Professional Documents
Culture Documents
PANITIKANG
WEEK: _1___
Pangalan : __________________________________________
Instruktor : __________________________________________
I. Pangkalahatang Ideya
Isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan ang panitikan. Isa ito sa pangunahing institusyon ng
pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan. Samakatuwid, hindi salamin o
ekspresyon ang panitikan kundi institusyon at kasangkapan na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng
pag-iisip at kakayahan ng mga mamamayan sa loob ng isang lipunan.
Ang lawak ng kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay ng isipan sa mga
larangan ng kaalaman at impormasyon. Sa pagpasok ng bagong milenyo, higit na malawak na daigdig ng
cybernet ang nag-aanyaya upang higit na mapaunlad ang larangan ng komunikasyon. Ito ang hinihingi ng
intelektwalisasyon ng anumang lengguwahe sa daigdig, kabilang na ang wikang Filipino. Ang kaunlaran ay
bunga ng masaklaw na pagbabasa at sensitibong pagmamasid at pagsisiyasat sa mga bagay-bagay na
nasasalubong at nararanasan sa landas ng buhay.
III.Pagtalakay at mga
Gawain sa pagkatuto
Katuturan ng Panitikan
• Ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga
pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng
mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may
kaugnayan sa iba’t ibang paksa ; o ang anumang bungang –
isip na naisatitik. ( Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni
Webster )
• Ito ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
pamahalaan, sa lipunan, at kaugnayan ng kaluluwa sa
Dakilang Lumikha. ( Bro. Azarias )
• Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang
bansa , mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan at
pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa mga piling salita;
sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o
hindi. ( Paz Nicasio at Federico Sebastian )
Lagakan ng kaalaman ang isipan ng bawat nilalang. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi lamang impormasyon
o kaalaman ang mahalaga. Kailangang maiugnay ang mga ito sa ibang impormasyon upang makalikha ng mga bagong
kaisipan. Maaaring pag-ugnayin ang mga kaalamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng Apperception Theory sa
edukasyon. Ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisip ay hindi galling sa pandama o pakiramdam kundi
mula sa muni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan.
Ang panitikan at pag-aaral nito ay pumapasok sa dalawang antas ng teoryang ito:
1. Percept – ipinakikita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat.
2. Concept – pinayayaman ang kahulugan nito at ang nilalaman ng wikang ginamit.
Sa pamamagitan ng masusing pagtalakay sa mga akdang pampanitikan, mapapataas ang larangang intelektwal
sa pagtanaw sa kultura ng isang bansa kasama na ang paglinang sa wikang ginagamit sa lipunang kasangkot dito.
1. Patula- masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na
maaaring may sukat at tugma. Nahahati sa apat ang mga uri ng tula.
► Liriko o tula ng damdamin- nagsasaad ng marubdob na karanasan , guni-guni o damdamin ng may-akda.
Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya at awit.
► Pasalaysay- mga tulang may kuwento at mga tauhang gumagalaw.Halimbawa nito ang epiko, awit at
korido.
► Tulang pandulaan- mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag at sarswela.
► Tulang patnigan- tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatab, duplo at balagtasan.
2. Tuluyan- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap. Mabibilang
ditto ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, nobela, talambuhay, pangulong tudling, sanaysay, balita,
talumpati, dula atbp.
Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa pamamagitan ng iba’t
ibang dahilan. Anu ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng
mga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?
1. KAPALIGIRAN ng isang pook – ditto ay kasama na ang iba’t ibang sangkap na kalikasan
tulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito.
2. KARANASAN ng tao – ditto maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na
mapaghahanguan ng paksa sa iba’t ibang uri ng akda.
3. SALIK NA PANLIPUNAN AT PAMPULITIKA – ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan
gayundin sa pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan,
kalinangan at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa.
4. SALIK NA PANRELIHIYON – hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na
natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensya upang an gating
mga manunulat sa iba’t ibang panahon ay makasulat ng mga obra maestrang pang habang
panahon.
5. EDUKASYON – sa pamamagitan ng mga naituro sa atin sa mga institusyong sa ating
bansang kinagisnan, higit na nagkaroon ng puwang sa ating puso ang makalikha ng mga
akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan natin
ngayon.
ʘ Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
1. BANAL NA KASULATAN ( Bibliya ) - mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan.
2. KORAN ( Bibliya ng mga Mohamedan ) – mula sa Arabianat nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang
siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan.
3. ILIAD AT ODYSSEY ni Homer – mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga
Greko noong kanilang kapanahunan.
4. MAHABHARATA – mula sa India. Tumatalakay ito sa mga pakikipagsapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan.
Ito ang pinakamahabang tula sa daigdig na may 220,000 taludtod o linya.
5. DIVINE COMEDY ni Dante Aleghiere – mula sa Italya. Tinalakay dito ang isang paglalakbay sa langit , sa
impiyerno at purgatory at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa
lupa.
