You are on page 1of 29

Pagmamay-ari ng Pamahalan

Senior High
HINDI PINAGBIBILI School

FILIPINO SA PILING
LARANG:
TECH VOC
Kuwarter 4 – Modyul 5
Feasibility Study at Naratibong Ulat

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino-Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 4 - Modyul 5: Feasibility Study at Naratibong Ulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Jenelin S. Enero
Ma. Angelie A. Bitoon
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna, P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMDS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Departamento ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048 E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

FILIPINO SA PILING LARANG:


TECH-VOC
Kuwarter 4- Modyul 5
Feasibility Study at Naratibong Ulat

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag- email ng inyong mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at


mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ………………………………………………………….i

Paano Mo Matutunan …………………………………………………………………...i

Mga Icon ng Modyul ……………………………………………………………………..ii

Alamin ……………………………………………………………………………………….1

Mga Layunin ………………………………………………………………………………1

Kabuuang Panuto ………………………………………………………………………...1

Subukin ……………………………………………………………………………………..2

Aralin 1 ………………………………………………………………………………………3

Balikan ………………………………………………………………………………………4

Tuklasin ……………………………………………………………………………………..5

Suriin ………………………………………………………………………………………..6

Pagyamanin ………………………………………………………………………………..9

Isaisip ……………………………………………………………………………………....11

Isagawa ……………………………………………………………………………………..13

Tayahin ……………………………………………………………………………………..18

Karagdagang Gawain ……………………………………………………………………20

Susi sa Pagwawasto ……………………………………………………………………..21

Sanggunian ………………………………………………………………………………..22
Para Saan ang Modyul na Ito

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO SA PILING LARANG TECH VOC ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Feasibility Study at
Naratibong Ulat
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at
layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Paano mo Matutunan

Pangkalahatang-Ideya

Ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pagkatuto ng mga


aralin sa Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal (Tech-Voc). Sa tulong
ng mga tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng maayos ang pagkabuo at
kalakip ang nga kaugnay na nakaraang gawain sa pagkatuto ay inilalahad at
itinuturo ang mga aralin.
Tatalakayin dito ang iba’t ibang uri at anyo ng sulating nilinang sa mga
kakayahahng magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na
pagsusulat sa piniling larangan (Tech-Voc).
Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat
serye ay iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang
matuto sa isang makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at
mapanuring isip upang magiging handa sa pagharap ng mga hamon sa
totoong buhay.
Mga Icon ng Modyul
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.
Alamin…
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kaalaman ukol sa
pagsulat ng Feasibility Study at Naratibong Ulat. Matatalakay din dito ang
mga bahagi ng pagsulat ng Feasibility Study at Naratibong Ulat, mga
layunin sa pagsulat nito at ilang mga halimbawa upang mas madali at
mas lalong maunaawan ang araling ito.

Inaasahan na matapos mabasa ang bahaging ito, ang mga


estudyante ay makasusulat ng sariling Feasibility Study at Naratibong Ulat
ayon sa napiling kurso o strand sa Senior High School.

Mga Layunin:
1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12EP-0d-f-42)
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12PB-0g-l-106)
3. Naililista ang mga katawang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-0g-l-94)
4. Naipapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling
anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino
(CS_FTV11/12PS-0j-l-93)

Kabuuang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:


1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing
kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Subukin…
Gawain 1
I. IDENTIPIKASYON: Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
1. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at
epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo
2. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari
o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao
3. Kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t
ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo
4. Kahalagahan ng isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-
sunod na pangyayari
5. Madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study
6. Bahagi ng feasibility study na naglalarawan ng produkto at/o serbisyo
7. Bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano
magagamit ng tao ang produkto/serbisyo
8-10 Tatlong tanong na dapat masagot ng isang naratibong ulat
II. SULATIN: Panuto: Sagutin ang katanungan sa loob ng lima
hanggang pitong pangungusap lamang.
11-15. Ano ang pagkakaiba ng isang feasibility study at naratibong ulat?

16-20. Ano ang papel ng wika sa pagbuo ng isang feasibility study at


naratibong ulat?

21-30. Bumuo ng isang naratibong ulat tungkol sa pagkakaroon ng


Training Center sa inyong bayan?

