You are on page 1of 1

MONOLINGGUWALISMO

- Ay isang kaparaanan at pagbabagong penomenang pangwika na puspusang

tinatalakay ng mga sosyolinggwistiks, sa madaling sabi, layunin ng

monolinggwalismo na ipatupad ang iisang wika sa isang bansa katulad ng

mahigpit na paggamit ng Pransya ng Wikang French.

Mga Bansang Monolinggwal

-Pransiya sa Wikang French -Inglatera sa Wikang Ingles

-Hapon sa Wikang Hapones -Korea sa Wikang Koreano

BILINGGUWALISMO

Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong

makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang

buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang

magkaibang wika o kaya naman ay ang politikal o institusyonal na pagkilala sa

dalawang wika.

MULTILINGGUWALISMO

Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang

indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng

lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na

sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon.

Ang UNANG WIKA na kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong

wika (mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula

pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at

nagagamit ng tao ang nasabing wika.

You might also like