You are on page 1of 21

12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

ANG AKADEMIKONG
PAGSUSULAT
Karapatang Sipi@ Deped Bohol

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmanmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala I ilabas sa
anumang anyo, kasama na rito ang video nang walang nakasulat ang tagapalathala at may-akda.Hindi sakop
ng karapatang -sipi ang sariling aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Bohol na may tanggapan sa 50 Lino Chatto Drive, Cogon District,
Tagbilaran City, Bohol

May- akda:
Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, PhD
Josephine D. Eronico, PhD
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zenas P. Boyles

Tagasuri:
Wilfreda O. Flor, Ph.D
Josephine D. Eronico, Ph.D
Jocelyn T. Rotersos, R.L

Tagaguhit: Ginalyn O. Quimson

Tagalapat: Ginalyn O. Quimson

Tagapamahala: Bianito D. Dagata,Ed.D.CESO V


Schools Division Superintendent
Carmela M. Restiticar, Ph.D
OIC-CID Chief
Josephine D. Eronico,Ph.D.
EPS,LRMDS
Wilfreda O. Flor,Ph.D
EPS, Filipino

Inilimbag sa Pilipinas Pansangay ng Bohol


Department of Education. Region VII, Central Visayas

Office Address: 50 Lino Chatto Drive,Cogon District, Tagbilaran City, Bohol


Telephone No: ( 038) 412-4938, ( 038) 411-2544, ( 038) 501-7550
Telefax: ( 038) 501-7550
Email address: Deped.bohol @ deped.gov.ph
12

FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

Ikalawang Markahan-Modyul 2:

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Pagsulat ng Katitikan ng Pulong”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
institusyon upang gabayan ang guro para matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, pamilya at pamayanang hamon sa pag-
aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Taos-puso ang pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa “Pagsulat
ng Katitikan ng Pulong”.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa pangangailangan. Kahit wala ka sa loob ng silid-aralan,
ikaw’y matutulungan pa rin at mabigyan ng malaking oportunidad na matuto. Sadyang inaangkop ang mga
aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa iyong interes at kakayahan upang ang iyong pagkatuto
ay maging makabuluhan at kawili-wili. Nililinang din dito ang iyong malikhain, kritikal at mapanuring pag-
iisip at matatag na pagpapahalaga sa wika at kultura. Kasabay ding lilinangin ang kasanayan at kakayahan
sa pagsusulat hindi lamang ang ordinaryo at di-pormal na uri ng pagsulat kundi ang iyong kasanayan sa
akademikong pagsulat na magagamit sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, inihahanay ang mga layunin ng aralin.


Alamin Mahalagang nauunawaan mo kung ano ang iyong maaasahan sa
aralin.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo
Subukin sa aralin ng modyul. Tiyakin mong masasagutan nang buong-puso
ang maikling pagsusulit.
Sa bahaging ito, binabalikan ang mga dati nang kaalaman kung
mayroon ka tungkol sa paksa ng aralin. Mahalagang matukoy ang
Balikan
dati nang alam upang matiyak na may napadagdag na kaalaman.

Sa bahaging ito, inilalahad ang mismong aralin, ginagalugad dito


Tuklasin ang mga ideyang magkikintal ng mahahalagang kaisipan.

Sa bahaging ito ay may tanong na sumusubok sa iyong


Suriin pagkaunawa sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Makikita sa bahaging ito ang mga gawaing para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Ang pagkakaroon ng pagpipiliian ay
makabubuti dahil higit na naaangkop ang iba’t ibang interes,
kakayahan, at estilo sa iyong pagkatuto.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain upang


Karadagang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Gawain aralin.

Susi Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa


sa pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanansapaglikha o paglinang ng
modyulnaito.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?