31-40. Ano ang kahalagahan ng mabusising pananaliksik at pagsusulat sa


pang-araw-araw na pamumuhay ng isang mag-aaral ng Tech-Voc? Paano
nakatutulong ang pagiging masinop na mananaliksik at manunulat?
ARALIN Feasibility Study at Naratibong
1 Ulat

Baitang : 12 Markahan : Ikatlo


Panahong Igugugol : Unang
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Naipapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa


pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino (CS_FTV11/12PS-
0j-l-93)

Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto, nagsasagawa


muna ng fesibility study ang mga tagataguyod nito. Nakatutulong ito
upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong
gawain. Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang
pananaliksik at pormal ang paggamit ng salita. Dagdag pa rito, detalyado
ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study
dahil nakatutulong ito upang makikita ang kahihinatnan ng isang negosyo
o gawain.
Samantala, nakababasa rin tayo ng mga naratibong ulat. Mula sa
pangalan nito, ito ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay.
Kadalasang makakita ng naratibong ulat mula sa iba’t ibang ahensiya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y
mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.
Makakatulong ang ganitong uri ng ulat at dokumentasyon bilang
sanggunian para sa mga gawain at tunguhin ng institusyon sa hinaharap.

Balikan…

Natalakay sa naunang aralin ang tungkol sa Deskripsiyon ng


Produkto at Dokumentasyon sa Paggawas ng Isang Bagay o Produkto.
Napag-alaman din sa naunang aralin na ang deskripsiyon ng produkto
bilang pagpapakilala sa isang produkto o serbisyo para tangkilikin ng
isang mamimili. Nangangailangan itong tiyak, wasto, at makatotohanan at
marapat ding madali itong maunawaan ng mga mamimili sapagkat ito ang
maaaring magtakda kung ito ba ay tangkilikin o hindi. Nakakatulong din
ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y limitasyon
ng isang bagay, gayundin kung paano ito gagamitin nang tama.
Sa naging talakayan, narito ang ilan sa mahahalagang punto na
natutunan sa bahaging iyon:
Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa
isang produkto.
Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, mahalagang panatilihin
ang pagiging tiyak sa mga katangiang ilalahad sa deskripsiyon.
Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, tiyak,
makatotohanan, at akma sa aktuwal na produkto ang pagkakabuo
ng deskripsiyon nito upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
Kalimitang binubuo ang deskripsiyon ng tuwiran at detalyadong
paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig bumili o
gumamit nito.
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsiyon ng
produkto at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
Ang mga sumusunod ang naging punto ng talakayan ukol sa
pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto:
 Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay
nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa
ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano
gagawin o bubuuin ang isang bagay o produkto.
 Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa
paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong
impormasyon sa mga mambabasa.
 Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang
biswal na anyo ng produktong ginagawa.
 Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga
ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon.
 Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw,
at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali
ang pag-unawa ng mga mambabasa.

Tuklasin…

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isa sa mga sitwasyong inilahad at ipaliwanag
ang ginawang desisyon at ang pinagdadaanang proseso.
Mga Sitwasyon:
1. pamimili ng kakainang restawran
2. pamimili ng isusuot na damit sa isang okasyon
3. pagtimbang kung alin ang mas magandang uri ng cellphone
4. pamimili kung ano ang uunahing pag-aralan: eksam sa Tech-
Voc o oral recitation sa English
5. pamimili ng kursong kukunin pagkatapos mo ng SHS

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Sanaysay – 15 puntos
Kawastuan sa Gramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya – 5 puntos
Kabuuang Puntos - 25 puntos

Suriin…

FEASIBILITY STUDY…
 isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang
sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto o serbisyo at kung
ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan
 komprehensibo ang ga nitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang
pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita
 may mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study
 kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay
matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa
proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral
 kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga
pananaliksik na may inalaman sa agham at teknolohiya,
inhenyeriya at iba pang katulad ng mga larangan
 dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong
nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang
Makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain
 karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang ganitong uri ng
sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo pang maging malaman
ang isang feasibility study

