You are on page 1of 28

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kakayahang Pangkomunikatibo
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kakayahang Pangkomunikatibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Ma. Joan E. Lansangan


Ko-Awtor - Editor : Rowena A. Abrique
Ko-Awtor - Tagasuri : Rowena A. Abrique
Ko-Awtor - Tagaguhit : Ma. Joan E. Lansangan
Ko-Awtor - Tagalapat : Louie P. Marquez

Team Leaders:
School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD
LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Kakayahang
Pangkomunikatibo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kakayahang Pangkomunikatibo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pambungad sa Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Kakayahang Pangkomunikatibo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan at


palawakin ang kakayahan sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa at paano ito
gagamitin sa tamang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iba.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsusulat ng


mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wika. (F11EP-
lld-33):

2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng


paksang napakinggan/nabasa sa mga balita sa radyo o telebisyon. (F11PN- lld -
89);

a. nakabubuo at nakasusulat ng sariling pahayag;

b. nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.

1
Subukin

A. Sipat-salita

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat


ng letrang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na kakayahang linggwistiko?


a. Kakayahang gramatikal
b. Kakayahang pampanitikan
c. Kakayahang pakikipagtalastasan
d. Kakayahang literal

2. Ano ang tinutukoy ng kaalaman panolohikal?


a. Estruktura ng wika
b. Bokabularyo ng wika
c. Tunog ng wika
d. Anyo ng wika

3. Alin ang pag-aaral ng aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang konteksto?


a. Pragmatiks c. Hermeneutiks
b. Linggwistiks d. Heuristiks

4. Ito ay tumutukoy sa kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na


may wastong kayariang panggramatika.
a. Kakayahang komunikatibo
b. Kakayahang literal
c. Kakayahang pampanitikan
d. Kakayahang linggwistika

5. Ito naman ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at magamit ang mga


pangungusap na may wastong kayariang panggramatika na angkop sa
panlipunan o sa pisikal na kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
a. Kakayahang komunikatibo
b. Kakayahang linggwistik
c. Kakayahang pampanitikan
d. Kakayahang literal

2
B. Buo-Salita

Panuto: Buoin ang mga nawawalang letra upang mabuo ito sa isang salita sa tulong
ng pakahulugan na binigay sa ilalim. Isulat ang tamang salitang mabubuo.

1. P_ _ _l_ _a - _________________
- Ito ay nakatinig na anyo ng komunikasyon ng tao.

2. _a_u_a_ - _________________
- Ito ay isang anyong komunikasyon kung saan ang kaalaman o
ideya ng tao ay isinasalin.

3. S_n_ _ _s - __________________
- Ito ay tumutukoy sa pinagsama-samang salita upang makabuo ng
pangungusap.

4. _o_p_ _o_iy_ - __________________


- Ito ay mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi
ng pananalita.

5. L_ _s_k_n - __________________
- Ito ay tumutukoy sa mga salita o bokabularyo.

6. _o_o_o_ _ya - __________________


- Ito ay tumutukoy sa pagtalakay sa mga tunog.

7. O_t_ _r_ _iy_ - __________________


- Ito ay isang masusi at maingat na pag-aaral na may patungkol sa
pagbabaybay ng mga salita.

8. _ _ng_w_s_ _ka - __________________


- Ito ay pang-agham na pag-aaral ng wika, kahulugan ng wika at
wika bilang konteksto.

9. G_ _m_t_ _al - __________________


- Ito ay component na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga
tuntuning pang-gramatika.

10. K_ _u_ _k_ _ _bo - __________________


- Ito ay ang pagpapahayag ng mga ideya sa pamamagitan ng sulat,
salita o pagkilos.

