You are on page 1of 35

11/12

Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Kwarter I - Modyul 3
Posisyong Papel
CONTEXTUALIZED LEARNING-INSTRUCTION KIT

SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY


Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12 Contextualized
Learning-Instruction Kit (CLIK) Kwarter I – Modyul 3: Posisyong Papel
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na
ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carol V. Baron (San Jose National High School)

Pangnilalamang Patnugot: Luis R. Mationg, EPS – Filipino

Editor: Enrile O. Abrigo, Jr. (Palawan National School)

Tagawasto: Enrile O. Abrigo, Jr. (Palawan National School)

Tagasuri: Luis R. Mationg, EPS – Filipino

Tagaguhit: Carol V. Baron (San Jose National High School)

Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza (Palawan National School)

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Mabel F. Musa, PhD, OIC – ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS – Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Panlabas na Tagasuri: Lilibeth E. Nadayao, PhD, College Professor


College of Teacher Education
Palawan State University

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Tel. Phone no.(048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph

11/12
Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Kwarter I - Module 3
Posisyong Papel

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro at mga program superbisor mula sa mga pampublikong paaralan ng
Dibisyon ng Lungod ng Puerto Princesa. Hinihikayat namin ang ibang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
puertoprincesa@deped.gov.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Paunang Salita
Para sa mga Guro:

Inihanda ang modyul na ito upang magamit ng mga guro bilang karagdagang
kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ng modyul na ito na makatulong sa
mga guro upang higit na maibigay ang pagkatutong inaasahan sa mga mag-aaral.
Ang mga gawaing kalakip nito ay ipinapanukalang gamitin ng mga mag-aaral sa
paggabay pa rin ng mga guro. Mahalaga ang gampanin ng mga guro sa
pagpapatupad ng mga gawaing kalakip ng modyul na ito dahil nakasalalay sa kanila
ang ikatatagumpay ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Para sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa at inihanda para sa iyo upang ikaw ay
mas higit pang magkaroon ng kaalaman na iyong maaaring magamit sa pagtahak ng
panibagong yugto sa pag-aaral. Sa araling ito, inaasahan na malinang ang iyong
mga kaalaman at kakayahan na maipaliwanag ang Posisyong Papel.
Ang mga babasahin at gawain ay iniangkop sa iyong kakayahan at kasanayan
upang higit na magkaroon ng interes sa pag-aaral ng aralin. Ikaw ay hinihikayat din
ng modyul na ito na makapagbahagi ng iyong opinyon, suhestiyon, reaksyon, at
ideya tungkol sa mga usapin sa paksa.
Ang mga gawain sa modyul na ito ay binubuo ng sumusunod:

Maikling paunang salita tungkol sa modyul,


Alamin
paglalahad ng layunin na dapat malaman sa
modyul.

Paunang pagsusulit upang subukin ang iyong


Subukin kaalaman tungkol sa araling tatalakayin.

Balikan
Maikling balik-aral sa nakaraang aralin.
Pagpapakilala sa bagong aralin sa paraang
Tuklasin gawain o aktibiti.

Magbigay ng mga teksto upang higit pang


maunawaan ang aralin.
Suriin

Pagbibigay ng mga gawain na makatutulong


Pagyamanin sa paghubog at pagbuo ng konsepto ng aralin.

Isaisip
Mga pagbubuod sa impormasyong natutuhan.
Maaaring mga katanungan na
magbibigay kasagutan sa natutuhan sa aralin
o modyul.

Isagawa

Pagsasagawa ng iyong natutuhan batay sa


modyul.

Karagdagang Karagdagang aktibiti na may kaugnayan sa

Gawain aralin o modyul.

Tayahin
Subukin ang iyong sarili kung lubos na
naunawaan ang aralin.

Gabay sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Bilang wikang Pambansa, kailangang magamit ang wikang Filipino bilang wika
ng komunikasyon at kaalaman sa iba’t ibang akademikong disiplina. Kapag nasa
wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong
disiplina, mas nailalapat ito sa pagkatoto, karanasan at kalinangan ng mga tao sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Bilang isang mamamayang Pilipinong tulad mo, kailangang malaman mo ang


gampaning papel sa gawaing pagsulat sa akademiko bilang paglalapat sa
makabuluhang proseso.

Ito ang mga layunin na dapat mong malaman sa modyul na ito.

Pamantayang Pangnilalaman

➢ Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko


➢ Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng
akademikong sulatin

Pamantayan sa Paggawa


Nakasusulat ng 3-5 sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

Nakagagawa ng palitang pagkritik (dalawahan o pangkatan)
ng mga sulatin

Pamantayang Pampagkatuto

➢ Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga


binasang teknikal- bokasyunal.CS_FFTV11/12PB-0g-l-106
➢ Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika.CS_FTVA11/12WG-0m-o-95

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang mga sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng Posisyong Papel; 2. Nagagamit


ang Posisyong papel bilang lunsaran sa malalim na pagtingin sa mga isyu; at
3. Nakabubuo ng Posisyong Papel batay sa ibibigay na sitwasyon.