Kahalagahan…
 upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad sa isang produkto
o serbisyo
 mapaghahandaan ang iba’t ibang sanhi at epekto na makapagbago
sa produkto o serbisyo
Iba’t Ibang Bahagi ng FS…
1. Abstrak
 nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman ng FS
 huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi
2. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo
 malinaw na inilalarawan dito ang produkto o serbisyong ibebenta o
ibinibigay
 bigyang-diin dito ang kalakasan ng produkto o serbisyo
3. Mga Kagamitan
 ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay
ng aspektong teknolohikal
4. Markeplace
 inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o
ibebenta ang produkto
 nababanggit din dito ang bentahi nito sa iba
5. Estratehiya sa Pagbebenta
 tatalakayin sa bahaging ito ang paraan sa pagpapaabot sa produkto
o serbisyo
6. Mga Taong may Gampanin
 tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espisikong
trabaho para sa produkto o serbisyo
7. Iskedyul
 itinakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa
ang mga produkto o serbisyo
8. Projection sa Pananalapi at Kita
 tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakiki-tang benepisyong
pana-nalapi
9. Rekomendasyon
 inilalahad sa bahaging ito ang paglalagom at pagbibigay mungkahi
batay sa ikalawa hanggang ikawa-long bahagi
NARATIBONG ULAT…
 isang dokumento na nagsasaad ng sunud-sunod na pangyayari o
kaganapan sa isang tao o grupo ng tao
 isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa,
mahalaga ito upang magkaroon ng sistemaatikong dokumentasyon
ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na mababalikan kapag
kinakailangan na. Sa ilang pagkakataon, sakaling magkaroon ng
hindi pagkakasundo sa pagitan ng iba’t ibang grupo ng tao.
 isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay
ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng
impormasyon hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo,
produkto o pangyayari
Mga Elemento ng Nararibong Ulat
1. kronolohikal na pagkakaayos
 Importante na ang pagsusulat ng naratibong ulat ay nagsisimula at
magtapos batay sa nangyari
 Hindi maaaring patalon-talon ang pagtalakay sa pangyayari.
Makakagulo ito sa sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.
2. walang kinikilingan o kaya’y may sariling opinion sa pangyayari
Dahil ang isang naratibong ulat ay obhetibo, hindi maaaring
maglagay ng personal na opinion o kaya’y personal na opinyon.
Iwasan ang paggamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang
pangyayari. Mas mahalaga na marami ang mga pandiwa.
3. buo ang mahahalagang elemento ng isang talatang
nagsasalaysay
 Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay
upang maging mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat
a. Konteksto
 Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
 Kailan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
 Saan naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
 Tungkol saan ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
 Bakit naganap ang pag-uusap/pagpupulong/gawain?
b. Mga kasaling tao
 Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganao ang pag-
uusap/pagpupulong/gawain, kailangan kilalanin din kung sino
o sino-sino ang kasali sa gawain.
 Mahalagang kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng
buong pangalan sa unang beses na banggitin ang pangalan
nila. Sakaling babanggitin uli, maaaring sabihin na lamang
ang apelyido. Kung may kaparehong apelyido, banggitin ang
unang letra ng pangalan bago ang buong apelyido.
Halimbawa, “Binanggit ni Bb. A. Perez ang kahalagahan ng
pinupuntong resolusyon ni G. S. Perez”.
c. Resolusyon (kung mayroon man)
Kung ang pangunahing dahilan ng paguusap/pagpupulong
/gawain ay para magkaroon ng paglilinaw, desisyon, o
rekomendasyon, mahalaga na maitala ang resolusyong ito sa
pinakamatapat na pamamaraan. Kung kakayanin, maging
verbatim ang nabuong resolusyon.

Pagyamanin…

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
A. Paano mo magagamit ang ilang bahagi ng feasibility study sa gagawing
desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay? (10 puntos)
B. Basahin ang Naratibong Ulat sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
kasunod nito.

