You are on page 1of 36

12

FILIPINO SA PILING LARANG


TECH-VOC
Unang Markahan
Modyul 1:
Kahulugan ng Teknikal- Bokasyunal
na Sulatin
Karapatang-sipi©2020 ng DepEd Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaring ilathala o
ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang mga videos, nang walang nakasulat na
pahintulot ang tagapaglathala at mga may-akda.Hindi sakop ng karapatang-sipi ang sariling-
aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive,
Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol

May-akda:
MARIO A. AUTENTICO
Patnugot: Flora R. Palmero

Mga Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MARIO A. AUTENTICO
Editor:
Tagasuri: Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos
Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson
Tagalapat: Ginalyn O. Quimson
Tagapamahala: Bianito A. Dagatan, EdD, CESO V
School Division Superintendent
Carmela M. Restificar, PhD
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico, PhD
EPS, LRMS
Wilfreda O. Flor
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education – Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon Distric, Tagbilaran city, Bohol
Telephone: (038) 412-4938 (038) 411-2544 (038) 501- 7550
Telefax: (038) 501- 7550
E-mail Address: deped.bohol@deped.gov.ph
12
FILIPINO SA PILING LARANG-
TECH.VOC

Unang Markahan
Modyul 1:
Kahulugan ng Teknikal-Bokasyunal
na Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Piling Larang ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling “Kahulugan ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang
pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Kahulugan ng Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat nang may pagpapahalaga sa iyong


kakayahan at interes. Ito ay naglalayong matulungan kang matuto tungkol sa tunay na
kahulugan ng konsepto ng nasyonalismo o damdaming makabayan. Dito ay madidiskubre mo
rin kung paano sumibol ang kaisipang liberal ng mga sinaunang Pilipino at kung paano ito
humantong sa pagkagising ng kanilang damdaming makabansa. Ang mga salitang ginamit
dito ay akma sa iyo at sa lebel ng iyong bokabularyo. Ang daloy ng mga aralin dito ay
alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may magkaparehong kompetensi para sa
unang linggo ng Unang Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 1- Kahulugan ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin

• Unang Araw: Nabibigyang kahulugan ang Teknikal-Bokasyonal na sulatin


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PB-Oa-c-105)
• Ikalawang Araw: Mga Simulain Teknikal-Bokasyonal na sulatin
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PB-Oa-c-105)
• Ikatlong Araw: Katangian ng isang Mahusay na Manunulat ng Sulating
Teknikal-Bokasyonal
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PB-Oa-c-105)
• Ikaapat na Araw: Paghahanda sa pagsulat ng Teknikal-Bokasyon na sulatin
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PB-Oa-c-105)

95
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang TAMA kapag ang pahayag
ay wasto at MALI kapag di wasto.
___________1. Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa
larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera,
teknolohiya, at agham pangkalusugan.
___________2. Di na kailangan na magkaroon pa ng teknikal na kasanayan sa bokasyonal
na sulatin,
___________3. Ang teknikal bokasyonal na sulatin ay kailangang maging malinaw,
maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon.
___________4. Isa sa mga halimbawa ng teknikal na bokasyonal ay makikita sa ibat’ibang
uri ng brochure.
___________5. Ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
___________6. Ang simulain sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin ay ang pag-
unawa sa mambabasa
___________7. Ang paggamit ng tamang estruktura sa pagsulat ng Teknikal-bokasyonal na
sulatin ay hindi na kinakailangan.
___________8. Hindi na kailangan ang pag-alam sa paksang-aralin sa pagsulat ng Teknikal-
bokasyon na sulatin
___________9. Ang obhetibong pagsulat ay kinakailangan para sa pagsusulat ng Teknikal-
Bokasyonal na sulatin
___________10. Hindi na kailangan ang paggamit ng etikang pamantayan sa pagsulat ng
Teknikal-Bokasyonal na sulatin.

96
Aralin 1
Pagbibigay- kahulugan ng
UNANG ARAW
Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Sa araling ito ay malalaman natin ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga manunulat sa
isang Teknikal-Bokasyonal na sulatin.

Balikan

Panuto: Lagyan ng (√) ang mga sulating matagumpay mong naisagawa noong ikaw ay
nasa ikasampung grado pa lamang.
__________1 liham pangangalakal
__________2. Liham pangkaibigan
__________3. Suring-aklat
__________4. Sanaysay
__________5. Rebyu ng pelikula

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang


inyong tamang sagot.

