You are on page 1of 30

11

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan - Modyul 9:
SANAYSAY BATAY SA GINAWANG
PANAYAM
(Pinal na Awtput)
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 9: Sanaysay Batay sa Ginawang Panayam (Pinal na Awtput)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlene L. Decipolo
Editor: Arlene L. Decipolo, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T.
Venido, Melle L. Mongcopa, Gelyn I. Inoy

Tagalapat: Edsel Mari A. Uy


Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo, EdD.
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, EdD. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino

Unang Markahan - Modyul 9:


SANAYSAY BATAY SA
GINAWANG PANAYAM
(Pinal na Awtput)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Sanaysay Batay sa Ginawang Panayam (Pinal na Awtput)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sanaysay Batay sa
Ginawang Panayam (Pinal na Awtput)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

SANAYSAY BATAY SA GINAWANG


PANAYAM
(PINAL NA AWTPUT)

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa


aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. (F11EP - Iij – 32)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?

Malugod kitang binabati at napagtagumpayan mo ang lahat ng


pagsasanay sa mga naunang aralin. Ako’y nagagalak at nasisiyahan dahil
nasa pangwakas na gawain ka na ng unang markahan.

Sa puntong ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng sanaysay batay sa


isinagawang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng
napiling komunidad.

Kaya simulan mo na!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy ang kahalagahan ng panayam sa pagbuo ng isang
sanaysay;
2. Nasusulat ang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko sa sariling komunidad;
3. Nagagamit ang kaisahan, kohirens at empasis para sa mabisang
paraan ng pagsulat ng sanaysay; at
4. Nasusunod nang may katapatan ang mga gawain at matagumpay
na naisasagawa ang mga ito.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung mali.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_______1. Ang pormal na sanaysay ay nagtataglay ng pananaliksik na pinag-


aralang mabuti ng sumulat.
_______2. Ang pormal na sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang
tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari.
_______3. Ang pormal na sanaysay ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang
maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang
ng mgapangyayari at mga kaisipan.

2
_______4. Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos
ang pagkakasunud-sunod ng mga impormasyon ang di-pormal na
sanaysay.
_______5. Ang di pormal na sanaysay ay gumagamit ng pormal na salita at seryoso
ang tono.
_______6. Sa pakikipanayam, ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong
batay sa layunin.
_______7. Gawing kabagot-bagot ang pakikipanayam.
_______8. Makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
_______9. Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.
_______10. Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili habang
nakikipanayam.

B. Panuto: Kilalanin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

_______1. Ito ay naglalaman ng mga ideya o impormasyong nais maibahagi sa mga


mambabasa at mga sumusuportang argumento at ebidensiyang
nagpapatibay sa paksa o katwiran.
A. Panimula o Introduksyon
B. Katawan
C. Konklusyon
D. Mga Sanggunian
_______2. Ito ang bahagi ng sanaysay na nagpapaliwanag sa paksa.
A. Panimula o Introduksyon
B. Mga Sanggunian
C. Konklusyon
D. Katawan
_______3. Likha lamang ng mayamang guni-guni na iniuugnay sa katotohanan ang
uri ng sanaysay na ito.
A. pormal na sanaysay
B. di pormal na sanaysay
C. karaniwang sanaysay
D. malikhaing sanaysay
_______4. Isang uri ng kathang naglalahad ng kuru-kuro, karanasan, at damdamin
ng isang tao.
A. tula B. sulating pananaliksik C. sanaysay D. talumpati
_______5. Uri ng sanaysay na tinatalakay na paksa ay naaayon sa katotohanan at
mas pili ang ginagamit na salita.
A. malikhaing sanaysay
B. di pormal na sanaysay
C. karaniwang sanaysay
D. pormal na sanaysay

3
Magaling! Nasubukan mong gawin ang
Panimulang Pagtataya. Naniniwala akong
nakatutulong ito upang masukat ko ang iyong
kaalaman kaugnay sa paksa. Ngayon ay
magsisimula ka na sa paggalugad ng bagong
kaalaman hinggil sa sanaysay at panayam.

4
TUKLASIN

Gawain 1

Panuto: Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na pahalang at pababa.