Naratibong Ulat ng TESDA Sorsogon

Ang mga tagumpay ng 2006 ay pagpapatuloy ng mga aktibidad na


magbibigay kakayanan ng TESDA-Sorsogon para sa iba’t ibang subsector
ng sektor ng edukasyon at pagsasanay ng (teknikal-bokasyonal
technicalvocational education and training (TVET) bilang paghahanda sa
paghahanda sa Baitang ng Paggabay para sa ikatlong Siklo ng Pagpaplano
pagdating ng 2010. Nakatuon ang mga tagumpay nito sa pagmementa at
paghuhusay ng mga estruktura, plano at programa na ipinatupad noong
2005, ang simula ng Baitang ng Pagbibigay Kakayanan (Ikalawang Siklo
ng Pagpaplano)
Ang iba’t ibang plano ay ina-update pag kailangan, ang mga
panukalang polisya sa iba’t ibang intitusyon ng TVET ay ipinatupad, at
inalagaan ang mga yamang IT (information technology, mga
teknolohiyang may kinalaman sa impormasyon) at presensya sa Internet.
Samantala, 37 program mula Walang Regulasyon sa Pagsasanay (No
Training Regulation o NTR) papuntang May Regulasyon sa Pagsasanay
(With Training Regulation o WTR) o mula lumang Regulasyon sa
Pagsasanay tungo sa mga bago; nag-audit ng 41 nakarehistrong kurso;
ang pagsunod sa CBC (competency-based curriculum, o kurikulum na
nakabase sa kahusayan) ng mga pormal na mga institusyong nag-aalok
ng TVET ay ipinagpatuloy at ang LEP (Ladderized Education Program, o
Nakasabay na Programang Pang-edukasyon) ay itinaguyod at nagpakita
ng ilang resulta.
Nasukat ang husay ng may 1,159 na tao, samantalang halos 50
porsyento sa kanila ay may sertipikasyon. Kasabay nito ang
pagmamatyag ng ga operasyon ng tatlong opisyal na sentro ng pagsukat
ng kahusayan at ang partisipasyon ng 32 manunukat ng husay, at ang
pagpapaskil ng may 1,100 rekord ng sertipikasyon sa website ng TESDA.
Minatyagan ang mga pagsasanay na nagkaroon ng higit sa 12,000
graduate mula sa 13,000 na naka-enrol. Kasama rito ang mga regular na
kursong mayroon ang mga pormal na institusyong na-aalok ng TVET. Ang
programa ng pag-aaral na tinatawag na Kasanayan sa Hanapbuhay na
nagkaroon ng 39 na graduate, 10 sa kanila ay naging guro sa programa.
May 226 iskolar ng Private Education Student Financial Assistance (PESFA),
27 iskolar Technical Education and Skills Development Project-Asian
Development Bank (TESDP-ADB) ang pananatili at ibinigay sa mga
mahirap pero karapat-dapat na estudyante, samantalang 12 Community
Training and Employment Coordinators (CTECs) na may kahusayan sa
administrasyon ng paggabay sa paghahanap ng trabaho na gumagamit
ng computer ang nagbigay-serbisyo sa higit 7,600 kliyente. Panghuli,
gumamit sa TTI (TESDA Technology Institutions, o Institusyon sa
Teknolohiya ng TESDA) ang QMS (Quality Management System, o Sistema
sa Pamamahala ng Kalidad), sinunod ang 5S ng Opisinang Probinsyal at
ang mga investment para sa TVET ng iba’t ibang partner ay umabot sa
2.4 milyong piso.

1. Tungkol saan ang naratibong Ulat?

2. Kailan mangyayari ang Ikatlong Siklo ng Pagpaplano?

3. Kailan naganap ang Ikalawang Siklo ng Pagpaplano?

4. Ano-ano ang plano at pag-update sa gawain?

Isaisip…

Gawain 4
Panuto: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na
salita pang mabuo ang pangungusap nito. (2 puntos bawat
bilang)
1-2. Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman
ang iba’t ibang __________ at __________ ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan.
3. __________ ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang
feasibility study dahil nakatutulong ito upang Makita ang kahihinatnan ng
isang negosyo o gawain.
4. _______________ ang ga nitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang
pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita
5. Mahalaga ang feasibility study upang matiyak ang ______________ na
paglulunsad sa isang produkto o serbisyo.
6. Ang __________ ay nagbibigay ng kabuuang pagtanaw sa nilalaman ng
Feasibility Study.
7. Sa rekomendasyon na bahagi, inilalahad ang _____________ at
pagbibigay mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawa-long bahagi.
8. Sa feasibility study ay matatagpuan din dito ang mga ________________
na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng
pag-aaral.
9. Ang naratibong ulat ay isang dokumento na nagsasaad ng ____________
na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
10. Isa pang kahalagahan ng naratibong ulat ay upang makapagbigay ng
____________________________ sa mga taong nais makakuha ng
impormasyon hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o
pangyayari.

