You are on page 1of 1

Bakit mahalaga ang wika?

Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan,


mabuting pakikipagkapwa-tao at kapayapaan? Isang mabisang tulay- iyan ang pagpapakahulugan ko sa
salitang wika. Ito ay napakahalaga sapagkat ginagamit ito sa lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan at
nagagamit ito sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pangrelihiyon, pangekonomiya, pang
edukasyon, pampulitika at panlipunan. Sa ating pangaraw-araw na pagharap sa buhay, nakikisalamuha
tayo sa iba kaya’t ganito na lamang kahalaga ang wika sa isang mabisang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng ating saloobin at kaisipan. Nagkakaroon ng
pagkakaintindihan dahil sa mainam na komunikasyon at sa ating pagsanay sa pakikipag-usap,
nahuhubog din ang ating pagkatao, hindi lang ang gramatika. Nagiging instrumento ng mabuting
pakikipagkapwa-tao ang wika sapagkat sa ating pagsasalita, naihahatid ang tunay na diwa ng tao
patungo sa isa’t-isa, at pagbuklod-buklod ng iisang lengguwahe ang kabutihan at kagandahang-loob.

Nagiging instrumento ang wika sa mabisang komunikasyon sa pamamagitan


ng paggamit natin nito, dahil ang wika ang nagsisilbing tulay sa bawat isa
para magkaroon ng maayos at mabisang komunikasyon. Dahil sa wika
nagiging payapa ang ating ugnayan, sabi nga ng iba dahil sa wika nagiging
organisado tayo. Ang wika rin ay isang tulay para sa mabuting
pakikipagkapwa tao, nakadepende na lamang ito sa atin kung paano tayo
makikisama o makikitungo sa kapwa natin, dahil mahalaga rin ang maayos na
pagpili sa mga salitang binibitawan natin natin, dahil ang maayos na salita at
malakas na komunikasyon ang susi para sa mabuting pakikipagkapwa tao.
Ano na lamang ang mangyayari sa atin kung wala tayong wika na ginagamit,
siguro ang gulo na ngayon ng ating mundo, kaya mas lalo pang paigtingin ang
paggamit nito dahil ang maayos na paggamit ng wika ang susi para sa mas
maayos na mundo

You might also like