97
Tuklasin
Gamit ang funnel diagram, bumuo ka ng mga salitang may kaugnayan sa teknikal-
bokasyonal na sulatin.

Teknikal-Bokasyonal

Suriin

Alam mo ba na…
Ayon kay Renzo martin (June 30, 2016)

Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong
bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.
Karamihan sa gamit nito ay upang makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw. Maliban dito ang
teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil sa hangarin. Ito ay
kailangang maging malinaw, maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling
gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.

98
Panuto: Punan ang patlang ng tamang mga salita upang maipahayag ang kahulugan ng
isang tek-bok na sulatin.

Karamihan sa gamit nito ay upang makalikha ng 1. ______________na mauunawaan


nang malinaw. Maliban dito ang teknikal na pasulat ay 2. __________ at 3. ____________
lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil sa 4. _____________. Ito ay kailangang
maging malinaw, 5. ________________ at kumpleto ang binibigay na impormasyon.
Kailangan ding walang maling 6. ________________, walang pagkakamali sa 7.
_____________ at may angkop na pamantayang 8. ________________.

Pagyamanin
Basahin ang mga katanungan at ibigay ang iyong sariling opinion.
1. Ano ang kaukulang gamit ng isang tek-bok na sulatin sa larangan ng
komunikasyon?
2. Gaano ba kahalaga ang pagsulat ng teknikal na sulatin?

3. Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral sa Senior High School bilang


paghahanda sa kanilang mga piling larang?

Isaisip
Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham
pangkalusugan. Kaya nararapat na lubos na maunawaan ang ibig sabihin nito para magamit
nang wasto.

Isagawa
Manood ng mga vlogs sa youtube na may kaugnayan sa Teknikal-Bokasyonal na sulatin at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang vlog na inyong napanood?


2. Malinaw ba ang mga impormasyong inilalahad sa vlog? Magbigay ng patunay.

99
Tayahin
Ibigay ang wastong sagot sa sumusunod na pahayag.

1. Ano ang teknikal-bokasyunal na sulatin?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano isusulat ang teknikal-bokasyunal na sulatin?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Magsaliksik tungkol sa simulain, katangian ng manunulat ng Teknikal-Bokasyon na
sulatin.

100
Aralin 1
Mga Simulain Teknikal-
IKALAWANG Bokasyunal na sulatin
ARAW

Sa araling ito malalaman ninyo ang mga Simulain sa Teknikal-Bokasyonal na sulatin.


Dito rin natin mauunawan ang layunin ng bawat artikulo, paksang-aralin, obhetibong pagsulat,
tamang estruktura at paggamit ng etikal na pamantayan.

Balikan
Bago tuluyang lumusong sa gamit ng komunikasyong teknikal, pagnilayan muna ang
ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba.

Ano ang teknikal bokasyunal na sulatin?

Tuklasin
Kilatisin mo ang gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa teknikal
bokasyunal na sulatin. Punan ng impormasyon ang bahaging K, W at H.

K w H

•Anong alam mo tungkol •Anong gusto mo pang •Paano mo pa


sa teknikal bokasyunal na malaman tungkol sa mapapalawak ang iyong
sulatin? teknikal bokasyunal na kaalaman tungko sa
sulatin? teknikal bokasyunal na
sulatin?

95
Suriin

Alam mo ba na…

Simulain ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat


• Pag-unawa sa mambabasa.
• Pag-alam sa layunin ng bawat ulat.
• Pag-alam sa paksang-aralin.
• Paggamit ng tamang estruktura.
• Paggamit ng etikang pamantayan.

Panuto: Kilalanin kung anong simulain ang ipinapahayag ng mga sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Pag-unawa sa mambabasa
B. Pag-alam sa layunin ng bawat ulat
C. Pag-alam sa paksang-aralin
D.obhetibong pagsulat
E. Paggamit ng tamang estruktura
F. Paggamit ng etikang pamantayan

1. Gumamit ka ng mga sampli at madaling maunawaan na mga salita saiyong ginawang


manual ng produkto?