3
Aralin Kakayahang Pangkomunikatibo at
Silid-aralan ang Daan Tungo sa
1 Paglinang ng Kakayahang
Pangkomunikatibo

“Ang wika ay kaugnay ng buhay at instrument ng tao upang matalino at


efisyenteng makilahok sa lipunang kinabibilangan.”
– Vilma Resuma at Teresita Semorlan

Bilang isang mamamayang Pilipino, obligasyon natin na alamin at unawain ng tama


ang paggamit sa mga linggwahe o wika na ating sinasalita. Dahil ang wika ay
makapangyarihan at bilang isang estudyanteng may angking natatanging
kapangyarihan kapag ang isang mag-aaral ay nakaaalam at nakauunawa kung
paano gamitin ng tama at wasto ang wika upang makamit ang kaniyang layuning
pangkomunikasyon. Kaya’t alamin ang iba’t ibang kakayahan sa paggamit ng wika.
Hayaan nating maging gabay ang mga kakayahan at kaalamang ito tungo sa
matagumpay na komunikasyon.

Sa tahanan nagsisimula ang mga karunungang magsulat, magbilang at magbasa


dahil ang ating mga magulang ang siyang nagsisibing unang guro na silang
gumagabay sa atin, at ang silid-aralan naman ang huhubog sa mga karunungang
tinataglay natin, dahil nasa loob ng paaralan o silid-aralan ang ating mga guro na
nagsisilbing ikalawang ina natin, na silang gagabay at huhubog sa mga karunungan
at kakayahang taglay na kung saan maghahatid sa magandang kapalaran o patungo
sa matagumpay na buhay.

Dalawang Diskurso:
▪ Kakayahang Linggwistika (Linguistic Competence)
▪ Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence)

4
Aralin Komponent ng Kakayahang

2 Pangkomunikatibo( Kakayahang
Lingguwistiko o Gramatikal)

Ang wikang ginagamit ay sumasalamin sa buong katauhan ng isang tao at sa kung


paano niya nakikita ang mundo.
- Cantillo, L.

Ang Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo ay naglalaman ng mga


mahahalagang impormasyon sa tamang paraan ng paggamit ng mga wika o
lenggwahe, sa pasalita man o pasulat. Mahalagang matuklasan ng mga mag-aaral
ang tamang proseso ng paggamit sa kakayahang lingguwistik o kakayahang
gramatikal.

Narito ang Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang


Gramatikal:

✓ Sintaks
✓ Morpolohiya
✓ Leksikon
✓ Ponolohiya o Palatunugan
✓ Ortograpiya

5
Balikan

Panuto: Basahin ang mga posts sa Social Media o Facebook Page. Suriin ang
pagkakagamit sa mga gramatika, sa pamamagitan sa pagsagot sa ilang
katanungan at ilagay sa loob ng ulap ang sagot.

Pamantayan sa pagsagot sa tanong:


10 – malinaw at maayos na naipaliwanag ang sagot
7 – malinaw at medyo maayos na naipaliwanag ang sagot
4 – mababaw ang pagkakasagot sa mga tanong

6
Tanong:

1. Pamilyar ba kayo sa mga pahayag na nailahad sa posts?


2. Saan madalas nababasa ang mga ganitong pahayag?
3. Ano ang napansin ninyo sa pagkakagamit ng wika sa mga posts?

(Kinuha mula sa facebook post ng may-ari at may pahintulot mula sa kanila subalit ninais
nilang iblurred ang kanilang mga pangalan at mukha para sa kanilang privacy.)

Tuklasin

Kakayahang Pangkomunikatibo

Ano ba ang ibig sabihin ng Komunikatibo at kapag sinamahan ng Kakayahan, ano


ang mabubuong salita o pakahulugan sa dalawang salitang pinagsama. Ano nga ba
ang Kakayahang Pangkomunikatibo? Ang Komunikatibo ito ay ang pagpapahayag
ng mga ideya o opinion sa pamamagitan ng sulat, salita o pagkilos, samantalang ang
kakayahan ay kumakahulugan sa mga bagay na kaya nating gawin, mga bagay na
kung saan tayo ay magaling, mga katangiang taglay o talent ng isang tao. Sabi nga
nila, walang taong sinilang na walang taglay na angking galing o talento, lahat tayo
ay may taglay nito, nasa atin nalang kung paano ito matutuklasan at mapapaunlad.
Kaya kapag pinagsama ang Kakayahang pangkomunikatibo ito ay tumutukoy sa
kakayahan natin sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng wika natin.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutunan lang ang mga


tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay
nagtataglay nang kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence at
hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.

Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay


nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland
Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J.
Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika
(linguistic competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky noong 1965. Ayon
sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong

7
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng
paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naayon sa kanyang layunin.

Ayon sa mga dalubhasa sa wika, may malaking gampanin ang wika sa atin, dahil sa
pamamagitan nito nagagawa nating makipag-ugnayan o makisalamuha sa iba.
Subalit para maging maganda sa pandinig at malinaw nararapat lang na malaman
natin kung paano ang tamang paggamit ng wika o gramatika sa mga salita o
pangungusap. Maraming pag-aaral na ginawa ang mga dalubwika patungkol sa
diskursong palingguwistika. May ilang nagsasalungatang ideya, gayumpaman, sa
huli’y nagkaisa sila na ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay
hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa
paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo. (Bagaric,
et.al. 2007)

Binigyang diin naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay


nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika
upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang
pamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki- pakinabang.

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto


ng lipunan at kultura – Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta
ang wika at mga tuntunin nito (Shuy 2009).

Paliwanag ng Guro:
Ang Kakayahang Pangkomunikatibo ay tumutukoy sa pag-aaral na kung saan
mayroong pagtuturo at pagkatuto ng wika. Ang mga dalubhasa sa wika ay binigyan din
ng ibang pakahulugan o mas malalim na pagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng
kakayahang pangkomunikatibo. Ibinigay din ang pinagkaiba ng kakayahang
komunikatibo at kakayahang lingguwistiko. Ang konseptong ito ay mahalagang
maunawaang maigi ng mag-aaral nang sa gayun ay magamit ng maayos sa pakikipag-
ugnayan sa iba.

Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang


Pangkomunikatibo ng mga Pilipino

Sa mga silid-aralan nangyari ang pormal na pagkatuto ng wika. Gayumpaman, kung


ang magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro ang kayarian o
gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya,
morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspekto ng wika; at kung ang mga pagtataya
ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mga bahagi ng
estruktura ng wika, maaaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang
pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kakayahang

8
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika,
kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na
pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi sila sinanay.

Nararapat kung gayun na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maiangat


mula sa pagkilala lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa
mga aktuwal na sitwasyon sa totoong mundo o sa tunay na buhay, pasalita man o
pasulat. Dito lamang magkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang mga araling
pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong sitwasyon. Mula
rito’y matatanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa
darating napagsusulit kundi para sa pangangailangan sa pakikipagtalastasan
maging sa mga panahong wala na sila sa loob ng silid-aralan.

Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na


partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan
tulad ng pagsasalita, pagbasa, pakikinig at pagsulat. Ayon kay Cantal-Pagkalinawan
(2010), isang propesor sa Hawaii, ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may
aktibong interaksiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kanyang
kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisislbing tagapatnubay/ facilitator lamang sa
iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong
nakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa interaksiyon ng mga
estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataong
makilahok sa iba’t ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang kakayahan.

Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtataya tulad


ng pagsasagawa ng mg gawaing pangkomunikatibong aktuwal na nangyayari sa
totoong mundo o sa totoong buhay, pagbuo ng malikhain at makabuluhang
pagpapahayag gamit ang wika sa tula, maikling kuwento, sanaysay, pagtatanghal,
fliptop, pick-up lines, hugot lines,ulat, e-mail, Facebook post, blog, diyalogo o dula-
dulaan, videotape, at iba pang gawaing lilinang sa kakayahan nilang
makipagtalastasan.

Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan,


makatutulong ito upang makalinang ng mga Pilipinong may kakayahang
komunikatibo na handa sa mga hamong dala ng buhay sa ikadalawampu’t isang
siglo.

Paliwanag ng Guro:
Ang Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang Pangkomunikatibo ng
mga Pilipino, dahil sa loob ng silid-aralan magmumula ang lahat ng dapat malinang sa
kakayahan at karunungang taglay ng mga mag-aaral, dito nila malalaman ang mga
dapat sa hindi dapat gawin. Mula sa silid-aralan mas papalawakin ang kakayahang
taglay ng bawat isang mag-aaral at matutunan din nila ang tamang pagbasa, pagsulat,
pakikinig at pagsasalita, na kung saan ang mga kasanayan na ito ay tinuro muna sa
tahanan ng ating mga magulang na siyang lilinangin naman ng mga guro.