Pagkatapos ay buuin ang krusigrama sa tulong ng mga salita na nasa loob
ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Created using the Crossword Maker on TheTeachersCorner.net

panayam pormal fixed-response panimula


kaisahan katawan impormal konklusyon
di pormal rasyonale empasis kohirens

5
Pahalang Pababa

2. tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng 1. tumutukoy sa pagbubuod ng mga


mga bahagi sa loob ng isang talataan argumentong inilahad sa isinulat
6. ang kinapanayam sa uring ito ay may 3. ito ay kailangang maglalaman ng mga
pare-parehong tanong at hinahayaang ideya o impormasyong nais maibahagi
pumili ng mga kasagutan sa nakalatag sa mga mambabasa at mga
na sagot sumusuportang argumento
7. tinatawag itong primary sources 4. sanaysay na likha lamang ng
8. ang daloy ng pag-uusap ay walang mayamang guniguni na iniuugnay sa
tiyak o nakatakdang punto katotohanan o pinagbasehang mga
10. ito ang bahaging nagpapaliwanag ideya ng mga paksa
tungkol sa paksa 5. nangangahulugang pagkakaroon ng
isang ideya sa loob ng talata
9. uri ng sanaysay na ang tinatalakay na
paksa ay naaayon sa katotohanan, mas
pili ang ginamit na mga salita, at pormal
ang tono

SURIIN

PAGSUSURI

1. Naging madali ba sa iyo ang pagbuo ng mga salita gamit ang krusigrama?
2. Ano-ano ang mga salitang nabuo mo?
3. Bilang balik-aral, ano ang sanaysay? Ano naman ang panayam o interbyu?
4. Naranasan mo bang kinapanayam o magsagawa ng isang panayam?
5. Sino-sino ang maaaring kapanayamin?
6. Paano nakatutulong ang isang panayam sa pagbuo ng makabuluhang sanaysay?

6
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Pagsulat ng Sanaysay

Ayon kay Marquez (2017), ang sanaysay ay isang uri ng kathang naglalahad
ng kuro-kuro, karanasan, at damdamin ng isang tao. Isa rin itong uri ng paglalahad
na ang tungkulin ay magpaliwanag nang buong-linaw sa mga paksang tinatalakay
sapagkat ang ibig ng may-akda ay maunawaan ito ng kanyang mambabasa.

Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay, ang pormal na sanaysay


na ang tinatalakay na paksa ay naaayon sa katotohanan, mas pili ang ginamit na
mga salita, at pormal ang tono ng paglalahad. Samantala, ang di pormal na
sanaysay ay likha lamang ng mayamang guniguni na iniuugnay sa katotohanan o
pinagbasehang mga ideya ng mga paksa, gumagamit ng impormal na salita, at ang
tono ay tila nakikipag-usap lamang.

Dagdag pa ni Marquez, may 12 natatanging uri ng sanaysay: nagsasalaysay,


naglalarawan, nagpapakahulugan, nanunuri, nangangaral, nagpapaalala,
makaagham, namumuna, sosyopolitikal, pangkalikasan, nagpapaliwanag, at
nagpaparangal sa tao.

Ang paksa ng isang sanaysay, pormal man o hindi, ay maaaring hanguin sa


pamamagitan ng pananaliksik, pagmamasid, pagsusuri sa mga pangyayari at sa
pakikinig sa mga panayam o personal na pakikipanayam sa isang awtoridad.
Anuman ang pinagkunan ng paksa, ang isang maayos na sanaysay ay binubuo ng
sumusunod na mga bahagi.

1. Panimula o Introduksyon. Ito ang bahaging nagpapaliwanag sa paksa


kung paano ito tatalakayin; kung ano ang maaaring makuhang ideya o
impormasyon ng mambabasa. Ang una’t pangalawang pangungusap ay
naglalaman ng tesis na pahayag o thesis statement. Ang tesis na pahayag
ay ang kabuuan o ang focus ng ginawang sanaysay. Maraming
manunulat na nagsasabi na ito ang nagsisilbing payong kung saan
nakabatay rito ang tinatalakay na paksa ng sanaysay.

7
Halimbawa:
Paksa: Epekto ng Pagliban sa Klase ng mga Estudyante

Tesis na Pahayag:
Isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ng tao ang
edukasyon. Ito ay nagsisisilbing yaman natin sa buhay, ang
siyang daan sa pagkakaroon natin ng inaasam na trabaho o
pinapangarap na negosyo.

Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito inaasahan kung ipagpatuloy


ng mambabasa ang kanyang binabasang sulatin kaya dapat makuha ng
akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.

