You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY


Graduate School
ACCESS Campus, EJC Montilla, Tacurong City

4A’s na Banghay-Aralin sa Filipino 11

Paaralan SAN PABLO NATIONAL HIGH Baitang 11 – HUMSS


SCHOOL
Guro ELLA MAE M. AGUILAR KOMUNIKASYON AT
Learning PANANALIKSIK SA WIKA AT
Area KULTURA NG PILIPINO
Petsa at Oras Ika-23 ng Oktubre, 2023 Kwarter Una
8:00 – 9:00 n.u (Martes)
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

B. PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang


PAGGANAP pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

C. MGA KASANAYAN Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:


SA PAGKATUTO
(ISULAT ANG CODE 1. natutukoy ng mga mag-aaral ang sanhi at bunga ng mga
NG BAWAT pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang
KASANAYAN) pambansa,

2. nagagamit at napahahalagahan ang kasaysayan ng pag-


unlad
ng wikang pambansa gamit ang sanhi at bunga; at

3. nakabubuo ng isang larawang sanaysay na kakikitaan ng


sanhi at bunga.

II. NILALAMAN Pag-unlad ng Wikang Pambansa: Sanhi at Bunga


III. KAGAMITANG Komunikasyon at Pananaliksik sa Kultura at Wikang Pilipino
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay p. 45, 46, 47
ng Guro
2. Mga Pahina sa p. 1-20
Kagamitang Pang-
mag-aaral
B. IBA PANG 1. Powerpoint presentation, laptop, LED TV, biswal na
KAGAMITANG kagamitang pampagtuturo, strips, panulat
PANGTURO
IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA GAWAIN 1. KAHON NG PALAD
NAKARAANG
ARALIN / Panuto: Ipaiikot ang Kahon ng Palad sa mga mag-aaral kasabay ng
PRESENTASYON NG awit na ipatutugtog ng guro. Kapag huminto ang awit ay hihinto rin ang
BAGONG ARALIN / pag-ikot ng kahon. Kung sinong mag-aaral ang huling may hawak nito
PAGGANYAK ay kukuha ng tanong mula sa kahon at sasagutin ito nang buong
husay.

Mga tanong:

1. Sino ang ama ng wikang pambansa?


Sagot: Manuel L. Quezon

2. Anong wika ang pinagbatayan ng wikang Filipino?


Sagot: Wikang Tagalog

3. Anong bansa ang may pinakamalaking impluwensya sa


pambansang wika ng Pilipinas?
Sagot: Espanya / Spain

4. Ano ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng ating mga


katutubo noong unang panahon?
Sagot: Baybayin

5. Anong taon nailimbag ang “A Tagalog-English Vocabulary” at aklat


sa gramatika?
Sagot: 1940

B. PAGHAHABI NG GAWAIN 2. 4 PICS 1 WORD WITH A TWIST (Paghahawan ng Sagabal)


LAYUNIN NG ARALIN
(Activity) Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan na
magkakasama upang mabuo ang salitang tinutukoy ng mga ito.
Hanapin sa mga pinaghalo-halong mga titik ang salitang maaring
mabuo batay sa mga larawan. Kung hindi mahulaan ay maaaring
magbigay ng pahiwatig ang guro ngunit kailangan munang masagot
ang equation. Pagkatapos ay bibigyan ito ng kahulugan at gagamitin
sa isang pangungusap.

Mga salita:
1. midyum
2. isinasalin
3. gradwado
4. bilinggwal
5. intelektwalisado
C. PAG-UUGNAY NG
MGA HALIMBAWA GAWAIN 3. CONNECTING MY X’s & Y’s
SA BAGONG ARALIN
(Analysis) Panuto: Gamit ang Cartesian Plane, i-plot ang mga sumusunod na
integers upang matukoy ang sanhi (x) at bunga (y) tungkol sa
kasaysayan ng wikang pambansa.