9
Suriin

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo (Kakayahang


Lingguwistiko o Gramatikal)

Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung kakayahang pangkomunikatibo ang


pag-uusapan, isang bahagi lang nito ang kakayahang lingguwistiko o kakayahang
gramatikal. Sa mga naunang framework o modelo ng mga lingguwistang sina Canale
at Swain (1980-1981) may tatlong komponent silang iminungkahi. Ang mga ito’y ang
kaalaman at kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratedyik. Sa
sumunod na bersiyon ng nasabing modelo, si Canale (1983, 1984) ay nagsalin ng
ilang elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na
komponent, ang kakayahang diskorsal.

Sa araling ito ay tatalakayin muna natin ang unang komponent; ang kakayahang
lingguwistiko o gramatikal. Sinasabi nina Canale at Swain (1980,1981), na ang
kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho lang ng kakayahang
gramatikal. Kaya naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa modelo nina
Canale at Swain tulad ni Savignon (1983) ay tumutukoy na rin sa kakayahang
lingguwistiko bilang kakayahang gramatikal.

Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit


sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahang sa
taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at
pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.

Makikita sa ibaba ang mungkahing komponent ng kakayahang gramatika o


kakayahang lingguwistiko mula kina Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995).

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal


(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995) )
o Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan)
• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos,
padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan,
langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
Hal.: Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

10
o Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng
pananalita)
• Iba’t ibang bahagi ng pananalita
• Prosesong derivational at inflectional
• Pagbubuo ng salita
Hal.: Dasal- nagdasal bili- bumili linis- nilinis ganda-gandahan.
o Leksikon (mga salita o bokabularyo)
• Pagkilala sa mga
▪ content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
▪ function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig,
pang-ukol, pang-angkop)
• Konotasyon at denotasyon
Hal.: Puso – (D) Kinailangan niyang magpatingin sa doctor upang ipasuri ang
kaniyang puso.
Pusong Mamon – (K) Mukha lang siyang matapang pero siya ay may pusong
mamon.
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)
Hal.: “Bahaghari” – Bahag at Hari “Balarila” – Bala ng dila
o Ponolohiya o Palatunugan
• Segmental
▪ Katinig, patinig, tunog
Hal.: Ang mga labyal /p/ at /b/ - puto-apa-sapsap buto-aba-sabsab
• Suprasegmental
▪ Diin, intonasyon, hinto
Hal.: /PI : to/ vs /pi : TO/
o Ortograpiya
• Mga grafema
▪ titik at di titik
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
Hal.: Akò – responsabilidad Akó – sarili
• Mga bantas (tuldok, pananong, padamdam, kuwit, kudlit, gitling, tutuldok,
tutuldok-kuwit, panipi, panaklong, tutuldok-tutuldok)

Ang mga nasa talahanayan ang karaniwang unang itinuturo sa mga araling
pangwika sa mga paaralan. Subalit, hindi nagtatapos ang lahat dito kung ang
layunin ng nagtuturo ay paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo. Sa mga
susunod na aralin ay mabibigyang-diin ang iba pang komponent ng kakayahang
pangkomunikatibo tulad ng sosyolingguwistiko, pragmatic, estratedyik at
diskorsal upang higit na maging makabuluhan at magamit nang wasto ang wika.

11
Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutunan din ang wastong
palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa
ortograpiya (1976, 1987, 2001, 2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa. Tunghayan natin ang ilang
tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:

A. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles
ng mga titik, maliban sa Ň (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang
binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa.

