You are on page 1of 17

12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

Ikalawang Markahan-Modyul 1:
PAGSULAT NG ADYENDA
Karapatang Sipi@ Deped Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmanmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala I ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang video nang walang nakasulat ang tagapalathala at may-akda.Hindi sakop
ng karapatang -sipi ang sariling aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon District,
Tagbilaran City, Bohol

May- akda:
Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D
Josephine D. Eronico, Ph.D
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson

Tagalapat: Ginalyn O. Quimson

Tagapamahala: Bianito D. Dagata,Ed.D.CESO V


Schools Division Superintendent
Carmela M. Restiticar, Ph.D
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico,Ph.D.
EPS,LRMDS
Wilfreda O. Flor,Ph.D
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education. Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive,Cogon District, Tagbilaran City, Bohol


Telephone No: ( 038) 412-4938, ( 038) 411-2544, ( 038) 501-7550
Telefax: ( 038) 501-7550
Email address: Deped.bohol @ deped.gov.ph
12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Pagsulat ng Adyenda
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Pagsulat ng Adyenda ”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:

Taos-puso ang pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Pagsulat ng
Adyenda”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa pangangailangan. Kahit wala ka sa loob ng silid-aralan , ikaw’y
matutulungan pa rin at mabigyan ng malaking oportunidad na matuto.Sadyang inaangkop ang mga aralin,
babasahin, gawain at mga pagsasanay sa iyong interes at kakayahan upang ang iyong pagkatuto ay maging
makabuluhan at kawili-wili. Nililinang din dito ang iyong malikhain, kritikal at mapanuring pag-iisip at matatag na
pagpapahalaga sa wika at kultura. Kasabay ding lilinangin ang kasanayan at kakayahan sa pagsusulat hindi
lamang ang ordinaryo at di-pormal na uri ng pagsulat kundi ang iyong kasanayan sa akademikong pagsulat na
magagamit sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, inihahanay ang mga layunin ng aralin. Mahalagang


Alamin nauunawaan mo kung ano ang iyong maaasahan sa aralin.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Tiyakin mong masasagutang nang buong-puso ang
maikling pagsusulit.
Sa bahaging iyo, binabalikan ang mga dati nang kaalaman kung
Balikan mayroon ka tungkol sa paksa ng aralin. Mahalagang matukoy ang dati
nang alam upang matiyak na may napadagdag na kaalaman.
Sa bahaging ito inilalahad ang mismong aralin, ginagalugad dito ang
Tuklasin mga ideyang magkikintal ng mahahalagang kaisipan.

Sa bahaging ito ay may tanong na sumusubok sa iyong pagkaunawa


Suriin sa aralin
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.
Makikita sa bahaging ito ang mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Ang pagkakaroon ng pagpipiliian ay
makabubuti dahil higit na naaangkop ang iba’t ibang interes,
kakayahan, at estilo sa iyong pagkatuto
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
Isaisip
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa
ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Karagdagang Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi ng Kasagutan
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
ALAMIN

Dinisenyo ang modyul na ito nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan , kasanayan at
interes.Naglalayon itong matulungan kang matuto kahit wala ka sa loob ng klasrom. Matutunan mo rito ang
kahalagahan sa pagsusulat kasama na rito ang akademikong pagsulat. Ang mga gawain dito ay hahamon
sa iyo na mag-isip kung paano mo mailalapat ang mga natutuhan upang magtamo ng mga kasanayang
mapakikinabangan bilang makabuluhang mamamayan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi hanggang
sa paglabas mo sa malawak na daigdig.. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may isang kompetensi lamang ang lilinangin para sa Unang
Linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:
Aralin 1: Pagsulat ng Adyenda
 Unang Araw: Kahulugan ng Adyenda
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.( CS-
F11/12PT-Om-o-90)

 Ikalawang Araw: Mga Hakbang Sa Pagsulat Ng Adyenda


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS-F11/12PT-Om-o-90)

 Ikatlong Araw: Mga Paksa Sa Isang Adyenda


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.
(CS-F11/12PT-Om-o-90)

 Ikaapat na Araw: Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda


` Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.
(CS-F11/12PT-Om-o-90)

SUBUKIN
Magsimula ka rito. Huwag kang mag-alala sa pagsusulit na ito.Layon ng pagsusulit na ito na masukat
ang dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat ng adyenda. Isulat
sa patlang bago ang bilang.