1. (-3,2)
2. (-1,4)
3. (-2,4)
4. (1,2)
5. (3,3)

x - axis
1 Dahil kailangang may batayang wika
3 Upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa
-1 Dahil sa pagkakaroon ng maraming wika
-2 Dahil sa maraming pinagdaanang pananakop
ang bansa
-3 Dahil sa pagnanais ni Pangulong Quezon na
magkaroon ng iisang wika

y - axis
2 nagkaroon ng pananaliksik ukol sa pananakop
ang bansa wika
3 kailangang mayroong isang wikang pambansa
4 kaya nagkaroon ng Rehiyonalismo
-2 napili ang Tagalog na batayang wika Quezon na
magkaroon ng iisang wika
-4 kaya nagkaroon ng maraming wika ang bansa
D. PAGTATALAKAY NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA: SANHI AT BUNGA
BAGONG ARALIN AT
PAGLALAHAD NG GAWAIN 4. ITINAAS NA JIGSAW
BAGONG (Pangkatang Gawain)
KASANAYAN
(Abstraction) Tatalakayin ang kahulugan at mga palatandaang salita o
pahayag na karaniwang ginagamit sa papapahayag ng sanhi at bunga
gamit ang Itinaas na Jigsaw.

PANGKAT PAKSA
Unang pangkat  Kahulugan ng sanhi at mga
halimbawa
Ikalawang pangkat  Kahulugan ng mga halimbawa at
mga halimbawa
Ikatlong pangkat  Mga pahayag na ginagamit sa
pagtukoy ng sanhi at bunga
Sa parehong pangkat, bibigyan ng kagamitan (manila paper, marker)
at pagkakataon upang basahin, unawain at tukuyin ang sanhi at
bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang
pambansa.

Formative Assessment

Batay sa ginawang pagtalakay, magtatanong ang guro sa mga mag-


aaral.

1. Ano ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas?


2. Ano sa tingin mo ang dahilan sa malayang pagpapalitan ng wikang
Ingles at wikang Filipino?
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
kasaysayan ng pag-unlad ng wikang pambansa?

E. PAGLALAPAT
(Application) GAWAIN 5. WIKANG ATIN, PALAGANAPIN!

Panuto: Sa parehong pangkat, bibigyan ng tig-isang larawan ang


bawat pangkat. Kailangang bumuo ng isang maikling talata batay sa
larawan na naglalahad kung paano makatutulong ang mag-aaral na
tulad mo sa pagpapalaganap ng gamit ng wikang pambansa. Lumikha
ng sariling pamagat. Tiyaking ito ay nagpapakita ng konseptong sanhi
at bunga, isaalang-alang din ang wastong paraan ng pagsulat at gamit
ng mga bantas.

Pamatayan sa Pagsulat

Nilalaman ------------------------------------------------10
Kahusayan sa paggamit ng salita ------------------5
Pagbabantas ---------------------------------------------5
Kabuuan -------------------------------------------20

F. PAGLALAHAT GAWAIN 6. 3-2-1, REPLEK!


(Generalization)
Panuto: Punan ang talahanayan na nasa ibaba batay sa iyong
natutunan sa naging paksang-aralin.

3
Mga bagay na natutunan ko…..

2
Ang nakapukaw ng interes ko…..

1
Mga tanong sa isip ko…...

V. PAGTATAYA NG GAWAIN 7. PILIIN MO!


ARALIN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang sanhi ay tumutukoy sa mga ideya o pangyayaring maaaring


humantong sa isang?
a. sanhi b. bunga c. dahilan d. pahayag

2. Ang bunga ay naging resulta ng isang ideya o kaisipan. Ang pahayag ay


_________.
a. tama b. mali c. hindi matukoy d. minsan tama

3. Ang mga sanhi ay tinatawag ding __________.


a. dahil b. mga bunga c. mga dahilan d. mga resulta

4. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang nagpapahayag ng bunga?