Pasulat Pasalita
it /ay-ti/
Pantig pag /pi-ey-dyi/
trans /ti-ar-ey-en-es/

Pasulat Pasalita
bansa /bi-ey-en-es-ey/
Salita plato /pi-el-ey-ti-o/
Jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-di/

Pasulat Pasalita
Akronim MWSS /kapital em- kapital dobolyu-
(Metropolitan Waterworks kapital es- kapital es/
and Sewerage System)
ASEAN /kapital ey- kapital es- kapital i-
(Association of Southeast kapital ey- kapital en/
Asian Nations)

Pasulat Pasalita
Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
Daglat G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/
Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/

Pasulat Pasalita
Inisyal MLQ (Manuel L. Quezon) /kapital em- kapital el- kapital kyu/
TKO(Technical /kapital ti- kapital key- kapital o/
Knockout)

Pasulat Pasalita
Simbolong Fe (iron) /kapital ef-i/
Pang-agham/ Kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
Pangmatematika H²O (water) /kapital eyts-tu-kapital
o/

12
B. Pasulat na Pagbaybay

Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit
ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa
mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa: palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram
na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw
ng panuntunang ito.
Halimbawa: selfie
digital detox

3. Mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang


siyentipiko at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo

Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa (1) pagpapalit ng
D tungo sa R; (2) paggamit ng “ng” at “nang”; at (3) wastong gamit ng gitling, na
kadalasang ipinagkakamali sa pagsulat:

1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang


sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y
(halimbawa: Malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa katinig
naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim
daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang saliata ay
nagtatapos sa –ra, -ri, -raw, o –ray (halimbawa: maaari din, araw-araw daw).
2. May limang tiyak na paggamit ng nang:
a. Bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: “Nang duamating ang mga
Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: “Ikinulong ni Ana
ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”)
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: “Malapit nang makauwi
ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”)
d. Pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
(halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”)
e. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang pabilis
ang ikot ng elisi ng eroplano.”)

Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataon ay kailangang gamitin ang ng.

13
3. Wastong gamit ng gitling ( - )
a. Sa inuulit na salita, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi,
para-paraan)
b. Sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-
brum)
c. Sa paghihiwalay ng katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. Sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-
Marikina, maka- Pilipino)
e. Sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na
baybay (halimbawa: mag-compute, pa-encode)
f. Sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, particular sa sinaunang
Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-
ong)
g. Sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. Sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- (hal. Ika-12 ng
tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita,
na ikinakabit sa alas- (hal. Alas-2 ng hapon, alas-dos ng hapon)
i. Sa kasunod ng “de” (halimbawa: de-lata, de-kolor)
j. Sa kasunod ng “di” (halimbawa: di-mahawakan, di-kalakihan)
k. Sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na
apelyido noong dalaga pa (halimbawa: Genoveva Edroza-Matute)

Gawain:

Sagutin ang mga tanong.


1. Mula sa limang tinalakay ng Mungkahing Komponent ng Kakayahang
Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal nina Celce-Murcia, Dornyei, at
Thurell (1995), alin ang higit na pamilyar ka?
2. Alin sa limang Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal, ang madalas mong ginagamit sa pagsulat o
pagsasalita. At Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit, mahalagang pag-aralan ang Kakayahang
Pangkomunikatibo?

Pamantayan sa pagmamarka para sa bilang 3:

5 — napakahusay ng pagpapaliwanag (buo at malinaw)


4 — mahusay ang paliwanag (malinaw)
3 — bahagyang mahusay ang pagpapaliwanag
2 — nauunawaan ang paliwanag
2 — hindi gaanong malinaw ang paliwanag
1 — napakahusay ng pagpapaliwanag (buo at malinaw)

(Kinuha mula sa aklat ng Pinagyamang PLUMA Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino)
(Kinuha mula sa aklat ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

14
Pagyamanin

Panuto: Pagsulat ng maikling bersiyon. Basahin ang mga sipi sa Ingles at Filipino
ng isang Quotation. Ano ang iyong napansin sa bersiyon sa Filipino? Itala
ang iyong obserbasyon at bumuo ng mas simple at maikling bersiyon ng
quotation na isinasaalang-alang ang wastong gramatika at ang kabuuang
diwa ng quotation.

QUOTATION:
No one has the right to judge you, because no one really knows what you have
been through. they might have heard the stories, but they didn't feel what you felt in
your heart.

PAGTAYA:
Walang sinumang may karapatang hatulan ka, sapagkat wala talagang
nakakaalam kung ano ang pinagdaanan mo. Maaaring narinig nila ang mga
kwento, ngunit hindi nila naramdaman kung ano ang naramdaman mo sa iyong
puso.

