You are on page 1of 5

Filipino sa Piling Larang

Ika-apat na Markahan
Modyul 1
Week 1-4

Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa naratibong-ulat.
Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral
na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipapaliwanag ng sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino.
Layunin:
 Nakababasa at nakauunawa ng ilang feasibility study sa pamamagitan ng mga angkop na termino.
 Nailalahad ang kahulugan ng feasibility study sa paraang sistematiko at malinaw.
 Naipaliliwanag sa paraang sistematiko ang napiling feasibility study.
Subukin
Sukatin natin kung ano ang iyong nalalaman o naaalala tungkol sa Feasibility Study. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto/serbisyo.
a. babala c. deskripsyon ng produkto
b. feasibility study d. naratibong ulat
2. kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng minumungkahing produkto/serbisyo.
a. para kumita ang produkto/serbisyo
b. para makahikayat sa produkto/serbisyo na ibebenta
c. para matiyak kung maari bang ibigay o ipamahagi ang produkto/serbisyo
d. para matiyak na makilala ang produkto/serbisyo
3. Madalas na isinusulat na huli sa feasibility study.
a. executive summary c. panimula
b. estratehiya sa pagbebenta d. rekomendasyon
4. Bahagi ng feasibility study na naglalarawan ng produkto/serbisyo.
a. paglalarawan ng produkto/serbisyo c. mga taong may gampanin sa produkto/serbisyo
b. rekomendasyon d. iskedyul
5. bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano magagamit ng tao ang produkto/serbisyo.
a. executive summary c. marketplace
b. projection sa pananalapi d. estratehiya sa pagbebenta
6. Bahagi ng feasibility study na tumitiyak kung mayroong posibleng kita.
a. marketplace c. rekomendasyon
b. iskedyul d. projection sa pananalapi at kita
7. bahagi ng feasibility study na naglalahad ng paglalagom at pagbibigay mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
a. iskedyul c. executive summary
b. rekomendasyon d. projection sa pananalapi at kita
8. Bahagi ng feasibility study na nagtatakda ng panahon kung kalian dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
a. marketplace c. executive summary
b. iskedyul d. mga taong may gamapanin sa produkto/serbisyo
9. bahagi ng feasibility study na tumitiyak sa mga tao at kanilang espisipikong trabaho para sa produkto.
a. iskedyul c. mga taong may gamapanin sa produkto/serbisyo
b. projection sa pananalapi at kita d. marketplace
10. bahagi ng feasibility study na nagpapaliwanag ng mga kakailanganin sa aspektong teknolohikal.
a. projection sa pananalapi c. kakailanganing kagamitang teknikal
b. estratehiya sa pagbebenta d. paglalarawan ng produkto/serbisyo
11. Bahagi ng feasibility study na ngalalarawan ng pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto.
a. marketplace c. estratehiya sa pagbebenta
b. iskedyul d. kakailanganing kagamitang teknikal

12. Hindi dapat paligoy-ligoy ang bahaging ito ng feasibility study.


a. iskedyul c. estratehiya sa pagbebenta
b. lmarketplace d. executive summary
13. Mahalagang mabigyang diin sa paglalarawan ng produkto/serbisyo ang ____________________.
a. kalakasan at kahinaan c. pinakamabenta sa lahat ng produkto
b. kalakasan at benepisyo nito d. presyo sa merkado
14. Inaasahan sa estratehiya sa pagbebenta na _______________ ang mga mamimili na bumili ng produkto.
a. bumenta c. makahikayat
b. sumikat d. makilala
15. Tinitiyak ng bahaging ito ng feasibility study na ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba
pang produkto/serbisyo. pyuter.
a. marketplace c. estratehiya sa pagbebenta
b. iskedyul d. executive summary 

Aralin 1 – Feasibility Study


Balikan
Ating balikan ang unang pagsasanay na iyong sinagutan. Sa bahaging ito, matutuklasan natin kung ano ang iyong nalalaman ukol sa feasibility
study
Panuto: Ipabasa ang salaysay ukol sa feasibility punan ng angkop na kasagutan ang patlang upang mabuo ang ideya.
Ang 1. _________ ay isang 2. _________ na ginagawa upang 3. _________ ang iba’t ibang 4. __________ at epekto ng minumungkahing 5.
___________. Ang pag-aaral na ito ay dapat 6. _____________ sa anumang pagkiling nga 7. _________ sa kalalabasan ng pag-aaral. 8. ___________ nito
kung ang produkto/serbisyo ay 9. _______ sa 10. _______ napili.
Mga Pagpipilian:

A. naaayon B. pag-aaral C. mananaliksik D. sangkap E. Feasibility study

F. inaalam G. serbisyo H. malaya I. pamilihan J. malaman

Tuklasin
Ang feasibility study ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan.
Mahalagang magawa ang feasibility study upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo. Siyentipiko ang pag-
aaral na ginagawa sa feasibility study, kung kaya mapaghahandaan ang iba’t ibang maaaring maging epekto at mga sanhi na makapagpapabago sa
produkto’t serbisyo na maaaring ibigay.
Iba’t ibang bahagi ng feasibility study
1. Pangkalahatang Lagom / Executive Summary
Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study. Madalas, huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang
bahagi.
2. Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo
Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto/serbisyong inimumungkahing ibenta/ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa gagamit.
3. Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng aspektong teknolohikal.
4. Marketplace
Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.
5. Estratehiya sa Pagbebenta
Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipaaabot sa gumagamit ang produkto/serbisyo. Iniaayon ng marketing ang
kahilingan at kaparaanan kung paano mahihikayat na kunin ang produkto/serbisyo.
6. Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espesipikong trabaho para sa produkto/serbisyo.
7. Iskedyul
Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
8. Projection sa Pananalapi at Kita
Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang benepisyong pampananalapi

9. Rekomendasyon
Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay-mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
Suriin
Basahin ng malakas ang isang halimabawa ng paglalarawan ng produkto/serbisyo
Pandesal de Kalabasa
Ang pandesal ang pinakahinahanap hanap ng mga Pilipino tuwing umaga. Halos lahat ng Pilipino ay kumakain ng pandesal. Bitamina at mineral
na taglay ng kalabasa ay vitamin A, C, E,B6 niacin, pantothenic acid at folate. Marami din itong magnesium,potassium,manganese.copper,phosphorous,
calcium at iron. Mayaman din ito sa carotenoids na may anti-inflammatory at antioxidant coumpunds.
Ang benepisyong dulot ng Kalabasa sa ating katawan:
Mayaman ito sa vitamin A at mga phytonutrient na makatutulong na mapalakas ang immune system ng isang tao upang malabanan ang mga
foreign substance na maaring magdulot ng sakit. Ang kalabasa ay mayamn sa vitamin B complex na nakatutulong sa metabolism ng tao. Mayaman din ito
sa dietary fiber at pectin na kung saan ang pectin ay nakatutulong upang makontrol ang blood sugar level sa ating katawan. Nakatutulong din ang kalabasa
upang maiwasan ang pananakit at pamamaga ng mga kasu-kasuan lalo na sa mga may arthritis at rayuma. Ang magnesium at potassium na taglay ng
kalabasa ay mainam para sa mga mayroong high blood pressure. Ang pagkain din ng kalabasa ay mainam upang luminas at maiwasan ang pagkasira ng
mata.Mayamin ito sa Vitamin A at mga antioxidants na tumutulong upang maiwasan ang mascular degeneration,katarata at glaucoma.
  
Sa sinuring paglalarawang ng produkto ay mapupuna ang mga katangian na dapat taglayin ng isang paglalarawan ng produkto.
 Ano-ano ang mga angkop na termino ang ginamit sa paglalarawan.isa isahin ito?
 Ang mga Bitamina , mineral ,vitamin A, C, E,B6 niacin, pantothenic acid at folate. magnesium,potassium,manganese.copper,phosphorous,
calcium, iron, carotenoids , anti-inflammatory . antioxidant coumpunds.katarata,glaucoma ay ilang lang sa mga angkop na terminong ginamit sa
pahayag.
 Ano ang mga dapat taglayin ng paglalarawan ng produkto?
 Mababasa na binigyang diin ang kalakasan at benepisyo ng produkto na ibebenta sa merkado.
 Ano ba ang layunin ng feasibility study particular ang paglalarawan ng produkto?
 Layunin nito ang manghikayat kung kaya’t marapat lamang na makatawag pansin ito sa mambabasa. Kaya’t malinaw ang paglalarawan ng
produkto.
 
Pagyamanin
A. Panuto: Basahin at Unawain.
Anong bahagi ng feasibility study ang tinutukoy sa pahayag?
 