a. pagkat b. sapagkat c. kaya naman d. dahil dito

5. Ang pang-ugnay na buhat nang ay nagpapahayag ng ______.


a. bunga b. dahilan c.resulta d. ugnayan

6. Dahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang


Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.
a. sanhi
b. bunga

7. Kulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo


kaya naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.
a. sanhi
b. bunga

8. Salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang sariling wika


dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.
a. sanhi
b. bunga

9. Buhat sa mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Pambansang


Asamblea ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
a. sanhi
b. bunga

10. Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang


wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
a. sanhi
b. bunga
VI. KASUNDUAN GAWAIN 8. IBAHAGI MO!
(Indibidwal na Gawain)

Panuto: Bumuo ng limang (5) pangungusap gamit ang ugnayang sanhi at


bunga.

Sanhi:
_________________________________________________________

Bunga:
___________________________________________________

Inihanda ni:

ELLA MAE M. AGUILAR, MAT-FILIPINO


PINAL NA PAGSUSULIT

I. Pagsulat. Sumulat ng orihinal mala-masusing banghay-aralin tungkol sa


alinmang paksa sa wika at ipakita ang hinihingi sa bawat bilang. Ipinagbabawal
na magkatulad na banghay-aralin sa ipapasa ngayon sa mga banghay-aralin na
kahingian ng klase. Siguraduhing may tatlong domeyn nang ang layuning
pampagkatuto, malinaw na nailahad ang hakbang sa pagsasagawa ng mga
estratehiya, maayos ang pagkakabaybay ng mga salita, at nasunod ang
template ng 4A’s na banghay-aralin. Pagkatapos maisulat ang banghay-aralin,
sagutan ang mga katanungan. (100 puntos)

1. Metodo: Komunikatibong Pagtuturo ng Wika


Mga Estratehiya: Integratibo, Integratibo at Kolaboratibong Pagtuturo ng Wika

Mga Katanungan:

A. Saang bahagi ng iyong banghay-aralin makikita ang paggamit ng metodong


komunikatibong pagtuturo ng wika? Tukuyin ito at ipaliwanag.
 Makikita ang metodong komunikatibong pagtuturo ng wika sa bahaging paghahabi
ng layunin ng aralin (activity). Titingnan at susuriing mabuti ng mag-aaral ang mga
larawan na magkakasama upang mabuo ang salitang tinutukoy ng mga ito.
Hahanapin sa mga pinaghalo-halong mga titik ang salitang maaring mabuo batay sa
mga larawan. Kung hindi mahulaan ay maaaring magbigay ng pahiwatig ang guro
ngunit kailangan munang masagot ng mag-aaral ang equation. Pagkatapos ay
bibigyan ito ng kahulugan at gagamitin sa isang pangungusap. Sa pamamagitan ng
gawaing ito, nagagamit ng mag-aaral ang tamang gramatika, nadaragdagan ang
bokabularyo at nakabubuo ng sariling pangungusap na makatutulong upang
mapaunlad pa ang kanilang kakayahang komunikatibo pasalita man o pasulat.

B. Anong uri ng integratibong pagtuturo ng wika ang iyong ginamit? Saang


bahagi ng banghay-aralin mo ito ipinakita? Ilarawan.
 Ang uri ng integratibong pagtuturo ng wika na aking ginamit sa banghay-aralin ay
ang Interdisciplinary na makikita sa bahaging pag-uugnay ng mga halimbawa sa
agong aralin (analysis). Kung saan, gamit ang Cartesian Plane, i-plot ng mga mag-
aaral ang mga sumusunod na integers upang matukoy ang sanhi (x) at bunga (y)
tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa. Sa pamamagitan ng gawaing ito,
nagagamit ng mga mag-aaral ang ilang mga konsepto sa Mathematics na kanilang
natutunan mula pa ng sila ay nasa elementarya hanggang sa nakatuntong
sekondarya. Ang gawaing ito ay kakikitaan ng higit sa dalawang konsepto ang
pagbasa ng may pag-unawa, wika at Matematika.