SARILING MAIKLING BERSIYON

Tatayain ang nabuong bersiyon ayon sa rubric na makikita sa susunod na pahina.

15
Kategorya Deskripsiyon Puntos

Gamit ng Wika • Angkop ang gamit ng salita ayon sa


itinatakda ng ortograpiya at
gramatika.
• Natitiyak ang saklaw ng mga salitang
40
ginagamit batay sa naunang mga
bersiyon sa Ingles at Filipino
• Mabisang napalilitaw ng gamit na
wika ang layunin ng ulat

Linaw ng Pahayag • Natitiyak ang pagkakasunod-sunod at


pagkakaugnay ng mga pangungusap
40
• Nakagagamit ng mga salitang
mauunawaan ng lahat ng mambabasa

Hikayat sa • Nakalilikha ng simple at interesanteng


Mambabasa bersiyon ng ulat
20
• Nakapag-eenganyo ng mamababasa
dulot ng makinis na pagpapahayag.

KABUUAN 100

Isaisip

Pamantayan:
• Kumpleto ang detalye
• Malinaw ang nilalaman at may maayos na pagkakasunod-sunod
• Gumamit ng wastong bantas 10
• May sapat na detalye
• Bahagyang malinaw ang nilalaman at may maayos na 8
pagkakasunod-sunod.
• Gumamit ng wastong bantas.
• Kulang sa detalye
• Di gaanong malinaw ang nilalaman 5
• Gumamit ng wastong bantas
• Hindi ganap ang paglalahad ng detalye
• Hindi malinaw ang nilalaman 4
• Hindi wasto ang bantas na ginamit

16
A. Panuto: Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano
nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo. Isulat
ang paliwanag sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

Kakayahang Lingguwistiko Kakayahang Komunikatibo

B. Panuto: Punan ang mga kataga batay sa mga natutuhan sa aralin.

Aking natutuhan na ang Kakayahang Pangkomunikatibo ay


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Ito ay iba sa Kakayahang Lingguwistiko at gramatikal sapagkat
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.
Mahalaga ang mga ito dahil ____________________________________________
____________________________________________________________.
_____

Isagawa

Pagpaparinig ng piling balita hango sa youtube:


https://www.youtube.com/watch?v=Ln0FQD5dvFI&feature=share

https://www.youtube.com/watch?v=8TIDPK4nwbo&feature=share
https://www.youtube.com/watch?v=HmgKMebzWr8&feature=share

https://www.youtube.com/watch?v=8Q2WU_gvSaU&feature=share

Panuto: Pumili ng isa sa mga link na nasa ibabaw. Panuorin/Pakinggan ang balita
at suriin ang kawastuhan sa gramatika ng mga pahayag ayon sa itinakda
ng 2014 edisyon ng Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang
Filipino na tinalakay sa aralin.

Sundin ang pormat na makikita sa susunod na pahina sa isa o higit pang maikling
bond paper:

17
Pangalan: _______________________________ Grade/Section:

Link na pili
Pamagat ng Balita

Nilalaman ng pagsusuri tungkol sa Balita.

Tatayain ang nagging pagsusuri ayon sa rubric na ito:

Katergorya Deskripsiyon Puntos


Pagtugon sa - Nakasusunod sa iniatas ng Ortograpiyang 40
Ortograpiyang Pambansa
Pambansa - Nailalapat ang tuntunin sa mga salitang
nakita/napakinggan sa balita
Kaayusan ng - Natatalakay nang masinsinan ang kamaliang 40
Paliwanag gramatikal
- Nabibigyang-linaw ang dahilan ng pagwawasto
Teknikalidad - Maayos na naisulat ang impormasyon sa balita 20
- Sumunod sa itinakdang pormat

KABUUAN 100

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang mga


salitang lumalabag sa tuntunin ng pagbaybay at gramatika. Ipaliwanag ang
iyong sagot sa bawat bilang.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa paliwanag:


2 — malinaw at mahusay ang pagkakabuo ng paliwanag
1 — mababaw at hindi gaanong maayos ang paliwanag

