You are on page 1of 28

12

FILIPINO SA PILING
LARANG
TECH-VOC
Ikalawang Markahan
Modyul 4:
Angkop na Paggamit ng Wika sa
Pagsulat ng Teknikal- Bokasyunal na
Sulatin
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga videos, nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-
aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol

May-akda: MARIO A. AUTENTICO

Patnugot: Flora R. Palmero

Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MARIO A. AUTENTICO

Editor:
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos, R.L.

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson

Tagalapat: Ginalyn O. Quimson
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V
School Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol

Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol
Telephone: (038) 412-4938 (038) 411-2544 (038) 501- 7550
Telefax: (038) 501- 7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
12
FILIPINO SA PILING
LARANG-TECH.VOC
Ikalawang Markahan
Modyul 4:

Angkop na Paggamit ng Wika sa

Pagsulat ng Teknikal- Bokasyunal na
Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Piling Larang ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa araling “Angkop na Paggamit ng Wika sa Pagsulat ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Angkop na Paggamit ng Wika sa
Pagsulat ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa

iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong

kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na
kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo
rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito
humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit
dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na mayroong iisang kompetensi para sa ikaapat
na linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:

Aralin 4- Angkop na Paggamit ng Wika sa Pagsulat ng Teknikal-Bokasyunal na

Sulatin
• Unang Araw: Nabibigyang kahulugan ang Teknikal-Bokasyonal na sulatin
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS-FTVII/12WG-Om-95)

• Ikalawang Araw: Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na sulatin

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS-FTVII/12WG-Om-95)

• Ikatlong Araw: Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na sulatin

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS-FTVII/12WG-Om-95)

• Ikaapat na Araw: Naratibong Ulat

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS-FTVII/12WG-Om-95)

95
Subukin

Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung ang pahayag ay wasto tungkol sa layunin at
gamit ng teknikal bokasyunal na pagsulat at Mali kapag ang pahayag ay di-wasto.

1. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan

2. Upang mag-ulat sa mga stock holder ng kompanya
3. Upang makabuo ng isang produkto lamang
4. Upang makapagbigay ng serbisyo sa ilang kompanya
5. Upang makalikha ng mga proposal
6. Layunin ng teknikal bokasyunal na pagsulat na manghikayat at mang-impluwensiya
ng desisyon.
7. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
8. Upang manghikayat at mang-impluwensiya ng desisyon
9. Upang magbigay alam
10. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito

96
Aralin 4
Pagsulat ng Menu ng Pagkain
UNANG ARAW
Gamit ang Angkop na Wika

Lubos na mauunawaan sa araling ito mga gabay sa pagsulat ng menu ng pagkain.

Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang maunawaan mo kung ano ang angkop at wastong
wika na gagamitin sa pagsulat ng menu ng pagkain. Tinatalakay sa araling ito ang dalawang
antas ng wika ang payak na salita at mga wikang pampanitikan. Sa araling ding ito mabibigyan
ka nang pagkakataong makalikha ng iyong sariling sulatin gamit ang angkop na wika.

Balikan

Panuto: Ilarawan ang putahe na nasa larawan sa ibaba gamit ang pinakaangkop na salita.

_________________________________________________________________________

97
Tuklasin
Basahin ang sulatin at sagutin ang mga katanungan pagkatapos.

1. Payak ba at madaling maubawaan ang mga salitang ginamit?

2. Magbigay ng tatlong halimbawa.

Suriin

Alam mo ba na…
Basahin at unawain ang mga gabay sa pagsulat ng menu.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG MENU

1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang humikayat sa artipisyal na sahog.

2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng wika.
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay.
4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing inilalarawan.
5. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restaurant.
6. Iwasan ang mga tipograpikal na pagkakamali.
98
DALAWANG ANTAS NG WIKA

1. Payak – mga salitang simple at madaling maunawaan sa mga mambabasa. Ito ay mga
pahayag na kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap sa kapwa.

2. Pampanitikan – wikang gamit sa pagkatha ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula,

maikling kuwento, sanaysay, nobela at iba pa. Ito ay mga pahayag na hindi ginagamit sa
araw-araw na pakikipag-usap.