2. Inindorso moa ng iyong flyers sa pamamagitan ng social media dahil patok sa kabataan
nababasa nito.

3. Tiniyak mong tumpak at batay sa katotohan ang mga impormasyon tungkol sa isang
produkto.

Pagyamanin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalaga na magkaroon ng simulain ang teknikal-bokasyonal na sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

96
2. Sa anong paraan nakahihikayat ang teknikal-bokasyonal na sulatin sa mga tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip
Sa mabisang pagsusulat ng isang sulatin dapat na isaalang-alang ang mga Simulain
at alituntunin upang lubos na maunawaan at malinawa na maipapahayag ang kaisipan /o
konsepto nais ilahad.

a Isagawa
May mga impormasyong ipinaabot sa konsulado hinggil sa isang scam kung saan may
link na ipapadala ang scammer sa inyong facebook (FB) account o FB messenger.
Pag binuksan ang link na ito, makukuha ng scammer ang access sa FB account ninyo.
Padadalhan ng scammer ng mensahe ang inyong mga friends at contacts gamit ang
inyong FB account at ang mensahe ay nanghihingi kayo ng tulong nap era na dapat
ipadala sa remittance center kung saan pwedeng I claim ng scammer.
Pinagpayuhan po natin ang publiko na maging maigat at iwasang buksan ang mga
kaduda-dudang post sa Facebook wall o mensahe sa Fb messenger na galling sa
mga taong hindi kilala lalo na yung may mga links na pinabubuksan.
May ilang mga Pilipino na ang nagging biktima sa naturang modus operandi o scam.

Panuto: Basahing mabuti ang babala na nasa kahon at pagkatapos punan ang mga
talahanayan sa ibaba.

Sino ang babasa Ano ang layunin Ano ang Paksa

97
Tayahin

Panuto: Isa-isahin ang mga simulain ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin.

1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Manaliksik ng isang halimbawa tungkol sa isang Babala At suriin ang mga
simulaing nakapaloob dito.

A. Sino ang babasa?

B. Ano ang layunin?

C. Ano ang etikang pamantayan ang ginaggamit?

D. Ano ang paksang tinatalakay?

98
Katangian ng isang
Aralin 1
Mahusay na Manunulat ng
IKATLONG ARAW Sulating Teknikal-
Bokasyonal
Sa araling ito malalaman ninyo ang mga katangian ng isang mahusay na manunulat
sa Teknikal-Bokasyonal na sulatin. Dito rin natin mauunawan ang kung ano-anong katangian
ang dapat taglayin ng isang mahusay na manunulat at kung paano ito makakamit.

Balikan
Bago tuluyang lumusong sa mga katangian ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin,
pagnilayan muna at balikan ang mga simulain ng tek-bok na sulatin.

MGA SIMULAIN SA TEKNIKALBOKASYUNAL NA SULATIN

Tuklasin
Panuto: Sino ang iyong paboritong manunulat at ano-ano ang kanyang mga katangian
o istilo bilang isang manunulat.

PABORITONG
MANUNULAT

MGA KATANGIAN

99
Suriin

Alam mo ba na…

Katangian ng Isang Mahusay na Manunulat sa Isang Tek-bok na Sulatin


1. Matatas sa Wika
2. Analitikal
3. Obhetibo
4. Mataas ang Kaalaman sa Paksa
5. Mahusay sa Kumbensyon sa Pagsulat
6. Sumusunod sa etikal na pamantayan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling opinion.
1. Bakit kaya dapat magkaroon ng kaalaman sa paksa ang isang manunulat sa tek-bok
na sulatin?
___________________________________________________________________

2. Bakit kailangang maging matatas sa wika ang isang manunulat?


___________________________________________________________________

3. Ano ang ibig sabihin ng maging obhetibo?


___________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay naglalarawan ng
pagiging matatas sa wika ng isang manunulat at ekis (x) kung hindi.

_____ 1. Gumagamit ng pormal na wika sa pagsusulat ng mga tek-bok na sulatin.


_____ 2. Mga simple at madaling maunawaan ang mga salitang ginamit sa pagsusulat.
_____ 3. Gumagamit ng mga salitang balbal sa pagsusulat ng mga sulatin.
_____ 4. Gumagamit ng mga matalinghagang pahayag upang maging masining ang
pagsusulat.
_____ 5. Gumagamit ng payak at tiyak na mga pananalita sa mga sulatin.

100
Isaisip
Mahalaga at dapat tandaan ng isang manunulat ang mga katangian na dapat taglayin
sa pagsusulat ng mga tek-bok na sulatin upang maging mahusay, epektibo at madaling
maunawaan ang kanyang isinusulat.

