You are on page 1of 5

ACADEMY OF EAST ASIA FOR BUSINESS AND TECHNOLOGY, INC.

1
Mabini St., Tenejero, Orani, Bataan
 (047) 237 -1941
Teacher:

ASIGNATURA: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

PAKSANG ARALIN:
Modyul 6: Pangangalap ng Datos

LAYUNIN:
 Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat F11EP –
IIId – 36
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig F11PB – IIId – 99

PAGGANYAK NA GAWAIN:
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng teksto at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
Ang Corona Virus
Ang coronavirus ay grupo ng mga virus na nakakaapekto sa respiratory system ng tao.
Madalas galing ito sa mga hayop.
Maraming uri ng coronavirus ang nagdudulot lang ng mild infections tulad ng sipon.
Gaya ng trangkaso, ang coronavirus infection ay nadadaan lang sa pahinga, pag-iingat, at pag-inom ng
gamot.
Pero meron ding mabagsik na uri na nagdudulot ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at
Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).
Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang 2019-nCoV.
"It is quite clear that the disease is transmitted from human to human. In fact, there is thinking that it
may be capable of sustaining human to human transmission," sabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, country
representative ng WHO sa Pilipinas. Magpupulong na ang WHO para pag-usapan ang magiging hakbang laban
sa sakit.
"We have to do an assessment of whether this disease poses a risk internationally, across borders and if
so, whether we need to turn it into a public health emergency of international concern which would necessitate a
more coordinated response across country," dagdag ni Abeyasinghe.
Pinaiigting na ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Bureau of Quarantine ang pagbabantay
sa mga dumarating na pasahero lalo na 'yung mga galing China.
Mas malaki ang posibilidad ng pagkalat ng sakit lalo't libo-libong Chinese ang inaasahang darating at
muling lalabas ng China para sa Chinese New Year.
Pero para sa DOH, hindi pa kailangang maglabas ng travel restriction.
Halaw sa —Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

1. Ano ang uri ng tekstong binasa? _______________________________________________________


2. Bakit masasabing ang isang balita ay isang tekstong nagbibigay ng impormasyon?
__________________________________________________________
3. Bakit kailangang ilahad ang pinagkunan ng impomasyong ginamit sa teksto?
___________________________________________________________
4. Aling bahagi ng ulat ang sa pananaw mo ay nagmarka sa iyo? Anong mahahalagang impormasyon
ang natatandaan mo sa tekstong ito? ___________________________________________________________
5. Sa paanong paraan naging mas epektibo ang tekstong binasa sa pagbibigay ng mga impormasyon sa
mambabasa? ___________________________________________________________

NILALAMAN NG ARALIN:
PANGANGALAP NG DATOS

Hindi lamang sa pagbuo ng isang pananaliksik ginagamit ang pangangalap ng datos. Sapagkat ito ay
maaaring gamitin din sa ibang anyo ng sulatin lalo at nangangailangan ito ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng
patunay at marami pang iba. Ang datos ang nagiging sustansiya ng isang tekstong impormatibo dahil sa diwa
at bigat ng impormasyon na nakapaloob dito. Kailangang ito ay inihahanay sa isang maayos na paraan.

PITONG ISTRATEHIYA SA PAGBABASA


1. Paaral na Pagbasa
•ginagawa sa pagkuha ng mahahalagang detalye.
•isinasagawa upang kabisaduhin ang aralin at ang pangunahing kaisipan ng teksto.

VISION MISSION
A center of excellence in technical, vocational, health and higher education To develop and offer high quality technical, health and higher education
in Bataan pursuing dynamic program offerings paralleled to global programs that would ensure employability and productivity of young men
standards to uplift the socio-economic growth of the province. and women through proper values and principles as a means to achieve
success with excellence for a better quality of life.
ACADEMY OF EAST ASIA FOR BUSINESS AND TECHNOLOGY, INC. 2
Mabini St., Tenejero, Orani, Bataan
 (047) 237 -1941
Teacher:

2. Iskaning
•Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na
itinakda bago bumasa
3. Iskimming
•madaliang pagbabasa na aAng layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa
ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto.
4. Komprehensibo
•iniisa-isa ang bawat detalye at inuunawa ang kaisipan ng binabasa.
•masinsinang pagbabasa
5. Pamuling-Basa
•paulit-ulit na pagbasa ng mga klasikong akda.
•pagsasaulo ng mga impormayon sa binasa.
6. Kritikal
•ito ang pagtingin sa kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa upang maiangkop sa sarili o ito ay
maisabuhay.
7. Basang-Tala
•itinatala ang mga nasusumpungang kaisipan o ideya upang madaling makita kung sakaling kailangang
balikan.

