You are on page 1of 5

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

Learning Area at Kulturang Filipino


Blended Learning / Modular Distance
Learning Delivery Modality Modality (Learners-Led Modality)

School Laguna Senior High School Grade Level 11


CARMELA B. SALVADOR FILIPINO
Teacher Learning Area
Lesson
SEPTEMBER 20-24, 2021 FIRST
Exemplar Teaching Quarter
Date
2:30-3:30pm Number of 1
Time Days

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang :


 napag-iiba-iba ang konsepto ng Wikang
Pambansa,Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at
Multilingguwalismo
I.LAYUNIN
 nakapagsusuri ng mga larawan batay sa nilalamannito

 nakapagbibigay ng pahayag hinggil sa mgakonseptong


pangwika.
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural,
Pangnilalaman kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang


B. Pamantayan sa Paganap pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng
PIlipinas.
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
C. Pinakamahalagang
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radio,
Kasanayan sa Pagkatuto
talumpati at mga panayam. (F11PN-Ia-86)
(MELC)

D. Enabling Competencies
Aralin 2- Konseptong Pangwika
II. Nilalaman (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo,
at Multilingguwalismo)
III.KAGAMITANG PANTURO Laptop, TV, Modyul, Power point,
A. MGA SANGUNIAN

1. Pahinang Gabay sa Guro MELC FILIPINO G11, pahina 557,


PIVOT BOW R4QUBE, pahina 321
2. Mga pahina sa Modyul sa Filipino 11
kagamitang Pangmag- Modyul para sa Mag-aaral p.28-45
aaral Unang Edisyon 2020
3. Pahina sa teksbuk
4. KaragdagangKagamitan Power point presentation kalakip sa google classroom at
mula sa Portal ng
Learning Resource nakasumite sa Group chat.
B. Listahan ng Kagamitang
Panturo para samga Gawain -power point presentation
sa Pagpapaunlad at -Laptop, Modyul etc.
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
 Ipababasa sa mga mag-aaral ang bahaging Alamin na
matatagpuan sa modyul sa pahina 28. Ito ay may
kinalaman sa paksang tatalakayin sa aralin.
A. PANIMULA  Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Subukin na
matatagpuan sa modyul sa pahina 30-32. Ito ay may
kinalaman sa mga mahahalagang konseptong tatalakayin
sa aralin. Isusulat ang kanilang sagot sa kanilang
kwaderno.
Panuto:
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isusulat ng mga mag-aaral
ang kanilang sagot sa kanilang kwaderno.

 Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Balikan na


matatagpuan sa modyul sa pahina 33. Isusulat ang
kanilang sagot sa kanilang kwaderno.

B. PAGPAPAUNLAD Pagtalakay

Ipababasa sa mga mag-aaral ang bahaging


Tuklasin na may kinalaman sa mga konseptong
Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal,
Wikang Panturo, at Multilingguwalismo) na
matatagpuan sa Modyul sa pahina bilang 32-34.

Tuklasin
Depinisyon ng Wika

1. Henry Gleason – ang wika ay isang sistematik na


balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang
kultura.

2. Archibald Hill – ang wika ang pangunahin at


pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao.

3. Thomas Carlyle – itinuturing ang wika bilang saplot ng


kaisipan.

4. Vilma Resuma at Teresita Semorlan – ang wika ay


kaugnay ng buhay at instrunento ng tao upang matalino at
efisyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan.

5. Pamela Constantino at Galileo Zafra – ang wika ay isang


kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama –
sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.

Wika ang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan sa


kaniyang kapwa. Sa pamamagitan nito’y naipapahayag niya ang
kaniyang kaisipan at damdamin. Wika pa rin ang nagbubuklod
sa mga tao upang magkaisa sa pagkilos tungo sa kanilang
ikalalaya at ikauunlad. Wika pa rin ang gamit sa pagdukal ng
karunungan (Magatas et al. 2006).

Ang wika ang kasangkapan ng komunikasyon. Dahil sa wika ay


nakapamumuhay ang tao sa isang lipunan. At ang uri ng
lipunang kinabibilangan niya ay lubhang nakaaapekto sa
kaniyang wika (Catacataca, 1989).

Wika ang nagpapahintulot sa tao na ipaubaya sa kapwa ang


kaniyang mga kaisipan sa pagpapasiya ng iba. Wika ang
kaagapay ng tao sa lahat ng pagsisikap nito. Kung wala ang
wika, titigil o mapaparalisa ang 99% na gawain ng tao (Pei,
1957). Ang wikang pambansa ay kailangang nasa estado ng
pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala
ng batas. Ito ang dahilan kung bakit malawakang nagagamit
saan mang panig bansa ang wikang Filipino dahil paulit-ulit
itong itinanghal o binigyang halaga sa maraming batas.
Kaugnay nito, kailangang maging bukas ang wikang Filipino sa
panghihiram mula sa mga katutubo.

Panuto:
Papasagutan sa mga mag-aaral ang Gawaing Pagkatuto 1
na Picto-Suri na matatagpuan sa modyul sa pahina 35-36. Ito
ay may kinalaman sa mga sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo at
talumpati. Isusulat ang kanilang sagot sa kanilang kwaderno.
Pagyamanin
Pag-unawa sa Depinisyon Pangwika
Panuto:
Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Pagyamanin na
matatagpuan sa modyul sa pahina38. Ito ay tungkol sa
pagbubuod ng aralin na tinalakay. Isusulat ang kanilang sagot
sa kanilang
kwaderno.
C. PAGPAPALIHAN
Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Isaisip na
matatagpuan sa modyul sa pahina 39 na may
kinalaman sa mga konseptong pangwika. Isusulat
ang kanilang sagot sa kanilang kwaderno.

Isaisip
Panuto:
Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Isagawa
na matatagpuan sa modyul sa pahina 39 na may
kinalaman sa wikang Pambansa at
multilinggwalismo. Isusulat ang kanilang sagot sa
kanilang kwaderno.

Panuto:
Pasasagutan sa mag-aaral ang bahaging Tayahin
na matatagpuan sa modyul sa pahina 40-41 na may
kinalaman sa mga mahahalagang konseptong
pangwika na tinalakay sa aralin. Isusulat ang
kanilang sagot sa kanilang kwaderno.

Upang higit na mabatid ang kabisaan ng pagkatuto ng


mga mag-aaral, pasasagutan sa mga mag-aaral ang Tayahin
at Karagdagang Gawain. Ang mga aktibiting nabanggit ay
nakatala sa pahina 112-114 ng Learner’s Material.

Sumatibong Pagsusulit
Panuto: sasagutan ang sumatibong pag susulit na inihinda ng
D. PAGLALAPAT guro

Karagdagang Gawain
Panuto:
Ilahad nang komprehensibo ang kahulugan ng mga
konseptong pangwika na: lingguwistikong komunidad, unang
wika, at pangalawang wika. Buuin sa pangungusap ang
magkakaugnay na mga salitang ibinigay na kahulugan. Gawin
ito sa iyong sagutang papel

Naiintindhan ko na _____________

VI. PAGNINILAY Aking napagtanto ________________

Pagsusulat ng mag aaral sa journal ng repleksyon hingil sa


kanilang natutunan na aralin.

Prepared by: Checked by:

CARMELA B. SALVADOR ORLANDO E. PERAZ


Subject Teacher SGH-Master Teacher II

Noted by:
ASHER H. PASCO
Asst. Principal II
OIC-Office of the Principal

You might also like