1
Bago natin talakayin ang paksa ay subukin mo munang sagutin ang pagsusulit
na ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. Handa ka na ba?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay isang sulating akademiko na may layuning mahikayat ang mambabasa


na ang mga inilalahad na argumento ay may katotohanan at kailangang
paniwalaan.
A. Posisyong Papel C. Abstrak
B. Lakbay-sanaysay D. Katitikan ng Pulong

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa inilalahad sa panimula ng


Posisyong Papel?
A. Pagpapakilala ng paksa
B. Paglalahad ng kaligiran ng paksa
C. Pagpapaliwanag ng mga ebidensya
D. Pagsasabi ng pananaw sa paksa

3. Sa bahaging ito ng posisyong papel ay muling isinasaad ang argumento at


nagbibigay rin ng plano sa magiging aksyon.
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Kontra-Argumento D. Iyong Argumento

4. Inilalahad sa bahaging ito ang mga ebidensya para sa argumento


A. Panimula C. Kontra-Argumento
C. Iyong Argumento D. Konklusyon

5. Dito binabanggit ang buod ng mga argumentong hindi sumasang-ayon sa


tesis o paninindigan sa posisyong papel.
A. Panimula C. Konklusyon
B. Iyong Argumento D. Kontra-Argumento

6. Inilalatag sa bahaging ito ang mga hindi pagsang-ayon sa mga argumentong


kumukontra sa argumentong inilalahad sa tesis o paninindigan sa posisyong
papel.
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

7. Ang tesis o paninindigan sa isang isyu ay inilalahad sa aling bahagi ng


posisyong papel?
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

2
8. Dito sa bahaging ito inilalahad ang mga argumento ng posisyong-papel.
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

9. Ito ay impormasyong katanggap-tanggap at pinagkakasunduan ng


nakararami.
A. Factual Knowledge C. Personal Testimony
B. Informed Opinion D. Statistical Inferences

10. Pansariling karanasan na may pinagbabatayang pinagmulan.


A. Factual Knowledge C. Personal Testimony
B. Informed Opinion D. Statistical Inferences

(Para sa bilang 11-15)

Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa tatlong probinsiya?


Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng lalawigan sa isinusulong na House Bill
8055.

Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito lamang
nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng tatlong probinsiya sa
lalawigan ng Palawan.

Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee Report No. 490 at
tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R. Duterte ang kulang upang tuluyan na
itong maging batas.

Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya sa lalawigan


si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.

(Pinagkunan: Philippine Information Agency (PIA), Pebrero 6, 2019. pia.gov.ph)

11. Ano ang pangunahing paksa sa binasa?


A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya?

3
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

12. Alin sa pahayag ang naglalahad ng pananaw sa tekstong binasa?


A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya? Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng
lalawigan sa sinusulong na House Bill 8055.
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

13. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng kasalukuyang estado ng


pangunahing paksa?
A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya? Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng
lalawigan sa isinusulong na House Bill 8055.
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

14. Kung ikaw ay pabor sa paksang inilalahad sa teksto, ano ang pinakamaayos
at malinaw na pangungusap para rito?
A. Malaki ang maiitutulong ng paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan
sapagkat mapapalapit ang mga serbisyo at pagpapalago ng mga
nasasakupan nito.
B. Pabor ako na mahati sa tatlo ang lalawigan ng Palawan dahil ito ay
makatutulong sa akin bilang mamamayan.
C. Uunlad ang mga mamayan kapag hinati sa tatlo ang Palawan. Mas
maraming mapupuntahang bagong lalawigan ang mga tao.
D. Malaki ang magagawa ng paghahati ng Palawan sa turismo at iba pang
imprastraktura dahil nariyan ang suporta ng Pangulong Duterte.

4
15. Kung ikaw ay hindi pabor sa paksang inilalahad sa teksto, ano ang
pinakamainam na pangungusap ang maaari mong ilahad?
A. Hindi na kailangan pang hatiin sa tatlo ang lalawigan ng Palawan
sapagkat ang pag-unlad nito ay nakasalalay sa mabuting pamamahala
ng lokal na pamahalaan at pakikipagkaisa ng mga mamamayan.
B. Ayaw kong mahati sa tatlo ang Palawan sapagkat baka maghati-hati rin
ang pag-iisip ng mga mamamayan nito. Mas mabuti nang isa lamang
para mapayapa tayo.
C. Kung hahatiin ang Palawan sa tatlo, baka bumababa lalo ang pasok ng
turismo dahil sa marami na silang pagpipilian.
D. Mas mainam kung hindi na hahatiin sa tatlo ang lalawigan ng Palawan.
Umisip na lang ng ibang paraan para wala nang pagtatalunan pa.