1. Kung kani kanino niya ibinibigay ang kanyang mga laruan. _________
2. Hindi naman raw sinasadya ang nangyari kaya patawarin mo na siya. _______
3. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Minerva habang naglalakad patungong
altar sa araw ng kaniyang kasal. _________
4. Pag aararo ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya. _________
5. Nasaktan na din siya kaya huwag ka nang manggulo pa. _________

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Nasa ibaba ang ilang napapanahong paksa. Pumili ng isa at sumulat ng
dalawa hanggang tatlong talata na nagpapahayag ng iyong paninindigan
hinggil dito. Tiyakin ang kawastuan sa gramatika. At gawan ng sariling
pamagat.
❖ Wikang Filipino sa Edukasyon
❖ Epekto ng Pandemyang Covid-19 sa Pilipians
❖ Korapsiyon sa Pamahalaan
❖ Pagsasagawa ng Online Classes: Handa na ba?
❖ Epekto ng mga Social Networking Sites sa Kabataan.

Matapos mabasa ng guro ang mga gawang talata ay magbibigay ng puna sa


pamamagitan ng Messenger. Maging bukas sa mga puna kaugnay ng wastong
gramatika at mahusay na pagpapadaloy ng kaisipan sa pahayag.
Pamantayan sa pagsulat ng talata:

Mga Krayterya sa Presentasyon


15 —
Malinis at Maayos ang pagkakasulat nang talata, nagamit nang wasto
ang mga gramatika.
10 — Malinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasulat sa talata at
pagkakagamit ng mga gramatika.
5 — Mababaw ang pagkakagamit sa gramatika at hindi malinis o maayos
ang pagkakasulat sa talata.

19
20
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
1. - May pamantayang
- may pamantayang 2. daw
ibingay, depende sa 3. nang ibinigay, depende sa
sagot ng mag-aaral 4. -
5. rin sagot ng mag-aaral
May
pamantayang
ibinigay
Pagyamanin: Suriin: Balikan: Subukin:
May pamantayang May May pamantayang 1. A
ibinigay, depende pamantayang ibinagay, depende 2. C
sa sagot ng mag- ibinigay, depende sa sagot ng mag- 3. B
aaral sa sagot ng mag- aaral 4. D
aaral 5. A
6. PASALITA
7. PASULAT
8. SINTAKS
9. MORPOLO
HIYA
10. LEKSIKON
11. PONOLOHI
YA
12. ORTOGRAP
IYA
13. LINGGUWI
STIKA
14. GRAMATIK
AL
15. KOMUNIKA
TIBO
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Alcaraz, Cid. Et.al.2016.Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High
School.Educational Resources Corporation.11-B Sunrise Drive,Brgy.Bagong
Lipunan ng Crame, Cubao, Quezon City

Cantillo, Ma. Luisa M. et.al.Aklat sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino para sa Ika-11 Baitang(SIKHAY) Senior High School. St.
Bernadette Publishing House Corporation.

Dayag, Alma M at Mary Grace G. del Rosario.2016.Pinagyamang PLUMA 11 (K to


12)Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino.
Phoenix Publishing House,Inc., 927 Quezon Ave.,Quezon City.

Garcia, Lakandupil C. et.al. 2010. Aklat sa Tinig: Komunikasyon sa Akademikong


Filipino (Ika-3 Edisyon) Kalakip ang Gabay sa Ortograpiya 2009.
JIMCYZVILLE PUBLICATIONS. 16 Concha St. Tinajeros Malabon City.

Taylan, Dolores R. et.al.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.K-12 Unang Edisyon.Rex Book Store.856 Nicanor Reyes, Sr. St.
Manila, Philippines. www.rexpublishing.com.ph

Unknown "Perspective."https://prezi.com/98spjg-yutzq/kahulugan-ng-pasalita/

Unknown "Perspective."https://brainly.ph/question/2180798

Unknown"Perspective."https://filipinotutorial.blogspot.com/2017/06/wastong-
gamit-ng-gitling.htm/?m=1

Unknown"Perspective."https://google.com/amp/s/usefilipinoeveryday.wordpress.c
om/2017/10/13/blog

Unknown"Perspective."https://images.app.goo.gl/2v3dZy8PmrJfgELj7

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like