Gawain 5
Panuto: Punan ang concept map, ibigay ang iba’t ibang bahagi ng
Feasibility Study at malakip ng isa hanggang 3 salita na
naglalarawan sa bawat bahagi nito.

Pamagat:
Isagawa…

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawang akda ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin at suriin ito gamit ang balangkas sa ibaba.

Naratibong Ulat: Ulat Tungkol sa Pangkalahatang


OrientationWorkshop sa Programang Abot-Alam Abril 11, 2014
DepEd Rooftop, Amas, Lungsodng Kidapawan

Ginanap ang Pangkalahatang Orientation-Workshop sa Programang


Abot-Alam sa Division Rooftop, Amas, Lungsod ng Kidapawan noong Abril
11, 2014. Ang mga sumusunod ang mga layunin ng orientation-workshop
na ito:
1. Magkaroon ng pangkalahatang kaalaman tungkol sa Programang
Abot-Alam.
2. Maintindihan ang konsepto, kasama na ang mga tungkulin at
responsibilidad ng iba’t ibang sektor ng implementasyon ng Programang
Abot-Alam.
3. Lumikha ng iba’t ibang komite para sa matagumpay na
paglunsad at pagkalap ng datos ng Programang Abot-Alam sa lebel ng
munisipyo at distrito.
4. Obserbahan ang timeline sa pagsumite ng output para sa bawat
component.
Ang mga lumahok sa aktibidad na ito ay mga District Supervisor/PIC
at pinuno ng mga mataas na paaralan. May kabuuang 231 district
supervisors at pinuno ng mga mataas na paaralan ang sumali sa
pangkalahatang orientation.
Ang mga paksa at nag-ulat sa aktibidad na ito ay ang mga
sumusunod:
MGA PAKSA MGA NAG-ULAT
1. Legal na Basehan ng Programang Dr. Julie B. Lumogdang
Abot-Alam
2. Mga Tungkulin at Responsiblidad ng -do-
Departamento ng Edukasyon
sa Implementasyon ng Programa
3. Alternatibong Paraan ng Pagpapalaganap Dr. Elpidio Daquipil
o Alternative Delivery Mode (ADM)
4. Pagpapadala ng mga Labis na Guro na Mrs. Fely Jayag
mamahala sa Programang Abot-Alam
Ang presentasyon ng iba’t ibang paksa ay sinundan ng bukas na
pagtalakay. Ilan sa mga itinanong ay ang mga sumusunod:
MGA KATANUNGAN MGA KASAGUTAN
1. Sino ang gagawa sa Piling mga guro ng elementary at
pagmamapa ng komunidad/sarbey mataas na paaralan at ALS
ng komunidad? implementer
2. Ano ang benepisyo sa mga Service credits
guro?
3. Sino ang mga aatasang Mga labis na guro, mga bagong
magturo ng DepEd interventions? mobile teacher at mga ALS
implementer
4. Ano ang papel ng Referral sa lokal na pamahalaan
Departamento ng Edukasyon sa at iba pang ahensiya
sitwasyon ng mga mag-aaral na
pinili ang pagsasanay sa mga
kabuhayan?
Ang bukas na talakayan ay sinundan ng workshop ng iba’t ibang
lahok na grinupo ayon sa munisipalidad. Inatasan silang gawin
ang mga sumusunod:
1. Paglikha ng mga working committee bago, habang, at pagkatapos
ng lunsad-programa
2. Magdesisyon kung ilang guro ang ipapadala sa bawat barangay
para magsarbey at magmapa ng komunidad. Ang bilang ng mga
guro ay nakadepende sa layo, heograpiya, gayundin sa density ng
mga Out-of-School Youth sa barangay.

Kasunduan:

Sumang-ayon ang mga lumahok na isagawa ang mga sumusunod na


aktibidad bilang suporta sa Programang Abot-Alam.