C. Anong uri ng interaktibong pagtuturo ng wika ang iyong ginamit? Saang


bahagi ng banghay-aralin mo ito ipinakita? Ilarawan.
 Ang ginamit kong uri ng interaktibong pagtuturo ng wika ay Jigsaw na makikita sa
bahaging pagtatalakay ng bagong aralin at paglalahad ng bagong kasanayan
(abstraction). Sa gawaing ito, magkakaroon ng pangkatang gawain ang mga mag-
aaral kung saan ay tatalakayin ang kahulugan at mga palatandaang salita o pahayag
na karaniwang ginagamit sa papapahayag ng sanhi at bunga gamit ang Itinaas na
Jigsaw. At sa parehong pangkat ay bibigyan sila ng kagamitan (manila paper, marker)
at pagkakataon upang basahin, unawain at tukuyin ang sanhi at bunga ng mga
pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa. Sa pamamagitan
ng gawaing ito, nasisigurong ang mga mag-aaral ay makalalahok at magkakaroon ng
interaksiyon sa isa’t isa.

D. Anong uri ng kolaboratibong pagtuturo ng wika ang iyong ginamit? Saang bahagi ng
banghay-aralin mo ito ipinakita? Ipaliwanag.
 Ang ginamit kong uri ng kolaboratibong pagtuturo ng wika sa aking banghay-aralin ay
photo essay na makikita sa bahaging paglalapat (application). Sa parehong pangkat,
bibigyan ng tig-isang larawan ang bawat pangkat. Kailangang bumuo ng isang
maikling talata batay sa larawan (photo essay) na naglalahad kung paano
makatutulong ang mag-aaral sa pagpapalaganap ng gamit ng wikang pambansa.
Kinakailangang lumikha ng sariling pamagat. Tiyakin din na ito ay nagpapakita ng
konseptong sanhi at bunga, isaalang-alang din ang wastong paraan ng pagsulat at
gamit ng mga bantas. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay mababawasan ang
kompitesyon at mananatili ang kooperasyon ng mga mag-aaral dahil sila ay
magtutulungan upang matapos nang wasto kanilang gawain.
Republic of the Philippines
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS Campus, EJC Montilla, Tacurong City

4A’s na Banghay-Aralin sa Filipino 11

Paaralan SAN PABLO NATIONAL HIGH Baitang 11 – HUMSS


SCHOOL
Guro ELLA MAE M. AGUILAR KOMUNIKASYON AT
Learning PANANALIKSIK SA WIKA AT
Area KULTURA NG PILIPINO
Petsa at Oras Ika-13 ng Setyembre, 2023 Kwarter Una
8:00 – 9:00 n.u (Martes)
I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

B. PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang


PAGGANAP pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

C. MGA KASANAYAN Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:


SA PAGKATUTO
(ISULAT ANG CODE 1. nabibigyang-kahulugan ang pitong pangkalahatang gamit o tungkulin ng
NG BAWAT wika sa lipunan,
KASANAYAN) 2. nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa kahalagahan ng gamit ng
wika sa lipunan; at
3. nakabubuo ng sariling paraan ng panghihikayat batay sa napag-aralang
gamit ng wika sa lipunan.

II. NILALAMAN Gamit ng Wika sa Lipunan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN Komunikasyon at Pananaliksik sa Kultura at Wikang Pilipino

1. Mga Pahina sa Gabay ng p. 4, 5, 6


Guro
2. Mga Pahina sa p. 1-20
Kagamitang Pang-mag-
aaral
B. IBA PANG
KAGAMITANG Powerpoint presentation, laptop, LED TV, biswal na kagamitang
PANGTURO pampagtuturo, strips, panulat, mga larawan

https://www.youtube.com/watch?v=FBwOoJVnL9A
IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA GAWAIN 1. AYUSIN MO AKO!
NAKARAANG ARALIN / (Indibidwal na Gawain)
PRESENTASYON NG
BAGONG ARALIN / Panuto: Ayusin ang ginulong mga letra upang makabuo ng isang salita.
PAGGANYAK Gamitin ang kahulugang ibinigay upang matukoy ang tamang sagot. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. UEHRISTKIO =_____________ - naghahanap ng impormasyon o