Aralin

1 Posisyong Papel
Bilang isang mag-aaral kailangan nating maging mulat sa mga nangyayari sa
ating paligid. Sa pamamagitan ng araling ito, tuturuan kayong mag-isip at matutong
maglahad ng mga ideya. Sa bahaging ito, pupunuan mo ang mga patlang ng salita
upang makabuo ng isang Abstrak.

Gawain – Pagpupuno ng mga Salita

PANUTO: Punan ang patlang ng mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

pag-aaral tinukoy pananaliksik ideya


mabuo

Nakatuon ang 1. ________ na ito sa pagtukoy sa mga pananaw ng mga guro


tungkol sa kanilang kahandaang subukan ang kontemporaryong sistema sa
pagkatuto – ang pagkatutong onlayn sa pamamagitan ng Massive Open Online
Course. 2.___________ din sa pag-aaral na ito ang mga salik na posibleng
makaapekto sa pakikilahok ng mga guro sa Filipino sa pagkatutong onlayn.

Mula sa pinagsama-samang ideya at pananaw ng 20 mga guro mula sa sangay


ng lungsod ng Puerto Princesa at sangay ng Palawan gamit ang Online Focus
Group Discussion at mga istandardisadong talatanungan, binigyang-pansin ang mga
3._______ at hinimay-himay upang 4.________ ang mga pitak ng pilosopiyang
5
nagbunsod sa mga mananaliksik na makapagbalangkas ng Massive Open Online
Course.

Naging pamukaw-atensyong perspektibo sa 5. _________na ito ay ang


pagangkla ng kahandaan at mga salik sa pagkatutong onlayn sa pagbabalangkas ng
isang kurso para sa mga guro sa Filipino.

Sa bahaging ito ay aalamin natin ang mga batayang kaalaman sa paksa.


Kailangan nating malaman ang mga panimulang kaalaman upang maging
pundasyon mo ito sa pagpapalalim ng iyong matutuhan sa buong modyul.

Gawain – Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga katanungan tungkol dito.
Sa iniakdang resolusyon ni Board Member Ryan Maminta na inihain sa sesyon ng
Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kahapon, Hulyo 21, 2020, hinihiling nito sa
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases
(IATF-EID) na ikonsidera ang paggamit ng helmet at face mask ng mga backriders
at drivers ng motorsiklo imbes na maglagay pa ng motorcycle barrier na nais ng
National IATF.

Ayon kay BM Maminta, hindi umano ligtas na maglagay ng barrier sa pagitan ng


driver at angkas nito. Ang pagsusuot ng face mask at helmet ay sapat na bilang
pagsunod sa health protocol.

"We are very grateful to the National IATF-EID for lifting the ban on the backriding.
However, seeing the situation here in the Province of Palawan, wherein the
majority of our constituents are motorcycle riders going to and from to their works
or homes, nakikita po natin na parang mas akma na instead of putting a barrier
that will cost certain amount of P1,000-P2,000 and with some safety concerns on
putting up the barriers on the motorcycle, baka pwedeng ma-consider ng National
IATF, baka pwedeng i-allow ang backrider using helmet with face mask... "

Dagdag pa ni BM Maminta na hindi na kailangan ang barrier dahil base sa inilabas


na guidelines, ang pinapayagan naman sa pag-angkas ay mga mag-asawa o
magkapamilya na naninirahan sa iisang bahay.

Nagbigay naman nang pagsuporta ang konseho sa akdang resolusyon,

"It is dangerous and inconvenient para sa ating mga motorista, dahil maaari pa
itong magdulot ng disgrasya, delikado yung prototype na gusto nilang ilagay...",
dagdag ni BM Ponce de Leon.

6
Ayon naman kay BM Benedito, dapat na ikonsidera rin ang dagdag gastos ng
may-ari ng motorsiklo sa pagbili ng barrier lalo't mayroong kinakaharap na
pandemya.

(Pinagkunan: “Sangguniang panlalawigan, hiling na ikonsidera ang paggamit ng helmet at


face mask sa mga motorcycle driver at backriders sa palawan imbes na maglagay ng
barrier,” Provincial Government of Palawan, Published July 22, 2020,
http://www.palawan.gov.ph/blog-single.php?news_id=177.)

Pamprosesong Tanong:

1. Pabor ka ba sa paggamit ng full face helmet sa halip na barrier sa mga motor


na may-angkas? Pangatwiranan.