2. Katawan. Ito ay kailangang maglalaman ng mga ideya o impormasyong


nais maibahagi sa mga mambabasa at mga sumusuportang argumento
at ebidensiyang magpapatibay sa paksa o katwiran. Kailangang
maramdaman ng mambabasa ang lubos na kaalaman ng manunulat sa
paksa. Kaya dapat na naipaliwanag nang maayos at mabuti ang paksang
pinag-usapan o binigyang pansin.

3. Konklusyon. Higit sa lahat, kinakailangang tapusin ang sulatin nang may


pagbubuod at paglalahad. Ito ay tumutukoy sa pagsusuma ng mga
argumentong inilahad sa isinulat. Sa bahaging ito rin ay hinahamon ang
isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung binigyang
diin sa paksa ng sanaysay.

Ayon sa https://www.scribd.com/doc/21545925/PAGTATALATA, upang


maging epektib ang isang talataan na kailangan sa pagbuo ng isang makabuluhang
sanaysay, kailangang taglayin nito ang mga sumusunod na katangian: kaisahan,
kohirens at empasis.

Ang kaisahan ay nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng


talata. Sa literal na kahulugan ito ay, “magkakalapit ang lahat” (Badayos et al.,
2007). Upang makamit ito: a) tukuyin ang ideyang nais mong idedebelop; b)
ipahayag ang ideyang ito sa isang pamaksang pangungusap na maaari pang
idedebelop ayon sa iyong layunin; c) suportahan ang pamaksang pangungusap ng
mga pangungusap na nakadedebelop sa ideya.

Ang kohirens ay tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob


ng isang talataan. Upang makamit ang kohirens, kailangang: a) gumagamit ng
epektibong paraan ng pagpapahayag; b) organisahin ang mga pangungusap mula
simula hanggang sa wakas sa tulong ng epektibong patern ng organisasyon; at c)
gumamit ng mga epektibo na salitang transisyunal.

8
Ang empasis naman ay tumutukoy sa pagbibigay ng angkop at sapat sa diin
sa bahagi ng komposisyong nangangailangan niyon. Makakamit ito sa
pamamagitan ng: a) pagtukoy ng mga ideya o bahagi ng talataang dapat bigyan ng
diin; b) epektibong pagpili ng metodo ng pagbibigay-diin (sa pamamagitan ng
posisyon o proporsyon); at c) epektibong paggamit sa napiling metodo ng
pagbibigay-diin.

Panayam o Interbyu

Ayon kina Atanacio et al. (2009), ang panayam o interbyu ay napakahalaga


sa pangangalap ng mga impormasyon. Tinatawag itong primary sources at madalas
itong gamitin kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa
isang tao, pangyayari, sitwasyon, at iba pang nais bigyang linaw tungkol sa
pananaliksik. Maaaring isagawa ang panayam bilang follow-up sa isang
talatanungan o kaya ay upang kunin ang panig ng taong kasangkot upang lalong
mabigyan ng mas detalyadong sagot sa mga tanong.

Dagdag pa niya, bago simulan ang paghahanda ng mga tanong at proseso


ng pakikipanayam, linawin mo muna ang iyong layunin sa panayam. Anong mga
impormasyon ang iyong kailangang makuha? Paano mo ilalatag ang mga tanong
upang makuha ang inaasahang sagot mula sa kinapanayam? Narito ang mga uri ng
panayam ayon kina Atanacio et al. (2009):

1. Impormal o conversational na panayam. Sa uring ito walang inihandang


mga katanungan para sa kakapanayamin. Ang daloy ng pag-uusap ay
walang tiyak o nakatakdang punto.

2. Panayam na may gabay. Ito ay upang masiguro na ang pangkalahatang


impormasyong kailangan ay makakalap. Sa uring ito, higit na may pokus
kung ihahambing sa impormal na panayam ngunit maluwag pa rin ang
daloy ng panayam.

3. Open-ended na panayam. Dito ay malaya ang daloy ng panayam. Ang


kinakapanayam ay malayang makasasagot sa mga inilatag na tanong at
hindi lamang nakakulong sa sagot na oo at hindi.

4. Fixed-response na panayam. Ang lahat ng kinapanayam sa uring ito ay


may pare-parehong tanong at hinahayaang pumili ng mga kasagutan mula
sa mga nakalatag na sagot.

Sa kabilang dako, ayon sa https://bit.ly/34dhnVp (sa Mendones R. et al., 2018),


ang mga uri ng pakikipanayam ay naaayon din sa bilang ng taong kasangkot.