6. EL CID – mula sa Espanya. Nagpakilala ito ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang mga alamat
at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
7. SONGS OF ROLAND ng Pransia – kinapapalooban ito ng mga kuwentong Roncesvalles at ang lalong
kilalang Doce Pares ng Pransia.
8. FIVE CLASSICS AT FOUR BOOKS – mula sa Tsina at kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni
Confucius.
9. BOOK OF THE DEAD – ng Ehipto na kinapapalooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiyang
Ehipto.
10. A THOUSAND AND ONE NIGHT – ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan,
pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga-Silangan.
11. CANTERBURRY TALES – ni Chaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng
mga Ingles noong unang panahon
12. UNCLE TOM’S CABIN – ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binigyang diin dito ang karumal-dumal na
kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa
daigdig.
Florante at
Laura ni
Francisco
Balagtas
Nena at
Neneng ni Noli at Fili ni
Valeriano H. Dr. Jose Rizal
Pena
Banaag at Sikat ni
Lope K. Santos
Kahapon,
Maganda Pa
Ngayon at
ang Daigdig ni
Bukas ni
Lazaro
Aurelio Isang Dipang Francisco
Tolentino Langit, Mga
Ibong
Mandaragit, at
Luha ng
Buwaya ni
Amado V.
Hernandez
ʘ Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na Nagbibigay-anyo sa Akda
Estetika
• Mga halimbawa•
• Paningin • Panlasa
• Pandinig • Pansalat
Sentidong Panlabas • Pang-amoy
( External Senses )
• Mga Halimbawa•
• Imahinasyon o guniguni
• Memorya
Sentidong Panloob • Pang-unawa
( Internal Senses )
• Huwisyo o pagpapasya
Dahil dito, ang layon ng estetika ay mga (a) persepsyon ng mga setidong
panlabas, at mga (b) konsepton na bunga ng mga sentidong panloob. Sa
dalawang ito nauukol ang siyam na nakatala sa ibaba na siya nating pag-aaralan.
Diksyon
- paggamit ng Kasangkapang
Nilalaman Denotasyon mga salita na Panretorika
- tumutukoy sa - ito ang bunga ng -ito ay may
tauhan, kahulugang maingat at kinalaman
tagpuan, madaling makabuluhang kaayusan ng mga
suliranin, aksyon mahanap sa pagpili ng mga salita.
at tema.Konotasyondiksyunaryo. salita.Kasangkapang
Pansukat
- tawag sa
implikasyon ng - pamamaraan
mga salita o na ginagamit ng
pananalita. akda.
Tono
Kasangkapang
Metaporikal - ito ang nagsasabi
- may kinalaman dito
kung ano ang
ang punto de vista at saloobin na
persona ng akda. nakapaloob sa
teksto.
Istruktura
- ang pangkalahatang
kaayusan at
pagkakahanay ng
mga bahagi ng isang
akda.
► Ang Panitikan ay pagpapahayag na pasalita man o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa
kanilang pamumuhay, paniniwala, pamahalaan, lipunan, kaisipan, pamahiin, pananampalataya,
karanasan na hinabi sa isang maganda at makasining na paraan.
► Ang pag-aaral ng panitikan ay naglalayong:
1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng panitikan mula sa panahong bago
dumating ang mga kastila hanggang sa kasalukuyan.
2. Mapalalim ang pang-unawa tungkol sa mga paraan ng pagbibigay-buhay sa mga saloobin ,
pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng panitikan bilang produkto ng lipunan
at kasaysayan.
3. Makatulong sa paglikha ng kritikal na pananaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
layunin ng panitikan-maging salamin ng buhay, sumang-ayon o bumalikwas sa
namamayaning kalagayan.
4. Makabuo ng kamalayan na tumitingin sa panitikan bilang mayamang bukal ng mga saloobin
at paniniwala tungkol sa makatuwirang ugnayan ng tao sa sarili, tao sa kapwa, tao sa
kanyang pamayanan at tao sa kanyang lumikha.
V. Pagtataya
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
2. Bilang isang mag-aaral, paano nakaka apekto ang panitikan sa inyong pang araw-araw na pamumuhay?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
A B
C. Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa salitang PANITIKAN. Angkupan ang bawat titik ng pangungusap
na tutugon sa hinihingi ng Gawain.
P____________
A____________
N____________
I_____________
T_____________
I_____________
K____________
A____________
N___________
VI. Karagdagang
Gawain
VII. \
Rate your learning experience in using this module according to the following scale.
VIII. Sanggunian
• Arrogante, Jose A. 1999. Panitikang Filipino(Pampanahong Elektroniko). Mandaluyong City: National Book Store.
• Santiago, Erlinda M. et. al. 1989. Panitikang Filipino. Mandaluyong City: National Book Store.