Isagawa

Panuto: Manaliksik ng isang halimbawa ng tek-bok na sulatin. Sipiin ito sa inyong


sagutang-papel at suriin kung ang manunulat ay nagtataglay ng mga katangian.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

MGA LUMITAW NA KATANGIAN PATUNAY

Tayahin
Panuto: Kilalanin kung anong mga katangian ng manunulat ang ipinapahayag sa mga
sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Matatas sa Wika
B. Analitikal
C. Obhetibo
D. Mataas ang Kaalaman sa Paksa
E. Mahusay sa Kumbensyon sa Pagsulat
F. Sumusunod sa etikal na pamantayan
_____ 1. Ang mga impormasyon at detalyeng ginamit sa mga sulatin ay batay sa katotohanan
at mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
_____ 2. Maraming mga mahalagang detalye sa isinulat na sulatin dahil sa ginawang
pananaliksik at masusing pag-aaral ng may-akda sa paksa.
_____ 3. Sumusunod sa wastong pormat at hakbang sa pagsusulat batay sa kung anong
anyo ng sulatin ang isinulat.

101
______ 4. Pinagtitimbang-timbang muna ang mga detalye upang makapagpahayag ng isang
mahusay na sulatin.
______ 5. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan ng mga mambabasa.

Karagdagang Gawain
Manaliksik ng isang halimbawa ng tekbok na sulatin. Kopyahin sa isang buong
papel at suriin ang katangian ng manunulat batay sa sulatin.

102
Aralin 1 Paghahanda sa Pagsulat ng Isang
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
IKA-APAT NA
ARAW

Sa araling ito malalaman ninyo ang mga paghahandang dapat gawin sa pagsusulat
ng isang Teknikal-Bokasyonal na sulatin. Dito rin natin mauunawan ang kahalagahan ng
mabisang paghahanda tungo sa isang mahusay na sulatin.

Balikan
Upang masulat ang iyong naunang kaalaman, subukang sagutin ang gawain sa ibaba
bago magtungo sa susunod na paksa.
Kapag ikaw ay nagsusulat ng mga mga sulatin, ano-ano ang kadalasang ginagawa
mong paghahanda?
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang na nagpapahayag ng mga
paghahandang gagawin sa pagsulat ng isang tek-bok na sulatin. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Layunin Mambabasa

Pagsulat Magsaliksik

1. Kilalanin ang ______________________


2. Tukuyin ang ______________________
3. Magbasa at ______________________
4. Maghanda na sa __________________

103
Suriin

Alam mo ba na…

Paghahanda sa Pagsulat sa Isang Tek-bok na Sulatin


1. Kilalanin ang mambabasa
2. Tukuyin ang layunin
3. Magbasa at Manaliksik
4. Maghanda na sa pagsulat

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling opinion.
1. Bakit kailangan matukoy muna ang layunin bago simulan ang pagsusulat ng mga tek-
bok na sulatin?
___________________________________________________________________

2. Ano ang makukuha sa masusing pagbabasa at pananaliksik sa paksang isusulat?


___________________________________________________________________

3. Bakit kailangang makilala ang klase ng babasa sa iyong sulatin?


___________________________________________________________________

Pagyamanin
TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.
_____ 1. Kailangan ng sapat na paghahanda sa pagsusulat ng tek-bok na sulatin.
_____ 2. Maaaring sumulat kahit walang sapat na kaalaman sa paksa.
_____ 3. Kailangang maunawaan muna ang iyong layunin upang maging mahusay ang
ginawang sulatin.
_____ 4. Pwedeng maging mahusay ang sulatin kahit hindi mo nakikilala ang uri ng iyong
mambabasa.
_____ 5. Kailangan ang masusing pananaliksik at pag-aaral sa paksa upang maging epektibo
ang sulatin.
.

104
Isaisip
Mahalaga ang mga paghahanda na gagawin bago ang pagsusulat upang maging
mahusay at epektibo ang iyong ginawang sulatin. Ito ang nagsisilbing susi upang maipahayag
sa mambabasa ang wasto at tiyak na detalye ng iyong sulatin.

Isagawa

Panuto: Sumusulat ng isang balangkas sa naratibong iyong isusulat tungkol sa isang


mahalagang paksa. Sundin ang mga gagawing paghahanda sa pagsulat ng isang tek-
bok na sulatin. Gamitin ang pormat sa ibaba.

PAKSA:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

SINO ANG BABASA:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

LAYUNIN SA PAGSULAT:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

MGA SANGGUNIAN, AKLAT O LINK SA INTERNET NA MAAARING

MAKATULONG SA IYONG PAGPAPALAWAK SA PAKSA:

________________________________________________________

________________________________________________________

105
Tayahin
Panuto: Isa-isahin ang mga paghahanda na dapat gawin sa pagsusulat ng isang tek-
bok na sulatin.

1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Manaliksik ng isang naratibong ulat at suriin ayon sa mga sumusunod na
impormasyon.