1. (sipi mula sa Talaba D’ Sorbetes ng BPP,2020)


2.Magsasagawa ng parade at gagamit ng flyers sa unang araw ng pagbubukas ng KOPImoTEA. Maglulunsad din ng free taste upang higit na makilala at
matikman ang aming produkto. (sipi mula sa KOPImoTEA ng BPP,2020)

3.Ang pancake ay isa sa mga almusal na kinagigiliwan ng mga Pilipino na nagmula sa banyagang bansa. Ang burger naman na karaniwang ginagawang
meryenda dito sa ating bansa.mahihikayat ang produktong ito ang mga bata o kabataan dahil ang nakahiligan na simpleng pancake ay maaring magkaroon
ng bago at kakaibang lasa. (sipi mula sa feasibility study “Pancake Burger” ng BPP,2020)
 
4.Ang lokasyon ng Tindahan ng Lumpiang saging ay matatagpuan sa Bucal 2 maragondon, Cavite, malapit sa paaralan ng Bucal National Integrated High
School na papatok sa mga mag-aaral. (sipi mula sa feasibility study “Lumpiang Saging” ng BPP,2020)
 
5.Bukas ang aming pisikal na tindahan lunes hanggang sabado sa ganap na alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon, sa Bucal 2,
Maragondon,Cavite.
 

B. Panuto: Basahin at Unawain. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Pangkalahatang Lagom
Emergency Energy Reserved Back Up
(Dualan, Russel A et al 2020)
Ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na nakararanas ng malalakas na ulanat hangin o daanan ng malalakas na bagyo taon-taon ang samahang ito
ay nagsagawa/naglunsad ng isang negosyo na makatutulong upang punan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa simple ngunit makabagong
pamamaraan. EER-Back Up o Emergency Energy Back-Up, isa ito sa mga unang aparato na susuporta sa kawalan ng kuryente o dili kaya’y sa iba pang
gawain na may kinalaman ang kuryente.
“For emergency time and other activity,light’s up the dark with fan to provide a pleasant atmosphere. Charge your phone wherever, and
everytime you want while you harnessing the power of nature.”
Ang online selling flatform ang gamit ang social media app ang gagamitin upang maihatid ang produkto sa lahat ng sulok ng bansa.Paghahatid
sa pamamagitan ng door to door delivery through Cash-on Delivery (COD) o iba pang payment option gamit ang mga sumusunod: Gcash, paymaya,
coins.ph, at Paypal karagdagang bayad (extra charge) depende sa lugar saan ihahatid ang produkto.
1. Anong pamagat ang maari sa talata?
A. emergency back- up
B. geo-logical back-up
C. EER-Back up
D. portable emergency charger
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi inilahad sa talata bilang paraan ng pagbibigay deskripsyon sa produkto?
A. crowdfunding C. maximize social media/internet
B. create promos D. use your USP

3. Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang mga sumusunod na pahayag?


“Mamimigay ng leaflets at flyers bilang bahagi ng promotional campaign ng produktong ilulunsad,magbibigay din ng freebies sa unang araw na
pagbubukas. Ang tindahan ay bukas ng 24 oras ang tanggapan, ang araw ng pagdedeliver ay lingo hanggang biyernes. Ang pisikal na tindahan naman ay
bukas sa oras na 10:00-9:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.”
A. istratehiya sa pagbebenta C. market place
B. projection sa pananalapi D. iskedyul
4. Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang mga sumusunod na pahayag?
Tampok sa aparatong ito ang mga sumusunod:
 5V 2A DC Output Phone charging port  Light with dimmer
 charge with regular charger  powered by 4400 mAh Li-Ion battery and up
 Fan with adjustable speed  solar power charge
 portable  durable

A. istratehiya sa pagbebenta C. teknikal na kagamitan


B. projection sa pananalapi D. projection sa pananalapi
5. Anong bahagi ng feasibility study ang talata.
A. konklusyon C. rekomendasyon
B. pangkalahatang lagom D. abstract

Isaisip
 Batay sa lahat ng pagsasanay na iyong isinagawa, ano ngayon ang pagkakaunawa mo sa feasibility study?
 Ano-ano ang mga bahagi ng feasibility study?

Paglalahat
Ang feasibility study ay pag-aaral upang matiyak at mailarawan ang produkto na sa tingin mo ay patok na patok sa merkado. Ang mga bahagi ng
feasibili study ay ang mga sumusunod: Pangkalahatang lagom (executive summary), paglalarawan ng produkto/serbisyo, kakailanganing teknikal na
kagamitan, marketplace, estratehiya sa pagbebenta, mga taong may gampanin sa produkto/serbisyo, iskedyul, projection sa pananalapi at rekomendasyon.
Ang pag-aaral na ito ay dapat malaya sa anumang pagkiling.