9
1. Isahan o Indibidwal na pakikipanayam. Ito’y pagharap ng dalawang
tao, ang isa ay nagtatanong na siyang kumakapanayam (interviewer) at
ang isa ay kinakapanayam (interviewee).

 Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng isang guidance


counselor sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos
tungkol sa kanya.

2. Pangkatang pakikipanayam. Higit sa isa ang kumakapanayam o


kinakapanayam sa uring ito.

 Isang halimbawa rito ang focus group discussion kung saan ang isang
mananaliksik ay nagnanais makapanayam ang mga tao sa isang
nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay Maaari niyang pakiusapan ang
kapitan ng barangay na tipunin ang mga tao sa pook na iyon upang
kanyang makapanayam sapagkat kung isa – isa niyang pupuntahan
ang mga iyon sa bahay – bahay ay malaking panahon ang kanyang
aaksayahin. Isa lamang ang kumakapanayam at marami ang kanyang
kinakapanayam. Maliban sa isang nayon ay maaari ring
kakapanayamin ang grupo ng mga estudyante tungkol sa pag-aaral
nila sa asignatura at iba pa.
 Maaari namang isa lamang ang kinakapanayam at marami ang
kumakapanayam katulad ng isang artistang nagbigay ng isang press
conference, maraming mamamahayag ang kumakapanayam sa
kanya.

3. Tiyakan at Di – tiyakang pakikipanayam (Directive or Non-directive).


Sa tiyakang pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin nang tiyakan
ng kinakapanayam. Kapag nagbibigay lamang ng ilang patnubay na
katanungan ang kumakapanayam sa kinakapanayam at nagsasalita nang
mahaba ang kinakapanayam, ito’y di – tiyakang pakikipanayam.

 Ang halimbawa ng tiyakang pakikipanayam ay ang Fast Talk ni Boy


Abunda Tonight kasama si Ms. Catriona Gray.
 Ang halimbawa ng di – tiyakang pakikipanayam ang casual interview
sa pageant.

4. Masaklaw na pakikipanayam (Depth interview). Sa uring ito, ang


kumakapanayam ang nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan
ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.

10
 Halimbawa sa relihiyon ng Saksi ni Jehova, tuwing sasapit ang araw
ng Sabado ay nakikipanayam sila sa isang partikular na lugar. Sila ay
nangangaral at pagkatapos magtatanong sila ng opinyon mo sa
kanilang binigay na aral tungkol sa Bibliya, kung ano ang paniniwala
mo rito at ang pilosopiya mo sa buhay.

Nagmungkahi rin sina Mendones et al. (2018) sa https://www.academia. edu,


ng mga hakbangin sa pakikipanayam. Isaalang-alang ang sumusunod:

Mungkahing Hakbangin sa Pakikipanayam

1. Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.


2. Magsuot ng angkop na damit.
3. Magdala ng notbuk at panulat.
4. Magpakilala agad nang buong pamitagan (paggalang) at sabihin kung ano
ang pakay. (Huwag magpanggap.)
5. Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.
6. Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.
7. Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-uusap sa
mga personal na hilig ng kinakapanayam.
8. Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong. (Familiarize
o kaya’y isaulo)
9. Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.
10. Kumuha nang sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila
maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder,
humingi muna ng pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas
lalong huwag gawin nang patago.)
11. Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling
makaabala sa hinaharap.
12. Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.
13. Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.
14. Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha habang
nakikipanayam.
15. Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.

11
Halimbawa ng isang sanaysay batay sa panayam.

ANG BISA NG PALIT-KODA SA PAGTUTURO NG FILIPINO,


ARALING PANLIPUNAN AT EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO SA BAITANG 7

Arlene L. Decipolo

Isa sa mga pangunahing itinataguyod ng Departamento ng Edukasyon


(DepEd) sa Filipinas ay ang edukasyong bilingguwal na napapaloob sa
Konstitusyon ng 1987. Pangunahing nilalaman ng polisiyang pangwika ang
hiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo. Sa kabila
nito, sinimulan namang ipatupad taong panuruan 2012-2013 ang Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) na nagbibigay-diin sa
paggamit ng mga katutubong wika bilang unang wika ng mga estudyante na
wikang panturo sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ang pagiging kompetent ng mga guro at estudyante sa larangan ng


Ingles at Filipino gayundin sa katutubong wika ay binibigyang pansin ng
DepEd. Pinaniniwalaan na ang pagtatamo ng functional na kaalaman sa wika
ay nakatutulong sa paglinang at pag-unlad ng bansa.

