Hindi maliwanag Hindi tama o
Impormasyon impormasyon ay impormasyon na ang mga tiyak ang mga
maliwanag at hindi kaugnay ng impormasyon. impormasyon.
ayon sa paksa. paksa.
Paglalahad ng Malinaw at Malinaw ngunit Malabo at hindi- Walang ibinigay
mga makatwiran ang hindi-makatwiran makatwiran ang na
Reaksiyon lahat ng mga ang ilang mga reaksiyon o reaksiyon o
reaksiyon at opinion. opinion. opinion.
opinion.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


1
Gawain 5. Performance Task
Slogan ng Pagtanggap!
SITUATION:
Hindi lingid sa kaalaman natin na maraming mga indibidwal at grupo na may layuning
isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lipunan. Hangad nila na
magkaroon ng pagtanggap at paggalang sa lahat sa lipunan. Bilang isang responsableng
mag-aaral, lahat tayo ay may kani-kanilang gampanin upang mawakasan ang masalimout
na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Lahat tayo ay may magagawa upang unti-
unting maging pantay ang lahat sa lipunan. Isa na rito ang pagpapahayag ng ating
pagtanggap at paggalang sa lahat ng kasarian
sa lipunan.
GOAL:
Maipahayag ang pagtanggap at paggalang ng lahat ng kasarian sa lipunan.
ROLE:
Responsableng Mamamayan
PRODUCT:
Slogan na nagpapakita ng pagtanggap at paggalang ng lahat ng kasarian sa lipunan.

Para sa Online Learning: Maaaring gumamit ng Computer Applications sa paglalapat


ng slogan.

Para sa Modular Learning: Sa isang medium-sized bond paper, ilagay ang slogan at
lapatan ng malikhaing disenyo na angkop sa tema ng slogan.

AUDIENCE:
Mga mamamayan
STANDARDS:
Ang islogan ay dapat nakahihikayat(persuasive), malinaw, nababasa, at malinis.
Kinakailangang maihayag ang layunin ng unyon at makapagbigay aral sa tao.

Rubric sa Pagmamarka sa Slogan


Pamatanyan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(4) (3) (2) (1)
Pagkamalik- Napakahusay at Mahusay at Di-gaanong Magulo ang
hain napakaganda ng maganda ang maganda at slogan.
slogan. slogan. mahusay ang
slogan.
Nilalaman/ Buong husay na Mahusay na Di-gaanong Kulang na
Mensahe naipapakita sa naipapakita sa mahusay na kulang sa
slogan ang slogan ang naipakita sa damdamin ang
mensahe na gustong ipabatid. slogan ang ipinakita sa
gustong gustong slogan.
ipabatid. ipabatid.
Kalinisan Napakalinis at Malinis at Di gaanong Marumi at
napakaayos ng maayos ang malinis at magulo ang
pagkakagawa. pagkakagawa. maayos ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


1
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong: Piliin ang pinakawastong
sagot, isulat ang titik lamang.

1. Ano ang tawag sa batayan o pamantayan ng lipunan sa kung ano ang nararapat na
tungkulin ng bawat kasarian?
A. Gender B. Gender Identity
C. Gender Role D. Sexuality
2. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga kababaihan ay kabilang sa may
mataas na antas ng pamumuhay. Alin sa mga sumusunod ang sumusuporta dito?
A. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
B. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
C. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki sa
pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
3. Sa pagdating ng mga Kastila, ano ang ginampanan ng mga kababaihan?
A. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
B. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
C. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki sa
pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.
4. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting pumantay ang kababaihan sa kalalakihan. Sa
kasalukuyan, alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay dito?
A. Maraming kababaihan ang nakapag-aral.
B. Naluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.
C. Simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika.
D. Lahat ng nabanggit
5. Sa Panahon ng Amerikano dinala nila ang ideya ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Ano ang nagpapatunay dito?
A. Pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
B. Pinasok nila ang mga trabahong dati lalaki lamang ang gumagawa.
C. Tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
D. Pagbibigay ng Bigay-kaya o Dote (Bride Price) ito ay binibigay ng lalaki sa
pamilya ng babae bago niya ito pakasalan.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


1
Para sa aytem 7-10, Piliin ang tamang sagot na naglalarawan sa konsepto na nasa ibaba.
Gamitin ang mga pagpipilian na ito.

A. Gender B. Gender Identity C. Sex


D. Sexual Orientation E. Homosexual F.Heterosexual

6. Ito ang klasipikasyon ng isang tao na ibinibigay ng lipunan sa babae o lalaki.

7. Maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

8. Ang pagkakakilanlan ng mga kalidad ng pagkababae o pagkalalaki ng isang tao.

9. Nakabatay sa kagustuhan ng isang tao depende sa kinalakhang paniniwala,


kapaligiran at pakikisalamuha sa ibang tao.

10. Ito ay tawag sa atraksiyon sa ibang seks (lalaki sa babae, babae sa lalaki).

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


2
Mga Sanggunian
Abejo, Raymund Arthur, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu, Advance Reading
Copy; Vibal Publishing House. Quezon City.

Antonio, Eleanor, et. al. (2017); Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu; Rex Bookstore.
Quezon City.

Araling Panlipunan 10, Learner’s Module

Department of Education, Araling Panlipunan, Most Essential Learning Competencies.

Francisco, Paul Micah, et. al. (2015); Mga Kontemporaryong Isyu, The Library Publishing
House. Quezon City.

Jose, Mary Dorothy, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu; Vibal Publishing
House. Quezon City.

Sarenas, Diana Lyn R. (2017); Mga Kontemporaneong Isyu: Sibs Publishing House Inc.
Quezon City.

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


2
Susi sa Pagwawasto

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan


2
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City Curriculum Implementation Division


Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900 Contact Number: (077)-771-3678
Email Address:

WBLS- MELC- Self-Learning Araling Panlipunan

You might also like