You are on page 1of 21

12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL

Karapatang Sipi@ Deped Bohol


Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmanmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala I ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang video nang walang nakasulat ang tagapalathala at may-akda. Hindi sakop
ng karapatang -sipi ang sariling aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon District,
Tagbilaran City, Bohol

May- akda:
Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D
Josephine D. Eronico, Ph.D
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D
Josephine D. Eronico, Ph.D
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Bianito D. Dagata,Ed.D.CESO V
Schools Division Superintendent
Carmela M. Restiticar, Ph.D
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico,Ph.D.
EPS,LRMDS
Wilfreda O. Flor,Ph.D

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education. Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive,Cogon District, Tagbilaran City, Bohol


Telephone No: ( 038) 412-4938, ( 038) 411-2544, ( 038) 501-7550
Telefax: ( 038) 501-7550
Email address: Deped.bohol @ deped.gov.ph

12
FILIPINO SA PILING LARANG
(AKADEMIK)

Ikalawang Markahan-Modyul 3:
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

Paunang Salita:
Para sa tagapagdaloy:
Pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon ang
modyul na ito upang gabayan ang guro na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng programang K to12 Kurikulum upang makamit ang kasanayang pan-21 siglo habang
isinaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Taos-pusong umaasa ang guro na makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,at kasanayan

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan
ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Taos-puso ang pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Pagsulat
ng Posisyong Papel”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa pangangailangan. Kahit wala ka sa loob ng silid-aralan ,
ikaw’y matutulungan pa rin at mabigyan ng malaking oportunidad na matuto.Sadyang inaangkop ang
mga aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa iyong interes at kakayahan upang ang iyong
pagkatuto ay maging makabuluhan at kawili-wili. Nililinang din dito ang iyong malikhain, kritikal at
mapanuring pag-iisip at matatag na pagpapahalaga sa wika at kultura. Kasabay ding lilinangin ang
kasanayan at kakayahan sa pagsusulat hindi lamang ang ordinaryo at di-pormal na uri ng pagsulat
kundi ang iyong kasanayan sa akademikong pagsulat na magagamit sa iyong pang-araw-araw na
pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, inihahanay ang mga layunin ng aralin.


Alamin Mahalagang nauunawaan mo kung ano ang iyong maaasahan
sa aralin.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Tiyakin mong masasagutang nang
Subukin buong-puso ang maikling pagsusulit.

Sa bahaging iyo, binabalikan ang mga dati nang kaalaman kung


Balikan mayroon ka tungkol sa paksa ng aralin. Mahalagang matukoy
ang dati nang alam upang matiyak na may napadagdag na
kaalaman.
Sa bahaging ito inilalahad ang mismong aralin, ginagalugad dito
Tuklasin ang mga ideyang magkikintal ng mahahalagang kaisipan.

Sa bahaging ito ay may tanong na sumusubok sa iyong


Suriin pagkaunawa sa aralin
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Makikita sa bahaging ito ang mga gawaing para sa mapatnubay
Pagyamanin at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Ang pagkakaroon ng
pagpipiliian ay makabubuti dahil higit na naaangkop ang iba’t
ibang interes, kakayahan, at estilo sa iyong pagkatuto
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Karadagang Gawain natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa sa modyul.
pagwawasto
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?

Malaking tulong sa iyo ang modyul na ito na siyang magiging gabay mo sa sariling pagkatuto.Higit
na magiging mabisa at makabuluhan ang iyong pag-aaral kung malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat
isaalang-alang at marapat lamang sundin.

1. Sagutin mo nang buong katapatan ang Subukin.Masusukat nito ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.
2. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago magsisimula sa iba pang pagsasanay.
5. Sagutin ang pangwakas na pagtataya at pagkatapos .
6. Tandaan, kaibigan mo ang modyul na ito. Sagutin mong mabuti. Huwag mong susulatan at pakaingatang
huwag masira.
7. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos na ang lahat na gawain o
pagsasanay