MGA URI NG PINAGHAHANGUAN NG MGA DATOS


Ang pangangalap ng datos ay may tatlong mapaghahanguan ang hanguang primarya, hanguang
sekondaryang at hanguang elektroniko. Ang primarya ay yaong mga tao, awtoridad, grupo o organisasyon,
kaugalian at mga pampublikong kasulatan. Ang sekondarya ay ang mga nakatala sa aklat, diksyunaryo,
ensayklopedya, mga artikulo, journal, pahayagan, tesis at marami pang iba. Ang elektroniko ay yaong
makukuha natin sa internet, web page, at mga URLs.

TUNTUNIN SA PAGKUHA, PAGGAMIT AT PAGSASAAYOS NG DATOS


1. Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos -pagkilala sa taong pinaghanguan ng ideya sa
pamamagitan ng paglalagay nito ng talababa-bibliograpiya at parentetikal-sanggunian.

Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay


ng Lahing Pilipino 4. Quezon City:
Phoenix Publishing House

2. Direktang Sipi- isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian.

Ayon kay Pangulong Duterte, “Hindi ako


iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit
sinong tao, o anumang pangkat, o anumang uri.
Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang “.

3. Paggamit ng Ellipsis (…)- ito ay ang tatlong magkakasunod na tuldok na matatagpuan sa loob ng
isang pangungusap. Ito ay nagpapakita ng pagputol ng bahagi ng isang pahayag ngunit hindi
nagbabago ang diwa ng pangungusap.

Ipinasya niyang manahimik…upang maiwasan niyang


makapagbitiw ng mga masasakit na salita.
Sa halimbawang ito, maaaring ang pinutol na salita ay:
“na lang sa mga walang -saysay na usapan at sagutan nilang
magkapitbahay”

4. Sinopsis- Ninanais nitong magbigay ng pananaw hinggil sa isang paksa. Ito ay pinagsama-sama ang
mga pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap.

Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit sa iba’t ibang sabjek ay
nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa pasasaling-wika o transleysyon ng mga teksto mula sa
Ingles tungo sa Filipino. Ayon kay Sibaya at Gonzales (1991), magsisilbing isang pangunahing
pamamaraan ang pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang intelektwalisasyon ng wika. Sa
madaling salita, malaki ang tungkulin ng pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa
pagsabay sa makabagong takbo ng buhay daigdig.

VISION MISSION
A center of excellence in technical, vocational, health and higher education To develop and offer high quality technical, health and higher education
in Bataan pursuing dynamic program offerings paralleled to global programs that would ensure employability and productivity of young men
standards to uplift the socio-economic growth of the province. and women through proper values and principles as a means to achieve
success with excellence for a better quality of life.
ACADEMY OF EAST ASIA FOR BUSINESS AND TECHNOLOGY, INC. 3
Mabini St., Tenejero, Orani, Bataan
 (047) 237 -1941
Teacher:

Paalala:
Pansinin sa mga halimbawa ang paggamit ng panipi (“”) sa pagkuha ng eksaktong pahayag ng isang
tao na gagamitin mo sa iyong isusulat upang maging mabigat ang iyong teksto.

5. Presi (Presays)- ang paggamit nito ay pinanatili ang orihinal na ayos ng ideya o ang punto de bista ng
may-akda. Maaaring gamitin ang mga susing salita o key words ng orihinal na manunulat.

Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds.
Hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisiyete’y nakaburol na siya sa Malate Church,
namamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo’y di na nakalabas, putok ang mga labing nasubsob
sa kalsada, duguan ang knapsack. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero
ang kamatayan niya’y lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa kanya’y maaring ‘di na
matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga estudyanteng
napatay sa rally.
Hinalaw sa KWENTONG BYAHE

6. Hawig o Paraphrase- isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng
manunulat. Ito ay pag-uulit ng talata sa sariling pangungusap na hindi gaanong teknikal subalit
kasinghaba rin ng orihinal.

Orihinal na Teksto Parapreys


Kulang ang lugar o setting ay nakakaapekto sa varayti Ang varayti ng pasulat at pasalitang wika ay natutukoy
ng paggamit ng wika sa pagsalita o pagsulat ng isang ayon sa kapaligiran at personalidad ng taong
komunidad, gayundin ang katangiang personal ng gumagamit nito.
bawat nakikipag usap.

TANDAAN!
Huwag kalimutang ilagay ang sanggunian o banggitin kung kanino galing ang ginamit o sinipi mong
datos o mga pahayag, maaari mong isulat ang pinagkunan mo ng impormayon sa ibabang bahagi ng
isang akda o pahayag.

PAGSASANAY:
Panuto: Basahin ang halimbawang teksto. Mula sa binasa sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
PINGGANG PINOY
Ayon sa resulta ng National Nutrition Survey (NNS) noong 1993-2014, kahit pa bumaba ang
bilang ng matatandang edad 20 taong gulang pataas na mayroong Chronic Energy Defecient (CED), hindi pa
rin ito nababawasan.
Ang taong may CED ay yaong mayroong mababang nakaimbak na enerhiya dahil sa kawalan ng
wastong nutrisyon. Noong 2013, ipinakikita ng resulta sa sarbey na isinasagawa na bawat isa sa 10 Pilipino
ay mayroong CED. Tinatayang mas may kakulangan sa enerhiya ang ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Samantala, ang paglala ng kaso ng obesity sa matatandang Filipino noong 2013 na tatlo sa bawat
sampung katao ay maikokonsiderang obese. Tinitingnan bilang panganib sa kalusugan ang abnormal na
pagdagdag ng taba, pangunahing dahilan sa maling uri ng pagkain na siyang nagdudulot ng obesity.
Ayon sa espesyalita sa agham pananaliksik na si Ma. Jovina Sandoval, ito ang nais itama ng bagong
gabay sa pagkain. Inirerekomenda ng Food Nutrition Research Institute (FNRI) na ang bawat kakainin natin ay
binubuo ng 33% kanin, 33% gulay, 17% karne, at 17% prutas.
Layunin ng Pinggang Pinoy na umangkop sa Daily Nutritional Guide (DNG) Pyramid.

1. Ano ang layunin ng teksto? ______________________________________________________________


2. Ano-ano ang mga nabanggit na source/pinagkunan ng mahalagang impormasyon upang mabuo ang
teksto? _____________________________________________________________
3. Makatotohanan ba ang mga impormasyong ibinigay? Paano mo nasabi?
______________________________________________________________
4. Angkop ba naging pamagat ng teksto? Paano mo ito nasabi? Pangatwiranan.
______________________________________________________________
5. Aling pahayag ang nagbigay saiyo ng ideya upang matukoy ang pangunahing kaisipan ng teksto?
______________________________________________________________

PAGLALAHAT:
Panuto: Pagmasdan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa isang
malinis na papel pagkatapos.

VISION MISSION
A center of excellence in technical, vocational, health and higher education To develop and offer high quality technical, health and higher education
in Bataan pursuing dynamic program offerings paralleled to global programs that would ensure employability and productivity of young men
standards to uplift the socio-economic growth of the province. and women through proper values and principles as a means to achieve
success with excellence for a better quality of life.
ACADEMY OF EAST ASIA FOR BUSINESS AND TECHNOLOGY, INC. 4
Mabini St., Tenejero, Orani, Bataan
 (047) 237 -1941
Teacher:

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?


