You are on page 1of 31

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan –Modyul 6.2:
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino: Kakayahang Diskorsal at Anim na
Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang
Komunikatibo
(Ikalawang Bahagi)
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6.2: Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa
Pagtataya ng Kakayahang Komunikatibo (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Grace B. Almario


Ko-Awtor - Editor : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagasuri : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagaguhit : Grace B. Almario
Ko-Awtor - Tagalapat : Grace B. Almario

Team Leaders:
School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD
LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
IkalawangMarkahan– Modyul 6.2:
Kakayahang Pangkomunikatibo
ng mga Pilipino:Kakayahang
Diskorsal at Anim na
Pamamaraan sa Pagtataya ng
Kakayahang Pangkomunikatibo
(Ikalawang Bahagi)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino:
Kakayahang Diskorsal at Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang
Pangkomunikatibo!

Ang pangunahing layunin sa paglikha ng modyul na ito ay itawid ang


edukasyon ng mga mag-aaral maging sa ganitong panahon ng pandemya.
Pinagsumikapang buoin, suriin, at idisenyo ang modyul na ito upang maging
epektibo at kahika-hikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan tungo sa
patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga kasanayan at kompetensi na batay sa
itinakdang pamatayan ng K to 12 na kurikulum.

Ang modyul ding ito ay nilikha upang makaagapay ang mga mag-aaral sa
kanilang angking kakayahan, bilis, oras, at kalagayan sa buhay habang
nagsusumikap na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo na tutugon sa
pagharap sa bagong kagawian ng buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Para sa guro, ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin na sugon
sa itinakdang konpetensi sa MELC- 2020. Matutunghayan sa modyul na ito ang
mga paunang kasanayan sa pag-unawa sa wika at kulturang Pilipino na
layuning ihanda ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling
pananaliksik sa nabanggit na kasanayan.
Ito ay may anim na bahagi mula sa bahagi ng Alamin kung saan
matutunghayan ang mga layunin ng modyul na ito hanggang sa tayain na
susukat sa kanilang mga natutuhan.
Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglinang ng mga gawain para sa
mga mag-aaral ang manunulat upang mapanatili ang kapanabikan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul

ii
Para sa mag-aaral:

Masayang pagtangap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino: Kakayahang Diskorsal at Anim
na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo!

“Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Isang kawikaang gabay ng lahat sa


pagkamit ng inaasam na katagumpayan mula sa pag-aaral, paghahanap-buhay, at
sa anomang hangaring ating pinapangarap. Ang sipag at tiyaga ng bawat mag-aaral
ang pangunahing sandata upang matutong magbasa, umunawa, mag-analisa, at
magtaya ng mga kaisipang natutuhan. Ang mga katangiang ito ang humuhubog sa
iyong isipan na lalo pang magsikhay na matutuhan ang mga kompetensi at
kasanayang akademiko na magpapayaman ng iyong kaalaman at buong pagkatao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang ikaw ay wala sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
iyong pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Pinagyamang Pluma ….
Sanggunian Sining at Komunikasyon……
Komunikasyong Global

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan ang lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro numerong ibinigay niya sa
iyo. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid, o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Aralin NG MGA PILIPINO: KAKAYAHANG

1 DISKORSAL AT ANIM NA PAMAMARAAN


SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang
mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino kaya’t
matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan tulad ng malalim
na pag-unawa sa iyong wika at kultura bilang kabataang Pilipino bilang paghahanda
tungo sa pagbuo mo ng iyong ninanais na Pananaliksik sa Wika at Kultura.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit


ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas (F11EP– IIf– 34)

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng wastong sagot
sa loob ng kahon. Isulat ito sa isang malinis na sagutang papel.

A. Interpersonal B. Panggrupo C.Pang-organisasyon D.Pangmasa E.Interkultural

1. Usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa.

2. Ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat.

3. Ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan.

4. Kinabibilangan ng malalaking grupo.

5. Ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat.

A. Paglalarawan B.Pagsasalaysay C.Paglalahad D. Pangangatwiran

6. Nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na


magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagigingmalikhain.

7. Nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan
mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.

8. Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o


kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang
tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang
maipabatid ito sa ibang tao.

9. Sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling imbensyon


kung ang nakabasa ay isang imbentor, pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman
ay isang guro at marami pang iba.

10. Isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa


10.

ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.

2
11. Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o
kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang
isang tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang
maipabatid ito sa ibang tao.

12. Ang tagahatid at tagatanggap ay dalawang magkaibang nilalang na may iba’t ibang
takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap
kaya mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.

13. Ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil
na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay
maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa
pagtanggap ng kinakausap.

14. Bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot,
dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan
sa katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa.

15. Ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto
dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae
o panlalake.

3
Pagganyak
Ibigay ang denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan sa mga sumusunod na
salita. Isulat ang iyong sagot sa patlang

1. Litrato ng puso

Denotasyon: ______________________________________________________________

Konotasyon: _______________________________________________________________

2. Takip-silim

Denotasyon: ______________________________________________________________

Konotasyon: _______________________________________________________________

3. Magkasiklop na kamay

Denotasyon: ______________________________________________________________

Konotasyon: _______________________________________________________________

4. Anghel

Denotasyon: ______________________________________________________________

Konotasyon: _______________________________________________________________

5. Di-makabasag pinggan

Denotasyon: ______________________________________________________________

Konotasyon: _______________________________________________________________

4
Tuklasin

Mga Tala para sa mag-aaral


Sa bahaging ito ng modyul iyong mababatid ang pag-unlad
ng wikang pambansa. Basahin at unawaing mabuti.

Sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa isa sa dapat nating isaalang –alang


ay ang pagkakaroon ng kakayahang diskorsal.
Ang salitang diskurs ay mula sa wikang Latin na diskursus na
nangangahulugang “running to and from” na naiuugnay sa mga pasalita at pasulat na
komunikasyon.
Mapapansin hindi ito palaging maihihiwalay sa kahulugan ng komunikasyon
sapagkat kapwa ito tumutukoy sa proseso ng pag-uugnayan ng tagapaghatid at
tagatanggap ng mensahe.
Maaaring ang diskurso ay tumutukoy sa mga suliraning panlipunan na
nahihinggil sa lipunan at kultura. Ito rin ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng teksto
at lipunan.

5
Suriin

Diskurso

• Tumutukoy sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng


pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

• Ayon kay Webster (1974) isang salitang diskurso ay may iba’t ibang depinisyon. Ayon
sa kanya, ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon
ng isang paksa, pasalita man o pasulat tulad halimbawa ng disertasyon.

• Samakatuwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya


hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso ay sinonimus sa
komunikasyon.

Dalawang Anyo ng Diskurso

PASALITA

Karaniwang magkaharap ang participant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga


salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng
komunikasyon. Mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit
minsan ay naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at
maging sa taong kausap upang makamit ang layunin.

Halimbawa:

Paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas ng kamay, tinig, tindig at iba pang
salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe

Pasulat

Mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang


matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe
dahil maaaring maging iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat,
mayroon ding mga salik na dapat isaaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format,
uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at
mayroong ebidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng
gulo.

6
Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang
mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at
ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kaniyang
sinulat.

Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa
konteksto ng diskurso Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang
taongkasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na
pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng
komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

Dalawang Karaniwang Uri ng Kakayahang Diskorsal

Kakayahang Tekstuwal

Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya


ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon, at iba pang
pasulat na komunikasyon.

Kakayahang Retorikal

Tumutukoy sa kahusayan sa isang indibidwal na makibahagi sa kumbersyon. Ito ang


kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng pananaw at
opinyon.

Mga Konteksto na Lubos na Nakatutulong sa Pagdidiskurso

Kontekstong Sikolohikal

May kinalaman ito sa damdamin, katauhan, ugali at pananaw ng kausap. Ano ang
damdamin ng kausap? Paano siya nakikitungo sa kaniyang mga kausap? ANo ang
pananaw niya sa buhay?

Kontekstong Historikal

Upang maintindihan ang punto ng kanilang pinag-uusapan.May nakaraang ugnayan


ba ang nag-uusap? Ano ang nangyari bago ang usapan? May nauna ba silang pinag-
uusapan bago ang kasalukuyang pag-uusap?