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Dinisenyo ang modyul na ito nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan , kasanayan at
interes.Naglalayon itong matulungan kang matuto kahit wala ka sa loob ng klasrom. Matutunan mo rito
ang kahalagahan sa pagsusulat kasama na rito ang akademikong pagsulat. Ang mga gawain dito ay
hahamon sa iyo na mag-isip kung paano mo mailalapat ang mga natutuhan upang magtamo ng mga
kasanayang mapakikinabangan bilang makabuluhang mamamayan hindi lamang sa loob ng paaralan
kundi hanggang sa paglabas mo sa malawak na daigdig.. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa
wastong pamantayan

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may isang kompetensi lamang ang lilinangin para sa
Ikatlong Linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:

 Aralin 3
 Unang Araw: Posisyong Papel
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

 Ikalawang Araw: Posisyong Papel/Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

 Ikatlong Araw: Pagsulat ng Posisyong Papel


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

 Ikaapat na Araw: Pagsulat ng Posisyong Papel


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)
SUBUKIN
Natutukoy ang tamang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel ay wasto
at iguhit kung mali.
________1.Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
________2.Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing layunin
sa pagsulat ng pagsisimula.
________3.Ang pagbibigay opinion at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensyang magagamit sa
pagsulat.
________4.Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa pagbuo
ng sulatin.
________5.Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na
nakalahad sa sulatin.
________6.Makapagbibigay na ng matibay na ebidensya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
________7.Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay ng
kongklusyon.
________8.Ang pagbibigay ng opinion ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay
nakapagpapatatag ng pangangatuwiran.
________9.Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao ang mga katunayan o facts.
________10.Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.
Aralin 3
POSISYONG PAPEL
UNANG ARAW

Sa modyul na ito matutunghayan mo ang katangian ng isang sulating akademiko, kahulugan ng


posisyong papel.
Ang pagsagot ng mga tanong ay nagpapaunlad sa kasanayan mo sa pag-unawa ng iyong binabasa.
Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag o pagpapahayag ng sariling ideya o
kaisipan

BALIKAN

Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa kabataang Pilipino ay ang kakayahang manindigan sa
isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo. Maisasagawa ito kung may
kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili sa pamamagitan ng paglalatag ng matitibay na
ebidensya o katibayan.
Kaya sa araling ito, sanay mahahasa rin ang iyong kasanayan sa pagsulat ng isang posisyong papel.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel .

TUKLASIN
Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakakaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang iyong
paninindigan sa ilang isyung ito at maglhad ng mga punto kung paano to nakatulong o nakatutulong para
sa iyong kabutihan.

Paggamit ng tablet o iba


pang gadget sa pag-aaral sa
Ang aking paninindigan…
halip na aklat sa paaralan

Ang aking paninindigan…


Pagbabawal ng angkas sa
motor sa panahon ng
COVID -19 Pandemic
SURIIN
Alam mo ba…
Ang posisyong papel ay isang sining na naglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinantanggap ng nakararami. Isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan. Ang
posisyong papel ay kagaya ng debate na naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao. Ang
layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang paniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.
Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong ipinaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.
Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng awtor o
ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal. Ito’y inilalathala sa akdemya, sa politika, sa batas at iba pang
domeyn. May iba’t ibang anyo, mula sa pinakapayak na anyo ng liham sapatnugot/
editor hanggang sa pinakakomplikadong anyo ng akademikong posisyong papel.
Ginagamit ng malalaking organisasyon upang isapubliko ang mga opisyal na paniniwala at mga rekomendasyon ng
pangkat.

Mga Batayang Katangian ng Posisyong Papel

1. Depinadong Isyu
 Hinggil sa mga kontrobersyal na isyu, mga bagay na pinagtatalunan ng tao
2. Klarong Posisyon
 Kailangang mailahad ng malinaw ang posisyon ng awtor
 Hindi maaari ang posisyong malabo o ang indesisyon
 Madalas, dinedeklara na agad ng awtor ang kanyang posisyon sa tesis na pahayag sa simula pa lamang ng
sanaysay
3. Mapangumbinsing Argumento
 Matalinong Katwiran
 Kailangang malinaw ang pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon

 Solidong Ebidensya
 Maaaring gamitin ang anekdota (mga testimonya ng mga awtoridad na maalam sa isyu)
 Ang estatistika ay dapat na may malinaw na pinaghanguan ng impormasyon
 Kontra-Argumento
 Dapat isaalang-alang ang mga salungat na pananaw
 Upang pabulaanan, dapat ipakita ng awtor kung paanonaging mali ang argumento
4. Angkop na Tono
• Maaaring palakaibigan, seryoso o matapang ang tono
• Dapat isaalang-alang ang bigat ng isyu, target na mambabasa, layunin ng manunulat

PAGYAMANIN
PAGSASANAY;
Pamatnubay na Tanong;
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
2. Ano ang inilalahad sa posisyong papel?
3. Ibigay ang pagkakaiba ng depinadong isyu sa klarong posisyon.
4. Ano ang karaniwang tono sa posisyong papel?

