Professional Documents
Culture Documents
Magandang Umaga Po Sa Ating Lahat Ako Po Si Maricson B
Magandang Umaga Po Sa Ating Lahat Ako Po Si Maricson B
Ang mga Gawain na aking ginawa ay aking ibinatay sa kumpetensi na nabanggit. Dahil ito ay
pakikinig inaasahan na ang magbabasa ng mga teksto na nakapaloob sa mga gawain ay ang magulang,
nakatatandang kapatid o taga gabay. Ang mga Gawain na ito ay may ibat ibang antas ng kahirapan. Ang
unang gawain ay madali o simple, ang ikalawa ay katamtaman at ang ikatlong gawain ay may kahirapan.
Ang gawain na aking ginawa ay tatasain ang kakayahan ng bata na magsalaysay muli ng napakinggang
teksto sa tulong ng pangungusap.
Para mabigyan ng puntos ang ginawa ng bata gagamit ang guro ng isang rubric para sa pagtutuos.
Para naman po makapagnilay o makapagmuni muni ang mga mag – aaral sa kanilang natutunan na
kaalaman, kakayahan, at pagpapahalaga ang repleksyon sa pagkatuto ay kanilang gagawin. Dito nila
malalaman kanilang antas ng pagganap at aksyon na maari nilang gawin sa katumbas na interpretasyon
sa bawat talahanayan na kanilang sinagutan. Inaasahan na magiging tapa tang mga mag –aaral sa
pagsagot nito.
Ang repleksyon sa pagkatuto na nasa huling bahagi ng gawaing papels sa pagkatuto ay ay nahahati sa
dalawa. Ang unang bahagi repleksyon para sa mga sinagutang gawain. Ito ay nahahati sa tatlong
talahanayan. Ang unang talahanayan ang magsisilbing gabay ng bata sa pagbibigay nila ng marka sa
talahanayan 2.