datos.
2. OMIPOTRAMIB =_____________ - nagpapahayag ng komunikasyon sa
pamamagitan ng mga simbolo o
sagisag.
3. TALSINTRUEMN= ____________- tumutugon sa mga
pangangailangan.
4. GULARERITO = _____________-kumukontrol / gumabagay sa kilos at
asal ni iba.
5. HIMANAITIBO = _____________ -pagiging malikhain ng tao sa mga
bagay-bagay upang maipahayag
ang kanyang damdamin.
6. TERINSIYOAKNAL=____________-nagpapanatili, nagpapatatag ng
relasyong sosyal.
7. SONALPER = _____________ -nagpapahayag ng sariling
damdamin
o opinyon.
8. UNGKULITN = _____________ - tumutukoy sa gampanin ng wika.
9. KIAW = _____________ - pasalita man o pasulat,
instrumentong ginagamit ng tao
sa pakikipag-ugnayan.
10. NANPUIL = ______________- malaking pangkat ng mga tao na
may karaniwang set ng
pamumuhay.

B. PAGHAHABI NG GAWAIN 2. THINK-PAIR-SHARE!


LAYUNIN NG ARALIN (Indibidwal na Gawain)
(Activity)
Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang mga larawan, tukuyin
kung tungkol saan o ano ang mga larawan batay sa iyong
nalalaman. Maghanap ng kapares upang magbahagian ng
ideya. Pagkatapos ay maghanap muli ng isang pares ng mag-
aaral upang makipagpalitan ng ideya.
Itatanong sa mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Ano ang nilalaman ng unang larawan? Saan ginagamit ang


business letter?

2. Bakit nagpapalabas ng patalastas o commercial sa mga


telebisyon o radyo?

3. Bakit nagbibigay ng mga panuto ang mga guro sa mga


pagsusulit?

4. Sinong personalidad ang nasa ikaapat na larawan? Ano ang


trabaho ni Noli de Castro?

C. PAG-UUGNAY NG
MGA HALIMBAWA GAWAIN 3. SOLVE TO COMPLETE THE TABLE!
SA BAGONG ARALIN (Indibidwal na Gawain)
(Analysis)
Panuto: Tukuyin ang mga Bigkas na Ginaganap o Performative
Utterances kung nasa anong Gamit ng Wika sa Lipunan ito
napabibilang. Sagutin ang mga sumusunod na Mathematical
Operation upang makuha ang sagot batay sa Numerical Value
na ibinigay sa kahon.

Bigkas na Ginaganap Mathematical Gamit ng Wika


(Performative Operation sa Lipunan
Utterances)
1. Pagpapahayag ng 2 2
+ 6 = ____
tuwa
2. Pagbabalita 5 2
− 10 = ____
3. Pag-iinterbyu 3 3
− 2 = ____
4. Babala 2 4
+ 4 = ____
5. Pagbibigay ng 4 2
+ 4 = ____
panuto
6. Pangangamusta 5 2
+ 5 = ____
7. Panghihikayat 3 2
− 4 = ____
8. Pagbibiro sa 3 2
+ 21 = ____
kaibigan
9. Pagmumungkahi 7 2
− 29 = ____
10. Pagbigkas ng tula 5 2 + 10 =
_____

D. PAGTATALAKAY NG 7 Gamit ng Wika sa Lipunan


BAGONG ARALIN AT
PAGLALAHAD NG GAWAIN 4. BAGYUHANG-UTAK
BAGONG (Pangkatang Gawain)
KASANAYAN
(Abstraction) Panuto: Hahatiin sa pitong pangkat ang mga mag-aaral. Bibigyan sila
ng tig-isang paksa upang ito ay pag-aralan at palawakin. Bibigyan
lamang ng 5 minuto upang magbahagian ng ideya. Tatalakayin ito
pagkatapos ng ibinigay na oras ng guro. Sikaping maging malikhain
sa pagpresenta ng paksa.

