You are on page 1of 26

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan –Modyul 6.1:
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino: Uri ng Komunikasyon, Kakayahang
Pragmatik at Istratedyik
(Unang Bahagi)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6.1: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Uri
ng Komunikasyon, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik (Unang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Grace B. Almario


Ko-Awtor - Editor : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagasuri : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagaguhit : Grace B. Almario
Ko-Awtor - Tagalapat : Grace B. Almario

Team Leaders:
School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD
LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
IkalawangMarkahan– Modyul 6.1:
Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino: Uri ng
Komunikasyon: Kakayahang
Pragmatik at Kakayahang
Istratedyik
(Unang Bahagi)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Mga
Uri ng Komunikasyon: Kakayahang Pragmatik at Kakayahang Istratedyik!

Ang pangunahing layunin sa paglikha ng modyul na ito ay itawid ang


edukasyon ng mga mag-aaral maging sa ganitong panahon ng pandemya.
Pinagsumikapang buoin, suriin, at idisenyo ang modyul na ito upang maging
epektibo at kahika-hikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan tungo sa
patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga kasanayan at kompetensi na batay sa
itinakdang pamatayan ng K to 12 na kurikulum.

Ang modyul ding ito ay nilikha upang makaagapay ang mga mag-aaral sa
kanilang angking kakayahan, bilis, oras, at kalagayan sa buhay habang
nagsusumikap na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo na tutugon sa
pagharap sa bagong kagawian ng buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Para sa guro, ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin na sugon
sa itinakdang konpetensi sa MELC- 2020. Matutunghayan sa modyul na ito ang
mga paunang kasanayan sa pag-unawa sa wika at kulturang Pilipino na
layuning ihanda ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling
pananaliksik sa nabanggit na kasanayan.
Ito ay may anim na bahagi mula sa bahagi ng Alamin kung saan
matutunghayan ang mga layunin ng modyul na ito hanggang sa tayain na
susukat sa kanilang mga natutuhan.
Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglinang ng mga gawain para sa
mga mag-aaral ang manunulat upang mapanatili ang kapanabikan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul

ii
Para sa mag-aaral:

Masayang pagtangap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Uri ng Komunikasyon:
Kakayahang Pragmatik at Kakayahang Istratedyik!

“Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Isang kawikaang gabay ng lahat sa


pagkamit ng inaasam na katagumpayan mula sa pag-aaral, paghahanap-buhay, at
sa anomang hangaring ating pinapangarap. Ang sipag at tiyaga ng bawat mag-aaral
ang pangunahing sandata upang matutong magbasa, umunawa, mag-analisa, at
magtaya ng mga kaisipang natutuhan. Ang mga katangiang ito ang humuhubog sa
iyong isipan na lalo pang magsikhay na matutuhan ang mga kompetensi at
kasanayang akademiko na magpapayaman ng iyong kaalaman at buong pagkatao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang ikaw ay wala sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
iyong pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Pinagyamang Pluma ….
Sanggunian Sining at Komunikasyon……
Komunikasyong Global

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan ang lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro numerong ibinigay niya sa
iyo. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid, o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Aralin NG MGA PILIPINO: URI NG

1 KOMUNIKASYON: KAKAYAHANG
PRAGMATIK AT KAKAYAHANG
ISTRATEDYIK

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang
mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino kaya’t
matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan tulad ng malalim
na pag-unawa sa iyong wika at kultura bilang kabataang Pilipino bilang paghahanda
tungo sa pagbuo mo ng iyong ninanais na Pananaliksik sa Wika at Kultura.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at


paraan ng pagsasalita (F11WG– IIf– 88)

1
Subukin
Pagtapat tapatin. Isulat ang titik lamang bilang sagot sa bawat patlang.

A B

_____1.galaw ng katawan A. katahimikan

_____2. ekspresyon ng mukha B. Paralanguage

_____3. galaw ng mata C. Haptics

_____4. oras D. Chronemics

_____5. gamit ng oras E. Proksemika

_____6.pandama/paghawak F. Oculesics

_____7.tono/tinig G. Pictics

_____8.kawalan ng kibo H. Kinesika

_____9.sa sadya o intensyunal na papel I. Perlokusyunaryo

____10. Anyo ng lingguwistik M. Ilokusyunaryo

____11.Ekspresyon ng mukha N. Lokusyunaryo

____12. Aksyon, paggalaw, gawain O. Berbal

____13. Paggamit ng simbolo P. Pragmatik

____14. Paggamit ng tinig/salita Q. Istratedyik

____15. Paggmit ng estratehiya sa paggawa R. Di-berbal

ng isang bagay

2
Pagganyak

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa tulong ng dalawa hanggang


tatlong pangungusap lamang. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na
papel.