Isagawa (Performance Task)


Panuto: Gumawa ng isang video ukol sa produkto na nais ninyong gawan ng feasibility study. Bigyan ng paglalarawan ang produkto na nais ninyong
makilala sa merkado. Ipasa ang video na ito sa Messenger Account o e-mail address ng iyong guro.

Kraytirya Lubos na Naipakita Naipakita Bahagyang Naipakita


(10pts.) (7 pts.) (6pts.)
Nakalikha ng video      
presentation na gumamit ng
mga angkop na termino ukol
sa ginawang paglalarawan ng
produkto.

Makabuluhan at angkop sa      
paksa sa merkado.

Malikhain at malinaw ang      


video na ginawa.

Tayahin
 Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto/serbisyo.
a. babala c. deskripsyon ng produkto
b. feasibility study d. naratibong ulat
2. Kahalagahan ng isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng minumungkahing produkto/serbisyo.
a. para kumita ang produkto/serbisyo
b. para makahikayat sa produkto/serbisyo na ibebenta
c. para matiyak kung maari bang ibigay o ipamahagi ang produkto/serbisyo
d. para matiyak na makilala ang produkto/serbisyo
3. Madalas na isinusulat na huli sa feasibility study.
a. executive summary c. panimula
b. estratehiya sa pagbebenta d. rekomendasyon
4. Bahagi ng feasibility study na naglalarawan ng produkto/serbisyo.
a. paglalarawan ng produkto/serbisyo c. mga taong may gampanin sa produkto/serbisyo
b. rekomendasyon d. iskedyul
5. bahagi ng feasibility study na tumutukoy sa pamamaraan kung paano magagamit ng tao ang produkto/serbisyo.
a. executive summary c. marketplace
b. projection sa pananalapi d. estratehiya sa pagbebenta
6. Bahagi ng feasibility study na tumitiyak kung mayroong posibleng kita.
a. marketplace c. rekomendasyon
b. iskedyul d. konklusyon
7. bahagi ng feasibility study na naglalahad ng paglalagom at pagbibigay mungkahi batay sa ikalawa hanggang ikawalong bahagi.
a. iskedyul c. executive summary
b. rekomendasyon d. projection sa pananalapi at kita
8. Bahagi ng feasibility study na nagtatakda ng panahon kung kalian dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
a. marketplace c. executive summary
b. iskedyul d. mga taong may gamapanin sa produkto/serbisyo
9. bahagi ng feasibility study na tumitiyak sa mga tao at kanilang espisipikong trabaho para sa produkto.
a. iskedyul c. mga taong may gamapanin sa produkto/serbisyo
b. projection sa pananalapi at kita d. marketplace

10. bahagi ng feasibility study na nagpapaliwanag ng mga kakailanganin sa aspektong teknolohikal.


a. projection sa pananalapi c. kakailanganing kagamitang teknikal
b. estratehiya sa pagbebenta d. paglalarawan ng produkto/serbisyo
11. Bahagi ng feasibility study na ngalalarawan ng pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto.
a. marketplace c. estratehiya sa pagbebenta
b. iskedyul d. kakailanganing kagamitang teknikal
12. Hindi dapat paligoy-ligoy ang bahaging ito ng feasibility study.
a. iskedyul c. estratehiya sa pagbebenta
b. lmarketplace d. executive summary
13. Mahalagang mabigyang diin sa paglalarawan ng produkto/serbisyo ang ____________________.
a. kalakasan at kahinaan c. pinakamabenta sa lahat ng produkto
b. kalakasan at benepisyo nito d. presyo sa merkado
14. Inaasahan sa estratehiya sa pagbebenta na _______________ ang mga mamimili na bumili ng produkto.
a. bumenta c. makahikayat
b. sumikat d. makilala
15. Tinitiyak ng bahaging ito ng feasibility study na ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba
pang produkto/serbisyo. pyuter.
a. marketplace c. estratehiya sa pagbebenta
b. iskedyul d. executive summary
 
 Karagdagang Gawain
Inaasahan ko na mailalapat mo ang iyong natutunan tungkol sa feasibility study sa inyong piniling larang.

Pumili ng isang produkto na kailangan na gamitin ng mga tao sa panahon ng pandemya at gumawa ng feasibility study ukol dito.Pumili ng isa
sa mga sumusunod:
 Facemask
 Face shield
 PPE
 Gloves
 

You might also like