2. Ano ang masasabi mo sa aksiyon ng lokal na pamahalaan tungkol sa usapin


ng paglalagay ng barrier batay sa balita?

3. Alin sa mga detalye ang pinakamalakas na sumusuporta sa iyong pananaw?


Ipaliwanag.

7
Ngayon naman ay iyong lilinangin ang kaalaman sa tulong ng mga teksto at mga
gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon na maaari mong
gamitin sa pagsagot sa mga gawain.

Pagsulat ng Posisyong Papel

Ang Posisyong Papel ay naglalahad ng mga napapanahong isyu sa lipunan.


Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na paniwalaan ang
mga argumento ng manunulat. Ito ang mga ideya na kailangang gawan ng maayos
na paksa, pagbuo ng mga argumento, at organisasyon ng papel. Isa sa
mahahalagang dapat isaalang-alang ay mailahad ang lahat ng mahahalagang
anggulo ng isyu na madaling maiintindihan ng mga mambabasa. Kailangan mong
mailahad ang isang tiyak na panig ng isyu at maiparating sa mga mambabasa na may
kaalaman ka at pagsasaliksik tungkol dito. Mahalagang maibigay mo rin ang mga
ebidensiya upang mapasubalian ang mga argumento ng kabilang panig at maipakita
mo rin ang iyong perspektibo upang maging maliwanag sa mambabasa.

Mga Isasaalang-alang sa Isyu

Bago ka pumanig sa isang bahagi ng isyu ay kailangan mo munang mapag-


aralan ang paksang pinagtatalunan. Alamin kung alin sa dalawang panig ka
susuporta. Tanungin din ang sarili ng mga sumusunod upang mailahad mo nang
mabisa ang iyong mga argumento:
• Ito ba ay tunay na isyu, na totoong kontrobersiya at walang kasiguraduhan?
• Mayroon bang malinaw sa dalawang panig na mabubuo sa isyu?
• Interesado ka ba sa isa sa mga panig tungkol sa isyu?
• Tiyak ba ang isyu at kayang mapangasiwaan sa pagbuo ng matibay na
argumento?

Analisis ng isang Isyu at Pagbuo ng Argumento

Kapag nalaman mo na ang paksa, kailangan mong magsaliksik tungkol dito.


Kahit may tiyak ka nang panig o opinyon tungkol sa paksa ay mahalagang malawak
ang kaalaman mo sa isyu. Ang paglilista ng mga ideya sa kahinaan o kalakasan ng
iyong panig ay makatutulong sa iyo upang mapaghandaan mo ang ibabatong
katanungan ng kabilang panig. Isama mo rin ang mga ebidensiya tungkol sa
magkabilang pananaw tungkol sa paksa. Narito ang mga katuwang na ebidensiya
na maaari mong gamitin:
8
• Factual knowledge – impormasyong may katotohanan at pinagkakasunduan
ng lahat.
• Statistical Inferences – tumutukoy sa mga interpretasyon at halimbawa o
nakalap na mga katotohanan.
• Informed Opinion – pananaw na bunga ng pananaliksik o mula sa mga
eksperto.
• Personal Testimony – pansariling karanasan batay sa tunay na pangyayari.

Kapag nabuo mo na ang ideya ng dalawang panig tungkol sa paksa, ikumpara ito
batay sa impormasyon mong makakalap. Isama sa konsiderasyon mo ang
mambabasa at ang iyong personal na pananaw sa pagtiyak mo sa posisyong
papanigan.
Narito ang mga katanungan na dapat mong isaalang-alang tungkol sa iyong
mambabasa:
• Sino ang iyong mambabasa?
• Ano ang pinaniniwalaan nila?
• Saan sila pumapanig sa isyu?
• Bakit sila interesado tungkol sa isyu?
• Ano ang mga ebidensiya na maaaring maging epektibo sa kanila?

Sa pagtukoy ng iyong paninindigan, tanungin mo ang iyong sarili sa mga


sumusunod:
• Nakapupukaw ba ng interes ang inyong paksa?
• Kakayanin mo bang mapangasiwaan ang mga ebidensiya o alituntunin na
ibibigay ng guro?
• Tiyak ba ang isyu at nangangailangan ng mungkahing plano bilang aksiyon?

Organisasyon
Ang iyong panimula ay dapat naglalahad ng tesis na magiging batayan sa
balangkas ng iyong posisyong papel. Mayroong tatlong kagandahan kapag ang
pagbabalangkas mo ng sulatin ay nakaangkla sa tesis o paninindigan:

1. Malalaman ng mambabasa ang iyong pinaniniwalaan.


2. Ang iyong tesis ay nailahad sa dalawang pinakamahalagang bahagi, ang una at
huli.
3. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng paglalahad ng argumento.

