You are on page 1of 18

Filipino

Ikatlong Markahan–Modyul 3:
Katangian at Kalikasan ng Iba’t
Ibang Uri ng Teksto
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glaiza B. De la Peña
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral
Job S. Zape Jr.
Eugenio S. Adrao
Elaine T. Balaogan
Celedonio B. Balderas, Jr.
Lualhati O. Cadavedo
Gemma G. Cortez
Leylanie V. Adao
Cesar Chester O. Relleve

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region IV-A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph
Filipino
Ikatlong Markahan–Modyul 3:
Katangian at Kalikasan ng Iba’t
Ibang Uri ng Teksto

Ang kagamitang ito sa pagtuturo ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o

iv
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga katangian at kalikasan ng


iba’t ibang tekstong iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong
ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.

Naglalaman ang modyul na ito ng paksang:

• Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

Kasanayang Pampagkatuto:
• Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa (F11PS-IIIb-91)

Layunin:

1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto,


2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at
3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan
ng isang graphic organizer

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng


makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang
batayan?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon


ng manunulat at hindi sa katotohanan?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng


elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o

2
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang-
linaw ang temang taglay ng akda?
A. Tagpuan
B. Banghay

4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t


ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing
tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa
kuwento?
A. Unang Panauhan
B. Ikalawang Panauhan

5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang


madaling matukoy?
A. Tauhang Bilog
B. Tauhang Lapad

6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal


na opinyon at paniniwala ng may akda?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi


batay sa datos o impormasyong nakalap.
A. Argumentatibo
B. Persuweysib

8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta


kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan?
A. Impormatibo
B. Deskriptibo

9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang


pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan,
siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
A. Impormatibo
B. Deskriptibo

10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong


paglalarawan?
A. Naratibo
B. Deskriptibo

11. Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay


balat-sibuyas”?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

3
12. Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa
pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa lohika at
katotohanan?
A. Argumentatibo
B. Persuweysib

13. Ano ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib?


A. Debate
B. Patalastas

14. Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong


sinukluban ng langit at lupa”?
A. Kalungkutan
B. Kalituhan

15. Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento?


A. Impormatibo
B. Naratibo

4
Aralin
Katangian at Kalikasan ng
1 Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng
teksto. Dito ay pagtutuunang-pansin ang mga katangian ng teksto sa tulong ng
mga gawain upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman ukol dito.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto?


Bakit?

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Tuklasin


mo na ang katangian at kalikasan ng mga tekstong
iyong napag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng
iba’t ibang tekstong iyong mababasa.

5
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Mabangis


na Lungsod”. Ilista sa papel ang mahahalagang detalye na iyong
mababasa upang makatulong sa pagsagot sa mga katanungan.

MABANGIS NA LUNGSOD
(ni Efren R. Abueg)
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t
maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong
araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga
unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na
liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si


Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong,
ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil
sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin
na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at
mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na
hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung ano-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At
sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At
nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan
kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay


parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang
tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang
mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura
at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.

“Mama... Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang


imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may
pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam.

6
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas
naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon
ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong
nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang
piso, sa lahat. Walang bawas.

“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y
nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamay ni
Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno
ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit
kailanman ay hindi nakarating sa kaniyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama... Ale... gutom na gutom na ako!” Ang mga daing
ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.

Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng


maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring
nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay
napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa
si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga
taong papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla,
napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at
nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa
malayo ng isang mahiwagang kamay.

Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa,
walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang
kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi
ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at
hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng
isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi
inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring
mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis
ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan.
Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na
napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na
naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na
nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling
pag-iwas.

“Adong... ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni


Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na
katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na
gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon.
Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga
ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa

7
kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling Ebeng...
sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni


Bruno!”

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa


paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng
simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na
mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa
paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting
iskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa


pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig
ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng
paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay
na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din
niyang ipinakalansing.

“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong.


Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay
parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit


hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang
malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong
sa kaniya.

Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg,”


G7Fil Ira & Khads, Pebrero 2013, http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/

8
Suriin

PAGSASANAY 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong


naratibong ang “Mabangis na Lungsod”. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sino ang tagapagsalaysay sa binasang teksto? Sa anong pananaw o paningin ito


isinasalaysay?_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o lapad?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Sino naman ang katunggaling tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o
lapad?_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. May kasamang tauhan ba sa akda? Kung mayroon, sino siya? Siya ba’y tauhang
bilog o lapad?_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa binasang teksto?______________
_______________________________________________________________________________

PAGSASANAY 2

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa tekstong “Mabangis na


Lungsod”. Isulat sa sagutang papel kung ito ay paglalarawang Subhetibo
o Obhetibo.

___________1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t


maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa
mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa.
___________2. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab
ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.
___________3. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng
maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong
papalabas.
___________4. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay
matagal din niyang ipinakalansing.
___________5. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato,
ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang
hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.

9
Pagyamanin

PAGSASANAY 1

Panuto: Basahin ang talatang nasa ibaba at tukuyin ang mga salitang
naglalarawan na iyong makikita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Ang mundo ay napakaganda, ang simoy ng hangin ay maipadarama


tulad sa bango ng mga bulaklak, ang magandang tanawin tulad sa
kagandahang loob, ang dalisdis ng tubig sa banayad na haplos at ang init ng
araw tulad ng init ng aking pagmamahal.”

PAGSASANAY 2

Panuto: Bigyan ng subhetibo at obhetibong paglalarawan ang sumusunod na


mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Subhetibong
Mga Salita Obhetibong Paglalarawan
Paglalarawan
1. Aklat
2. Pag-ibig
3. Paaralan
4. Kayamanan
5. Liwanag

PAGSASANAY 3
Makinig! Manood! Umawit!

Panuto: Pakinggan ang awiting “Bulag, Pipi’t Bingi” ni Freddie Aguilar at


sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Saan tungkol ang awiting Bulag Pipi’t Bingi ni Freddie Aguilar?


2. Ano-anong mga paglalarawan ang inyong natatandaan sa awitin?
3. Paano mo mailalarawan ang kagandahan ng mundo sa mga bulag, pipi, at
bingi na bata?
4. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin?
5. Ano-anong katangian ng tekstong deskriptibo ang makikita sa awitin?

10
Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang


papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at


kalikasan ng iba’t ibang teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga
katangiang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag-


aaral ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin.
Ibigay ang mga katangian nito sa pamamagitan ng graphic organizer sa
ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

Uri ng Teksto Katangian ng uri ng teksto

Tekstong Impormatibo

Tekstong Deskriptibo

11
Tekstong Naratibo

Tekstong Prosidyural

Tekstong Persuweysib

Tekstong Argumentatibo

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan
naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat
na sinaliksik at tinaya.

____________2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng


mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.

____________3. Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o


mangumbinsi ng mambabasa.

____________4. Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.

____________5. Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring subhetibo at


obhetibo.

12

You might also like