Kontekstong Sosyal

Ito ay may kaugnayan sa gulang, katayuan at hangarin ng kausap. Kung bata ang
kausap, paano ang paggamit ng wika? Kung mas nakatataas ang posisyon n kausap,
ano ang uri ng mga salitang dapat gamitin? Ano ang hangarin o sa pakikipag-usap?

7
Kontekstong Kultural

May kaugnayan sa tradisyon, gawi, paniniwala at prinsipyo ng kausap. Sa anong


kultura napapabilang ang mga kalahok sa diskurso?

Dalawang Bagay na Dapat Isaalang-alang sa Kakayahang Diskorsal

Kohisyon

Ang kohisyon, ayon kina Halliday at Hassan (1976) ay tumutukoy sa ugnayan ng


kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ng mga pahayag kung ang
interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag.

Halimbawa:

Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah.Naging madalas na ang kanyang


pagdalo sa mga gawain sa komunidad.Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya
upang manguna sa mga gawain.

Masasabing may kohisyon ang mga ito sapagkat may mga elementong nag-uugnay sa
bawat pahayag. Tinatawag itong cohesive links. Sa halimbawang ito, ito ay ang mga
panghalip na ginagamit upang iugnay sa pangangalang Sarah (Sarah-kanyang (ng)-
niya).

Sa kabilang banda, maaari rin namang semantiko ang pag-uugnay.


Halimbawa:

Magara ang sasakyan. Politiko ang may-ari.

Kahit walang leksikal na kohisyon tulad nang sa una, may koneksyon pa rin ang
dalawang pahayag dahil sa relasyong semantiko ng mga ito. Ang pagiging politiko ng
may-ari ng sasakyan ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang makabili ng ganoong
klaseng sasakyan (magarang sasakayan). Tinatawag naman itong semantikong
kohisyon.

Kohirens

Tumutukoy naman sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya. Dapat


malaman ng isang naggdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal at
semantikong kohisyon ngunit walang kaisahan. Tunghayan ang isang halimbawa:
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang kanyang
pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya
upang manguna sa mga gawain. Si Sarah ay may asawa.

Kung tutuusin, may kaugnayang leksikal ang huling pahayag (Sarah-kanya(ng)-niya-


Sarah) sa lahat ng mga naunang pahayag dito, kung gayon ay kohisibo ito, subalit

8
wala itong kaisahan sa pinakatuon na mensahe ng pahayag-ang pagbabago sa
pakikitungo ni Sarah. Makikita kung gayon ang kawalan ng kohirens sa sitwasyong
ito.

Ang kohirens ay hindi talaga nag-eeksist sa wika kundi sa mga taong gumagamit nito
(Yule, 2003). Nakadepende ang pagkakaroon ng kaisahan sa mga pahayag sa
persepsyon ng nakikinig o bumabasa ng diskurso. Sa pagtinging ito, inaasahang ang
pagdidiskurso ay maging maingat sa pagtatatag ng malinaw na kaisahan ng
kahulugan ng bawat niyang pahayag sa isang sentral na ideyang tinatalakay sa
kanyang diskurso. Ito ay upang maging madali ang pagganap ng nakikinig o
bumabasa sa kahulugan ng mga pahayag nito at hindi magkaroon ng taliwas o ibang
persepsyon.

Konteksto ng Diskurso

Interpersonal

Ito ay tumutukoy sa usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa na


nabibilang sa isang partikular na kasarian.
Panggrupo

Ito ay tumutukoy sa usapan ng mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang
pangkat.

Pang-organisasyon

Ito ay tumutukoy sa usapan ng mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o


samahan.

Pangmasa

Usapan sa harap ng malaking grupo.


Interkultural

Usapan ng mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat.

Kognisyon

Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap.


Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap. Kailangan ng mataas
na lebel ng pag-unawa tungo sa higit na karunungan.

Uri ng Diskurso

Paglalarawan
Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdaman ng isang tao at

9
hayop. Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang
bumuo ng larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang
kanyang pagiging malikhain.

Pasalaysay
Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o
kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang
tao na isalaysay ang kanyang mga karanasan mabuti man o masama upang
maipabatid ito sa ibang tao. Sa pagsasalaysay, marapat lamang na maisaaalang-alang
ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa
pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o
tagapakinig.

