You are on page 1of 36

12

FILIPINO SA PILING LARANG

TECH-VOC
Unang Markahan
Modyul 5:
Pagsulat ng Panimulang
Pananaliksik
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga videos, nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-
aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol

May-akda:
MARIO A. AUTENTICO
Patnugot: Flora R. Palmero

Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MARIO A. AUTENTICO

Editor:
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson

Tagalapat: Ginalyn O. Quimson
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V
School Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol

Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol
Telephone: (038) 412-4938 (038) 411-2544 (038) 501- 7550
Telefax: (038) 501- 7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
12
FILIPINO SA PILING LARANG-
TECH.VOC

Unang Markahan
Modyul 5:
Pagsulat ng Panimulang
Pananaliksik
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Piling Larang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling “Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili,
pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan
ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa

iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay

sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang

antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga

gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto

at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan at
interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na kahulugan ng konsepto ng
nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo rin kung paano sumibol ang
kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito humantong sa pagkagising ng kanilang
damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo.
Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may ibat-ibang kompetensi para sa unang linggo ng
Unang Markahan. Ito ay ang mga:

Aralin 1- Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik

• Unang Araw: Pamamaraan ng Pagsulat
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)

• Ikalawang Araw: Mga Bahagi ng Pagsulat

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
• Ikatlong Araw: Mga Bahagi ng Panimulang Pananaliksik
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
• Ikaapat na Araw: Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)

95
Subukin

Panuto: Ibigay ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik lamang.
1. Ang proseso sa pagsulat kung saan isinusulat ang burador upang maging batayan sa
pangangalap ng mga datos.
a. Pag-asinta c. Pagtipon
b. Paghugis d. Pagrebisa
2. Ang pamamaraan ng pagsulat kung saan dumaan sa pagbabago at muling pagsulat
hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpapak na pagsulat.
a. Pag-asinta c. Pagtipon
b. Paghugis d. Pagrebisa
3. Ang bahagi ng pagsulat na pinakamukha ng sulatin, kailangan itong maging kaakit-
akit upang magganyak ang mambabasa na basahin ang buong katha.
a. Panimula b. Katawan c. Kongklusyon d. Rekomendasyon
4. Ang talatang kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong na
detalye tungkol sa paksa.
a. Kongklusyon b. Panimula c. Katawan d. Rekomendasyon
5. Ang mga sumusunod ay mga detalyeng kabilang sa pagsasalarawan sa pamamaraan
o metodolohiya ng pananaliksik maliban sa isa.
a. Isang paglalarawan sa datos o ebidensya na ninanais na gamitin ng mananaliksik
b. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa pananaliksik
c. Isang paglalarawan kung paanong susuriin ng mananaliksik ang datos
d. Isang paglalahad sa maaaring naging resulta o kinahinatnan ng pananaliksik
6. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mahabang pananaliksik na
nangangailangan ng paunang tala maliban sa isa.
a. Tesis material c. konseptong papel
b. Disertasyon d. pamanahunang papel
7. Bahagi ng konseptong papel kung saan nakatala ang mga mahalagang detalye
tungkol sa paksa. Inilalahad din kung saan at paano nagsimula ang ideya.
a. Metodolohiya c. Kongklusyon
b. Rasyunale d. Rekomendasyon
8. Ano ang unang bahagi ng konseptong papel?
a. Mga tanong na nais bigyang-tugon ng papel-pananaliksik
b. Pagsasalarawan sa pamamaraan o metodolohiya
c. Paglalarawan sa paksa ng pananaliksik
d. Paglalahad ng limitasyon sa pag-aaral
9. Ano ang pangalawang bahagi ng konseptong-papel
a. Mga tanong na nais bigyang-tugon ng papel-pananaliksik
b. Pagsasalarawan sa pamamaraan o metodolohiya
c. Paglalarawan sa paksa ng pananaliksik
d. Paglalahad ng limitasyon sa pag-aaral
10. Ang bahagi ng pagsulat na naglalaman ng buod o lagom ng mga detalye o
impormasyon tungkol sa paksa.
a. Kongklusyon b. Panimula c. Katawan d. Rekomendasyon

96
Aralin
1
Pamamaraan ng Pagsulat
UNANG ARAW

Sa araling ito ay matutunghayan ang mga pamamaraan sa pagsulat bilang

paghahanda sa pagsusulat ng panimulang pananaliksik. Tinatalakay sa araling ito ang
dalawang pamamaraan ang paghugis at pagrebisa. Mahahasa din ang kakayahan at
kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat.

