You are on page 1of 51

Yunit III

Ang May Kakayahang Komunikatibo, Panalo!


Kakayahang Lingguwistiko
Layunin ng Talakayan
 maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;

 matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at

 magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.


Daloy ng Talakayan

Kahulugan ng kakayahang lingguwistiko at kakayahang


komunikatibo; at

Kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino.


Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at
Kakayahan Komunikatibo
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng
isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap.

Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika


ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang
komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa
angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi
ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).
Kakayahang Lingguwistiko
sa Wikang Filipino
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino
ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at
reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga
ng pagbabago sa matandang balarila.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika
A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga nominal
a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,
pook, katangian, pangyayari, at iba pa
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa


pangkat ng mga salita
3. Mga panuring
a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan
at panghalip
b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri, at kapuwa pang-abay
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
B. Mga Salitang Pangkayarian:
1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay (halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit
b. b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan (halimbawa: na, -ng)
c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
(halimbawa: sa, ng)

2. Mga Pananda
3. a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip (halimbawa: si, ang, ang mga)
b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o
simuno at panaguri (halimbawa: ay)
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Ortograpiya ng Wikang Filipino

A.Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino


na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ
(enye) na tunog-Espanyol.

Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na


pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-
agham, at iba pa.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
B. Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa
paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na
saklaw ng panuntunang ito.
Halimbawa:
selfie
digital detox
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Pagpapalit ng D Tungo Sa R;
 Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang
sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na
W at Y
halimbawa:
malaya rin
mababaw raw

 Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang


salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D
kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa –ra, -ri, -raw, o –ray
halimbawa:
maaari din,
araw-araw daw
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Paggamit ng “Ng” At “Nang”
May limang tiyak na paggamit ng nang:
a. bilang kasingkahulugan ng noong
halimbawa:
“Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad
silang nagpatayo ng mga paaralan.”
b. bilang kasingkahulugan ng upang o para
halimbawa:
“Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”
c. katumbas ng pinagsamang na at ng
halimbawa:
“Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”
d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
halimbawa:
“Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”
e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita
halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.”
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Wastong Gamit ng Gitling (-)
a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi
halimbawa:
araw-araw gabi-gabi para-paraan
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya
halimbawa:
tik-tak brum-brum
c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig
halimbawa:
pag-aaral mag-asawa
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi
halimbawa:
pa-Marikina maka-Pilipino
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na Baybay
halimbawa:
mag-compute pa-encode
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang
Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas
halimbawa:
gab-i, mus-ing lab-ong
g. sa bagong tambalang salita
halimbawa:
lipat-bahay amoy-pawis
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika-
halimbawa:
ika-12 ng tanghali ika-23 ng Mayo

i. at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas-


halimbawa:
alas-2 ng hapon alas-dos ng hapon
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

i. sa kasunod ng “de”
halimbawa:
de-lata de-kolor
j. sa kasunod ng “di”
halimbawa:
di-mahawakan di-kalakihan
Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal (Celce-Murcia, Dornyei, at
Thurell (1995)
Sintaks ( pagsasama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan)
• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong,
pautos, padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan,
hugnayan, langkapan)
• Sintaks - Pangungusap
• Sintaks - kombinasyon nga mga salita upang makabuo ng
mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito
ay makabuo ng pangungusap. Ito ay may dalawang bahagi,
linear at hierarchical.

Pangungusap - ay ang kalipunan ng mga salitang


nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na
himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais
niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang
Ingles.
• Mga Bahagi ng Pangungusap

Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-


uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.
Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng
kilos ng pandiwa.

Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng


pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa
simuno.

Halimbawa: Siya ay maganda.


Siya - simuno
maganda - panaguri
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit

1. Pasalaysay (Declarative sentence) - o ang tinatawag din na paturol. Ito ay


pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).

2. Patanong (Interrogative sentence) - ito ay pangungusap na nagtatanong at


nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

3. Pautos (Imperative sentence) – kung ang pangungusap ay nag-uutos at Pakiusap


naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung
maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos
at pakiusap (.).

4. Padamdam (Exclamatory sentence) - ito ay pangungusap na nagsasaad ng


matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Mga Kayarian ng Pangungusap
Payak - ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na
makapag-iisa.
• Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang payak na
pangungusap

Hugnayan - Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa


at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na


makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap

- Payak na Simuno at Payak na Panaguri


Halimbawa: Si Lorna ay maganda.
• - Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa: Si Lorna at Maria ay magaganda.

- Payak na Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Si Lorna ay mabait at maganda.

- Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Si Lorna at Maria ay mababait at
magaganda.

- Isang sambita na may patapos na himig sa dulo


Halimbawa: Umuulan! ; Sunog!
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit

1. Pasalaysay (Declarative sentence) - o ang


tinatawag din na paturol. Ito ay pangungusap na
nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).

2. Patanong (Interrogative sentence) - ito ay


pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa
tandang pananong (?).
• 3. Pautos (Imperative sentence) – kung ang
pangungusap ay nag-uutos at Pakiusap naman kung
ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga
salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na
pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang
pautos at pakiusap (.).

4. Padamdam (Exclamatory sentence) - ito ay


pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Mga Kayarian ng Pangungusap
Payak - ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay
lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
• Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang payak na
pangungusap

Hugnayan - Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-


iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay


na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi
makapagiisa.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap

- Payak na Simuno at Payak na Panaguri


Halimbawa: Si Lorna ay maganda.

- Tambalang Simuno at Payak na Panaguri


Halimbawa: Si Lorna at Maria ay magaganda.

- Payak na Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Si Lorna ay mabait at maganda.

- Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri


Halimbawa: Si Lorna at Maria ay mababait at magaganda.

- Isang sambita na may patapos na himig sa dulo


Halimbawa: Umuulan! ; Sunog!
Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad
ng iba’t ibang bahagi ng pananalita)
Iba’t ibang bahagi ng pananalita
Prosesong derivational at inflectional
Pagbubuo ng salita
• MORPOHOLOHIYA • Ang makaagham
na pag-aaral ng mga morpema o
makabuluhang yunit ng mga salita.
• • Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga
salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema..
• • Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit
ng isang salita na may angking kahulugan.
Ito ay maaring panlapi o salitang ugat.
• Morpemang Ponema /a/ at /o/
• • Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian)
dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o
kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/
ay itinuturing na ponema. •
• Halimbawa : – Gobernador - Gobernadora –
Konsehal - Konsehala – Kapitan - Kapitana
– Abogado - Abogada
• Morpemang Salitang-Ugat • Ito ay uri
ng morpema na walang panlapi. Ito
ay ang payak na anyo ng isang salita.
• Halimbawa : • Indak, sayaw, sulat
• • Ganda, sipag, bata
• • Buti, payat, bunso
• Pagbabagong Morpoponemiko
- Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya
ng katabing ponemang (panlapi). Ang mga
nakaiimpluwensyang ponema ay maaring
yaong sinusundan ng morpema o yaong
sumusunod dito.
Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan
• Limang Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
• 1. Asimilasyon
• 2. Pagpapalit ng Ponema
• 3. Metatesis
• 4. Pagkakaltas ng Ponema
• 5. Paglilipat-diin
• Assimilasyon •
• Sakop ng uring ito ang ma
pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa
posisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod
nito.
• Uri ng Asimilasyon
• – Asimilasyong Parsyal o di ganap – pagbabago sa
unang morpema
• Halimbawa hal: pang + bansa = pambansa
• sing + bait = simbait
• mang + batas = mambabatas

• – Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa panlapi at


salitang ugat.
• Hal: mang + tahi = manahi
• pang + palo = pamalo
• pang + takot = panakot
• Pagpapalit ng Ponema
• • kapag ang (d) ay nasa pagitan ng
dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng
ponemang r.
• hal: ma + damot = maramot
• ma + dunong = marunong
Metatesis
• pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-
in / kapag ang kasunod na ponema ay
ang mga ponemang (l,y,o)
hal: lipadin –nilipad
yakapin -niyakap
Paglilipat-diin
• kapag ang salitang-ugat ay
nilalagyan ng panlapi, ito ay
nagbabago kapag ito'y
nilalapitan.
hal: laro + an = laruan
dugo + an = duguan
Pagkakaltas ng Ponema
• mayroong pagkakaltas o pagtatangal
ng ponema.
hal: takip + an = takpan
sara + han = sarhan
labahan = labhan
dalahin = dalhin
Leksikon (mga salita o bokabularyo)
Pagkilala sa mga
content words (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig
pang-ukol, pang-angkop)

Ponolohiya o Palatunugan

Segmental
katinig, patinig, tunog
Suprasegmental

diin, intonasyon, hinto


Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng
wika na nagbibigay kahulugan sa
pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng
pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay
tinatawag na PONOLOHIYA O
PALATUNUGAN.
Ang tawag sa tunog na may kahulugan
din pero pinakamaliit na bahagi ng wika
ay PONEMA
• 1. Ponemang segmental

• Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at


patinig.

• a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit


isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay
itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang
kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o
maragsa.

• b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa


ponemang katinig
Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/
at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon
• 2. Ponemang Suprasegmental
• Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o
bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.

• Halimbawa :
• sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
• -ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang
pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.

• Halimbawa:
• 1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
• 2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya
masasabing /LAmang/siya.
Mga Dapat Isaalang-alang sa
Epektibong Komunikasyon
• Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging
mabisa lamang ang kominikasyon kung ito ay
isinaayos at sa pagsasaayos ng komunikasyon, may
mga bagay na dapat isaalang-alang. Ginamit ni Dell
Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-
isahin ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.
S - (Setting) – ang lugar o pook kung saan
nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
Mahalagang salik ang lugar akung saan nag-
uusap ang mga tao. Katulad ng pananamit,
ikino-konsedera din natin ang lugar na
pinagyayarihan ng pakikipagtalastasan upang
maiangkop ang paraan ng ating pananalita.
• Halimbawa: kapag tayo ay manonood ng isang
pormal na palatuntunan, hindi tayo nakikipag-
usap sa iba na parang tayo ay nasa kalsada
laamng o nasa isang kasayahan.
• P – (Participant) - ang mga taong nakikipagtalastasan.
Isinasa-alang-alang din natin ang ating kausap upang pumili
ng paraan kung paano siya kakausapin.

• E – (Ends) – mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.


Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa
pakikipag-usap.

•A – (Act sequence) – ang takbo ng usapan. Bigyang-


pansin din ang takbo ng usapan.
• K – (Keys) – tono ng pakikipag-usap.
Katulad ng setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan. Kung
ito ba ay pormal o di pormal.

• I – (Instrumentalities) – tsanel o midyum na


ginagamit, pasalita man o pasulat. Iniaangkop
natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ang
sasabihin natin at kung saan natin ito
sasabihin.
• N – (Norms) – paksa ng usapan. Mahalagang
alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga
sensitibong bagay na kung minsan ay limitado
lamang ang ating kaalaman.

• G – (Genre) – diskursong ginagamit, kung


nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran.

Binuo ni Dell Hymes ang modelong ito upang itaguyod ang


pagsusuri ng diskurso bilang serye ng usapan sa isang
kontekstong kultural.

You might also like