______1.Isinasaad sa adyenda ang pakay o layunin sa gagawing pulong o pakay.


______2. Makikita sa adyenda ang pagkakasuno-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
______3. Hindi nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong ang adyenda.
______4. Nagiging daan ang adyenda upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong
-----------5.Ang adyenda ay tinatawag na opisyal na tala ng isang pulong.
Aralin 1 ANG KAHULUGAN NG
UNANG ARAW ADYENDA
Sa modyul na ito matutunghayan mo ang pagsulat ng adyenda, bahagi ng adyenda,layunin at
kahalagahan ng nito.

Ang pagsagot ng mga tanong ay nagpapaunlad sa kasanayan mo sa pag-unawa ng iyong binabasa.


Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag o pagpapahayag ng sariling ideya
o kaisipan

BALIKAN
Naranasan mo na bang dumalo sa isang pulong?Paano mo ilalarawan ang pulong na iyong
dinaluhan?
Kaya sa araling ito, sanay mahahasa rin ang iyong kasanayan sa pagsulat ng adyenda

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat


ang inyong tamang sagot.

TUKLASIN
Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon
nang maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Maging maayos ba isang pulong kung walng adyenda?

SURIIN
Alam mo ba ……

Ayon kay Sudaprasert (2014) , ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Ang pagkakaroon nang maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong
kabahagi bago isagawa ang pulong. Ito ay gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit
ang planong ito ay pinananatiling sikreto. Maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o
pwede rin namang gumawa ng balangkas.talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa
pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulongIto ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at
pagpapatakbo ng pulong, nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-
usapan sa pulong. Ang adyenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng malinaw na
direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan
Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong.Maaaring
magpulong para magplano(planning), magbigay impormasyon(information dissemination), kumonsulta
(askfor advice), maglutas ng problema (solving problems) o magtasa (evaluate).
BAHAGI NG ADYENDA
I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng dumalo
III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
IV. Karagdagang impormasyonV
V. . Pangwakas na salita
Layunin ngAdyenda:
• Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensiyon

Kahalagahan sa Pagkakaroon ng Adyenda sa Pulong


1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
• Mga paksang tatalakayin
• Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
• Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang ngtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakatutulong nang Malaki upang mapanatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.

Epekto ng Hindi Paghahanda ng Adyenda


-nawawala sa pokus ang mga kalahok, nanagdudulot sa tila walang katapusangpagpupulong (na
madalas ay wala namantalagang nangyayari)-tumatagal ang pagpupulong at nasasayanglamang
ang
panahon ng mga kalahok-umuunti ang bilang ng dumadalo sa pagpupulong

Nilalaman ngAdgenda:
•Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anongoras ito magsisimula at matatapos?
• Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamosa pulong? Sa bahaging ito ng agenda,
sinasagotnito ang tanong na\
“Bakit tayo magkakaroon ngpagpupulong?
• Ano-ano ang mga paksa o usapin ng talakayin?
•Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
• Nakasaad din ang mga inaasahang pag-uusapan sa pulong
• Mabigyan ng pokus ang pagpupulong

Karaniwan ang mga gumagawan nito ay ang responsible sa pagsulat ng adyenda tulad ng presidente ng
isang kompanya, CEO, director, tagapamahala, pinuno atbp.Madalas silang nakikipagtulungan sa
kanilang mga kalihim

PAGYAMANIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahulugan ng adyenda batay sa inyong sariling pag-unawa?


2. Magbigay ng mga dahilan kung bakit magsasagawa ng adyenda?
3. Ano ang magiging epekto kung hindi maghahanda ng adyenda?