ISAISIP

Ayon kay Grace Fleming sumulat ng artikulong “How to write an argumentative Essay,” ang posisyong
papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersyal na isyu sa pamamgitan ng
pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.Kapag nailatag na ang kaso at ang
posisyong hinggil sa isyu , mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga ebidensiyang kinapalooban ng mga katotohanan ,opinion ng mga tao na may
awtoridad hinggil sa paksa , karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa
posisyong pinanghahawakan.

ISAGAWA

Panuto: Batay sa iyong narinig, nabasa at napanood sa telibisyon, radyo at iba pa. sumulat ng posisyong
papel hinggil sa mga napapanahong isyu.
Pagpipilian:
1.Anti-Terrorism Law
2.Modular Learning sa Edukasyon
3.Pagpapauwi ng mga locally stranded na indibidwal sa kani-kanilang lugar

Pamantayan sa Pagmamarka:

1.Kaangkupan ng paksa o nilalaman 5


2.Pagkakabuo ng mga ideya 5
3.Wastong gamit ng gramatika 5
4.Organisado,malikhain, at kahika-hikayat 5
na posisyong papel
Kabuoan : 20 pts.

TAYAHIN

Tama o Mali
Panuto:Batay sa iyong natutunan tungkol sa posisyong papel isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi.
____________1.Ang angkop na tono ay palaisipan seryoso o matapang ang tono.
____________2.Ang mapangumbinsing argumento ay dapat may matalinong katwiran solidong
ebidensya
at kontra argumento.
____________3.Maaaring gamitin ang anekdota sa pagpapahayag ng solidong ebidensya.
____________4.Isa sa mga katangian ng posisyong papel ay depinadong isyu.
____________5.Dapat hindi isaalang-alang ang mga salungat na pananaw sa kontra argumento.
____________6.Kailangang nakakasilaw ang pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon ng
matalinong katwiran.
____________7. Ang layunin ng posisyong papel ay makumbinse ang madla na ang paniniwalaan ay
katanggap-tanggap at may katotohanan.
____________8.Maihahalintulad ang posisyong papel sa isang debate na naglalayong ipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyu.
____________9. Ang sumulat ng artikulong “How to write an argumentative Essay” ay si
Greece Fleming
____________10. Ang posisyong papel ay isang sining na naglalahad ng mga dahilan upang
makabuo ng
isang patunay na tinantanggap ng nakakarami.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto.Magbigay ng limang kahalagahang hatid ng Posisyong Papel sa ating Komunidad


1.______________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________________

SANGGUNIAN
1.Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 77-92
Aralin 3
Posisyong Papel/Mga Hakbang sa Pagsulat
IKALAWANG
ARAW
ng Posisyong Papel

Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga argumento at pangangatwiran
kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik.
Kaya naman , napakahalagang mapag-isipan at mapaghandaang mabuti ang paggawa nito.

BALIKAN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong :

1.Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?


2.Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?
3.Ano-ano ang mga katangian ng posisyong papel?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel

TUKLASIN
Bakit mahalaga ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?

SURIIN
Alam mo ba?

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.

Dalawang uri ng ebidensiya na magagamit sa pangangatwiran.


 Mga Katunayan - tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay
nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. Tiyaking reliable o mapagkatiwalaan
ang testimonyang gagamitin sa iyong posisyong papel.
 Mga opinion - tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi
sa ipinapalagay lamang na totoo. Kung gagamiting ebidensiya ang opinyon sa sulating papel,
kailangang manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isang isyu o paksa

6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.