Paglalahad

Diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa isang
maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at
dagdag na kaalaman ng ibang tao.Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na
makabuo ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor,
pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman ay isang guro at marami pang iba. Upang
makapagbigay ng epektibong paglalahad dapat maibigayng mabuti ang kahulugan ng
iyong inilalahad, maayos ang pag-iisa-isa ng impormasyon at maayos ang
pagkakasunod-sunod maaring gawing sikwensyal, kronolohikal at prosidyural
ang pagkakasunod-sunod ng iyong nilalahad.

Pangangatwiran

Isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa


ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento. Kailangan ang mapalawak na kaalaman
sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang kaisipan upang magamit s
a pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento. Halim
bawa nito ay ang pagtatalo o debate.

Salik na Nakakaapekto sa Daloy ng Diskurso

Paksa
Ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil
may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambabae o
panlalaki.

Layunin
Bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil
dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao,
makaimpluwensya, makabenta o iba pa.

10
Pagsasawika ng ideya
Ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring pamamaraan dahil na
rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika ay maisasagawa
ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap ng
kinakausap.

Tagatanggap
Ang tagahatid at tagatanggap ay dalawang magkaibang nilalang na may iba’t ibang
takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na
malinaw ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya
mahalagang isaalang-alang niya ang tagatanggap.

Layunin ng Diskurso

• Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay


maranasan din ang naranasan ng manunulat.
• Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
• Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
• Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig
upang makahikayat o makengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

Kahalagahan ng Diskurso

Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng


ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig at ng manunulat at mambabasa.

Sa pamamagitan ng diskurso nakapaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang


kapwa upang siya ay lubusang maunawaan.

Elemento ng Diskurso

Nilalaman

• May pabatid o mahalagang mensahe


• May mahalagang impormasyon
• May kaalamang mapapakinabangan
• Makalilibang

Pananalita

• Madaling maunawaan
• May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ng isang
pahayag
• Maraming gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan

11
Anim na Pamamaraan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Mayroong anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo sa


komunikasyon

Pakikibagay

• kakayahang sumali sa iba't ibang interaksiyong sosyal

• kakayahang magbago ang ugali upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan

Paglahok sa Pag-uusap

• ito ang kakayahang lumahok sa usapan at gamitin ang mga kaalaman sa


pakikipagtalastasan

• kakayahang tumugon at makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng iba

Pamamahala sa Pag-uusap

• pagkontrol sa daloy ng usapan

Pagkapukaw-damdamin

• ito ang kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao

Bisa

• kakayahang mag-isip kung ang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan

Kaangkupan

• pagtingin kung angkop sa sitwasyon, lugar, at taong kausap ang paksa

12
Pagyamanin

Gawain 1.
Lumikha ng isang komiks batay sa kasalukuyang pangyayari sa iyong kapaligiran.
Ilapat ang mga konteksto at uri ng diskurso na iyong natutuhan mula sa araling
tinalakay. Ang komiks ay isasagawa sa A4 coupon bond.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Organisado ang paghahanay ng kaisipan--------------4 puntos

Kaugnayan sa paksa---------------------------------------4 puntos

Pagkamalikhain--------------------------------- -----------2 puntos

KABUUAN---------------------------------------------------------10 PUNTOS

Gawain 2.

Magbigay ng sampung halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng uri ng diskorsal.


Halimbawa:

Ayon kay Pilandok, bakit hindi raw siya namatay gayong itinapon na siya sa dagat
habang nakakulong sa kulungang bakal? - Pagsasalaysay

1. ________________________________________________________________________________

2._________________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________________

4._________________________________________________________________________________

5._________________________________________________________________________________
6._________________________________________________________________________________

7._________________________________________________________________________________

8._________________________________________________________________________________
9._________________________________________________________________________________

10._______________________________________________________________________________

13
Isaisip

Basahin at unawain ang nilalaman ng artikulo. Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan na nasa ibabang bahagi. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na
papel.