Ngunit sa kabila ng pagpapatupad ng mga patakarang pangwika gaya


ng edukasyong bilingguwal ay hindi natin maikakaila na sa mga klase ng
Filipino, Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao, kung saan
wikang Filipino ang ginamit na midyum ng pagtuturo ang mga guro at
estudyante ay nagpapalit ng lengguwahe sa panahon ng kumbersasyon, mula
Filipino patungo sa Ingles o vice versa o kaya’y Filipino patungo sa Cebuano
o vice versa. Ang kalagayang ito sa larangan ng lingguwistika ay tinatawag na
pagpapalit-koda o mas kilala sa Ingles na code-switching. Ito ay nagaganap
kapag ang tagapagsalita ay nagpapalit ng lengguwahe mula sa isang wika
tungo sa isa pang wika. Sa madaling sabi, ito ay paggamit ng dalawa o higit
pang wika sa pakikipag-usap na kadalasan ginagamit ng mga bilingguwal at
multilingguwal.

Ayon kay Palmer (2009), maraming multilingguwal na naniniwala na ang


paggamit ng palit-koda ay simbolo ng kahinaan sa wika sapagkat hindi na
mabibigyang halaga ang target na wikang dapat matutuhan sa loob ng
konteksto. Dagdag pa, sa teorya ni Jacoby (1983 sa Valerio, 2015) na
Psycholinguistics Theory, hindi dapat gamitin ang palit-koda sa mga
pangalawang wika na klase sapagkat hindi na makakamit ang layunin sa pag-
aaral ng wika upang hasain ang kaalaman at kasanayan sa paggamit nito at
maaari ring maging karaniwan na lamang ang paggamit ng palit-koda sa loob
ng klase.

Pinaniniwalaang may negatibong epekto ang palit-koda (Payawakal-


Gabriel at Reyes-Otero (2006) at Inductivo (1994) sa Metila 2009) dahil sa
nagpapalito ito sa estudyante at naaapektuhan nito ang kanilang
komprehensyon. Bunga nito ay ang hindi pagiging kompetent ng isang

12
indibiduwal guro man o kaya’y estudyante sa iisang wika. Ang mga lingguwista
at edukador ay hinahamon din ang kanilang pananaw na ang pagpapalit-koda
ay nakapagpapababa ng komunikasyong pamantayan (Valerio, 2015).

Sa interbyu mula sa mga guro ng Filipino, Araling Panlipunan at


Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang 7, na sina G. Godinez, Gng.
Villacampa, Gng. Maagad, Gng. Cañaveral, Gng. Torres, Bb. Villaflor, Gng.
Santillan at Gng. Abiera ay napatunayan na madalas silang nagpapalit-koda
sa klase. Ang mga dahilan ng kanilang pagpapalit ng wika ay ang sumusunod:
kakulangan sa pasilidad, kakulangan sa rehistro, kondisyon ng tagapagsalita,
upang magbigay ng diin, kinagawiang ekspresyon, kahalagahang
pansemantika, pagkausap sa iba’t ibang tagapakinig, pagkakakilanlan sa
pangkat, pragmatikong dahilan at upang makahikayat ng atensiyon. Positibo
rin ang kanilang saloobin sa paggamit ng palit-koda sa klase sapagkat malaki
ang naitutulong nito sa pagtuturo upang mas mapadali ang talakayan sa loob
ng klase at nang maintindihan at maunawaan kaagad ng mga estudyante ang
paksang tinatalakay. Sa tulong din nito ay mas lalong nagkakaroon ng
interaksyon ang mga estudyante sa panahon ng talakayan dahil mas
naibabahagi rin nila ang kanilang sariling karanasan gamit ang Ingles,
dayalekto o ang bisaya.