I. Panimula
 Ilahad ang paksa
 Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa paksa
 Ipakilala ang tesis ng posisyong papel

II.Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis


 Ilhad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.
 Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalin ang binanggit na counterargument
 Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad.
 Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
.
III.Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
 Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag
 Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag
 Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag
IV.Kongklusyon
 Ilahad muli ang iyong argumento o tesis,.
 Magbigay ng mga plano na gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o
isyu.

Halimbawa ng Posisyong Papel


Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggilsa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
UnibersidadPANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAGPATAYIN ANG PAMBANSANG
KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURONG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT
MAMAMAYANG PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP), Samahan ng mga
Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga BatangEdukador ngWikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas,
PUP Sentro sa MalikhaingPagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalinga

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)nang


alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28
serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang PurposiveCommunication na nakapaloob sa
nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa
Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad,at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan,
pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkininlamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga
unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive
Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mgakolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming
mga guro sa Filipino, partikular nasa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi
pumapayag ang Kagawaran ngFilipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat
malinaw na isinasaad sa 198 7Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang
pambansa ngPilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at
konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa
pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find and locate
her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of
community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity
of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program
increasingly become more pressing."Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na
tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad?Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa
pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa
Filipino ang identidad ng mamamayansa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na
makatutugon sa mga kahingiangpanlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay
lamang ng mgaasignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng
malakingpuwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ngPilipinas
(PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo nghumigit kumulang 70, 000 na
mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansakatuwang ang iba pang mga organisasyon ay
matatag na naninindigan na panatilihin angFilipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang
Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino
sakurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyonnito. hindi
ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technicalpanel ng
pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walangmalinaw na
konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng atingbansa ay pinatatatag
ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University
at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University atUniversity of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ngFilipinolohiya nito ay


patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,pangkultura at pansining sa
pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiyaat talakayan sa Wikang Filipino sa
iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang
Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino,bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency
of Chartered Colleges and Universities in thePhilippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sainternasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na
inihahain nito. Ginawaran na rin itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa
Pagpapaunlad ng WikangFilipino.Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng
guro sa Filipinosa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at
pagsisikap ngmga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan
kung sabagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi
tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli namingigigiit ang
karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ngFilipinolohiya nito ay


patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,pangkultura at pansining sa
pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiyaat talakayan sa Wikang Filipino sa
iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang
Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino,bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency
of Chartered Colleges and Universities in thePhilippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sainternasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na
inihahain nito. Ginawaran na rin itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa
Pagpapaunlad ng WikangFilipino.Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng
guro sa Filipinosa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at
pagsisikap ngmga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan
kung sabagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi
tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli namingigigiit ang
karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad


atpagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.Bilang
hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,Pangkultura
at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutolsa Pag-aalis ng
Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro saFilipino sa Hamon ng
Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng WikangPambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa
suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mgaSining (NCCA) na kasasangkutan ng mga
guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.Kikilos at kikilos ang PUP upang
ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mgamungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-
ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad atkolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHEDang malinaw
na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang saAgosto, tiyak na gagawa ng
malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadongunibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili angasignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHEDang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang saAgosto, tiyak na
gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadongunibersidad sa bansa sa pangunguna
ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili angasignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiralat
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusangtumanggap nito
bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito angidentidad ng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kungihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo
sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,tinanggal natin ang identidad natin bilang
Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.


Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/

PAGYAMANIN
PAGSASANAY:
Gabay Tanong:
1.Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?
2.Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?
3.Ilahad ang dalawang uri ng ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran.

ISAISIP

 .Kung iyong susuriin ang halimbawang posisyong papel na binasa , ano ang iyong masasabi sa bahagi
nito?
a. Panimula
b. Paglalahad ng Counterargument

c. Paglalahad ng Posisyon
d. Kongklusyon

 Bakit mahalagang malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel?

ISAGAWA

Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa pahayagan , mga aklat, journal o
internet. Suriin ang nasaliksik na halimbawa at gamitin ang balangkas na RAPS sa gawaing ito. (dalawang
puntos bawat kahon)

(READ) Pamagat ng nabasang posisyong papel

(ABOUT) Tungkol saan ang posisyong papel

TAYAHIN
PAGSASANAY 1 (Point 1) Punto 1 (Point 2) Punto 2

Panuto: Pagsunod-sunorin ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng bilang 1 hanggang 7
ang kahon.