1. Naranasan mo na bang magtampo sa iyong matalik na kaibigan? Paano mo


ito ipinabatid sa kaniya? Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsasabi o sa
iyong mga aksyon lamang?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Nakakasakay ka ba sa mga biruan? Paano mo nalalamang biro lamang ang


sinasabi ng iyong kausap?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anomang pagkakataon sa iyong buhay


mag-aaral? Paano mo ito ginagawa?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
Tuklasin

Mga Tala para sa mag-aaral


Sa bahaging ito ng modyul iyong mababatid ang pag-unlad
ng wikang pambansa. Basahin at unawaing mabuti.

Sa iyong pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan mo ang intensiyon ng


nagsasalita dahil mahuhulaan mo ang mensahe nito. Mahalagang magkaroon ka ng
kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo nang pakikipagtalastasan
sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at kahulugan nito.

Hindi lamang ang iyong kakayahan sa kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng


mga pangungusap batay sa itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang
mag-aaral ng wika na katulad mo. Mahalaga ring matutuhan mo ang kasanayang
sa pagtukoy sa mga pakiusap,magalang na pagtugon sa mga papuri o
paumanhin,pagkilala sa mga biro,at sa pagpapadaloy ng mga usapan.
Samakatuwid, kailangang matukoy ng mo ang maraming kahulugan na maaaring
dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.

4
Suriin

PRAGMATIKA

Ito ay isang bahagi ng larangan ng linggwistika na kung saan pinag-aaralan ang mga
pamamaraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng
kahulugan ng salita o wika. Itinuturing din itong isang sangay ng semantika na
mismong nag-aaral ng kahulugan ng wika.

Tumatalakay ang semantika sa ugnayan ng ipinapakitang mga senyales o


pamamaraan ng pagpapahayag at maging ng taong gumagamit nito.

Maituturing na may kakayahang pragmatik ang isang tao kung siya ay may
kakayahang unawain at intindihin ang isang mensaheng sinabi at di sinabi batay sa
isinasakilos ng taong kianakausap o kausap. Natutukoy din niya ang kaugnayan ng
mga salita sa kanilang kahulugan batay sa gamit at maging sa konteksto nito.

Ang pragmatiko ay tumutukoy din sa isang pag-aaral kung paanong nabibigyang


impluwensiya ng konteksto ang pamamaraan ng pagpapahatid ng mensahe o
impormasyon sa tulong ng mga sentens o pangungusap. Sa madaling salita ito ay
pag-aaral ng isang aktwal na pagsasalita.

Hindi lamang sapat na magkaroon ng kaalaman sa bokabularyo at maging sa pagbuo


ng mga pangungusap batay sa itinatakda ng gramatika ang pinakamahalaga sa
isang taong nag-aaral ng wika. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng kabatiran at
kasanayan sa pagtukoy ng mga pakiusap,magalang na pagtugon sa mga papuri o
maging sa paumanhin,pagkilala sa mga biro at pagpapadaloy ng kakayahan sa
pakikipag-usap.Samakatuwid kinakailangang matukoy ng isang tao ang iba’t ibang
kahulugan na maaaring dinadala ng pahayag na nakabatay sa iba’t ibang sitwasyon.

Nais itampok sa araling ito ang kakayahang pragmatiko na kung saan nagiging
mabisang nagagamit ng yaman ng ating wika sa pagpapahayag ng intensiyon maging
ng pagpapakahulugan ng naaayon sa konteksto ng usapan maging pagtukoy sa
ipinahihiwatig ng sinasabi,di-sinasabi maging ng isinasakilos ng isang tao.

Kaugnay ng paglinang ng kakayahang ito ang konsepto ng speech act na


nangangahulugang pagsasagawa ng mga bagay gamit ang salita. Kabilang sa mga
halimbawa nito ay pakikipag-usap, pagtanggi, pagpapaumanhin, at iba pa.

5
3 SANGKAP NG SPEECH ACT

SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA


Sadya o intensyunal na
Ilokusyunaryo papel Pakiusap, utos, pangako

Lokusyunaryo Anyong lingguwistiko Patanong, pasalaysay

Pagtugon sa paghiling,
Perlokusyunaryo Epekto sa tagapakinig
pagbibigay atensyon

Halimbawa

Kostomer sa weyter:

Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?