Mungkahing Outline ng Posisyong Papel


I. Panimula
A. Ipakilala ang paksa
B. Ibigay ang kaligiran ng paksa
C. Sabihin ang iyong Tesis (iyong panig tungkol sa paksa)
II. Kontra Argumento
A. Ibuod ang argumento ng kabilang panig
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa argumento ng kabilang panig
C. Kontrahin ang argumento ng kabilang panig tungkol sa paksa
D. Magbigay ng mga ebidensiya sa mga argumento
III. Iyong Argumento
A. Sabihin ang iyong unang argumento
1. Ilahad ang iyong opinyon
9
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
B. Sabihin ang iyong ikalawang argumento
1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
C. Sabihin ang iyong ikatlong argumento
1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
IV. Kongklusyon
A. Muling sabihin ang pangunahing argumento
B. Magbigay ng plano bilang aksiyon (Pinagkunan: “Writing a Position Paper,”
Rutgers.edu., August 5, 2020,
https://www.cs.rutgers.edu/~rmartin/teaching/fall1
7/Writing_a_Position_Paper.pdf.)

Sa bahaging ito ay palalalimin natin ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng


Posisyong Papel. Sa pamamagitan ng mga gawain sa bahaging ito ng modyul ay
mas malalaman mo ang ideya o pangunahing balangkas sa pagbuo ng posisyong
papel.

Gawain 1: Masdan, Gawin, Limiin


Panuto: Basahin at suriin ang isang teksto na halimbawa ng Posisyong Papel. Isulat
ang mga sagot sa kahon kasunod ng tekstong binasa na naglalaman ng
pangunahing posisyon, argumento, ebidensyang sumusuporta at aksyon kaugnay ng
isyu.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG
PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat,
at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang
alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas ilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo
28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino
ang mga asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na
nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng
napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng
hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa’y aangkinin lamang ito ng mga
10
Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuhay ang Filipino dahil halata
naming nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting
nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad
sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang nawawalan ng
trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing Mabuti ang
CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang
pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang
ganito: “General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and
the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood
amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the
gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly
become pressing.” Hindi ba’t ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa
hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa
pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan),
nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito
simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan
na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi’y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP) na tinaguriang “largest state university in the country” na binubuo ng humigit
kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang
iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa Kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon niyo.
Hindi ba’t paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical
panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang
malinaw na konsultasyong isinagawa? Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating
bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A.
Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow
sa Russia.

Ang Politeknikong Universidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay


patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa
pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito
mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP)
ang
pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito,
ang

mga batiking manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa


Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga

Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong


kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at

11
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung
hindi tulou-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli’t muli naming
igigiit ang Karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Konstitusyon ng
Pilipinas.

Pangunahing Gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting


ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa Kolehiyo. Bilang hakbang,
magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,

Pangkultura at PPag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga


Guro sa Filipino ansining sa Wikang Filipino na may temang “Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa
sa Hamon ng Programang K-12” kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA)
na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba’t ibang mga unibersidad at
kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Kung hindi pa
magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng
malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna
ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang Pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,
tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad
mo!
Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

(Pinagkunan: “CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013,” Commission on Higher Education, Accessed August 5,
2020, https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/10/CMO-No.20-s2013.pdf .)

Pangunahing Posisyon:

Ebidensya 1:

12
Argumento 1:
Ebidensya 2:

Ebidensya 1:

Argumento 2:
Ebidensya 2:

Aksyon Kaugnay ng Isyu Bilang Konklusyon

Gabay na Katanungan:
1. Sa iyong palagay, maayos ba ang pagkakalahad ng posisyong papel?
Ipaliwanag.

Gawain 2: – Mga Bahagi ng Posisyong Papel


Panuto: Bumuo ng sariling posisyong papel tungkol sa napapanahong isyu. Pumili
ng isa sa mga pagpipilian. Ilagay ang mga maaari mong isulat sa nakalaang
kahon sa bawat bahagi ng posisyong papel.

Narito ang mga pagpipiliang paksa:

13
1. Aksiyon ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglobo ng COVID-19
cases
2. Tulong sa mga naapektuhan sa sektor ng Turismo
3. Disiplina ng mamamayan at pakikiisa sa health protocols na pinaiiral sa
lungsod

I. Panimula

A. Ipakilala ang paksa

B. Ibigay ang kaligiran ng paksa

C. Sabihin ang iyong Tesis (iyong panig tungkol sa paksa)

II. Kontra Argumento


A. Ibuod ang argumento ng kabilang panig

B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa argumento ng kabilang panig

14
C. Kontrahin ang argumento ng kabilang panig tungkol sa paksa

D. Magbigay ng mga ebidensiya sa mga argumento

III. Iyong Argumento

A. Sabihin ang iyong unang argumento


1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya

B. Sabihin ang iyong ikalawang argumento


1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya

C. Sabihin ang iyong ikatlong argumento


1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya

15
IV. Konklusyon
A. Muling sabihin ang pangunahing argumento
B. Magbigay ng plano bilang aksiyon`

Gawain 3: – Limiin Mo
Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa nabuo mong halimbawang
Posisyong Papel.