Sa isinagawang focus group discussion sa mga estudyante ng Filipino,


Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao ng baitang 7 ay
pinatunayan din nila na madalas silang nagpapalit-koda sa klase. Halos lahat
ay positibo rin ang kanilang saloobin sa paggamit ng palit-koda maliban kay
Obate na nagbahagi rin ng kaniyang saloobin. Ayon sa kaniya, “Nasa gitna po
ako ng pagpapalit-koda dahil kahit po nagkakaintindihan po kami nang maayos
minsan po ay parang naiisip ko na, ano pa ang silbi na tinatawag ang
asignatura na ito na Filipino kung gagamitin din naman namin ang ibang
lengguwahe at ‘di ba ando’n ‘yong asignaturang yaon ay para masanay kami.
‘Yon nga ay para magamit namin ang Filipino palagi. Kung palagi na lang
ikokonsidera na magsalita lang kami ng Ingles at ibang lengguwahe, ano ang
silbi ng Filipino? Para lang itong hindi Filipino, para itong Taglish.” May punto
ang kaniyang pahayag na kung palaging gagamitin ang palit-koda sa klase lalo
na sa klaseng Filipino ay hindi masasanay ang mga estudyante sa paggamit
nito. Mahalaga pa rin na matutuhan nila nang buong husay ang paggamit ng
Filipino at limitahan ang paggamit ng palit-koda. Ngunit kahit na may
nagpahayag na neutral ay hindi maikakaila na marami ang sang-ayon at
positibo ang kanilang saloobin sa paggamit ng palit-koda. Sa dahilang malaki
ang naitutulong nito upang mapadali ang pag-unawa nila sa mga leksiyon at
mas nakapagbabahagi sila ng mga kaalaman at sariling karanasan gamit ang
pagpapalit ng wika, Ingles man ito o kaya’y bisaya. Dagdag pa ay natutulungan
din nito ang mga hindi mahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino.

Sa kabuuan, masasabi na malaki ang naitutulong ng palit-koda hindi


lamang sa pagtuturo ng mga guro pati na rin sa pagkatuto ng mga estudyante.
Ngunit dapat isaalang-alang din natin na itaguyod ang wikang Filipino sa
pamamagitan ng tuloy-tuloy na paggamit nito sa larangan ng komunikasyon
nang sa gayon ay mahasa natin ang ating kasanayan sa paggamit sa
lengguwaheng nagpapakilala sa ating pagka-Filipino.

13
Gawain 2

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


kuwaderno.

1. Ano ang sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano maisasagawa nang maayos ang isang pakikipanayam?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano magiging maayos ang isusulat na sanaysay batay sa isang panayam?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

14
ISAISIP

Ang paksa ng isang sanaysay,


pormal man o hindi, ay maaaring
hanguin sa pamamagitan ng
pananaliksik, pagmamasid, pagsusuri sa
mga pangyayari at sa pakikinig sa mga
panayam o personal na pakikipanayam
sa isang awtoridad.

Mahalaga ang pakikipanayam


tungkol sa isang paksa upang
masuportahan ang iyong argumento at
mapalalim ang impormasyong tinalakay
sa isang sanaysay.
Anuman ang pinagkunan ng
paksa, ang isang maayos na sanaysay
ay binubuo ng panimula, katawan, at
konklusyon. Upang maging epektib ang
isang sanaysay, kailangang taglayin nito
ang mga sumusunod na katangian:
kaisahan, kohirens at empasis.

15
ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Magsagawa ng isang pakikipanayam sa isa o grupo ng mga taong may


sapat na kaalaman hinggil sa napiling paksa tungkol sa mga isyung
kultural o lingguwistiko sa iyong lugar. Maghanda ng mga tanong sa
isyung pag-uusapan ninyo. Pagkatapos, sumulat ng isang sanaysay
batay sa mga datos na nakuha mo sa pakikipanayam. Isulat ang sariling
sanaysay na may angkop na pamagat sa iyong kuwaderno. Gawing
gabay sa pagsulat ang rubrik na makikita sa susunod pahina.

Mga mungkahing paksa

 Epekto ng COVID-19 sa  Pagtanggal ng asignaturang


pamumuhay ng mga Filipino sa kolehiyo
Pilipino  Pagpapahalaga sa wikang
 Pagkawala at pagbabago Filipino
ng kulturang Pilipino na  Wika ng mga bakla
maaaring dulot ng  Wika ng social media
teknolohiya o kaya’y  Paggamit ng palit-koda
COVID-19  Epekto ng modernisasyon ng
 Kaugalian at tradisyon wikang Filipino
(pagmamano,  Mga suliraning kinakaharap
pagkakabuklod ng mag- sa pagtuturo o pagkatuto ng
anak, amor propio o mother tongue
pagpapahalaga ng isang
 Suliranin ng mga estudyante
tao sa kanyang dignidad,
bayanihan, paghaharana, sa pag-aaral ng Filipino
pamanhikan, simbang gabi,  Impuwensiya ng mga
pakikisama, utang na loob, dayuhang wika sa wikang
palabra de honor o may Filipino o anumang wika sa
isang salita) kapuluan
 Larong Pinoy vs. Computer  Kahalagahan ng wika sa
Games pagpapalaganap ng
 Mga Pamahiin: Kapani- impormasyon tungkol sa
paniwala ba? COVID-19