Ilokusyunaryo : paghiling na madalhan siya ng tubig

Lokusyunaryo : patanong

Perlokusyunaryo : pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan

BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Kinesika : Pag-aaral sa kilos o galaw ng katawan

Pictics : Pag-aaral sa ekspresyon ng mukha

Oculesics : Pag-aaral sa galaw ng mata

Proksemika : Tumutukoy sa oras

Chronemics : Pag-aaral sa gamit ng oras

Haptics : Pandama o paghawak

Paralanguage : Tono o tinig

Katahimikan : Kawalan ng kibo

6
ANG KAGAWIANG PANGKOMUNIKASYONG NG MGA PILIPINO

Salitang may kaugnay ng pahiwatig (Manggay 2012)

1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o


pagpupuntirya.

a. Pahaging sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw na mensahe lamang


sa paligid.

b. Padaplis sadyang lihis sa layunin na kung saan pinatamaan lamang


nang bahagya ang kinauukulan nito.

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ng mga
taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan

a. Parinig dito naipaparating ang naisasaloob sa sinumang nakikinig na tao


sa paligid hindi direkta sa mismong kausap.

b. Pasaring maaaring ito ay berbal o di-berbal na paghahatid ng puna, paratang


o iba pang mensaheng maaaring nakasasakit sa mga nakaririnig
na maaaring labas sa usapan.

3. Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama

a. Paramdam pagpapaabot ng tao o maging sa espiritu ng mga ipinahihiwatig


na nararamdaman tulad ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga
gamit at iba pa.

b. Papansin pagtawag o paghingi ng atensyon ang layunin ng mensaheng ito


sa pamamagitan ng sobrang pangungulit, pagtatampo at iba
pang mga gawain na nakatatawag ng pansin.

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay


napatatamaan siya.

a. Sagasaan ito ang mga pahayag na lumalagpas sa hangganan ng pakikipag-


usap na kadalasan di sinasang-ayunan ng mga nakikinig bilang
isang paalala na maaaring ito ay makasakit.

b. Paandaran ito ay kadalasang nagbibigay pokus at umiikot sa iisang paksa


na hindi direktang maipahayag ngunit paulit-ulit na binabanggit
kung may pagkakataom at madalas na kinaiinisan ng mga
nakikinig.

7
Narito sa ibabang bahagi ang isang conceptual framework na makatutulong sa iyo
upang higit mong maunawaan ang araling tinalakay.

PRAGMATIKS

“PRAMA”

Aksyon, paggalaw, galaw, gawain, gawa

Kahalagahan ng Pagsasagawa ng pag-aaral


Ito ay relasyon ng wika sa pamamaraan kung
maunawaan ang intensiyon
at kung paano ito paano naiimpluwensyahan
ng taong nagsasalita upang
nagamit ng konteksto ang paraan ng
mahulaan ng tagapakinig
ang mensaheng nais niyang paglalahad ng mga
iparataing impormasyon ng mga
pangungusap

Sinasaklaw nito ang


Pagbibigay halaga sa
paggamit ng wika sa isang
mga pang-araw-araw
sitwasyon at pamamaraan Pagsasagawa ng mga pag-
na komunikasyong
paano maintindihan ang aaral hinggil sa aktwal na
ating ipinapahayag
mga partikular na pagsasalita sa iba’t ibang
binabanggit sa iba’t ibang konteksto
onteksto ng isang lipunan

Nagiging intrumento ito sap ag-aaral ng komunikasyon at


marahil hindi magiging kompleto ang isang komunikasyon kung
wala ang pragmatiks at maging ng mga sangay nito. Maaaring
isagawa ito sa mga gawaing pangwika at sa isang makatwirang
pagpapaliwanag tungkol sap ag-uugali ng isang tao

8
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK

Ang kakayahang istratedyik ay tumutukoy sa paggamit ng strategy kung paano


maisasagawa ang isang bagay o upang mapunan ang kaalaman sa tuntunin sa wika.
Ito rin ay nagsasabi na walang perpektong kaalaman ang nagsasalita sa kanyang
wika at nagkakamali minsan ngunit hindi kinakikitaan ng pag-aalala dahil alam niya
kung paano ang gagawin gamit ang mga estratehiyang estratedyik.

Ang kakayahang ito ay nagsasabi na walang perpektong kaalaman ang nagsasalita


sa kanyang wika at nagkakamali minsan nang hindi man nag-aalala.