1. Lahat ng mga District Supervisor at pinuno ng mga mataas na paaral ay


magsasagawa ng sabay-sabay na Paglunsad ng Programang Abot-Alam sa
kani-kanilang munisipalidad/distrito sa Abril 23. Lahat ng mga lalahok sa
lunsad-program ay mga guro, opisyal ng munisipiyo, opisyal sa barangay,
DSWD, TESDA at iba pang ahensiya ng gobyerno at NGO sa kani-kanilang
distrito. Mamamahala ang mga district supervisor/PIC at pinuno ng mga
mataas na paaralan sa pag-iimbita ng lahat ng may kinalaman at interes
sa usaping ito.

2. Ang ilang munisipalidad ay sumang-ayon sa paglulunsad sa lebel ng


munisipyo imbes na distrito. Sila ang mga sumusunod:
Alamada
Aleosan
Arakan
Antipas
Kabacan
Magpet
Makilala
Pikit
President
Roxas
Tulunan

Ang mga sumusunod na munisipalidad ay sumang-ayon na sa


distrito ang kanilang paglunsad dahil sa layo.
Carmen
Banisilan
Libungan
Matalam
Midsayap
Mlang
Pigcawayan

3. Sabay-sabay ang mga lunsad-programa sa Abril 23, 2014. Pero para sa


mga munisipalidad at distritong hindi maaaring maglunsad sa petsang ito
ay binibigyang permiso na maglunsad nang mas maaga sa Abril 24 para
makasabay sa deadline ng pagsusumite ng ulat at output alinsunod sa
DepEd Order No. 17, s. 2014.
4. Pagkatapos ng mga lunsad-programa, ang mga piling guro sa
elementarya at mataas na paaralan at mga ALS implementer ay
kinakailangang mangalap ng datos at pagmamapa ng OSY sa kanikanilang
barangay at i-enrol sila gamit ang registration form ng Programang Abot-
Alam. Ang mga gurong naatasan sa pagmamapa at rehistrasyon ng mga
mag-aaral ay bibigyan ng limang (5) araw ng service credit at dapat
mayroon ng mga sumusunod na qualifications:
1) Sapat na pisikal na kalusugan para magsarbey at magmapa ng
komunidad sa loob ng limang araw.
2) Marunong gumamit ng computer.

5. Nakabase sa output ang pagbigay ng service credit. Katumbas ng


minimum na 15 OSY bawat araw ang isang araw ng service creditat ang
75 OSY o higit ay katumbas ng limang araw na service credit. Ang gurong
inatasang magsarbey at magmapa ng komunidad ay magsusumite ng
datos sa Internet sa pamamagitan ng http://abotalam.com.ph. Ang mga
nakalathalang registration form ay isusumite sa distrito para mapagsama-
sama at pagsumite sa division office.

6. Lilikha ang mga District Supervisors/PICs sa tulong ng mga pinuno ng


mga mataas na paaralan ng iba’t ibang komite na kailangan para
mapamahalaan ang preparasyon bago, habang, at pagkatapos ng mga
lunsad-programa. Dagdag pa rito, bawat distrito ay kinakailangang
magsumite sa Division Office c/o Dr. Julie B. Lumogdang ng naratibong
ulat (nakalathala at naka-CD) ng Paglunsad ng Programang Abot-Alam
Launching Program nang may litrato sa Mayo 2, 2014.

7. Mamatyagan ng mga Education Program supervisor ang Paglulunsad ng


mga Programang Abot-Alam sa mga distritong naiatas sa kanila.