Lubos bang naunawaan ang mga gabay sa pagsulat ng menu at angkop na wika na
gagamitin sa pagsulat dito?
Ngayon handa ka nang sagutin ang mga gawain batay sa iyong naunawaan.
Panuto: Kilalanin ang antas ng wika ng mga sumusunod na salita. Isulat ang PA
kung payak at PM kung pampanitikan.
1. Igisa ang bawang at sibuyas
2. Prituhin sa kumukulong mantika
3. Hiwain ang isda ng buong puso
4. Pakuluan hanggang maluto ang karne
5. Haluin ang mga sahog gamit ang iyong matulunging mga kamay.

Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriin ang halimbawa ng menu ng pagkain ayon sa mga salitang
ginamit.

99
Panuto: Magbigay ng limang salita na nagpapatunay na payak at madaling
maintindihan ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng menu.
1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________
4. __________________________
5. __________________________

Isaisip
Ang kaalaman na lubos na mintindihan ang hangarin ng teknikal-bokasyunal na
pagsulat ay upang makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng
karaniwang tao. Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw,
maunawaan at kumpleto ang ibinibigay na impormasyon.

Isagawa

Panuto: Bumuo ng sariling menu ng iyong paboritong ulam gamit ang mga salitang payak at
madaling maunawaan.
___________________________________________________________________

100
Tayahin
Panuto: Upang higit pang mapagtibay ang iyong kasanayan sa pagbuo ng menu,
nakatala sa ibaba ang ilang salitang Ingles na maaari mong magamit. Isalin ang mga ito
sa wikang Filipino.

1. Juicy
2. Fresh
3. Spicy
4. Yummy
5. Melted

Karagdagang Gawain
Magsaliksik ng isang halimbawa ng menu ng pagkain at suriin ang mga salitang
ginamit.

Gabay na Tanong:

1. Payak ba ang mga salitang ginamit?

2. Magbigay ng limang salitang nagpapatunay dito.

101
Aralin 4 Pagsulat ng Anunsyo Gamit
ang Angkop na Wika
IKALAWANG
ARAW

Lubos na mauunawaan sa araling ito mga gabay sa pagsulat ng anunsyo. Ang araling
ito ang gagabay sa inyo upang maunawaan mo kung ano ang angkop at wastong wika na
gagamitin sa pagsulat ng mga anunsyo. Sa araling ding ito mabibigyan ka nang pagkakataong
makalikha ng iyong sariling sulatin gamit ang angkop na wika.

Balikan

Bago tuluyang lumusong sa bahagi ng pagsulat sa tek-bok na sulatin, pagnilayan

muna ang ilan sa mga inihandang katanungan.

1. Ano-ano ang mga gabay sa pagsulat ng menu ng pagkain?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Anong wika o salita ang angkop gamitin sa pagsulat ng isang menu?

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Unawain ang sulating inilahad sa ibabaat sagutin ang mga katanungan.

Paglulunsad: Google My Business API v4.4

Abril 22, 2019

Nailunsad na namin ang bersyon 4.4 ng Google My Business API. Narito ang ilan sa mga bagong
pagkilos na sinusuportahan sa API:

• Gumawa at mag-verify ng mga listing para sa mga service-area business

• Gumawa ng mga pangkat ng user at pangkat ng lokasyon
• Magdagdag ng petsa ng pagbubukas (kasama ang mga petsang hanggang isang taon pa
sa hinaharap)

Para matuto pa tungkol sa Google My Business API, bisitahin ang page ng developer

95
1. Maligoy ba ang mga pahayag na ginamit sa halimbawang anunsyo?
Patunayan.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Madali bang maunawaan ang mga salitang ginamit? Magbigay ng patunay.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Suriin

Alam mo ba na…

ANGKOP NA PAGGAMIT NG WIKA SA PAGSULAT NG MGA ANUNSYO

Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa paunawa,

babala, at anunsiyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay simple at
mabilis na maiintindihan. Simple ang mga salitang gagamitin dahil dapat na direktang
sinasabi ng paunawa, babala, o anunsiyo ang mahalagang impormasyon na laman nito.
Mahalaga rin na mabilis na mauunawaan ng nagbabasa ang paunawa, babala, o,
anunsiyo ang impormasyon na inilalahad. Iwasan ang maligoy na salita o ang
paglalarawan ng isang pangyayari.