Mga Karaniwang tanong sa kakayahang istratedyik


1. Kung hindi mo maisip ang sasabihing salita sa pahayag, ano ang ginagawa mo
upang maging bukas ang usapan?

2. Paano mo malalaman na hindi naunawaan o nabigyan ng ibang kahulugan ang


nais mong sabihin?

3. Paano maipapahayag ang ideya ko sa bagay na hindi ko alam ang pangngalan o


pandiwang gagamitin?

Mga Estratehiyang Estratedyik

Panghihiram - Nanghihiram ang tao ng mga salita o wika upang punan ang salitang
di maipahayag.

Muling Pagkakahulugan o Paraphrase - Isinasaayos muli ang porma ng


pangungusap o nagpapalit ng tamang salita para mas maihayag ng ayos ang nais
sabihin.

Sirkumlokusyon - Gumagamit ng mga salitang maglalarawan o tutukoy sa isang


layunin o aksyon.

Pagtatransfer - Gumagamit ng katutubong wika sa pagsasalita.

9
Pagyamanin

Gawain 1.

Bilang una mong pagsasanay, tukuyin kung anong di-berbal na komunikasyon ang
ipinahihiwatig ng mga sumusunod:

1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol

2. Hindi pagtugon sa isang text message

3. Galaw ng guro habang nagpapaliwanag sa aralin

4. Pagtabi sa kaibigan

5. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa

6. Pasigaw na pananalita

7. Naghihingalong tinig

8. Pagpisil sa mukha ng kapatid

9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman

10. Malalim na pagbubugtong-hininga

Gawain 2.

Maglahad ng tig-dalawang halimbawa ng uri ng pragmatic.

1. Kinesika

2. Proksemika

3. Pandama

4. Paralanguage

5. Katahimikan

6. Kapaligiran

10
Gawain 3.

Basahin at unawain ang nilalaman ng maikling kwento. Pagkatapos iyong sagutin


ang mga katanungan na nakatala sa ibabang bahagi nito. Isulat mo ang lahat ng
iyong kasagutan sa isang malinis na buong papel.

Iyang Pagsakay ng Bus

Minsan dumalaw ako sa aking kaibigang naninirahan sa Balanga City, Bataan.


Papauwi, sakay ng isang ordinaryong bus, nakatabi ko ang isang may-edad na
lalaking nakasuot ng isang puting polong nakatuck-in sa kanyang pantalon.
Magalang ang kanyang anyo at hindi naman amoy-alak. Pero, pawisang-pawisan
siya at paulit-ulit na pinupunasan ang mukha at buong ulo. Hawak niya ang isang
panyong parang maliit na bola sa pagkakabilot at mapipiga na sa pagkabasa.

Nagkataon, bago ko ito napansin ay nakabili ako ng mga bilugang puting basahan
sa isang tinderong umakyat sa bus.Unang bumili ang konduktor at nakigaya na rin
ako sa kanya.Walang imik din niya itong tinanggap at marahang pinunasang muli
ang kanyang mukha at batok.Maya-maya, bigla niyang dinukwang ang basurahang
plastic sa tabi ng driver at sumuka rito. Lumaganap ang maasim-asim na amoy sa
loob ng bus. Mabilis umarangkada ang aming sinasakyan na noong una ay pahintu-
hinto pa sa pagpulot ng mga pasahero.

Tanong:

1. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na kilos:

a. Paulit-ulit na pagpupunas ng mukha at buong ulo ng lalaki.

b. Paglabas ng basahan ng mananaysay at walang kibong pag-abot nito sa lalaki.

c. Pagpapaarangkada ng drayber sa bus.

2. Ano kaya ang maaaring ginawa o sinabi ng mananaysay nang sumuka ang
lalaking katabi sa bus?

3. Paano mo ilalarawan ang katangian ng mananaysay? Ipaliwanag.

11
Isaisip

Gawain 1.

Panuto: Gumuhit ng tig-5 mga simbolo na ginagamit sa mga sumusunod na lugar.


Pagkatapos ng simbolo tukuyin ang kahulugan nito.

Halimbawa:

Bawal Pumarada

1. Simbolo na nakikita sa paaralan

2. Simbolo na madalas makita sa kalsada


3. Simbolo sa mga ahensya ng gobyerno

Gawain 2;

Panuto: Itala ang kahulugan ng mga sumusunod na kulay ayon sa iba’t ibang
sitwasyon/pangyayari sa ating lipunan.