16
RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Kaugnayan Higit na inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit Walang Iskor
inaasahan nakamit ang ang inaasahan napatunayan
inaasahan
(5) (4) (3) (2) (1)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw Hindi nakita
ang introduksyon, introduksyon ang introduksyon ang ang introduksyon sa ginawang
malinaw na pangunahing pangunahing at pangunahing sanaysay.
nakalahad ang paksa gayundin paksa subalit paksa. Hindi rin
pangunahing paksa, ang panlahat na hindi sapat ang nakalahad ang
gayundin ang pagtanaw ukol pagpapaliwanag panlahat na
pagbibigay ng tesis dito. ukol dito. pagpapaliwanag
na pahayag. ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kahulugan sa Hindi nadebelop Hindi nakita
bawat talata dahil sa may sapat na detalye. ang mga sa ginawang
husay ng detalye. panguahing ideya. sanaysay.
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay Hindi nakita
ng mga ideya ang pagkakasunud- debelopment ng pagkakaayos ng na organisado sa ginawang
sunod ng mga ideya, mga talata mga talata ang pagkakalahad sanaysay.
isinaalang-alang ang subalit hindi subalit ang mga ng sanaysay.
kaisahan, kohirens makinis ang ideya ay hindi
at empasis, gumamit pagkakalahad. ganap na
din ng mga nadebelop.
transisyonal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan Hindi nakita
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus sa ginawang
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon. sanaysay.
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasya
palagay o paksa batay sa mga tungkol sa paksa
batay sa katibayan at katibayan at mga batay sa mga
mga katwirang inisa- katwirang inisa- katibayan at mga
isa sa bahaging isa sa bahaging katwirang inisa-
gitna. gitna. isa sa bahaging
gitna.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita
sa mga bantas, pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang sa ginawang
kapitalisasyon at mga bantas, mga bantas, mga pagkakamali sanaysay.
pagbaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at sa mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita
sa estruktura ng pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang sa ginawang
mga pangungusap at estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa sanaysay.
gamit ng mga salita. mga mga estruktura ng
pangungusap at pangungusap at mga
gamit ng mga gamit ng mga pangungusap at
salita. salita. gamit ng mga
salita.

17
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

1. Naging madali ba sa iyo ang pagsulat ng isang sanaysay batay sa isang


panayam? Bakit?
2. Naisaalang-alang mo ba ang kaisahan, kohirens at empasis sa pagsulat ng isang
sanaysay?
3. Nakatutulong ba ang isang panayam sa pagbuo ng makabuluhang sanaysay?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

18
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
A. Panuto: Kilalanin ang sumusunod. Isulat ang tiitk ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

_______1. Ang kumakapanayam ang nagbibigay ng mga tanong na ang mga


kasagutan ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.
A. Tiyakan at Di – tiyakang pakikipanayam
B. Masaklaw na pakikipanayam
C. Pangkatang pakikipanayam
D. Isahan na pakikipanayam
_______2. Ang kinakapanayam ay malayang makasasagot sa mga inilatag na
tanong at hindi lamang nakakulong sa sagot na oo at hindi.
A. Open-ended na panayam
B. Impormal o conversational na panayam
C. Fixed-response na panayam
D. Panayam na may gabay
_______3. Ito’y pagharap ng dalawang tao, ang isa ay nagtatanong na siyang
kumakapanayam (interviewer) at ang isa ay kinakapanayam
(interviewee).
A. Tiyakan at Di – tiyakang pakikipanayam
B. Masaklaw na pakikipanayam
C. Pangkatang pakikipanayam
D. Isahan na pakikipanayam
_______4. Sa uring ito walang inihandang mga katanungan para sa
kakapanayamin.
A. Panayam na may gabay
B. Fixed-response na panayam
C. Impormal o conversational na panayam
D. Open-ended na panayam
_______5. Higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito.
A. Tiyakan at Di – tiyakang pakikipanayam
B. Masaklaw na pakikipanayam
C. Pangkatang pakikipanayam
D. Fixed-response na panayam