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pag-asinta na pamamaraan ng pagsulat?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano ginagamit ang pagtipon na pamamaraan na pagsulat?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Bumuo ka ng mga salitang may kaugnayan sa mga pamamaraan ng pagsulat
na nakapaloob sa radial venn diagram.

Paghugis Pagrebisa

97
Suriin

Alam mo ba na…
Pamamaraan ng Pagsulat

A. Paghugis (Shaping)

Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng

hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na
maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan
makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili
kung ano ang tunay na paksa.

B. Pagrebisa (Revising)

Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang

isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-
formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan
sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat
hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano nga ba ang pamamaran ng pagsulat?
2. Ano ang ang pagrebisa na pagsulat?
3.Nakakatulong ba sa pagpapalawak ng kaisipan ng mga estudyante ang kaalaman
sa pamamaraan ng pagsulat?

Pagyamanin

Panuto: Isulat ang salitang PAGHUGIS kapag ang pahayag ay napabilang paghugis sa
pamamaraan ng pagsulat at PAGREBISA kapag napabilang sa pagrebisa na
pamamaraan.
___________ 1. Ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga
kagamitan
___________ 2. Kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng
pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
___________3. Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang.

98
___________4. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula
sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na
papel.
___________5. dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang
pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Isaisip
Ang kaalaman sa pamamaraan ng pagsulat ay nakatutulong upang mapadali ang
paglahad ng mga kaisipan tungkol sa napiling paksa ng isang sulatin.

Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:

A. Anong mga hakbang ng manunulat kapag nasa Paghugis na ng pamamaraan ng
pagsulat?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Bakit kailangang magrebisa ang isang manunulat?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa sumusunod na pahayag.

__________________1. Ano ang paghugis na pamamaraan ng pagsulat?

__________________2. Ano naman ang pagrebisa na pamamaraan ng pagsulat?

99
Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng isang halimbawang sulatin at punan ang mga sumusunod na
katanungan.

Uri ng sulatin Pamamaraan ng Pagsulat Saan tungkol ang sulatin?

100
Aralin
1 Mga Bahagi ng Pagsulat
IKALAWANG
ARAW

Sa araling ito ay matutunghayan ang mga bahagi ng pagsulat bilang paghahanda sa

pagsusulat ng panimulang pananaliksik. Tinatalakay sa araling ito ang apat na bahagi sa
pagsusulat. Mahahasa din ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng
pagsulat.

Balikan

Bago tuluyang lumusong sa bahagi ng pagsulat sa tek-bok na sulatin, pagnilayan

muna ang ilan sa mga inihandang katanungan.

1. Ano ang apat na pamamaraan ng pagsulat?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Para sa iyo, alin sa mga pamamaraan ng pagsulat ang madaling mong gawin?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Sa palagay mo, ano ang mga dapat tandaan kapag ikaw ay magsusulat sa mga
bahaging inilahad sa ibaba.

Panimula

Katawan

Konklusyon

Rekomendasyon

96
Suriin

Alam mo ba na…

Mga Bahagi ng Pagsulat

• Panimula- ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit

upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. Ito ay
maaaringpangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha. Ito’y
dapat magingmalinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil
maaasahan ang atensyong ibibigayng mambabasa.
• Katawan- Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mgapangunahing
kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos
angpagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa
• Konklusyon
• Rekomendasyon

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang bahagi ng pagsulat?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa palagay mo, bakit kaya nakakaakit ang panimulang bahagi ng isang sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa apat na bilog ang mga bahagi ng isang pagsulat.

97
Isaisip
Sabihin man na ang bawat manunulat ay may ibat-ibang istilo nag pagsulat pero dapat
paring isa-alang-alang ang mga bahagi ng isang sulatin upang magkaroon ng mabisang
paglalahad ng konsepto ao inpormasyon ang isang manunulat at madaling maunawaan ito ng
mga mambabasa.

Isagawa

Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay

sanhi ng isang bagong virus. May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito
araw-araw dahil ito ay bago. Nakikipagtulungan kami sa mga kasosyo upang
mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, ngunit ang bawat isa sa estado ay may
bahaging gagampanan upang maisakatuparan ito. Sinuman sa anumang edad ay
maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasait nang mas malala kaysa
sa iba. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba,
kahit pa minsan parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan
ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.