Pangangalaga sa kalusugan ng iyong pag-iisip sa panahon ng pandemyang


Corona Virus (COVID-19)

Ang makaramdam ng pagkabalisa at pag-aalala ay normal na reaksyon sa isang hindi


pangkaraniwang pangyayari tulad ng pandemyang coronavirus (COVID-19). Tandaan
mo na hindi ka nag-iisa.

Para mapangalagaan ang kalusugan ng iyong pag-iisip sa panahong ito, narito ang
ilang mga bagay na maaari mong gawin.
• Panatilihin ang mabubuting gawi, pati na ang malusog na pagkain, ehersisyo at
pagtulog.

• Panatilihin ang koneksyon sa iyong mga mahal sa buhay. Kausapin sila tungkol sa
iyong mga alalahanin at pag-aalala sa telepono o sa pamamagitan ng online na
teknolohiya.

• Maging handa sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon kang sapat na pagkain, mga


suplay at mga gamot. Humingi ng tulong sa pagkuha ng mga bagay na ito kung
posible.

• Iwasan o bawasan ang pag-inom mo ng alak at paghithit ng sigarilyo.


• Kung sa tingin mo ay nababagabag ka sa mga pinakahuling balita, limitahan ang
iyong panonood at pakikinig sa isang beses o dalawang beses lang sa isang araw.
Gamitin ang mapagkakatiwalaan at kapani-paniwalang mga pagkukunan ng
impormasyon, sa halip na sa social media. Kung hindi mo ma-access ang internet,
pakiusapan ang isang kaibigan o kapamilya na basahin sa iyo o ipakita sa iyo ang
napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon.
• Para sa mga taong may inaalagaang kalusugang pang-kaisipan, patuloy na inumin
ang anumang iniresetang gamot at ipagpatuloy ang plano sa iyong paggamot.
Humingi ng propesyonal na suporta hangga’t maaga kung ikaw ay nahihirapan.

Pananatiling positibo bagama't ito ay panahon ng kawalang-katiyakan at ang ating


buhay ay nagbago sa loob ng maikling panahon, mahalagang tandaan na maraming
bagay ang ating magagawa upang mas bumuti ang ating pakiramdam. Tandaan na
ang mga pagbabagong ito at ang iyong pagsisikap ay tumutulong sa pagpapabagal
ng pagkalat ng coronavirus (COVID-19).

14
Tanong:

1. Anong uri ng diskurso ang ginamit sa pagsulat ng artikulo? Patunayan.


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Anong ang isyung panlipunan ang inilalahad sa artikulo?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. Epektibo ba ang pagkakalahad ng mga solusyon sa isyu o suliraning inilahad sa


artikulo? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Sang-ayon ka ba sa mga layunin at paninindigan ng awtor ng artikulo? Patunayan.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

15
Isagawa

Bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika
sa iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________

PAMANTAYAN NG PAGMAMARKA:
Organisasyon ng mga kaisipan-----------------------4 puntos

Nilalaman------------------------------------------------4 puntos
Kaugnayan sa paksa-----------------------------------2 puntos

KABUUAN---------------------------------------------------10 PUNTOS

16
Tayain

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong magbago ang pag-
uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

a. Kaangkupan c. Pamamahala sa Pag-uusap

b. Pakikibagay d. Pagkapukaw - damdamin

2. Ang pamantayang ito ay nagpapakita na kung ang isang tao ay may kakayahang
pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, lugar na
pinangyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

a. Bisa c. Pagalahok sa Pag-uusap

b.Pakikibagay d. Kaangkupan

3. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao.

a. Bisa c. Pagkapukaw -damdamin

b. Paglahok sa Pag-uusap d. Pamamahala sa Pag-uusap

4. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taon na gamitin
ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

a. Bisa c. Pagkapukaw - damdamin

b. Paglahok sa Pag-uusap d. Pamamahala sa Pag-uusap

17
5. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.

a. Kaangkupan c. Pamamahala sa Pag-uusap

b. Pakikibagay d. Pagkapukaw-damdamin

6. Saklaw ng kakayahang pangkomunikatibong ito ang pagkakaugnay ng serye ng


mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

a. Kakayahang Diskorsal c. Kakayahang Istratedyik

b. Kakayahang Pragmatik d. Kakayahang Sosyolingguwistiko

7. Dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal

a. kohesyon c. Kalinawan

b. Kohirens d. Pagpili ng mga salita

8. Kapag kinakausap ka ng iyong kaibigan tungkol sa kanyang problema,


sinusubukan mong ilagay ang iyong sarili sa sitwasyong pinagdaraanan niya
upang mas maintindihan mo siya.