PAKSA: ________________________________________________

_______________________________________________________

SINO ANG BABASA: _____________________________________

_______________________________________________________

LAYUNIN SA PAGSULAT:

________________________________________________________

________________________________________________________

106
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang TAMA kapag ang pahayag
ay wasto at MALI kapag di wasto.

___________1. Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa


larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera,
teknolohiya, at agham pangkalusugan.
___________2. Di na kailangan na magkaroon pa ng teknikal na kasanayan sa bokasyonal
na sulatin,
___________3. Ang teknikal bokasyonal na sulatin ay kailangang maging malinaw,
maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon.
___________4. Isa sa mga halimbawa ng teknikal na bokasyonal ay makikita sa ibat’ibang
uri ng brochure.
___________5. Ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
___________6. Ang simulain sa pagsulat ng teknikal-bokasyonal na sulatin ay ang pag-
unawa sa mambabasa
___________7. Ang paggamit ng tamang estruktura sa pagsulat ng Teknikal-bokasyonal na
sulatin ay hindi na kinakailangan.
___________8. Hindi na kailangan ang pag-alam sa paksang-aralin sa pagsulat ng Teknikal-
bokasyon na sulatin
___________9. Ang obhetibong pagsulat ay kinakailangan para sa pagsusulat ng Teknikal-
Bokasyonal na sulatin
___________10. Hindi na kailangan ang paggamit ng etikang pamantayan sa pagsulat ng
Teknikal-Bokasyonal na sulatin.

107
Susi sa Pagwawasto

UNANG ARAW
SUBUKIN
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. MALI

BALIKAN
Panuto: Lagyan ng (√) ang mga sulating matagumpay mong naisagawa noong ikaw ay
nasa ikasampung grado pa lamang.
__________1 liham pangangalakal
__________2. Liham pangkaibigan
__________3. Suring-aklat
__________4. Sanaysay
__________5. Rebyu ng pelikula
(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

TUKLASIN

Gamit ang funnel diagram, bumuo ka ng mga salitang may kaugnayan sa teknikal-
bokasyonal na sulatin.

Teknikal-
Bokasyonal
(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

108
SURIIN
1. Teksto 5. maunawaan
2. Tiyak 6. gramatikal
3. Tumpak 7. bantas
4. Hangarin 8. kayarian

PAGYAMANIN
Basahin ang mga katanungan at ibigay ang iyong sariling opinion.
1. Ano ang kaukulang gamit ng isang tek-bok na sulatin sa larangan ng
komunikasyon?
2. Gaano ba kahalaga ang pagsulat ng teknikal na sulatin?

3. Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral sa Senior High School bilang


paghahanda sa kanilang mga piling larang?

(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

ISAGAWA
Manood ng mga vlogs sa youtube na may kaugnayan sa Teknikal-Bokasyonal na sulatin at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang vlog na inyong napanood?


2. Malinaw ba ang mga impormasyong inilalahad sa vlog? Magbigay ng patunay.

(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

TAYAHIN
1. Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang
may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at
agham pangkalusugan.
2. - lumikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw
- maging tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto
- maging malinaw, madaling maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon
- Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may
angkop na pamantayang kayarian.

109
IKALAWANG ARAW

BALIKAN
Ang Teknikal – Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang
may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham
pangkalusugan.

TUKLASIN

Kilatisin mo ang gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa teknikal bokasyunal
na sulatin. Punan ng impormasyon ang bahaging K, W at H.

K w H

•Anong alam mo tungkol •Anong gusto mo pang •Paano mo pa


sa teknikal bokasyunal na malaman tungkol sa mapapalawak ang iyong
sulatin? teknikal bokasyunal na kaalaman tungko sa
sulatin? teknikal bokasyunal na
sulatin?

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

SURIIN
1. E
2. A
3. D
4.