1.Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel


2.Pagbuo ng tesis statement o pahayag ng tesis
3.Pagpapatuloy sa pangangalap
(Summary) ng mgaPosisyong
Buod ng binasang kakailanganing
Papel ebidensiya
4.Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
5.Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
6.Pagsulat ng Posisyong Papel
7.Pumili ng paksang malapit sa iyong puso

PAGSASANAY 2
REPLEKSYON
Panuto: Kung iyong susuriin ang halimbawang posisyong papel na binasa sa araling ito . Ano ang iyong
masasabi sa bahaging nito? (dalawang puntos bawat isa)
a. Panimula
b. Paglalahad ng counter argument
c. Paglalahad ng Posisyon
d. Kongklusyon

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Isa-isahin ang balangkas sa pagsulat ng posisyong papel gamit ang Concept Map sa ibaba.Lagyan ng
maikling paliwanag ang bawat bahagi. (Isa hanggang dalawang pangungusap lamang

I. II.

Balangkas ng
Posisyong Papel

III.
IV.

Sanggunian

1.Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 79-87
Aralin 3
Pagsulat ng Posisyong Papel
IKATLONG ARAW

Ayon kay Jacson et al (2015) sa kanilang aklat na pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik, ang
pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na
paliwanag.

 Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng
nakakararami .
 Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan .
 Ito ay isang paraang ginagamit upan bigyang katarungan ang mga opinyon at mapahayag ang mga
opinyon ito sa iba.
BALIKAN

Panuto: Punan ang mga sumusunod na impormasyon batay sa hinihingi sa ibaba


Mga hakbang sa posisyong papel
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________
6. ____________________________________________________________________________

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel

TUKLASIN
1.Sang –ayon ka ba na ipatanggal ang asignaturanng Filipino sa Kolehiyo? Mangatuwiran.

SURIIN
Alam mo ba…

Ang layunin ng posisyong papel ay maglahad ng mga argumentong makaimpluwensiya sa pananaw o


paniniwala ng mga mambabasa. Narito ang isa pang halimbawa ng posisyong papel. Basahin ito at
pagkatapos ay suriin:

18 ng Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Chairperson Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
UP Diliman, Quezon City

Mahal na Dr. Licuanan,

Magalang at taos po sa aming puso na idinudulog sa inyong butihing tanggapan ang posisyong papel na
ito ng Kagawaran ng Filipino ng Adamson University, hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course
sa kolehiyo. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na
wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), sapagkat ang wikang
Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento sa pakikipagtalastasan kundi mabisang elemento sa
pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga kaalaman at kasanayan sa mga asignaturang gumagamit ng
Filipino bilang wikang panturo. Kaugnay nito, nagsisilbing buhay ng bawat Pilipino upang lubusang
makilala ang sariling pagkakakilanlan ng lahi na mapagbuklod tungo sa pagkakaisa sa kabila ng
pagkakaiba-iba at mapahahalagahan ang minanang kultura ng ating bansa.
Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa mabilis at mabuting
pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na mapaunlad sa kanilang sarili ang
nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham Panlipunan,
Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan, Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng Filipino sa
akademikong konteksto ay magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na lalong maging
kolonyalismo ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga kulturang
panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni dating Pangulo
Manuel L. Quezon.

Ang wikang pambansang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa daan-daang taong


naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasarinlan nang paglaya. Hindi
dapat mawala ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Bagkus, dapat gamitin ito bilang susi sa
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagpapanatili bilang kurso. Ang
pag-aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa inihahandang
intelektuwalisasyon ng Filipino tungo sa pagpapauniad at pagpapataas- nito sa antas ng
edukasyon. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang isinasaad sa 1987 Konstitusyon
Artikulo XIV, Seksyon 6 na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng opisyal na
komunikasyon at ng sistemang pang-edukasyon, hindi maipatutupad ang atas na ito kung walang
wikang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Dahil dito, naniniwala ang kagawaran na gamitin
ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon dahil hindi sapat ang pagkatuto sa Filipino
ng mga mag-aaral na nasa elementarya hanggang senior high school, kaya marapat lamang na
maipagpatuloy ang pagkatuto sa Filipino sa antas kolehiyo. Hinggil naman sa pagkakaroon ng
asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa
pagkakaroon ng 12 yunit ng asignaturang Filipino na may multi/interdisiplinaryong disenyo, dahil
ito ang magiging batayan na magiging ganap ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral
kung madaragdagan ang mga asignatura na Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto sa kolehiyo.
Katulad ng iba pang mga institusyon, naniniwala kaming tungkulin ng bawat isa na matutuhan
ang wikang Filipino hindi lamang sa kolehiyong nasasakupan nito kundi sa buong rehiyong
nasasakupan ng Pilipinas. Tulad ng iba pang mga institusyon, ang aming pamantasan ay
katuwang sa paghubog ng mga mag-aaral na rnapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan
na magsisilbing puhunan upang maging mabuting tagapaglingkod sa bansa. Naniniwala kami sa
isang makatarungan at malayang edukasyon.