1. Saang bahagi ng pagsulat ng Posisyong Papel ang kailangan mo pang


paghusayin? Bakit?

2. Naging makatotohanan ba at kaakit-akit ang iyong isinulat na posisyong


papel? Ipaliwanag.

3. Magbigay ng mga katanungan sa guro tungkol sa pagbuo ng posisyong


papel. Alin sa mga ipinaliwanag sa modyul ang hindi mo naiintindihan?
Binabati kita
sapagkat
nakarating ka na
sa bahaging ito

16
ng modyul. Dito ay magbubuo ka ng pangkalahatang konseptong itinuro sa modyul
na ito.

Gawain – Kaya Mo Na!


Panuto: Magbigay ng kabuuang ideya gamit ang mga susing salita sa kabuuan ng
natapos na aralin. Isulat sa mga kahon ang iyong sagot.
Konsepto Paliwanag

Isyu

Argumento

Ebidensya

Posisyon

Aksyon

Titingnan natin sa bahaging ito kung ganap mo nang natutuhan ang mga itinituro
sa modyul na ito. Aalamin natin kung ang mga batayang kakayahan sa pagsulat ng
posisyong papel ay tumimo na sa iyong isipan.

Gawain – Pagsasapinal ng Borador


Panuto: Mula sa ginawa mo sa Gawain 2 ng Pagyamanin, bumuo ng pinal na
bersiyon nito.

I. Panimula
A. Ibigay ang paksa, kaligiran, at tesis (panig)

17
II. Kontra Argumento
B. Ibuod ang mga argumento kasunod ang mga ebidensya ng kabilang panig

III. Iyong Argumento


C. Isulat ang pagkakasunud-sunod ng mga argumento at mga ebidensya

18
IV. Konklusyon
C. Muling isulat ang pangunahing argumento at tiyak na aksyon bilang
kongklusyon

Rubrik sa Pagmamarka (Gawain 2 ng Pagyamanin, Isaisip at Isagawa)

Pamantayan sa 3 2 1
Paggawa

Organisado Maayos ang May iilang ideya at Kailangang maging


paglalagay ng mga impormasyong hindi tiyak sa ideya at
kinakailangang ideya at masyadong maayos. impormasyon ilalagay
impormasyon. at ihanay ng maayos
sa ginawa.

Wika at Gramatika Nasusunod ang May mga nakitang Tingnang muli ang
wastong gamit ng mga kaunting pagkakamali wastong gamit ng wika
salita, pagbabaybay, sa wastong gamit ng at gramatika. Isaisahin
pagbabantas at mga salita, ang wastong gamit ng
istruktura ng mga pagbabaybay, mga salita,
pangungusap. pagbabantas at pagbabaybay,
istruktura ng mga pagbabantas at
pangungusap. istruktura ng mga
pangungusap.

19
Kalinawan at Bisa ng Obhektibo ang Obhektibo ang Naglahad ng pananaw
Pagpapahayag paglalahad ng detalye paglalahad ng detalye na hindi kailangan.
at naiintindihan agad ngunit kailangang Malabo ang
ng bumabasa. ayusin ang iba pang paglalahad ng ideya
ideya upang lubos na dahil sa mga
maunawaan. impormasyong hindi na
dapat inilagay.

Kaisahan ng mga Ideya Gumamit ng wastong May mga cohesive Hindi nagamit nang
cohesive devices o devices na hindi wasto wasto ang mga
mga pang-ugnay na ang pagkakagamit salitang pang-ugnay at
mga salita upang kaya naapektuhan ang kailangang ipakita pa
iugnay mga kaisipan. kaisahan ng mga ang koneksyon ng mga
ideya. ideya.

Pagsunod sa Nakabatay ang May ilang mga bahagi Hindi ibinatay sa


Balangkas pagkakasunod-sunod na hindi nasunod ayon wastong pormat na
ng wastong pormat na sa wastong pormat na ibinigay ang ginawang
ibinigay. ibinigay. awtput.

Upang higit mong maunawaan ang posisyong papel, tingnan natin kung kaya
mong iayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang mga nilalaman ng posisyong papel.

Gawain: Pagbubuo ng Posisyong Papel


A. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita para
mabuo ang pamagat ng Posisyong Papel na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
patlang na nakalaan.