Malaking tulong sa iyo ang modyul na ito na siyang magiging gabay mo sa sariling pagkatuto. Higit
na magiging mabisa at makabuluhan ang iyong pag-aaral kung malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat
isaalang-alang at marapat lamang sundin.
Sagutin mo nang buong katapatan ang Subukin. Masusukat nito ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.
1. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago magsisimula sa iba pang pagsasanay.
4. Sagutin ang pangwakas na pagtataya at pagkatapos,
5. Tandaan, kaibigan mo ang modyul na ito. Sagutin mo ng mabuti. Huwag mong susulatan at pakaingatang
huwag masira.
6. Pakibalik ang modyul na itosa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos na ang lahat na gawain o
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o
tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isip na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
ALAMIN

Dinisenyo ang modyul na ito nang may pagpapahalaga sa iyong kakayahan, kasanayan, at interes.
Naglalayon itong matulungan kang matuto kahit wala ka sa loob ng klasrum. Matutunan mo rito ang
kahalagahan sa pagsusulat kasama na rito ang akademikong pagsulat. Ang mga Gawain dito ay hahamon
sa iyo na mag-isip kung paano mo mailalapat ang mga natutuhan upang magtamo ng mga kasanayang
mapakikinabangan bilangm makabuluhang mamamayan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi
hanggang sa paglabas mo sa malawak na daigdig.. Ang daloy ng mga aralin dito ay alinsunod sa wastong
pamantayan.

Ang modyul na ito ay may apat na aralin na may isang kompetensi lamang ang lilinangin para sa
ikalawang linggo ng Ikalawang Markahan. Ito ay ang mga:

Aralin 2- Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

 Unang Araw: Katangian at Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis s napag-usapan (CS_FA11PN-0j-I-92)

 Aralin 2- IkalawangAraw: Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan


ng Pulong
Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan (CS_FA11PN-0j-I-92)

 Aralin 2- Ikatlong Araw: Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:
Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan (CS_FA11PN-0j-I-92)

 Aralin 2- Ikaapat na Araw: Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

Pagkatapos mong pag-aralan ang aralin, inaasahan sa iyo na:


Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan (CS_FA11PN-0j-I-92)

SUBUKIN

Nakikilala ang uri ng sulating inilalarawan.


Panuto: Kilalanin kung ang sulating tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda, o
katitikan ng pulong.
________ 1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
________ 2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
________ 3. Kapag napagtibay ay nagsisilb iitong opisyal at legal nakasulatan.
________ 4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
________ 5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
________ 6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
________ 7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang
sa simpleng usapin.
________ 8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
________ 9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alintuntunin.
________10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
Aralin 2 Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng
UNANG ARAW Pulong

Sa modyul na ito matutunghayan mo ang Katitikan ng Pulong, Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng


Pulong, Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong, at Mga Dapat Tandaan
sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong.

Ang pagsagot ng mga tanong ay nagpapaunlad sa kasanayan mo sa pag-unawa ng iyong binabasa.


Higit pa rito ay mahahasa rin ang kakayahan mo sa pagpapaliwanag o pagpapahayag ng sariling ideya o
kaisipan.

BALIKAN

Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa kabataang Pilipino ay ang kakayahang manindigan sa
isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo. Maisasagawa ito kung may
kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili sa pamamagitan ng paglalatag ng matitibay na
ebidensya o katibayan.

Kaya sa araling ito’y masusubukan mong kumuha ng mahahalagang impormasyon mula sa isang
miting sa loob ng silid-aralan upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel .

TUKLASIN
Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang iyong
paninindigan sa ilang isyung ito at maglahad ng mga punto kung paano ito nakatulong o nakatutulong
para saiyong kabutihan.
Ang aking paninindigan…
Paggamit ng
tablet o iba pang
gadget sapag-
aaral sa halip na
aklat sa paaralan

Ang aking paninindigan…


Pagbabawal ng
angkas sa motor
sa panahon ng
COVID -19
Pandemic
SURIIN
Alam mo ba…

KONSEPTO
Ang pulong ay mabalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang
opisyalna tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos
itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal nakasulatan ng
samahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal nausapin
o sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos.
Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa
pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anongorasnagsimula at
nagwakas ang pagpupulong gayundin ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nagsisilbing tala ng isang
malaking organisasyon upang maging batayan.
Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Sa wikang Ingles, tinatawag
itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay
tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

Katangian ng Katitikan ng Pulong

 Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at


makatotohanan.
Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag.
 Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
 Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon.
 Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte.
 Dapat ding maikli at tuwiran ito.
 Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi madrama na parang ginawa
ng nobela.Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat.

Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:
 paksa
 petsa
 oras
 pook na pagdarausan ng pulong
 mga taong dumalo at di dumalo
 oras ng pagsisimula
 oras ng pagtatapos (sa bandang huli)
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading - ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo – dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin
ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mgapanauhin. Maging ang pangalan ng mga liban
o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagaw sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan- dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging
ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas – hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa dumalo ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod
na pulong.
7. Pagtatapos- inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda – ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at klung kalian
ito isinumite
PAGYAMANIN

PAGSASANAY:

Pamatnubay na Tanong:
1. Sa maikling pangungusap, ibigay ang kahulugan ng katitikan ng pulong.
2. Ano-anong mga bagay ang dapat nakasulat /nakatala sa katitikan ng pulong?
3. Ano-ano ang mga katangian ng isang mahusay na katitikan ng pulong?
4. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkakaroon ng katitikan ng pulong? Ipaliwanag.

ISAISIP

Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at
naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at
sistemetikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang Gawain ng kalihim ng samahan o oranisasyon, ang
bawat isang kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito.

Ang mga sumusunod ay ang bahagi ng katitikan ng pulong

 Heading
 Mga kalahok
 Pagbasa ng nagdaang pulonh
 Usaping napagkasunduan
 Pabalita o patalastas

 Iskedyul sa susunod na pulong


 Pagtatapos

ISAGAWA

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mahahalagang bahagi sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Lagyan ng


bilang 1 hanggang 7 ang kahon.

Action items o usaping napagkasunduan.


Pabalita o patalastas
Iskedyul ng susunod na pulong
Pagtatapos
Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Mga kalahok o dumalo
Heading
TAYAHIN
Tama o Mali
Panuto: Batay sa iyong natutunan tungkol sa katitikan ng pulong, isulat ang salitang TAMA kung ang
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi.
____________1. Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan.
____________2. An opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong.
____________3. Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at
komprehensibo.

____________4. Nagtataglay ito ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.


____________5. Hindi dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon.
____________6. Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat.
____________ 7. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan
at makatotohanan.
____________8. Dapat ding maikli at tuwiran ang katitikan ng pulong.
____________9. Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi madrama na
parang ginawa ng nobela.
____________10. Nakatala rin ang paksa, petsa, at oras ng nasabing pagpupulong.
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong?


a. ___________________
b. ___________________
c. ___________________

SANGGUNIAN
Julian, Ailene B. et.al. 2016 .Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 47 –
56.
Aralin 2
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang
IKALAWANG
ARAW
Kumuha ng Katitikan ng Pulong

Sa pagsulat o paggawa ng sulatin partikular ang pagsulat ng katitikan ng pulong, isang mahalagang
gawaing dapat sanayin ay ang pakikinig nang mabuti at pagiging obhetibo o yaong walang kinikilingan. Ang
kasanayang ito ng isipan kapag naisapuso ay makapagdudulot, hindi lamang ng talino, kundi ng kasanayang
making nang may pang-unawa at pakikiramay.

BALIKAN
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang layunin ng pagsulat ng katitikan ng pulong?


2. Saan ginagamit ang katitikan ng pulong?
3. Sino ang dapat na gumagawa nito?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang


sagutang papel

TUKLASIN
Bakit mahalaga ang mga bahagi ng katitikan ng pulong?

SURIIN
Alam mo ba?

Mga Dapat Gawin ng Taong Kumuha ng Katitikan ng Pulong


1. Hanggat maari ay hindi participant sa nasabing pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5. Nakapokus o nakatuon sa nakatalang adyenda
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Iulat ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan
10. Isulat o isaayos ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong
11.
Tatlong uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong:
a. Ulat ng Katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala
b. Salaysay ng Katitikan – Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong
c. Resolusyon ng Katitikan – Nakasaad ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan

PAGYAMANIN
PAGSASANAY:

1. Sino ang dapat na gumagawa ng katitikan ng pulong?


2. Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong?
3. Ibigay ang mga estilo sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
4. Sa iyong palagay madali bang gagawin ang katitikan ng pulong? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng katitikan ng pulong?