PAGYAMANIN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1.Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
2,Paano inilatag ang opinion sa Posiyong Papel?
3.Ikaw, ano ag iyong paninindigan sa isyu?

ISAIISIP

Ang kakayahang manindigan o tumayo para sa isang paniniwala o katotohanan ay isa sa mahahalagang
katangiang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel. Nagpapakita ito ng katatagan at katalinuhan ng
isang taong hindi kaagad-agad maaaring mahikayat o maaaring maimpluwensyahang ninuman.

ISAGAWA
Sagutin ang mga sumusunod na tanong .
1.Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu?Ano-ano ang mga ito?
2.Ano ang naging kongklusyon sa posiyong papel?

TAYAHIN
Panuto:Punan ng nawawalang salita ang bawat pahayag na may kaugnay sa
nabasang liham sa araling ito..Piliin ang sagot sa mga salitang nakapaloob sa kahon .

Pangulo Manuel L. Quezon Kasanayan Mandatory Filipino


Ingles Pagpapayaman
Kolonyalismo Artikulo XIV Artikulo XVI
6 8 Kolehiyo malayang
1.Ang wikang pambansang _________ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa daan-daang taong
naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasarinlan nang paglaya.
2.Ang pag-aalis ng Filipino sa akademikong konteksto ay magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan
na lalong maging __________ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga
kulturang panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni dating
____________.
3.Seksyon _____na nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng
sistemang pang-edukasyon, hindi maipatutupad ang atas na ito kung walang wikang
Filipino bilang asignatura sa __________.
4. Naniniwala ang aming kagawaran na dapat gamitin ang wikang Filipino bilang _________na wikang
panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC).
5. Ang wikang Filipino ay hindi lamang epektibong instrumento sa pakikipagtalastasan kundi mabisang
elemento sa ____________at pagpapaunlad ng mga kaalaman at __________sa mga
asignaturang gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo.
6. Naninindigan ang kagawaran na ipatupad ang isinasaad sa 1987 Konstitusyon _________.
7. Naniniwala kami sa isang makatarungan at ___________edukasyon.

KARAGADAGANG GAWAIN

Gumawa ng isang malikhaing SLOGAN tungkol sa wikang Filipino. Isulat ito sa isang buong papel gamit
ang short size bond paper.

SLOGAN
_________________________________________________
________

SANGGUNIAN
1.https://www.slideshare.net>mobile
2. Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 91
Aralin 3

IKAAPAT NA Pagsulat ng Posisyong Papel


ARAW

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng posisyong papel:

 Naglalahad ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu


 Inilalahad nito ang pagkiling o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isang isyu
 Ipinapakita rito ang mga argumento ng kabilang panig at isa-isang binabaklas ng posisyong papel ang
mga argumentong ito ng may suhay o batayan

BALIKAN
Panuto:Buoin ang balangkas ng posisyong papel
I.PANIMULA
a.____________________________________________
b.____________________________________________
c.____________________________________________

II. PAGLALAHAD NG COUNTER ARGUMENT


a.____________________________________________
b.____________________________________________
c.____________________________________________
d.____________________________________________

III.PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON


a.____________________________________________
b.____________________________________________
c.____________________________________________

IV.KONGKLUSYON
a.____________________________________________
b.____________________________________________

TUKLASIN

Ipinapaliwanag ng posisyong papel kung bakit mali ang kabilang panig at kung ano ang magiging
ganansya sa pagpanig sa posisyong papel ng sumulat ng posisyong pape

SURIIN
Alam mo ba…

TATLONG URI NG POSISYONG PAPEL

1.AKADEMYA
-nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong
na paksa ng walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa
isang akademikong pagsulat.Karaniwan pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o
mga posisyong iniharap gamit ang ebidensya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng
naturang paksa.