Posisyong sa Limos Mahihirap ng Pagbibigay Papel


Tungkol sa

20
_______________________________________________________

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga talata upang makabuo ng isang


Posisyong Papel. Isulat ang bilang (1,2,3, at 4) sa loob ng kahon na
nakalaan sa bawat letra.

A. Ayon sa batas na Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendinancy


Law, mahigpit na ipinagbabawal ang pamamalimos at magpalimos.
Sapagkat ito ay gawain na nakadaragdag ng krimen, nagiging
dahilan ng katamaran, nagdudulot ng trapiko, at sinasamantala ng
mga sindikato sa paggawa ng krimen na nagiging sanhi ng
pagkasira ng dignidad ng mga taong ginagamit sa pamamalimos.

B. Kung iisipin malaking tulong ang batas na ito para magising ka sa


katotohanan na kailangan mong pag-isipang mabuti ang pagtulong
sa kapwa na iyong ginagawa. Kailangang magsumikap ang bawat
isa para umunlad at hindi humingi ng limos habambuhay.

C. Ang pagiging mapagbigay at matulungin ay isa sa katangian ng


maraming Pilipino lalo’t higit sa panahon ng krisis. Sapagkat
nakagagaan ito sa pakiramdam na may tao kang tinutulungan at
upang ikaw ay makaramdam ng kasiyahan. Ika nga, walang
masama sa pagbibigay ng tulong sa iyong kapwa. Subalit sa
pagbibigay ay maaari kang makalabag ng isang batas.

D. Walang masama sa pagtulong at pagbibigay, ngunit kung ito ang


magiging dahilan para sa pagdami ng krimen, pagkakaroon ng
tamad na mamamayan, magulong daloy ng trapiko, at
pananamantala ng mga sindikato sa mundo mas makabubuti kung
unahin na lamang nang nagbibigay-limos ang kanyang sariling
pangangailangan.

Marami ka bang napulot na kaalaman? Tignan ang


kabuoang natutuhan sa Gabay sa Pagwawasto.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Sa bahaging ito ng posisyong papel ay muling isinasaad ang


argumento at nagbibigay rin ng plano sa magiging aksyon.
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Konklusyon D. Iyong Argumento

2. Ito ay isang sulating akademiko na may layuning mahikayat ang


mambabasa na ang mga inilalahad na argumento ay may
katotohanan at kailangang paniwalaan.
21
A. Posisyong Papel C. Abstrak
B. Lakbay-sanaysay D. Katitikan ng Pulong

3. Inilalatag sa bahaging ito ang mga hindi pagsang-ayon sa mga


argumentong kumukontra sa argumentong inilalahad sa tesis o
paninindigan sa posisyong papel.
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

4. Inilalahad sa bahaging ito ang mga ebidensya para sa argumento.


A. Panimula C. Kontra-Argumento
C. Iyong Argumento D. Konklusyon

5. Dito binabanggit ang buod ng mga argumentong hindi sumasang-ayon sa


tesis o paninindigan sa posisyong papel.
A. Panimula C. Konklusyon
B. Iyong Argumento D. Kontra-Argumento

6. Ang tesis o paninindigan sa isang isyu ay inilalahad sa aling bahagi ng


posisyong papel?
A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

7. Ito ay impormasyong katanggap-tanggap at pinagkakasunduan ng


nakararami.
A. Factual Knowledge C. Personal Testimony
B. Informed Opinion D. Statistical Inferences

8. Pansariling karanasan na may pinagbabatayang pinagmulan. A. Factual


Knowledge C. Personal Testimony
B. Informed Opinion D. Statistical Inferences

9. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa inilalahad sa panimula ng


Posisyong Papel?
A. Pagpapakilala ng paksa
B. Paglalahad ng kaligiran ng paksa
C. Pagpapaliwanag ng mga ebidensya
D. Pagsasabi ng pananaw sa paksa

10. Dito sa bahaging ito inilalahad ang mga argumento ng posisyong-papel.


A. Panimula C. Kontra-Argumento
B. Iyong Argumento D. Konklusyon

(Para sa bilang 10-15)

Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa tatlong probinsiya?


Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng lalawigan sa isinusulong na House Bill
8055.

22
Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito lamang
nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng tatlong probinsiya sa
lalawigan ng Palawan.

Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee Report No. 490 at
tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R. Duterte ang kulang upang tuluyan na
itong maging batas.

Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya sa lalawigan


si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.