Panuto: Basahing mabuti ang sulatin sa loob ng kahon. At sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

1. Paano sinimulan ang sulatin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga detalyeng nakapaloob sa katawan ng sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang kongklusyon ng sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ano ang ibinigay na rekomendasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

98
Tayahin

TAMA o MALI

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

1. Dapat ang panimula ng pagsulat ay kaakit-akit.

2. Sa konklusyon dapat nasusulat ang pansuportang detalyeng maayos na
napagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
3. Di na kailangan malinaw ang paksang ilalahad sa katawan dahil nasusulat na ito sa
panimulang bahagi.
4. Ang panimula ang tinatawag na pinakamukha ng isang sulatin.
5. Ang pinakahuling bahagi ng pagsulat ay ang rekomendasyon.

Karagdagang Gawain
Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan tungkol sa iyong kursong napili. Alalahanin ang
mga bahagi ng pagsulat.
Panimula.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Katawan.

Konklusyon.

Rekomendasyon.

1 Mga Bahagi ng Isang
IKATLONG ARAW
Konseptong Papel
Sa araling ito ay matutunghayan ang mga bahagi ng isang konseptong papel bilang
paghahanda sa pagsusulat ng panimulang. Tinatalakay sa araling ito kung paano isusulat ang
paksa, layunin, metodolohiya, limitasyon at kongklusyon. Mahahasa din ang kakayahan at
kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat.

Balikan

Bago tuluyang lumusong sa Pangunahing Bahagi ng konseptong Papel, pagnilayan muna

ang ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.
1. Ano -ano ang mga bahagi ng pagsulat?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing pinakamukha ng pagsulat ang panimulang bahagi?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Gamit ang radial cluster diagram ano para sa iyo ang konseptong papel?

Konseptong
Papel

100
Suriin

Alam mo ba na…

Pangunahing Bahagi ng konseptong Papel (Spickard, 2005):

• Isang malinaw na paglalarawan ng paksa ng pananaliksik kabilang ang buod o

lagom ng mga impormasyong natutungkol sa paksa.
• Isang pangungusap na pahayag ng tanong na nais bigyang tugon ng papel
pananaliksik. Madalas na ito ay isang bagay na hindi pa nalalaman ng marami.
Nararapat na ilahad ng konseptong papel kung sa papaanong paraan masasagot
ang tanong, na maaaring mailahad sa higit sa isang pangungusap.
• Isang pagpapaliwanag kung bakit mahalagang mabigyan ng kasagutan ang tanong-
kung anong kabutihan ang magiging kahihinatnan ng sagot at kung bakit may
kabuluhan ang naturang pananaliksik.
• Isang malinaw na pagsasalarawan ng pamamaraan o metodolohiya ng pananaliksik
upang mabigyan ng sago tang tanong. Kabilang ditto ang:
1. Isang paglalarawan ng datos o ebidensya na ninanais na gamitin ng
mananaliksik sa gawain;
2. Isang paglalarawan kung sa paanong pamamaraan susuriin ng mananaliksik
ang datos;
3. Isang pagpapaliwanag kung paano ang mga datos at ang pamamaraan ng
pananaliksik ay magiging daan sa pagbigay kasagutan sa tanong;
4. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa panahong
isinagawa ang pananaliksik.
• Isang paglalahad ng limitasyon ng pag-aaral, partikular ang mga katanungang hindi
masasagot ng pananaliksik.
• Ang mga papel pananaliksik na mas mahahaba ay nangangailangan na rin ng
paunang tala ng mga sanggunian, tulad ng tesis material, disertasyon,
pamanahunang papel at mga propesyunal na pananaliksik.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang binibigyang linaw sa isang konseptong papel?
2. Bakit mahalagang mapag-aralan ang pangunahing bahagi ng konseptong papel?

Pagyamanin
TAMA o MALI.
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

1. Nararapat na ilahad ng konseptong papel kung sa papaanong paraan masasagot ang

tanong, na maaaring mailahad sa higit sa isang pangungusap.

101
2. Isang malinaw na pagsasalarawan ng pamamaraan o metodolohiya ng pananaliksik
upang mabigyan ng sagot ang tanong.
3. Ang buod o lagom ay di na kabilang sa paglalarawan ng paksa ng isang pananaliksik
.
4. Ang mga papel pananaliksik na mas mahahaba ay nangangailangan na rin ng
paunang tala ng mga sanggunian, tulad ng tesis material, disertasyon, pamanahunang
papel at mga propesyunal na pananaliksik
5. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa panahong isinagawa
ang pananaliksik

Isaisip
Malinaw na nailalarawan ang mga pangunahing bahagi ng konseptong papel upang
ang mga impormasyong nailahad ng naayon sa katanungan na nais sagutin sa panaliksik.