19
_______6. Nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungan ang
kumakapanayam sa kinakapanayam at nagsasalita nang mahaba ang
kinakapanayam.
A. Fixed-response na panayam
B. Tiyakang panayam
C. Di-tiyakang na panayam
D. Masaklaw na panayam
_______7. Ang literal na kahulugan nito ay magkakalapit ang lahat ng ideya.
A. kaisahan
B. kohirens
C. emphasis
D. organisasyon
_______8. Uri ng paglalahad na ang tungkulin ay magpaliwanag nang buong-linaw
sa mga paksang tinatalakay sapagkat ang ibig ng may-akda ay
maunawaan ito ng kanyang mambabasa.
A. maikling kuwento
B. bionote
C. sanaysay
D. anekdota
_______9. Isang pahayag na naglalaman ng pangunahing ideya hinggil sa paksa
ng isang sanaysay.
A. panimula
B. katawan
C. konklusyon
D. tesis na pahayag
_______10. Mahalaga ito upang masuportahan ang isang argumento at mapalalim
ang impormasyong tinalakay sa isang sanaysay.
A. tesis na pahayag
B. panayam
C. magasin
D. anekdota

B. Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay tama at ekis (x) naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_______1. Lumilitaw ang personalidad ng may-akda sa isang sanaysay.


_______2. Sa pangkalahatan, tatlo ang uri ng sanaysay.
_______3. Ang paksa ng isang sanaysay ay maaaring hanguin sa pamamagitan ng
pakikinig sa mga panayam o personal na pakikipanayam sa isang
awtoridad.
_______4. Kinakailangang tapusin ang sulatin nang may pagbubuod at paglalahad.
_______5. Ang pormal na sanaysay ay nangangailangan ng masusing pag-aaral at
malalim na pagkaunawa sa paksa.

20
21
MGA SANGGUNIAN

Atanacio et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. C& E Publishing, Inc.,


2009.

Badayos et al. Masining na Pagpapahayag (Aklat sa Filipino 3-Antas Tersyarya).


Mutya Publishing House, Inc., 2007.

Bernales, Rolando et al. Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat:


Introduksyon sa Pananaliksik. Mutya Publishing House, Inc., 2009.

Carugda, Z. & Antepasado, L. TESIS NA PAHAYAG: EPEKTO NG PAGLIBAN SA


KLASE NG MGA MAG-AARAL NG GRADE 11 SENIOR HIGH SCHOOL SA
ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY. Accessed September 25, 2020,
https://www.academia.edu/36103056/TESIS_NA_PAHAYAG_EPEKTO_NG_P
AGLIBAN_SA_KLASE_NG_MGA_MAG_AARAL_NG_GRADE_11_SENIOR_H
IGH_SCHOOL_SA_ATENEO_DE_DAVAO_UNIVERSITY.

Elnar & Decipolo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino Sanayang Aklat. Pagmamay-ari ng
Departamento ng Edukasyon-Dibisyon ng Negros Oriental, 2017.

Marquez, Sevillano. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Sibs


Publishing House, Inc., 2017.

Pagtatalata. Accessed September 25, 2020, https://www.scribd.com/doc


/21545925/PAGTATALATA.

Pormal na Sanaysay. Published on Nov 28, 2014, https://www.slideshare.net/


eijrem/pormal-na-sanaysay-final.

Pakikipanayam. Edited last March 15, 2020, https://bit.ly/34dhnVp.

SANAYSAY – Kahulugan, Mga Uri at mga Bahagi Nito. Published July 16, 2019,
https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/

Gener, Lyllwyn. Kaugaliang Pilipino. Published May 10, 2017,


https://www.slideshare.net/LyllwynGener1/kaugaliang-pilipino-75835223

22
ARLENE L. DECIPOLO. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of
Secondary Education-Filipino sa Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City. Isang resipyent ng PHCCI
Scholarship Program at youth member. Isa sa mga manunulat ng
sanayang aklat sa Filipino, Dibisyon ng Negros Oriental. Dating
miyembro ng Pambansang Samahan sa Wika, Ink., UP Campus,
Diliman, Quezon City. Miyembro rin siya sa Pambansang Samahan
ng mga Mananaliksik sa Filipino. Tagapagdaloy at tagapagsanay sa
mga patimpalak sa Filipino. Dating Filipino instructor sa NORSU. Sa
ngayon, siya ang adviser ng baitang 11 at nagtuturo ng Filipino sa
Sibulan Science High School.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like