(Pinagkunan: Philippine Information Agency (PIA), Pebrero 6, 2019. pia.gov.ph)

11. Alin sa pahayag ang naglalahad ng pananaw sa tekstong binasa?


A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya? Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng
lalawigan sa sinusulong na House Bill 8055.
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

12. Ano ang pangunahing paksa sa binasa?


A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya?
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

13. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng kasalukuyang estado ng


pangunahing paksa?
A. Isa sa mga pangunahing sumusulong ng pagtatatag ng tatlong probinsiya
sa lalawigan si Palawan Gov. Jose Ch. Alvarez.
23
B. Ang House Bill 8055 ay panukalang batas na ipinasa sa Kongreso nito
lamang nakalipas na taon sa sumusuporta sa hakbangin ng paglikha ng
tatlong probinsiya sa lalawigan ng Palawan.
C. Napapanahon na nga ba na hati-hatiin ang lalawigan ng Palawan sa
tatlong probinsiya? Ito ang tanong ng karamihan ng mamamayan ng
lalawigan sa isinusulong na House Bill 8055.
D. Pumasa na rin ito sa Senado sa pamamagitan ng Senate Committee
Report No. 490 at tanging lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte ang kulang upang tuluyan na itong maging batas.

14. Kung ikaw ay hindi pabor sa paksang inilalahad sa teksto, ano ang
pinakamainam na pangungusap ang maaari mong ilahad?
A. Hindi na kailangan pang hatiin sa tatlo ang lalawigan ng Palawan
sapagkat ang pag-unlad nito ay nakasalalay sa mabuting pamamahala ng
lokal na pamahalaan at pakikipagkaisa ng mga mamamayan.
B. Ayaw kong mahati sa tatlo ang Palawan sapagkat baka maghati-hati rin
ang pag-iisip ng mga mamamayan nito. Mas mabuti nang isa lamang para
mapayapa tayo.
C. Kung hahatiin ang Palawan sa tatlo, baka bumababa lalo ang pasok ng
turismo dahil sa marami na silang pagpipilian.
D. Mas mainam kung hindi na hahatiin sa tatlo ang lalawigan ng Palawan.
Umisip na lang ng ibang paraan para wala nang pagtatalunan pa.

15. Kung ikaw ay pabor sa paksang inilalahad sa teksto, ano ang pinakamaayos
at malinaw na pangungusap para rito?
A. Malaki ang maiitutulong ng paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan
sapagkat mapapalapit ang mga serbisyo at pagpapalago ng mga
nasasakupan nito.
B. Pabor ako na mahati sa tatlo ang lalawigan ng Palawan dahil ito ay
makatutulong sa akin bilang mamamayan.
C. Uunlad ang mga mamayan kapag hinati sa tatlo ang Palawan. Mas
maraming mapupuntahang bagong lalawigan ang mga tao.
D. Malaki ang magagawa ng paghahati ng Palawan sa turismo at iba pang
imprastraktura dahil nariyan ang suporta ng Pangulong Duterte.

24
25
Tayahin
1. B
2. A
3. C
4. C
5. D
6. C
Sagot sa gawain Balikan 7. A
8. B
Pagpupuno ng salita – Pagkakasunod -sunod 9. B
10. A
1. pag -aaral
2. pananaw 11. C
3. sistema 12. B
4. tinukoy 13. D
5. ideya 14. A
6. mabuo 15. A
7. pananaliksik
Subukin
1. A
2. B
Sagot sa karagdagang Gawain 3. B .
A. Posisyong Papel Tungkol sa Pagbibigay ng Limos
sa Mahihirap
4. C
B. 5. D
2 A. 6. C
B. 7. C
4
8. A
1 C.
9. A
3 D.
10. B
11. B
12. C
13. D
14. A
15. A
Websites

“Writing a Position Paper.” Rutgers.edu. August 5,


2020.
https://www.cs.rutgers.edu/~rmartin/teaching/fall17/Writing_a_Position_Paper.pdf.

“Paghahati ng Palawan.” Philippine Information Agency (PIA). February 6, 2019,


www.pia.gov.ph.)
“Sangguniang panlalawigan, hiling na ikonsidera ang paggamit ng helmet at face
mask sa mga motorcycle driver at backriders sa palawan imbes na maglagay ng
barrier.” Provincial Government of Palawan. Published July 22, 2020.
http://www.palawan.gov.ph/blog-single.php?news_id=177.

“CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.” Commission on Higher


Education. Accessed August 5, 2020. https://ched.gov.ph/wp-
content/uploads/2017/10/CMONo.20-s2013.pdf.

FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
OPO HINDI
26
Maraming salamat sa paggamit ng CLIK Modyul na ito. Hangarin nito
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang modyul na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang modyul na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa modyul na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang modyul na ito?

Wala

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Contact Number: __________________________________


PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng Modyul:

Petsa ng Pagbalik ng Modyul:

Lagda ng Guro:

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Division of Puerto Princesa City


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
(02) 634-1054 o 634-1072
puertoprincesa@deped.gov.ph

28

You might also like