Isagawa

Ipaliwanag ang kahulugan ng pananaliksik batay sa iyong sariling ideya at ang

maaaring koneksyon nito sa trabaho ng isang tao. Magbigay ng mga halimbawa
o sitwasyon na magpapakita sa ugnayan ng bawat isa.

102
Tayahin

Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa sumusunod na pahayag.

1-4. Sinasabing isang malinaw na pagsasalarawan ng pamamaraan o metodolohiya ng

pananaliksik ang konseptong papel upang mabigyang sagot ang tanong. Ibigay ang 4
na mga binibigyang diin.
5. Ano ang inilalahad ng isang konseptong papel.

Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng isang halimbawang ng konspetong papel. Isulat sa sa isang short bond
paper.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________

103
Aralin
Pagsulat ng Panimulang
1 Pananaliksik
IKA-APAT NA
ARAW

Sa araling ito ay matutunghayan ang mga bahagi ng pagsulat bilang paghahanda sa

pagsusulat ng panimulang pananaliksik. Tinatalakay sa araling ito ang apat na bahagi sa
pagsusulat. Mahahasa din ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng
pagsulat.

Balikan
Bago tuluyang lumusong sa bahagi ng konspetong papel, pagnilayan muna ang
layunin ng tek-bok na sulatin.
Ibigay ang mga pangunahing bahagi ng konseptong papel
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Gamit ang diagram sa ibaba. Bumuo ng mga salitang sa tingin mo ay may
kaugnayan sa salitang rationale.

RATIONAL

104
.

Suriin

Alam mo ba na…

Bahagi ng Konseptong Papel

• Rasyonale- Unang bahagi ng papel. Nakatala rito ang mahahalagang

impormasyon tungkol sa paksa. Inilalahad sa paunang bahaging ito ang kung
saan at paano nagsimula ang ideya. Kailangang iaalam sa bahaging ito na ang
magsasagawa ng pananaliksik ay may ganap na kaalaman sa paksang nais
saliksikin. Layunin ng konseptong papel na tulungan ang mga mananaliksik na
paunlarin ang kanilang interes at upang ipakita na ang gagawing panukala ay
karapat-dapat na isakatuparan.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang rasyonale?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang layunin ng konseptong papel sa rationnale?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung di wasto ang
pahayag.

___________1. Ang rasyonale ang unang bahagi ng konseptong papel.

___________2. Nakatala sa rasyonale ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksa
___________3. Sa rasyonale di kailangang inilahad sa paunang bahaging ito ang
kung saan at paano nagsimula ang ideya.
___________4. Layunin ng konseptong papel na tulungan ang mga mananaliksik na
paunlarin ang kanilang interes
___________5. Nakapaloob upang ipakita na ang gagawing panukala ay karapat-
dapat na isakatuparan sa bahagi sa konseptong papel.

105
Isaisip
Dapat isaisip na na sa pagsulat ng isang konseptong papel dapat isaalang-alang ang
kahalagan ng unang bahagi ng rasyonale.

Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Batay sa iyong sariling ideya, ipaliwanag ang rasyonale.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang rasyonale sa bahagi ng pananaliksik?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang rasyonle?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Para sa iyo, bakit mahalagang pag-aralan ang rasyonale ng isang konseptong

papel?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

106
Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik ng isang sulatin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ipaliwanag ang rasyonale sa nasaliksik.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