1. pula :____________________________________________________________________

2. puti :____________________________________________________________________
3. dilaw :____________________________________________________________________

4. berde :____________________________________________________________________

5. asul :____________________________________________________________________
6. itim :____________________________________________________________________

Isagawa

Estratehiyang 3-2-1 ( Three-Two-One )


Bilang paglalagom sa aralin ikaw ay inatasang bumuo ng

3 susi ng katawagang natutuhan sa aralin

2 kaisipang iyong nalaman


1 kakayahan o kaisipang sa tingin mo ay kabisado mo na

12
Tayain

Basahin at Unawain. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat lamang ang titik ng
wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang uri ng komunikasyon na gumagamit ng wika o salita upang maipahayag


ang mensahe.

A. Berbal C. Di-Berbal
B. Heptics D. Proksemiks

2. Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata.

A. Kinesics C. Oculesics
B. Vocalics D.Heptics

3. Ano ang pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa


pagsasalita? Tinutukoy nito ang tono, lakas, bilis o bagal ng pagsasalita.

A. Chronemics C. Vocalics
B. Heptics D. Proksemiks

4. Ito ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha ng tao upang maunawaan ang


mensahe ng tagapaghatid.

A. Kinesics C. Pictics
B. Oculesics D. Proksemiks

5. Ang komunikasyon ay pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng


pagsasalita lamang.

A. Tama C. A at B
B. Mali D. Wala sa nabanggit

6. Kung ang isang tao ay may kakayahang _______ natutukoy nito ang kahulugan ng
mensahe batay sa konteksto at ikinikilos ng tao.

A. Stratedyik C. Pragmatik at Stratedyik


B. Pragmatik D. Wala sa nabanggit

7. Ito ang kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na hudyat upang maipabatid
nang mas malinaw ang mensahe

A. Stratedyik C. Pragmatik at Stratedyik


B. Pragmatik D. Wala sa nabanggit

13
8. Alin ang naiiba?

A. Kumpas ng kamay C. Salitang ginamit sa pangungusap


B. Tinig ng boses D. Ekspresyon ng mukha

9. Mahalaga ang pragmatic sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan. Nililinaw


nito ang relasyon sa pagitan ng mensahe na nagpapahatid ng kahulugan nito.

A. Tama C. A at B
B. Mali D. Wala sa nabanggit

10. Ang pagpapalit ng berbal sa di-berbal ay halimbawa ng kakayahang_____.


(Halimbawa: pagturo sa direksiyon sa halip na pagsabi ng “doon”)

A. Istratedyik C. A at B
B. Pragmatik D. Wala sa nabanggit

B. Tukuyin ang ibig pahiwatig ng mga sumusunod na larawan. Isulat ito sa iyong
sagutang papel

11. 14.

12. 15.

13.

https://agilathala.wordpress.com/2016/09/13/kakayahang-istratedyik/

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Patunayan kung paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa


ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Maglahad ng mga halimbawang sitwasyon
bilang patunay ng iyong kasagutan.

1 Simbolo

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Ekspreyon ng mukha

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Galaw at Kumpas

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Espasyo

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Tinig

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

15
16
Pagyamanin Subukin
Gawain 1 1. h
✓ Guro ang 2. g
magbibigay ng
pagpupuntos. 3. f
4. e
Gawain 2 5. d
✓ Guro ang 6. c
magbibigay ng
pagpupuntos. 7.b
8. a
Gawain 3
9. n
✓ Guro ang
magbibigay ng 10.m
pagpupuntos. 11.i
12.p
13.r
Balikan /Pagganyak
14.o
✓ Guro ang
15.q
magbibigay ng
pagpupuntos. .
Susi sa Pagwawasto
17
Karagdagang Gawain
Gawain 1
Tayain ✓ Guro ang
magbibigay ng
1. d pagpupuntos.
2. a
3. d
4. c Isagawa
5. a Gawain 1
6. b ✓ Guro ang
magbibigay ng
7. d
pagpupuntos.
8. c
9. c
10. a Isaisip
11. a Gawain 1
12.a ✓ Guro ang
13.c
magbibigay ng
pagpupuntos.
14.b
Gawain 2
15. a
✓ Guro ang
magbibigay ng
pagpupuntos.
Sanggunian

Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (2017) Phoenix
Publishing House, INC.

Roberto DL. Ampil PhD., et al. Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global


(2010) UST Publishing House. Manila, Philippines

Alcomtiser P. Tumangan et al., Sining ng Pakikipagtalastasan. (2000) Mutya


Publishing House Inc.

Jose A. Arrogante et al. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (2009)


National Book Store. Mandaluyong City 1550.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like