2.PULITIKA
-Sa pamahalaan ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan
kinakatigan nila ang mga tiyak na opinion at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi
umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.

3.BATAS
-Sa pandaigdigang batas ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-
memoire.Ang isang Aide-memoire ay isang memorandum na naglalahad ng maliliit nap unto ng
isang iminumungkaheng talakayan o di –pinag sang-ayonan na ginagamit lalo na sa mga di-
diplomatikong komunikasyon

LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL


 Makumbinse ang mambabasa na ang sinasabiay katanggap-tanggap at may katuwiran
 Naglalayon itong ipaglaban kung ano ang alam mong tama.
 Naglalayon din itong magtakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan
HALAGA NG POSISYONG PAPEL
 Mahalaga ang posisyong papel sapagkat sa ating lipunan, may mga problema o isyung
dapat na tugunan ng marami .
 Sa pamamgitan ng posisyong papel , naidedetalye ang halaga ng isang posisyon upang
makapagpasya ang mga wala pang alam o matibay na kaalaman ukol sa isyu lalo na at
apektado ang marami sa mga isyung ito.
 Nabibigyang halaga ng posisyong papel ang pagtindig o pagpasya
 Nagkakaroon din ng linaw ang usaping panlipunan sa pamamagitan ng pagkalat ng
posisyong papel sa publiko
 Nakaklaro nito ang masalimoot na usapin na hindi basta nasasagot ng walang
pananaliksik at pagbibigay ng batayan

PAGYAMANIN
PAGSASANAY
1.Bakit mahalagang malaman ang mga uri ng posisyong papel?
2.Bilang isang mag-aaral anong uri ng posisyong papel ang iyong isusulat, Bakit?

ISAISIP
Hindi neutral ang posisyong papel bagkus may pinapanigan itong tindig na maaaring makatulong sa
pagkakaroon g higit na linaw sa mahalagang isyu o problema.

ISAGAWA
PAGSASANAY
Panuto: Magsaliksik ng mabuti patungkol sa napapanahong isyu bago magsulat ng posisyong papel
isaalang-alang mga hakbang sa pagsulat nito.
A.Pagpapakilala ng paksa
B.Paglilista sa posibleng pagtutol sa posisyon
C.Pagkilala at pagsuporta sa ilang salungat na argumento
D.Pagpapaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang pinakamainam
E.Lagomin ang argumento at ilahad muli ang iyong posisyon

TAYAHIN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kapag
ito ay nagsasaad ng di-katotohanan.Isulat sa inyong sagutang papel.
1. Nakaklaro nito ang masalimoot na usapin na hindi basta nasasagot ng walang pananaliksik at
pagbibigay ng batayan ay isa sa halaga ng posisyong papel.
2. Ang posisyong papel ay naglalayong ipaglaban kung ano ang alam mong tama.
3. Sa pandaigdigang batas ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay
Aide-memoire.
4. Sa pamahalaan ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper.
5. Ang posisyong papel ay naglalahad ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu
6. Mahalaga ang posisyong papel sapagkat sa ating lipunan, may mga problema o isyung dapat
na tuluran o sundin ng marami .
7. Ang isang Aide-memoire ay isang talumpati na naglalahad ng maliliit na punto ng isang
iminumungkaheng talakayan .
8. Ang Akademya kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na opinion at nagmumungkahi ng
mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.
9. Sa posisyong papel inilalahad nito ang pagsubaybay ng manunulat sa isang panig ukol sa
isang isyu.
10. Layunin ng posisyong papel ang magtakwil ng katotohanan na hindi tanggap ng karamihan.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto.Sumulat ng isang posisyong papel batay sa paksang inilahad:


Pagpapasulat ng posisyong papel batay sa paksang “Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo”

_______________________________________________
PAMAGAT
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________
SANGGUNIAN
1.Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 79-80
2.http://www.powtoon.com/youtube/

You might also like