8. Susundin ng lahat ng distrito at mataas na paaralan ang sumusunod na


timeline:

Daloy ng mga Gawain para sa Programang Abot-Alam


AKTIBIDAD PETSA MGA KALAHOK/
Namamahalang
Tao/Opisina/Yunit

Pag-organisa ng Lokal na Alyansa ng iba’t ibang Sektor


A. Division Level Orientation Abril 11, District Supervisor/PICs
2014 at pinuno ng mga
mataas na paaralan
B. District Level Launching ng Abril 23, District Supervisor/PICs,
Programang Abot-Alam 2014 pinuno ng mga mataas
na paaralan, lahat ng
mga guro sa
elementarya at mataas
na paaralan, DALSCs,
Mobile Teachers, Literacy
Volunteers LGUs, DSWD,
TESDA, iba pang
ahensiya ng pamahalaan
(Agencies), NGOs, at iba
pang may kinalaman at
interes sa usapin
Pagkalap ng Datos/Pagmapa ng April 24,
Komunidad at Pagtutumbas ng 25, 28, 29 Mga guro, DALSCs,
Programa gamit ang Registration & 30 Mobile Teachers, Literacy
Form Pagpasok ng datos na workers sa tulong mga
nakalap Abot-Alam OSY opisyal ng lokal na
Database:http://abotalam.com.p pamahalaan at barangay
h (Lebel ng Distrito at Paaralan)
Inisyal na Pag-uulat ng Datos
a. Pagsumite ng Registration Mayo 2, Piling mga guro, DALSCs,
Form (nakalathala) sa Distrito 2014 Mobile Teachers, Literacy
para sa Pagsasama-sama gamit workers
ang Report Sheet (District Level)
para sa Pagkalap ng Datos
b. Pagsumite ng mga Pinagsama- Mayo 4, District ALS Coordinator
samang Ulat ayon sa Distrito sa 2014
Division Office
c.Pagsumite ng Ikalawang Division Office
Pinagsamasamang Ulat sa linggo ng
Rehiyon Mayo
2014

1. Kailan ginanap ang orientation workshop?

2. Saan ginanap ang orientation-workshop?

3. Ano-ano ang layunin ng orientation workshop?

4. Ano ang Programang Abot-Alam?

5. Ano-ano ang paksa at sino-sino ang nag-ulat ng mga paksang ito?

6. Ano ang kasunduan ng mga lumahok tungkol sa pagsuporta sa


programang Abot-Alam?
7. Magbigay ng ilang bayan na maglulunsad ng programa sa lebel ng
munisipyo.

8. Magbigay ng ilang bayan na maglulunsad ng programa sa lebel ng


distrito.

9. Ano ang maaaring gawin ng mga munisipalidad at distrito na hindi


kayang makapag-implementa ng programa sa ika-23 ng Abril 2014?

10. Kailan gaganapin ang inisyal na pag-uulat ng datos?

Tayahin…

Gawain 7
A. Panuto: Gumawa ng isang Feasibility Study sa produkto o
serbisyong ng maging sariling negosyo. Sundin ang mga bahagi
nito bilang gabay.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Kahalagahan
B. Panuto: Magsulatngng Produkto/Serbisyo – 10 puntos
isang naratibong ulat hinggil sa unang
Kawastuan sa Nilalaman ng bawat bahagi
isang lingo mo na karanasan sa Modular/Blended – 30 puntos sa
Learning
Organisasyon
taong panuruan ng Ideya
2020-2021. – 10 puntos
Kabuuang Puntos - 50 puntos

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Naratibong Ulat – 10 puntos
Katumpakan sa mga elemento nito – 30 puntos
Organisasyon ng Ideya – 10 puntos
Kabuuang Puntos - 50 puntos

Karagdagang Gawain…
Gawain 8:
Panuto: Sa pamamagitan ng Video Call o Video Conference, mag-
interbyu ng isang taong nagmamay-ari ng negosyo (malaki o
maliit man na negosyo) gamit ang mga katanungan bilang gabay
sa pakikipanayam.

Mga Katanungan:
1. Bago mo sinimulan ang iyong negosyo, gumawa ka ba ng isang
Feasibility Study? Paano mo ito ginawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________

2. Gaano nga ba kahalaga ang Feasibility Study bago magtayo ng isang


negosyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________

3. Nasunod ba ang nagawang feasibility study sa aktuwal sa pagpapalago


ng iyong negosyo? Maaari mo bang maibahagi sa akin batay sa iyong
sariling karanasan.

Susi sa Pagwawasto…
Sanggunian:

Bandril, L. T. at Villanueva, V. M. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan (Isport at Teknikal-Bokasyonal. Davao City: Vibal Group,
Inc.

Galang, T. T., et al. (2009). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.


Manila, Publishing: Rex Book Store.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like