107
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik lamang.
1. Ang proseso sa pagsulat kung saan isinusulat ang burador upang maging batayan sa
pangangalap ng mga datos.
a. Pag-asinta c. Pagtipon
b. Paghugis d. Pagrebisa
2. Ang pamamaraan ng pagsulat kung saan dumaan sa pagbabago at muling pagsulat
hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpapak na pagsulat.
a. Pag-asinta c. Pagtipon
b. Paghugis d. Pagrebisa
3. Ang bahagi ng pagsulat na pinakamukha ng sulatin, kailangan itong maging kaakit-
akit upang magganyak ang mambabasa na basahin ang buong katha.
a. Panimula b. Katawan c. Kongklusyon d. Rekomendasyon
4. Ang talatang kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong na
detalye tungkol sa paksa.
a. Kongklusyon b. Panimula c. Katawan d. Rekomendasyon
5. Ang mga sumusunod ay mga detalyeng kabilang sa pagsasalarawan sa pamamaraan
o metodolohiya ng pananaliksik maliban sa isa.
a. Isang paglalarawan sa datos o ebidensya na ninanais na gamitin ng mananaliksik
b. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa pananaliksik
c. Isang paglalarawan kung paanong susuriin ng mananaliksik ang datos
d. Isang paglalahad sa maaaring naging resulta o kinahinatnan ng pananaliksik
6. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mahabang pananaliksik na
nangangailangan ng paunang tala maliban sa isa.
a. Tesis material c. konseptong papel
b. Disertasyon d. pamanahunang papel
7. Bahagi ng konseptong papel kung saan nakatala ang mga mahalagang detalye
tungkol sa paksa. Inilalahad din kung saan at pa ano nagsimula ang ideya.
a. Metodolohiya c. Kongklusyon
b. Rasyunale d. Rekomendasyon
8. Ano ang unang bahagi ng konseptong papel?
a. Mga tanong na nais bigyang-tugon ng papel-pananaliksik
b. Pagsasalarawan sa pamamaraan o metodolohiya
c. Paglalarawan sa paksa ng pananaliksik
d. Paglalahad ng limitasyon sa pag-aaral
9. Ano ang pangalawang bahagi ng konseptong-papel
a. Mga tanong na nais bigyang-tugon ng papel-pananaliksik
b. Pagsasalarawan sa pamamaraan o metodolohiya
c. Paglalarawan sa paksa ng pananaliksik
d. Paglalahad ng limitasyon sa pag-aaral
10. Ang bahagi ng pagsulat na naglalaman ng buod o lagom ng mga detalye o
impormasyon tungkol sa paksa.
a. Kongklusyon b. Panimula c. Katawan d. Rekomendasyon

108
Susi sa Pagwawasto

UNANG ARAW
SUBUKIN
1. B 6. C
2. D 7. B
3. A 8. C
4. C 9. A
5. D 10. A

BALIKAN
1. Ang pag-asinta ay ang proseso ng pagsulat kung saan matutuklasan ng isang
manunulat ang paraan upang maging matagumpay sa pagsulat dahil sa paniniwala sa
sarili.
2. Ang proseso ng pagtipon ay ginagawa sa pamamagitan ng masusing pananaliksik at
pagtuklas upang makakalap ng mga materyales at ebidensiyang magpapatunay sa
isinusulat.

TUKLASIN
Panuto: Bumuo ka ng mga salitang may kaugnayan sa mga pamamaraan ng pagsulat
na nakapaloob sa radial venn diagram.

Paghugis Pagrebisa

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

109
SURIIN
1. Paghugis at Pagrebisa
2. Ang pamamaraan sa pagsulat kung saan dumadaan ng mga pagbabago at muling
pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamamaraan sa
pagsulat.
3. Oo, dahil mas dumarami ang kanilang nakakalap na impormasyon at kaisipan sa
kanilang ginagawang pagpapaunlad sa sulatin. Bukod pa rito, mas nagiging tiyak o
wasto ang mga impormasyon dahil sa masusing pagsusuri sa isinulat.

PAGYAMANIN
1. PAGHUGIS
2. PAGHUGIS
3. PAGREBISA
4. PAGREBISA
5. PAGREBISA

ISAGAWA
A. Pagsulat ng Burador upang mabigyan ng hugis ang paksa

B. Kailangang magrebisa upang matiyak na tama, angkop at wasto ang mga detalye na
tumatalakay sa paksang isinusulat.

TAYAHIN

1. Paghugis (Shaping) – ang pagsulat ng burador na maaari ring maging batayan sa

pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.

2. Pagrebisa (Revising) – ang pagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-
formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Dumadaan ng
mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at
tumpak na pamaraan ng pagsulat

IKALAWANG ARAW

BALIKAN
1. Pag-asinta, Pagtipon, Paghugis at Pagrebisa
2. Para sa iyo alin sa mga pamamaraan ng pagsulat ang madaling gawin? Ipaliwanag.

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

110
TUKLASIN
Panuto: Sa palagay mo, ano ang mga dapat tandaan kapag ikaw ay magsusulat sa mga
bahaging inilahad sa ibaba.