______________________________________________________________
2. Ano ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na masasagot lamang kapag naghanap
ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon o datos? Dugtungan ang sang dalawang hindi
kompletong pahayag sa ibaba.
a. Gusto kong malaman ang ____________________________________
b. Gusto kong malaman ang_____________________________________
3. Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan ang mga gusto mo pang
malaman ukol sa mga nakalarawan? ______________________________________________________________
4. Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong malaman? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
5. Paano mo maiuugnay ang pangangalap ng datos sa gawaing ito?
______________________________________________________________

SANGGUNIAN:
Bandril, Lolita T. et.al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
(Batayang Aklat).Vibal Group Inc.1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Pgilippines.pp.11-
12
Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng Quezon.p.17-18,23-24.

PAGTATAYA:
Panuto: Sumulat ng sarili mong halimbawang tekstong impormatibo. Dahil katotohanan at hindi
sarili mo lang na opinyon ang pagbabatayan sa iyong isusulat, mangangailangan ito ng pagkuha o
pangangalap ng datos upang mapaunlad ang tekstong iyong isusulat. Maaari kang mag-isip ng
alinman sa mga paksang nakalahad sa ibaba:
❖ Mga paraan ng pagpapanatiling malusog ng katawan
❖ Paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa kahit limitado ang badyet
❖ Pagsisimula ng negosyong puwedeng pagkakitaan kahit nag-aaral pa lamang
❖ Epekto sa katawan ng pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles, at iba pa.
❖ Mga hakbang upang makapaghanda sa mga paparating na kalamidad na likha ng kalikasan.
❖ Sariling piling paksa ___________________________________
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating tekstong impormatibo.
Puntos Pamantayan
4 Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang nakabatay sa mga angkop na
datos mula sa pananaliksik
3 Ang tekstong impormatibo ay may taglay na mga bagong kaalamang nakabatay sa mga angkop na
datos mula sa pananaliksik
2 Ang tekstong impormatibo ay may taglay na ilang bagong kaalamang nakabatay sa ilang mga
datos mula sa pananaliksik.
1 Ang tekstong ay hindi maituturing na impormatibo dahil saw ala itong mga bagong kaalamang
taglay at wala ring mga datos na pinagbatayan kundi pawang opinyon lamang

PAGLALAPAT/PAGNINILAY:
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng isang mahusay na tekstong impormatibo.

Ano ang Maaaring Gawin ng Isang Taong Nabiktima ng Cyberbullying?


Ang cyberbullying, tulad din ng iba pang uri ng bullying ay nagkakaroon ng matitinding epekto sa
buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga ekspertong hindi dapat manahimik lang ang sinumang

VISION MISSION
A center of excellence in technical, vocational, health and higher education To develop and offer high quality technical, health and higher education
in Bataan pursuing dynamic program offerings paralleled to global programs that would ensure employability and productivity of young men
standards to uplift the socio-economic growth of the province. and women through proper values and principles as a means to achieve
success with excellence for a better quality of life.
ACADEMY OF EAST ASIA FOR BUSINESS AND TECHNOLOGY, INC. 5
Mabini St., Tenejero, Orani, Bataan
 (047) 237 -1941
Teacher:

nakararanas ng ganitong pangyayari sa buhay. Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa cyberbullying
ang pagsasagawa ng alinman sa mga sumusunod, depende sa sitwasyon o pangangailangan.
1._______________________________________________________
2._______________________________________________________
3._______________________________________________________
4._______________________________________________________
5._______________________________________________________
6._______________________________________________________
7._______________________________________________________
8.________________________________________________________

Kung sakaling mabiktima ng cyberbullying, gumawa ng mga hakbang upang mahinto ito. Huwag bastang
manahimik at sa halip magsuplong sa kinauukulan. Maaaring makipag-ugnayan sa
__________________________________________

VISION MISSION
A center of excellence in technical, vocational, health and higher education To develop and offer high quality technical, health and higher education
in Bataan pursuing dynamic program offerings paralleled to global programs that would ensure employability and productivity of young men
standards to uplift the socio-economic growth of the province. and women through proper values and principles as a means to achieve
success with excellence for a better quality of life.

You might also like