PAGYAMANIN
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalaga na magkaroon ng simulain ang teknikal-bokasyonal na sulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa anong paraan nakahihikayat ang teknikal-bokasyonal na sulatin sa mga tao?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

110
ISAGAWA

Sino ang babasa Ano ang layunin Ano ang Paksa

Mga Social Media Nitezens Ang layunin ng sulatin ay Mga impormasyong


o mga tao na gumagamit ng upang mabigyan ng babala Ipinadala ng konsulado
mga social media sites ang mga nitizens tungkol sa tungkol sa isang scam na
mga scammer sa Facebook nangyayari sa Facebook
o iba pang social media
sites

TAYAHIN
1. Pag-unawa sa mambabasa.
2. Pag-alam sa layunin ng bawat ulat.
3. Pag-alam sa paksang-aralin.
4. Paggamit ng tamang estruktura.
5. Paggamit ng etikang pamantayan

IKATLONG ARAW

BALIKAN

MGA SIMULAIN SA TEKNIKALBOKASYUNAL NA SULATIN

Pag-unawa sa mambabasa.
Pag-alam sa layunin ng bawat ulat.
Pag-alam sa paksang-aralin.
Paggamit ng tamang estruktura.
Paggamit ng etikang pamantayan

111
TUKLASIN
Panuto: Sino ang iyong paboritong manunulat at ano-ano ang kanyang mga katangian
o istilo bilang isang manunulat.

PABORITONG
MANUNULAT

MGA KATANGIAN

(batay sa sariling opinion at ideya ng mga mag-aaral)

SURIIN
1. Dapat magkaroon ng kaalaman sa paksa ang isang manunulat upang maging tiyak,
tumpak at obhetibo ang mga detalye o impormasyong nakapaloob sa sulatin.
2. Kailangang maging matatas sa wika ang manunulat upang mas madaling
maunawaan ng mga mambabasa ang sulatin dahil wasto at angkop ang wikang
ginamit.
3. Ang ibig sabihin ng obhetibo ay batay sa katotohanan ang mga impormasyon o
hango sa isang mapagkakatiwalaang pinagmulan.

PAGYAMANIN
1. √
2. √
3. X
4. X
5. √

ISAGAWA
Panuto: Manaliksik ng isang halimbawa ng tek-bok na sulatin. Sipiin ito sa inyong
sagutang-papel at suriin kung ang manunulat ay nagtataglay ng mga katangian.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

MGA LUMITAW NA KATANGIAN PATUNAY

(batay sa sariling opinion o ideya ng mga mag-aaral)

112
TAYAHIN
1. C
2. D
3. E
4. B
5. A

IKA-APAT NA ARAW

BALIKAN
Kapag ikaw ay nagsusulat ng mga mga sulatin, ano-ano ang kadalasang ginagawa
mong paghahanda?
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
(batay sa sariling opinion, ideya at kaalaman ng mga mag-aaral)

TUKLASIN
1. Mambabasa
2. Layunin
3. Magsaliksik
4. Pagsulat

SURIIN
1. Dahil ito ang magsisilbing gabay upang maiakma ang isinusulat ayon sa
kinakailangan ng mga mambabasa.
2. Magkakaroon ng sapat at malalim na kaalaman sa paksa upang mas maging
detalyado at mayaman sa impormasyon ang sulatin.
3. Upang maiangkop ang wikang ginamit, istilo at teknik sa pagsulat sa mga
mambabasa nang sa gayon ay madali nila itong maunawaan.

PAGYAMANIN
1. T
2. M
3. T
4. M
5. T

113
ISAGAWA
Panuto: Sumusulat ng isang balangkas sa naratibong iyong isusulat tungkol sa isang
mahalagang paksa. Sundin ang mga gagawing paghahanda sa pagsulat ng isang tek-
bok na sulatin. Gamitin ang pormat sa ibaba.

PAKSA:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

SINO ANG BABASA:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

LAYUNIN SA PAGSULAT:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

MGA SANGGUNIAN, AKLAT O LINK SA INTERNET NA MAAARING

MAKATULONG SA IYONG PAGPAPALAWAK SA PAKSA:

________________________________________________________

________________________________________________________

TAYAHIN

1. Kilalanin ang mambabasa


2. Tukuyin ang layunin
3. Magbasa at Manaliksik
4. Maghanda na sa pagsulat

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. TAMA
10. MALI

114
Sanggunian
Jarabe, J., et.al. Filipino sa Piling Larang Tech Voc – Pinadaling Paraan sa
Pagtuturo ng Filipino, pahina 5-15.
Francisco, C.G., et al., Filipino sa Piling Larang (Tech Voc), Rex Bookstore
(2017)

Francisco, Christian George at Gonzales, Mary Grace, Piling Larangan

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – Kagamitan ng mga Mag-aaral, pahina


153-157

https://bit.ly/39n8uL6

115
95
96

You might also like