ISAISIP

Ang pagsulat ng adyenda ay nagsisilbing gabay na nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano
mararating nang mabilis ang patutunguhan sa isang pagpupulong. Ito ay nakatutulong nang malaki
upang mapanatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

ISAGAWA
Panuto: Sumulat ng isang talata hinggil sa kahalagahan ng adyenda.
Pamantayan sa Pagmamarka:
1. Kaangkupan ng paksa o nilalaman- 5
2. Pagkakabuo ng mga ideya - 5
3. Wastong gamit ng gramatika - 3
4. Kagandahan at kaayusang ng sulat-kamay- 2
Kabuoan 15 pts.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

TAYAHIN

PAGSASANAY 1:.

Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat pahayag na may kaugnay sa pagsusulat.Piliin ang
sagot sa mga salitang napapaloob sa kahon.
pulong balangkas sistematiko
bago pagkatapos tseklist

1. Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa ___________.


2. Ang adyenda ang nagtatakda ng _________ ng pulong tulad ng pagkakakasunod-sunod.
3. Ang pagkakaroon ng maayos at ___________adyenda ang isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong.
4. .Napakahalagang maisagawa nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi _______
isagawa ang pulong.
5. Ang adyenda ang nagsisilbing talaan o_______upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan

KARAGDAGANG GAWAIN

Magsaliksik ng isang halimbawa ng adyenda sa internet.suriina at isulat sa kahon ang


mahusay na katangianng taglay nito..ilagay ang paksa o sanggunian ng nasaliksik

Paksa_________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
ADYENDA ___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
Aralin 2 MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
IKALAWANG
ARAW
ISANG ADYENDA

Mahalagang malalaman ang mga kagamitan o pangangailangan sa pagsusulat..Sa pamamagitan nito, ang
mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang
aspeto ng ating kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na
tala ay natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi: ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating
mga ninuno; at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.

BALIKAN

Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong


1. Ano ang kahulugan ng pagsulat ng adyenda
2. Bakit mahalaga ang isang adyenda sa isang pulong?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat


ang inyong tamang sagot.

TUKLASIN

Naranasan mo na bang magsulat ng isang adyenda

SURIIN

Alam mo ba………..

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda


1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na
magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras , at lugar.
MEMORANDUM o MEMO-isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon, Gawain, tungkulin, o utos.
Ayon din kay BARGO (2014) may tatlong uri ng memerandum ayon sa layunin
a.Memorandum para sa kahilingan
b.,Memorandum para sa kabatiran
c.Memorandum para sa pagtugon

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung
e-mail naman kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.

E-mail- to ay ang makabagong paraan ng pinapadalahan ng mensahe, kung noon ang ordinaryong sulat ay
sinusulat natin sa papel para matanggap ng ating papadalahan ang email ay gumagamit ng application at
internet upang mapadala ang mensahe o sulat na nais ihatid sa tatanggap nito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong
Narito ang halimbawa ng Adyenda

Petsa: Disyembre 5,2015 Oras: 9:00n.u-


11:n.u
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/ Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Daisy Romero (Prinsipal)
2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual (Finance Head)
4. Atty. Ez Pascual (Physical Resource Head)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)
6. Vicky Gallardo (Academic Coordinator)
7. Rubie Maguera (Academic Coordinator)
8. Richard Pineda (Academic Coordinator)
9. Gemma Abriza (Guro- Senior High School)
10. Joel Cenizal (Guro- Senior High School
11. Sherlyn Fercia (Guro- Senior High School)
12. Evangenine Sipat (Guro- Senior High School)
13. Ailene Posadas (Guro- Senior High School)
14. Vivian Abundo (Guro- Senior High School)
15. Onie Ison (Guro- Senior High School)
Mga Paksa Taong Oras
Tatalakay
1. Badyet sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Senior Pascual 20 minuto
High School
2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali Atty. 20 minuto
Pascual
3. Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS ng Romero 10 minuto
ASJ
4. Kurikulum /Track na ibibigay ng ASJ Romero 20 minuto
5. Pagkuha at pagsasanay ng mga guro para SHS Lontoc 15 minuto
6. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15 minuto
7. Estratehiya para mahikayat ang mga mag-aaral na Gallardo 10 minuto
kumuha ng SHS sa ASJ

PAGYAMANIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa inyong palagay, bakit kailangang magpadala ng memo sa mga taong kalakok sa


isasagawang pagpupulong?
2. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagsusulat ng adyenda.