Halimbawa, ang babalang “Mag-ingat sa aso” ay malinaw at simple. Pinag-iingat

ang tao sa aso dahil tiyak na may panganib na dala ang aso sa tao. Maaari itong
makakagat ng tao o kaya ang simpleng pagtahol nito ay magdulot ng katatakutan sa
tao. Samantala, ang babalang “Mag-ingat sa itim na aso” ay makapagbibigay ng
kalituhan sa tao dahil iisipin ng tao na mapanganib ang itim na aso ngunit ang
kayumanggi o kaya’y puting aso naman ay hindi dapat kinatatakutan.

Naunawaan mo ba ang nabasang mga pamamaraan sa paggamit ng wika sa pagsulat

ng anunsyo?

Ngayon ay handa ka nang sumagot sa mga inihandang gawain upang mas

mapalawak ang iyong kaalaman.

96
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong paggamit ng
wika at MALI kung hindi.
1. Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilalagay sa anunsyo.
2. Gamitin ang maligoy na salita upang mas maunawaan ang mensahe ng anunsyo.
3. Mahalaga na ang salitang gagamitin ay mga masining na pagpapahayag.
4. Dapat na direktang sinasabi ang nilalamang impormasyon ng mga anunsyo.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa larawang nakita.

1. Tungkol saan ang paksa na inilalahad ng anunsyo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng tatlong salita na nagpapatunay na simple at madaling maunawaan ang

mga salitang ginamit.
a. ________________________
b. ________________________
c. ________________________

3. Ano-ano ang mga impormasyong direktang inilalahad sa halimbawang anunsyo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

97
Isaisip

TANDAAN: Ang kaalaman na lubos na mintindihan ang hangarin ng teknikal-bokasyunal na

pagsulat ay upang makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang tao.
Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at kumpleto ang
ibinibigay na impormasyon

Isagawa

Panuto: Gumawa ng sariling anunsyo alinsunod sa mga pamamaraan sa wastong

paggamit ng wika.

Tayahin
Panuto: Punan ng wastong mga salita upang makompleto ang mga pahayag sa
wastong paggamit ng wika sa pagsulat ng anunsyo.

Kinakailangang 1. __________________ agad ang mambabasa sa anumang inilagay

sa anunsiyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay 2. _______________
at 3. ____________________. Simple ang mga salitang gagamitin dahil dapat na
5. _______________sinasabi ng anunsiyo ang mahalagang impormasyon na laman nito.
Mahalaga rin na mabilis na mauunawaan ng nagbabasa ang paunawa, babala, o, anunsiyo
ang impormasyon na inilalahad. Iwasan ang 6. ______________ na salita o ang
paglalarawan ng isang pangyayari.

98
Karagdagang Gawain
Panuto: Manaliksik ng halimbawang anunsiyo. Kopyahin sa sagutang papel at suriin
kung angkop ba ang paggamit ng wika.

Mga Gabay na Tanong:

1. Simple ba at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit? Patunayan.

2. Direkta bang inilalahad ang mga impormasyon sa anunsyo? Patunayan.

99
Aralin 4
Ang Gamit ng Teknikal-
IKATLONG ARAW
Bokasyonal na Pagsulat

Lubos na mauunawaan sa araling ito ang gamit ng isang teknikal bokasyunal na

sulatin. Ang araling ito ang gagabay sa inyo upang maunawaan kung ano at saan gagamitin
ang isang teknikal-bokasyunal na sulatin. Sa araling ding ito mabibigyan ka nang
pagkakataong makalikha ng iyong sariling sulatin.

Balikan

Bago tuluyang lumusong sa gamit ng teknikal bokasyunal na pagsulat, pagnilayan muna ang
ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.
1. Ano -ano ang mga layunin ng teknikal bokasyunal pagsulat?
2. Sa palagay mo, bakit kaya dapat malaman ang layunin ng isang sulatin?

Tuklasin
Sa palagay mo, ano-ano ang mga gamit ng isang teknikal bokasyunal na pagsulat

Gamit ng
Teknikal
Bokasyunal
na Pagsulat

100
Suriin

Alam mo ba na…

Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat

1. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala

2. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
3. Upang magbigay ng introduksyon
4. Upang magpaliwanag ng teknik
5. Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
6. Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
7. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
8. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
9. Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kompanya
10. Upang makabuo ng produkto
11. Upang makapagbigay ng serbisyo
12. Upang makalikha ng mga proposal

Ngayong alam mo na ang gamit ng isang teknikal bokayunal na sulatin,ikaw ay

nakahanda para sa mga susunod na mga gawain.