Kahulugan Pasalita Pasulat


1.INSTRUMENTAL - tumutugon sa mga Pakikitung Liham
pangangailangan. o, Pangangalak
Nagpapahayag ng Pangangal al
pakiusap, pagtatanong at akal,
pag-uutos. Pag-uutos

2.REGULATORI -kumukontrol / Pagbibiga Resipe,


gumabagay sa kilos at y ng direksyon sa
asal ni iba. panuto/dir isang lugar,
eksyon, Panuto sa
paalala pagsusulit,
tuntunin sa
batas na
ipinatutupad
3.INTERAKSIYONAL -nagpapanatili, Pormulasy Liham
nagpapatatag ng ong Pangkaibigan
relasyong sosyal. Panlipuna :
n -imbitasyon
- sa isang
panganga okasyon
musta, (kaarawan,
pag- anibersaryo,,
anyayang programa sa
kumain, paaralan)
pagpapatu
loy sa
bahay,
pagpapalit
an ng biro,
atbp.
4.PERSONAL -nagpapahayag ng Pormal o Editoryal,
sariling damdamin o Di-Pormal pagsulat ng
opinion. na suring-basa,
Talakayan suring-
, debate o pelikula
pagtatalo
5.HEURISTIKO -naghahanap ng Pagtatano Sarbey,
impormasyon o datos. ng, Pamanahong
pananaliks Papel, Tesis
ik at at
pakikipana Disertasyon
yam
6.REPRESENTATIBO/ -nagpapahayag ng Pag-uulat Mga anunsyo,
IMPORMATIBO komunikasyon sa sa balita sa
pamamagitan ng mga telebisyon newspaper
simbolo o sagisag. o radyo,
pag-uulat
sa klase
7.IMAHINATIBO -pagiging malikhain ng Pagbigkas Pagsulat ng
tao sa mga bagay-bagay ng tula akdang
upang maipahayag ang pampanitikan.
kanyang damdamin.
E. PAGLALAPAT
(Application) GAWAIN 5. IPAGMALAKI ANG SARILING ATIN!
(Pangkatang Gawain)

Panuto: Gamit ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, pag-


usapan at pagtulungang makabuo ng panghikayat panturismo
sa Probinsya ng Sultan Kudarat upang pasyalan at
maipagmalaki ang iba’t ibang tourist spot ng sariling lugar sa
pamamagitan ng sumusunod. Pumili lamang ng isa.

1. Awit
2. Tula
3. Islogan
4. Spoken Poetry
5. Poster

MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Wasto at tumpak ang nilalaman ayon
sa kahilingan
Malinaw ang paglalahad ng detalye at
mensahe
May kaugnayan ang paksa
Naipakita ang instrumental na gamit
ng wika
Mayroong kooperasyon ang bawat
miyembro
KABUUANG PUNTOS
5– Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-mahusay
1 – Sadyang Di-mahusay

F. PAGLALAHAT GAWAIN 6. MAY NATUTUNAN AKO!


(Generalization) (Indibidwal na Gawain)

Panuto: Gamit ang Concept Map, ibuod ang mga natutunan


batay sa tinalakay na aralin.

V. PAGTATAYA GAWAIN 7. BILUGAN ANG NAIIBA


NG ARALIN
Panuto: Bilugan ang naiiba o hindi kasama sa pangkat ng
bawat aytem.

GAMIT NG WIKA SA PASALITA O PASULAT NA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


LIPUNAN
1.INSTRUMENTAL Pakikitungo, Pangangalakal, Paalala , Pag-uutos
2.REGULATORI Panuto, Babala, Paalala, Liham pangangalakal
3.INTERAKSIYONAL Tesis, Liham pangkaibigan, Disertasyon, Pagbibiro
4.PERSONAL Editoryal, Pagpapahayag ng tuwa, Panghihikayat
5.IMPORMATIBO Pagbabalita, Pagpilit sa kaibigan, Pagtatanong, Panuto
6.HEURISTIKO Pangangamusta, Pakikipanayam, Sarbey, Pag-uutos
7.IMAHINATIBO Pagbigkas ng tula, Pagbabalita, Akdang pampanitikan