ISAISIP
Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsible sa pagsulat ng adyenda.
Dapat tandaan na ang mga paksang tatalakayin ay hindi lamang sa isang tao magmumula kundi
manggagaling sa mga taong kasapi sa pulong

ISAGAWA
Magsalilksik ng isang halimbawa ng memorandum sa internet
MEMORANDUM

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
TAYAHIN

Panuto: . Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik T
kung tama ang pahayag na nabanggit at titik M naman kung mali.

1. Ang agenda ay ang listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.


2. Karaniwang nagpapatawag ng pulong ay ang miyembro.
3. Nakasaad din dito ang puna na inaasahang pag-usapan.
4. Layunin ng agenda na hindi mabigyan ng pokus ang pagpupulong.
5. Ang agenda ay tulad ng isang kumpas.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Ibigay ang hihinging impormasyon sa bawat bilang.

1.TATLONG URI NG MEMORANDUM


A._________________________________________.
B._________________________________________.
C._________________________________________.

2.MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA


A.______________________________________-__
B.________________________________________
C._________________________________________
D.__________________________________________
E._________________________________________
Ang pagsusulat ay isang intelektuwal na Gawain dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng

Aralin 1
Mga Nilalaman/Paksa ng
IKATLONG
ARAW
Adyenda
kaalaman ng mga estudyante.

BALIKAN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahalagang malaman ang tamang hakbang sa pagsulat ng adyenda?


2. Ano ang nilalaman ng memo o memorandum?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong


tamang sagot.

TUKLASIN

Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng adyenda.?

SURIIN
Alam mo ba…..

Ang adyenda ay parang mapa na nagsisilbing gabay na nagbibigay nang malinaw na


direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan
.
MGA NILALAMAN NG ADYENDA
ANO-ANONG MGA PAKSA O USAPIN ANG TATALAKAYIN?
•Maaring maikli lamang o detalyado, depende sa pangangailangan.
•Minsan ipapaliwanag na ito ay kaugnay na email, ngunit lahat ng pag-uusapan ay kailangan
sa adyenda.

MGA PAKSANG MADALAS TINATALAKAY SAPAGPUPULONG


•Pag-apruba sa katitikan ng pagpupulong
•Mga kailangang linawin sa nakaraangpagpupulong
•Regular report
•Puntong tatalakayin
•Iba pang bagay na nais pag-usapan
•Petsa ng mga susunod na pagpupulong
SINO-SINO ANG MGA LALAHOK SAPAGPUPULONG?
•Tanging ang mga taong talagang kailangangumupo ang dapat na nasa listahan
•Huwag aksayahin ang mga panahon ang mgainaanyayahang lumahok na hindi
namankailangan
PAGYAMANIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan;


1. Ibigay ang mga taong nagging kalahok sa pagpupulong.
2. Bakit kailangang isaalang-alang ang angkop na paghahanda ang adyenda?

ISAISIP

Maisasakatuparan ang makabuluhang pagpupulong kung isaalang-alang ang angkop na paghahanda.


Ang adyenda ay parang mapa na nagsisilbing gabay na nagbibigay nang malinaw na direksiyon kung
paano mararating nang mabilis ang patutunguhan

ISAGAWA

Panuto: Lagyang ng tsek ang patlang kung ang pahayag ay angkop na nilalaman ng adyenda.

_____1.Maaring maikli lamang o detalyado ang paksa ng pagpupulong o depende sa


pangangailanagan
____2.Maaring wala sa listahan ang mga taong pwedeng umupo sa pagpupulong.
_____3.Isa sa madalas na tinatalakay sa pagpupulong ay ang pag- apruba sa katitikan ng pulong.
_____4.Karaniwang tinatalaky sa pagpupulong ang regular report.
_____5.Maisakatuparan ang makabuluhang pagpupulong kung hindi isaalang -alang ang angkop
na paghahanda ng adyenda.

TAYAHIN

Panuto: Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.

1.Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng ____


ng mga adyenda.
2.Talakayin sa ________bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng _______ ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4.Magsimula at magwakas sa itinakdang _____ na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5.Ihanda ang mga kakailanganing ________ kasama ng adyenda.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng isang adyenda para sa gagawing pagpupulong.

