You are on page 1of 5

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

Learning Area at Kulturang Filipino


Blended Learning / Modular Distance
Learning Delivery Modality Modality (Learners-Led Modality)

School Laguna Senior High School Grade Level 11


CARMELA B. SALVADOR FILIPINO
Teacher Learning Area
Lesson
NOVEMBER 1 -5, 2021 FIRST
Exemplar Teaching Quarter
Date
2:30-3:30 p.m. Number of 2
Time Days

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayaring
may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa.
2. nakabubuo ng isang maikling talata gamit ang sanhi at
I.LAYUNIN
bunga.
3. nagagamit at napahahalagahan ang kasaysayan ng
pag – unlad ng wikang pambansa gamit ang sanhi at
bunga.
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
Pangnilalaman kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang


B. Pamantayan sa Paganap pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa
ng PIlipinas.
C. Pinakamahalagang Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga
Kasanayan sa Pagkatuto pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang
(MELC) pambansa. (F11WG-Ih-86)
D. Enabling Competencies
II. Nilalaman Aralin 13: Sanhi at Bunga
III.KAGAMITANG PANTURO Laptop, TV, Modyul, Power point,
A. MGA SANGUNIAN

1. Pahinang Gabay sa Guro MELC FILIPINO G11, pahina 557,


PIVOT BOW R4QUBE, pahina 321
2. Mga pahina sa Modyul sa Filipino 11
kagamitang Pangmag- Modyul para sa Mag-aaral p. 279 - 289
aaral Unang Edisyon 2020
3. Pahina sa teksbuk Modyul sa Filipino pp. 95-117
4. KaragdagangKagamitan Power point presentation kalakip sa google classroom at
mula sa Portal ng nakasumite sa Group chat.
Learning Resource
B. Listahan ng Kagamitang -https://www.youtube.com/watch?v=xGK8z3DXw7E
Panturo para samga Gawain -power point presentation
sa Pagpapaunlad at -Laptop, Modyul etc.
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
ALAMIN

• Ipababasa ng guro sa mga mag-aaral ang bahaging


Alamin na matatagpuan sa modyul, pahina 279.
Makatutulong ito upang higit na maunawaan ng mga
mag-aaral ang layunin na dapat nilang mabatid at
kasanayang dapat nilang matutunan sa paksang
tatalakayin.

SUBUKIN

• Bago magsimulang talakayin at unawain ng mga mag-


A. PANIMULA aaral ang paksang aralin, susubukin muna nila ang kanilang
mga nalalaman ukol sa paksa.

Sasagutan ng mga mag-aaral ang bahaging Subukin na


matatagpuan sa modyul sa pahina 280 – 281.

(Ipaaalala ng guro ang katapatan sa pagsasagot ng bahaging


ito. Hindi kinakailangan ang perpektong marka, ang mahalaga
ay sikaping masagutan ng mga mag-aaral sa abot ng kanilang
makakaya ang mga katanungan.)

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang


matukoy ang ugnayang sanhi at bunga. Bago ipagpatuloy ang
pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na
gawain.

BALIKAN
• Pasasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging
Balikan na matatagpuan sa pahina 219 ng modyul.
Isusulat ang kanilang sagot sa kanilang kwaderno.

B. PAGPAPAUNLAD TUKLASIN

• Ipababasa at uunawaing mabuti ng mga mag-aaral


ang bahaging Tuklasin na matatagpuan sa modyul sa
pahina bilang 283.
Ang sanhi ay isang pangyayaring maaaring
humantong sa isang bunga. Halimbawa, narinig mo ang
sirena ng trak ng bumbero. Ano ang maaaring bunga ng
sirenang ito?
Isang maaring mangyari ang ikagulat at ikabahala
ang sirenang narinig. Kaya ang naging bunga ng sirena
sa iyo ay nagulat at nabahala ka.
May palatandaang salita o pahayag na karaniwang
ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakaroon ng sanhi
at bunga: kaya, kaya naman, dahil sa, dahil dito, buhat
nang, bunga nito, tuloy, sapagkat, pagkat. Ang mga
salita o pahayag na ito ay tinatawag ding mga pang-
ugnay.
Halimbawa: Naranasan ni Pangulong Manuel L.
Quezon na sa sarili niyang bansa ay hindi sila
nagkakaintindihan ng mamamayan, gumawa siya nang
hakbang at isang ahensya na mag-aaral ng magiging
batayan ng wikang pambansa, at ito ay ang Surian ng
Wikang Pambansa

Sanhi: Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili


niyang bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan

Bunga: gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-


aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa Sanhi:
Naranasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na sa sarili niyang
bansa ay hindi sila nagkakaintindihan ng mamamayan

Bunga: gumawa siya nang hakbang at isang ahensya na mag-


aaral ng magiging batayan ng wikang pambansa

Paano mo masasabing ang mga pahayag ay sanhi o bunga?


Ipaliwanag.

SURIIN

• Kung lubos na naunawaan ng mga mag-aaral ang


binasang aralin, sasagutan nila ang sipi ng gawain sa bahaging
Suriin na matatagpuan sa pahina 284 ng
modyul.

(Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong


konsepto at mga kasanayan. Ito rin ay makatutulong upang mas
mapalawig pa ang kaalaman mo sa araling sinimulan.)

PAGYAMANIN

• Upang mapagtibay ang pag-unawa at kasanayan ng mga


mag- aaral ukol sa paksa ay pasasagutan sa kanila ang
bahaging Pagyamanin na matatagpuan sa modyul sa pahina
285-286. Isusulat ang kanilang sagot sa kanilang kwaderno.
ISAISIP

• Iproseso pa natin kung ano ang mga natutunan mo mula


sa aralin. Pasasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging Isaisip
na matatagpuan sa modyul sa pahina 286 na may kinalaman sa
paksang tinalakay.Isusulat ang kanilang sagot sa kanilang
C. PAGPAPALIHAN kwaderno.

ISAGAWA
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Pasasagutan sa mga mag-aaral ang bahaging
Isagawa na matatagpuan sa pahina 287 ng modyul.
Isusulat ang kanilang sanaysay sa kanilang kwaderno.
D. PAGLALAPAT
TAYAHIN
• Upang matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi, pasasagutan sa mga mag-aaral ang
bahaging Tayahin na matatagpuan sa modyul sa
pahina 287-289. Isusulat ang kanilang sagot sa
kanilang kwaderno. Ipaaalala rin ng guro ang
pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot
at pagwawasto ng gawain.
(Ipaaalala ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan
sa pagsasagot at pagwawasto ng gawain.)

KARAGDAGANG GAWAIN
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Ipagagawa sa mag-aaral ang huling gawain na
matatagpuan sa pahina 289 ng modyul. (Magalak ka
sapagkat sa karagdagang gawain na ito mas lalo mo
pang mapaghuhusay ang angkin mong kaalaman
ukol sa paksang aralin.) Isusulat ang kanilang sagot sa
kanilang kwaderno.

Naiintindhan ko na _____________

VI. PAGNINILAY Aking napagtanto ________________

Pagsusulat ng mag aaral sa journal ng repleksyon hingil sa


kanilang natutunan na aralin.
Prepared by: Checked by:

CARMELA B. SALVADOR ORLANDO E. PERAZ


Subject Teacher SGH-Master Teacher II
Noted by:

ASHER H. PASCO
Asst. Principal II
OIC-Office of the Principal

You might also like