Pagyamanin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang gamit ng teknikal bokasyunal na sulatin?
2. Ano ang gamit ng mga flyers?

Isaisip

Malinaw na nailalarawan ang mga gamit ng isang teknikal bokasyunal na pagsulat upang ang mga
impormasyong nais ilahad ay wasto sa mga mambabasa.

101
Isagawa
Panuto : Gamit ang manwal na inilahad sa ibaba . Isulat kung ano ang mga gamit nito
sa teknikal bokasyunal na sulating ito.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________.

Tayahin
Piliin sa loob ng kahon ang mga gamit ng teknikal bokasyunal na sulatin.

✓ magbigay lamang ng pangwakas

✓ magpaliwanag ng teknik
✓ mag-ulat ng natamo (achievement)
✓ mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
✓ matiyak ang pangangailangan ng iisang disenyo at sistema
✓ maging batayan ng pampublikong ugnayan
✓ mag-ulat sa mga stockholders ng iisang kompanya lamang
✓ makabuo ng produkto
✓ makapagbigay ng serbisyo
✓ makalikha ng mga proposal

102
Karagdagang Gawain
Malayang gumawa ng sariling manwal ng isang produkto .Isulat ito sa isang
malinis na short bondpaper. Punan ng sagot ang hinihingi sa kahon.

Uri ng Produkto Gamit ng Manwal Bakit mahalagang gamitin

ito?

103
Aralin 4
Ang Naratibong Ulat
IKA-APAT NA
ARAW

Lubos na mauunawaan sa araling ito ang gamit ng isang naratibong ulat. Ang araling
ito ang gagabay sa inyo upang maunawaan kung ano at saan gagamitin ang isang naratibong
ulat. Sa araling ding ito mabibigyan ka nang pagkakataong makalikha ng iyong sariling
naratibong ulat.

Balikan

Bago tuluyang talakayin ang naratibong ulat, pagnilayan muna ang gamit ng tek-bok
na sulatin.

1. Ano ang ibig sabihin ng larawang nasa itaas?

2. Ano ang gamit ng larawang nakita?

104
Tuklasin
Basahin at unawain ang naratibong ulat nasa ibaba.

1. Ano ang paksa ng naratibong ulat na binasa?

2. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pagmamahal?

105
Suriin

Alam mo ba na…

Naratibong Ulat
Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na
pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao. Dahil ang naratibong ulat ay isang
pagtatala ng nangyari o kayay posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng
sistimatikong dokumentasyon ang mga nangyari o mga kaganapan na mababalikan kapag
kinakailangan.
Tandaan na ang naratibong ulat ay dapat na isinusulat na:
1. kronolohikal na pagkakaayos
2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinyon sa pangyayari
3. Buo ang mahahalagang elemento ng nagsasalaysay

Pagyamanin

Basahin at unawain ang naratibong ulat. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

106
1. Ano ang paksa ng naratibong ulat na nabasa?
2. Sa palagay mo, bakit mahalagang isa-alang-alang ang katangian ng isang
naratibong ulat?

Isaisip
Dapat isaisip na sa pagsulat ng isang naratibong ulat dapat isaalang-
alang ang mga katangian nito upang mabisa ang paglalahad ng mga
impormasyon nais iparating sa mga mambabasa.

Isagawa
Ikaw ay malayang sumulat ng dalawa o higit pang talata ng isang naratibong ulat
tungkol sa iyong sariling karanasan sa pandemyang kinaharap ng ating mundo
ngayon.

107
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos Puntos na Nakuha

1. Maayos ang pagkasulat 10
at isinalang-alang ang
pagkasunudsunod ng mga
ideya
2.Malinaw na 10
naipapahayag ang mga
katangian ng isang tekbok
na sulatin sa naratibong
ulat na ginawa
3. Kalinisan sa ginawang 5
naratibong ulat
KABUUHAN 25

Tayahin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tumutukoy ito sa isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari
o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao?
2. Ano ang kahalagahan ng isang naratibong ulat?
3-5 Ibigay ang 3 katangian na dapat isa-alang alang sa pagbuo ng isang naratibong
ulat.

108

You might also like