VI. KASUNDUAN GAWAIN 8. PILIIN MO

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Naipapahayag sa malikhaing paraan at naipapakita ito sa


pamamagitan ng paglalarawan o pagsasalaysay. Lumilitaw sa
tungkulin na ito ang pagiging masining at
ma-retorika sa paggamit ng wika upang pukawin ang guni-guni
ng isang tao.
a. Interaksiyonal b. Instrumental c. Imahinatibo d.
Heuristiko

2. Halimbawa ng tungkulin o gamit ng wika na ito ay ang


paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag at iba’t ibang uri ng
akdang pampanitikan.
a. Heuristiko b. Instrumental c. Personal d. Imahinatibo
3. Nagpapanatili o nagpapatatag sa relasyong sosyal.
a. Interaksiyonal b. Impormatibo c. Personal d.
Imahinatibo

4. Tungkulin ng wika ang pagkontrol sa kilos at asal ng tao.


Nagagawa nitong pasunurin ang tao batay sa diwa ng pahayag.
a. Heuristiko b. Regulatori c. Impormatibo d.
Instrumental

5. Ginagamit ito sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon


sa kapwa, gumagamit ng mga salitang nakagawian sa
pakikipagrelasyon sa kapwa.
a. Imahinatibo b. Personal c. Impormatibo d.
Interaksiyonal

Inihanda ni:

ELLA MAE M. AGUILAR, MAT-FILIPINO


2. Metodo: Pagtuturong Task-based
Mga Estratehiya : (Piliin ang angkop na estratehiya para rito)

Mga Katanungan:

A. Saang bahagi ng iyong banghay-aralin makikita ang paggamit ng metodong


pagtuturong task-based? Tukuyin ito at ipaliwanag.
 Makikita ang metodong pagtuturong task-based sa bahaging paglalapat
(application). Ang gawaing Ipagmalaki ang Sariling Atin! ay pangkatang gawain
na kung saan kinakailangan nilang makisalamuha sa kapwa mag-aaral upang
matapos ang gawain. Isa sa kagandahan ng pangkatang gawain ay natututo ang
mag-aaral na makipagbahagian at magtulungan na makatutulong sa ating pang-
araw-araw na buhay. Maliban sa pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan sa iba,
nakatutulong din ang gawaing ito dahil nalilinang rito ang kanilang kaalaman sa wika
at gramatika sa pamamagitan ng pagsulat ng tula, awit, slogan at spoken poetry.
Nalilinang din ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggawa ng poster
at tiwala sa sarili sa pagbuo at pagpresenta ng naiatas na gawain. Nasusukat naman
sa resulta ang tagumpay sa gawaing ito sa pamamagitan ng pamantayan na ibinigay
ng guro. Dito makikita kung talagang natutunan ng mga mag-aaral ang mga
konsepto na dapat matutunan.

B. Anong uri ng estratehiya sa pagtuturo ng wika ang iyong ginamit? Saang bahagi ng
banghay-aralin mo ito ipinakita? Ilarawan.
a. Ang mga estratehiyang ginamit ko sa aking banghay-aralin ay ang
kolaboratibong pagtuturo – sa estratehiyang ito, ang mga mag-aaral ay
binibigyan ko ng pagkakataon na magtrabaho at makipagtulungan sa
kanilang mga kapwa mag-aaral. Ito ay naglalayong palawakin ang kanilang
kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pag-uusap, talakayan, pag-uulat
at pagsasagawa ng mga gawain na pang-grupo. Tulad na lamang sa mga
gawaing Think-Pair-Share na makikita sa bahaging paghahabi ng aralin
(activity), Pag-uulat/Brainstorming na makikita sa pagtatalakay ng bagong
aralin (abstraction), at Ipagmalaki ang Sariling Atin! na makikita naman sa
paglalapat (application).

You might also like