a. Bisa c. Pagkapukaw-damdamin
b. Pakikibagay d. Kaangkupan

9. Masasabing ang isang may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag
ng may kaisahan at pagkaka-ugnay.

a. Tama c. Depende sa sitwasyon


b. Mali d. Wala sa Nabanggit

10. Ito ang pamantayang tumutukoy sa pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap.

a. Bisa c. Paglahok sa Pag-uusap


b. Kaaangkupan d. Pamamahala sa Pag-uusap

18
11. Diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at
hayop.

a. Paglalarawan c. Pangangatwiran

b. Paglalahad d. Pagsasalaysay

12. Isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa nakaraan o


kasalukuyang pangyayari.

a. Pasalaysay c. Paglalahad

b. Pangangatwiran d. Paglalarawan

13.Diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa isang
maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago
at dagdag na kaalaman ng ibang tao.

a. Pangangatwiran c. Paglalahad

b. Pagsasalaysay d. Paglalarawan

14. Isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o tagapakinig tungkol sa


ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento.

a. Pasalaysay c. Paglalarawan

b. Pangangatuwiran d. Paglalahad

15. May kinalaman ito sa damdamin, katauhan, ugali at pananaw ng kausap.

a. Kontekstong Sikolohikal c. Kontekstong Sosyal

b. Kontekstong Historikal d. Kontekstong Kultural

19
Karagdagang Gawain

# Journal Mo To!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nakalahad sa ibabang


bahagi. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong journal.

1 Bilang isang kabataan at mag-aaral, naisasaalang-alang mo ba sa iyong


pakikipagkomunikasyon, ang iyong mga natutuhan sa araling ito? Maglahad ng
mga sitwasyon.

2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahang diskorsal na iyong natutuhan


buhat sa aralin sa iyong pakikipagkomunikasyon?

G
_________________________________________________ G
T
_________________________________________________
_________________________________________________ T
E
_________________________________________________ E
C
_________________________________________________
_________________________________________________ C
H
_________________________________________________ H
_________________________________________________
_______________________.

20
21
Pagyamanin
Gawain 1
✓ Guro ang magbibigay ng pagpupuntos.
Gawain 2
✓ Guro ang magbibigay ng pagpupuntos.
Subukin
1. a
2. b
Balikan /Pagganyak 3. c
1. denotasyon: larawan ng puso 4. d
konotasyon: pag-ibig o pagmamahal 5. e
2. denotasyon: dapit-hapon, papalapit na ang gabi 6. a
konotasyon: nalalapit na pagpanaw ng isang tao 7. b
dahil sa katandaan
8. c
3. denotasyon: magkahawak ang kamay
9. c
konotasyon: taong may angking lakas
10.d
4. denotasyon: naglilingkod sa Diyos sa langit
11. c
konotasyon: mabait
12. d
5. denotasyon: hindi marunong magbasag ng
13. c
pinggan
14.c
konotasyon: tahimik/mahihin
15.b
Susi sa Pagwawasto
22
Tayain Karagdagang Gawain
1. b Gawain 1
2. d ✓ Guro ang
magbibigay ng
3. c pagpupuntos.
4. b
5. c
6. a
Isagawa
7. a at b
Gawain 1
8. c
✓ Guro ang
9. a
magbibigay ng
10. a pagpupuntos.
11. a
12.a
13.c
Isaisip
14.b
Gawain 1
15. a
✓ Guro ang
magbibigay ng
pagpupuntos.
Sanggunian

Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (2017) Phoenix
Publishing House, INC.

Roberto DL. Ampil PhD., et al. Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global (2010)
UST Publishing House. Manila, Philippines

Alcomtiser P. Tumangan et al., Sining ng Pakikipagtalastasan. (2000) Mutya


Publishing House Inc.

Jose A. Arrogante et al. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (2009)


National Book Store. Mandaluyong City 1550.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like