ISAIISIP
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi
niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang
kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at
organisado sa pagsasagawa nito. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong
kumukuha ng katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudarprasert na English for the Workplace
3 (2014).

ISAGAWA
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng katitikan ng pulong sa Internet o sa inyong aklatan
gamit ang mga mahahalagang bahagi nito. Suriin at isulat sa isang buong papel. Ilagay ang paksa o
sanggunian ng nasaliksik,

(ABOUT) Tungkol saan ang Katitikan ng Pulong

(Summary) Buod ng binasang katitikan ng Pulong

Sanggunian:
TAYAHIN

PAGSASANAY
Tama o Mali
Panuto: Batay sa iyong natutunan tungkol sa mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng
katitikan ng pulong, isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI
naman kung hindi.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
1. Hangga’t maari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Umupo malayo sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapukos o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumagamit ng rekorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o impormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan bago ang pulong.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sumulat o maglahad ng mga paraan kung paano maipakikita ang pakikinig nang may pang-
unawa at pakikiramay sa sumusunod na mga sitwasyon.
1. Habang nag-aaral ka sa silid-aklatan ay biglang lumapit ang iyong kaibigan at nagsabi ng kanyang
problema sa kanyang pamilya.
__________________________________________________________________________________
________
__________________________________________________________________________________
________
__________________________________________________________________________________
________

2. Abala ka sa panonood ng pinakapaborito mong programa sa telebisyon nang puntahan ka ng iyong


nakababatang kapatid na umiiyak at tila may gusto siyang isumbong sa iyo.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________

Sanggunian

Julian, Ailene B. et.al. 2016 .PinagyamangPluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 47 – 58
Aralin 2 Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
IKATLONG Katitikan ng Pulong
ARAW

Katulad ng iba pang uri ng dokumento sa pagtatrabaho, nakasalalay sa pagpaplano o paghahanda ang
kahusayan ng isinulat mong katitikan ng pulong. Sa pamamagitan nito, naipapaalam sa mga sangkot ang mga
nangyari sa pulong. Nagsisilbi itong gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari
sa pulong. Maaaring maging mahalagang dokumento itong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. Ito’y
magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng kagalingan ng indibidwal.

BALIKAN

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng katitikan ng pulong?
2. Ano-ano ang tatlong uri o estilo ng katitikan ng pulong?

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel

TUKLASIN
Bakit mahalaga sa bahagi ng katitikan ng pulong ang pabalita o patalastas?

SURIIN
Alam mo ba?

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Bago ang Pulong
 Magpasya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng
bolpen at papel, laptop, tablet, computer, o recorder
 Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
Habang Isinasagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagda anito ng bawat isa.
 Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang
nagsasalita sa oras ng pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala lamang ang mahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o suhestiyon,maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon sa pagbobotohan o pagdedesisyon pa sa susunod na pulong.
 Itala kung anong oras na tapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong
 Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang mga pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng
pulong (lingguhan, buwanan, taunan, o espesyal na pulong ) at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto.
Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong naguna sa pagpapadaloy nito.
PAGYAMANIN

PAGSASANAY:
Pamatnubay na tanong:

1. Saan ginagamit ang katitikan ng pulong?


2. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?
3. Anong kahalagahan ng katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong?
4. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman hinggil dito?

ISAIISIP
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng The Everything Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang
maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos
ng pulong.

ISAGAWA
Pagsulat ng Journal
Panito: Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng katitikan ng pulong?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________

TAYAHIN
PAGSASANAY

Panuto: Kilalanin kung ang mga sumusunod na dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong sa bawat
bilang ay bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, o pagkatapos ng pulong. Isulat ang sagot
sa patlang.