Mga Suhestiyong Pagpupulong (Maaaring pumili ng isa sa mga nakasulat sa ibaba.)

.Pulong sa Barangay
Pulong ng mga Guro
Pulong ng SSG
Aralin 1
Mga Dapat Tandaan sa
IKAAPAT NA
ARAW
Paggamit ng Adyenda
Sa
araling ito ay malalaman mo ang mga bagay na kakailanganin o tandaan sa paggamit ng adyenda

BALIKAN

Panuto:Sagutin ang tanong:


1. Bakit kailangang magpadala ng memo sa mga taong lalahok sa isasagawang
pagpupulong?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong


tamang sagot.

TUKLASIN

Ano ang maging susi upang ang pagpupulong na magaganap ay maging maayos at maging
organisado?

SURIIN

Alam mo ba…..

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda


1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo sa pulong ay may sapat na kaalaman
hinggil sa mga [aksang pag uusapan. Maaari itong ibigay sa mga kasapi sa pulong, isang araw o
dalawang araw bago ang pulong depende sa kultura ng organisasyon o institusyon.Maaaring
magdala ng karagdagang kopya sa mismong araw ng pulong upang kung may nakalimot na
dalhin ito ay maaari mo silang bigyan ng kopya.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahalagang paksa. Sa pagpaplano ng
pulong, higit na makabubuti kung san ang bahagi ng miting tatalakayin ang pinakamahalagnag
adyenda.Ginagawa ito upang matiyak na kung kulangin man ng oras para sa pagpupulong ay
natalakay na ang mahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.Tiyakin na
nasusunod ang itinakdang oras para sa mga adyenda o paksang tatalakayin. Maging “conscious”
sa oras na napagkasunduan.Huwag maging maligoy sa pagtalakay ng paksa.Tandaan na ayaw
ng maraming tao ang mahabang pulong.Ito ay kadalasang nagdudulot ng pagkainip o minsan
maging pagkainis sa mga kasapi sa pulong.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.Ang pagsunod
sa itinakdang oras ay nangangahulugan ng pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama Kung
maaari ay maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang pagmamadali.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.Makatutulong nang malaki
kung nakahanda na rin kasama ng adyenda ang mga kakailanganing dokumento para sa mga
paksang nangangailangan ng estadistika., kompyutasyon, at iba pa upang mas madali itong
maunawaan ng lahat at walang masayang na oras.
PAGYAMANIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sa isang pagpupulong,may maraming paksang tatalakayin, alin sa mga paksang ito ang unang
tatalakayin?
2. Bakit kailangang maging time-conscious sa gagawing pagpupulong?

ISAISIP

Mahalagang matitiyak sa mga dadalo kung ano ang mga adyendang dapat tatalakayin sa isang
pagpupulong. Ang pagkakaroon ng adyenda ay mahalaga upang ang pagpupulong ay maging
maayos at organisado.

ISAGAWA
Magsaliksik ng isang halimbawa ng adyenda sa internet. Suriin at isulat sa kahon ang mahusay
na katangiang taglay ng binasang sulatin. Ilagay ang paksa o sanggunian ng nasaliksik.

ADYENDA

TAYAHIN
Panuto: Kilalanin kung ang sulating tunitukoy sa bawat bilang ay memorandum, o adyenda,

____________1. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.


____________2. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
____________3. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pagpupulong.
_____________4. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
____________5. Pangunahing layunin nito na pakilusan ang tao sa isang tiyak na alituntunin.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: ipagpalagay na isa kang pangulo ng SK sa inyong barangay. Sumulat ng adyenda


para sa buwanang pagpupulong sa inyong organisasyon. Sundin ang mga hakbang sa
pagsulat ng adyenda.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat ng adyenda. Isulat
sa patlang bago ang bilang.

______1.Isinasaad sa adyenda ang pakay o layunin sa gagawing pulong o pakay.


______2. Makikita sa adyenda ang pagkakasuno-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
______3. Hindi nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong ang adyenda.
______4. Nagiging daan ang adyenda upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong
-----------5.Ang adyenda ay tinatawag na opisyal na tala ng isang pulong.

You might also like