Panimula

Katawan

Konklusyon

Rekomendasyon

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

SURIIN
1. Panimula, Katawan, Kongklusyon at Rekomendasyon
2. Upang magganyak ang mambabasang basahin ang buong katha.

PAGYAMANIN

KONGKLUS REKOMEN
PANIMULA KATAWAN
YON DASYON

ISAGAWA
1. Sinimulan ito ng paglalarawan sa paksa na ang COVID-19 ay isang uri ng sakit
na palahingahan.
2. – sakit na sanhi ng virus
- Mga babala tungkol sa maaring mahawa sa sakit
- Paglalarawan sa papel ng bawat isa upang mapabagal ang pagkalat ng virus
3. Kahit sino ay puwedeng mahawa sa virus.
4. Iwasan ang pagpapalagay tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may
sakit.

TAYAHIN
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

111
IKATLONG ARAW

BALIKAN
1. Panimula, Katawan, Kongklusyon at Rekomendasyon
2. Dahil dito ipinakikilala ang paksa ng sulatin at ang kaakit-akit na panimula upang
magganyak na basahin ang buong sulatin.

TUKLASIN
Panuto: Gamit ang radial cluster diagram ano para sa iyo ang konseptong papel?

Konseptong
Papel

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

SURIIN
1. Ang binibigyang-linaw sa isang konseptong papel ay ang paglalarawan sa
PAKSA.
2. Mahalagang mapag-aralan ang pangunahing bahagi ng konseptong papel upang
magsilbing gabay sa tama, maayos at epektibong pagkakasulat nito.

PAGYAMANIN
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

112
ISAGAWA
Ipaliwanag ang kahulugan ng pananaliksik batay sa iyong sariling ideya at ang
maaaring koneksyon nito sa trabaho ng isang tao. Magbigay ng mga halimbawa
o sitwasyon na magpapakita sa ugnayan ng bawat isa.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

TAYAHIN
1. Isang paglalarawan ng datos o ebidensya na ninanais na gamitin ng mananaliksik sa
gawain;
2. Isang paglalarawan kung sa paanong pamamaraan susuriin ng mananaliksik ang
datos;
3. Isang pagpapaliwanag kung paano ang mga datos at ang pamamaraan ng
pananaliksik ay magiging daan sa pagbigay kasagutan sa tanong;
4. Isang pagbubuod ng mga isyung etikal na maaaring lumitaw sa panahong isinagawa
ang pananaliksik.
5. Ang Paksa na tinatalakay.

IKA-APAT NA ARAW

BALIKAN
- Paglalarawan sa paksa
- Pangungusap na nagpapahayag sa tanong nakailangan masagot sa isang
konseptong papel
- Isang pagpapaliwanag kung bakit kailangan mabigyan ng kasagutan ang mga
tanong
- Paglalarawan sa pamamaraan at metodolohiya
- Paglalahad ng limitasyon sa pag-aaral

113
TUKLASIN
Panuto: Gamit ang diagram sa ibaba. Bumuo ng mga salitang sa tingin mo ay may
kaugnayan sa salitang rationale.

RATIONAL

(batay sa saring oipnyon o ideya ng mga mag-aaral)

SURIIN
1. Ang rasyonale ay ang unang bahagi ng papel. Nakatala dito ang mga mahalagang
impormasyon tungkol sa paksa. Inilalahad din dito kung saan at paano nagsimula
ang ideya.
2. Ang layunin ng konseptong papel na tulungan ang mananaliksik na paunlarin ang
kanilang interes at upang maipakita na ang gagawing panukala ay karapat-dapat na
isakatuparan.

PAGYAMANIN
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

ISAGAWA
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Batay sa iyong sariling ideya, ipaliwanag ang rasyonale.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang rasyonale sa bahagi ng pananaliksik?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

114
TAYAHIN
1. Ang rasyonale ay ang unang bahagi ng papel. Nakatala dito ang mga mahalagang
impormasyon tungkol sa paksa. Inilalahad din dito kung saan at paano nagsimula ang
ideya.
2. Para sa iyo, bakit mahalagang pag-aralan ang rasyonale ng isang konseptong papel?
(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

Sanggunian
Francisco,Christian George at Gonzales, Mary Grace,Piling Larangan

https://bit.ly/39n8uL6

https://bit.ly/31mp0Hu

https://bit.ly/31s2TiL

115
95
95
96

You might also like