_________1. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
_________2. Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
_________3. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito bawat isa.
_________4. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
_________5. Tiyaking ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
_________6. Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
_________7. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
_________8. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong.
_________9. Gawin agad ang katitikan ng pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
_________10. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan ng organisayon, pangalan ng komite, uri
ng pulong, at layunin n
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang.
Mga bagay na dapat gawin ng katitikan ng pulong
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
Sanggunian
Julian, Ailene B. et.al. 2016 .PinagyamangPluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 48 - 58
Aralin 2

IKAAPAT NA Halimbawa ng Katitikan ng Pulong


ARAW
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o organisasyon. Kung walang
maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan ito ay walang kaayusan. Gayundin
naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang pinakapuso at isip nito ay ang
pagpupulong. Sa pamamagitan ng epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng
samahan ang mga mithiin at nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos,
organisado, at sistematikong pagpupulong ito man ay isang business meeting, one-on-one meeting, o company
meeting.

BALIKAN

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?


2. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.

Sa pagsagot sa gawain, kumuha ng isang sagutang papel

TUKLASIN
Bakit mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin sa pagsulat ng katitikan ng
pulong?

SURIIN
Alam mo ba?
Katulad ng iba pang uri ng dokumento sa pagtatrabaho, nakasalalay sa pagpaplano o
paghahanda ang kahusayan ng isinulat mong katitikan ng pulong. Sa pamamagitan nito, naipapaalam sa mga
sangkot ang mga nangyari sa pulong. Nagsisilbi itong gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-
uusapan o nangyari sa pulong. Maaaring maging mahalagang dokumento itong pangkasaysayan sa paglipas
ng panahon. Ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng kagalingan ng
indibidwal.

Tunghayan ang halimbawa ng katitikan ng pulong sa ibaba.


Academy of Saint John
La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School


Petsa/Oras : Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u.
Tagapanguna : Daisy T. Romero

Bilang ng mga Taong Dumalo :


Mga Dumalo : Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nestor Lontoc, Victoria Gallardo,
Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma Abriza.

Mga Liban : Eva Sipat, Vivin Abundo, Joel Cenizal


I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Gemma Abriza
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinatanggap niGng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng
pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa nonng Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni Bb.
Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito
ay sinang-ayunan ni G. Netor S. Lontoc.
V. Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

VI. Ulat ng Ingat-yaman


Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkahalaga ng 30
milyong piso ngunit may halagang 3 milyong piso na dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Gng. Manguera ang ulat na ito ng Ingat-yaman at ito ay sinang-ayunan
ni Gng. Abriza
VII. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan, ang
pulong ay winakasan sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Suusnod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference Room ng Academy of Saint John, 9:00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:

Clea L. Bulda

PAGYAMANIN
PAGSASANAY:
Pamatnubay na tanong:

1. Saan ginagamit ang katitikan ng pulong?


2. Anong kahalagahan ng katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman hinggil dito?

ISAISIP

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, isang editor at may-akda ng The Everything Practice Interview Book
at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay
na dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong.
ISAGAWA
Pagsulat ng Journal

Panito: Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:


Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng katitikan ng pulong?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________

TAYAHIN

PAGSASANAY
Panuto: Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong sapagkat ikaw ay
naatasang kumuha ng katitikan sa isang pulong na magaganap sainyong silid-aralan. (Ang pulong na ito
ay iparinig o ipapanood sa inyo ng inyong guro.) Pagkatapos ay bumuo ng sintesis batay sa pulong na
napanood o narinig. Isaalang-alang sa paggawa ang lahat ng bagay na natutuhan sa araling ito gayundin
ang pamantayan na makikita sa ibaba.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng
5
pulong at sintesis
Kompleto ang bahagi ng aktitikan ng pulong na nabuo at nakapagbigay ng
5
komprehensibong sintesis tungkol ditto.
Nakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat, wasto, at angkop
5
ang paggamit ng wika
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop
5
ang sintesis na nabuo.
Kabuoang Puntos 20

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Punan ng tamang balangkas ng pagkakasunod-sunod na pagsulat ng katitikan ng pulong


I. Call to Order
II. _________________________
III. Pananalita ng Pagtanggap
IV. _________________________
V. _________________________
VI. Ulat ng Ingat-yaman
VII. _________________________

Sanggunian
Julian, Ailene B. et.al. 2016 .PinagyamangPluma- Filipino sa Piling Larang (Akademik) pahina 51 - 58

You might also like