You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

GABAY PARA SA HOME LEARNING FACILITATOR

Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Most Essential Learning Competencies:

1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-


Ia-1.1) Unang Markahan
2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng MELC 1, Week 1
mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-
1.2)

Module Title: Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

Mga Layunin:

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa sa mga sumusunod na aspeto:

a. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng kilos-loob sa angkop na sitwasyon.


b. Nasusuri kung ginamit ng tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito.
c. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanang
maglingkod at magmahal.

Mga Kagamitang Kakailanganin: Dates Covered: Isang Linggo (2 araw)

 Intermediate paper o kahit


Unang Araw Ikalawang Araw
anong malinis na
sagutang papel  Alamin ● Suriin  Isaisip
 lapis at ballpen  Subukin ● Pagyamanin  Isagawa
 Journal Notebook  Balikan  Tayahin
(kwaderno)  Tuklasin  Karagdagang Gawain

Pamamaraan:

 Alamin (pp. 1)
 Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng pagsasagawa ng module. Makikia rin dito ang Most
Essential Learning Competency na ginamit bilang batayan sa pagbuo ng kagamitang ito. Dito
rin mababasa ang saklaw at nilalaman ng aralin, kasama ang mga inaasahang layunin na
maabot ng mag-aaral sa pagtatapos ng paggamit ng module. Ipabasa at ipaunawa sa mag-

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

aaral ang nilalaman ng bahaging ito.

 Subukin (pp. 2-4)


 Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong tukuyin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa
paksang aaralin habang hindi pa nagsisimula ang kaniyang paglalakbay sa kabuuan ng aralin.
 Basahin ang panuto at ipaunawa sa mag-aaral ang kahalagahan ng gawaing ito. Para sa
unang bahagi, tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI.
 Para sa ikalawang bahagi (Matching Type), ipaunawa sa mga mag-aaral ang pahayag sa
HANAY A at piliin ang titik ng tamang sagot sa HANAY B.
 Para sa ikatlong bahagi (Multiple Choice), piliin ang TITIK ng tamang sagot.
 Ipasulat ang sagot sa isang buong papel o sa Journal notebook.

 Balikan (pp. 4)
 Ito ang bahagi ng modyul na susukat at magpapatibay sa nakalipas na aralin.
 Hayaan na ma alala ng mag-aaral ang mga natutunan nung siya ay nasa Baitang 7 tungkol sa
nagpapabukod tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng
pagkakalikha sa kaniya bilang tao.
 Pagkatapos balikan ang mga natutunan sa Baitang 7. Sagutin ang Gawain na may kinalaman
sa nilikhang may buhay sa mundo. Ipasulat sa sagutang papel o journal notebook ang
dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nilalang na may buhay (halaman, hayop,
tao). Gamitin ang pormat na nasa modyul.

 Tuklasin (pp. 5-6)


 Sa bahaging ito ng modyul ay tutuklasin ng mag-aaral ang mga pagbabago na maaraing
mangyari o nangyayari sa kanila ngayon.
 Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain 1: Pagsusuri sa Larawan, at ipabasa ang panuto: Tignan at
suriin ang larawan. Unawain at sagutan ang mga katanungan tungkol sa larawan. Ang kanilang
sagot ay iisulat sa sagutang papel o intermediate paper o journal notebook.
 Sa Gawain 2: Pagsusuri sa Sitwasyon, ipabasa at pag-aralan ang mga sitwasyon na nasa
modyul. Ipagpalagay na ikaw ay isa sa tauhan sa sitwasyon at sagutin ang mga katanungang:
Ano ang gagawin mo sa pangyayari?
 Ipalagay ang sagot sa sagutang papel o sa kanyang journal notebook.
 Gawing batayan sa paggawa ng Gawain 1 at Gawain 2 ang “PAMANTAYAN SA
PAGWAWASTO” na siyang gagamitin ng guro sa pag mamarka ng awtput ng mag-aaral.

 Suriin (pp. 7-10)


 Ang bahaging ito ng modyul ay naglalaman ng kabuuang nilalaman at pagtatalakay ng

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

paksang-aralin.
 Hikayatin ang mag-aaral na basahin ng buo ang mga teksto at unawain ang nilalaman nito.
Maaari ding gumawa ng balangkas ng mahahalagang impormasyon ang mag-aaral sa kaniyang
notebook upang mayroon siyang maitatabing kopya ng aralin.

 Pagyamanin (pp. 11-12)


 Mayroong dalawang gawain na matatagpuan sa bahaging ito ng modyul. Layunin ng mga
pagsasanay na ito na pagtibayin ang pag-unawa at kasanayan ng mag-aaral sa paksa.
 Para sa Gawain 3: Kompletuhin, mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang
konsepto tungkol sa isip at kilos-loob. Pipiliin ang mga sagot sa kahon at ipalagay ang kanyang
sagot sa sagutang papel o intermediate paper o journal notebook.
 Sa Gawain 4: Ipangatuwiranan Mo, Ipasuri sa mag-aaral ang sitwasyong nakasulat sa modyul.
Isulat sa speech balloon ang mga katuwiran sa naging pasiya kaugnay ng iyong pag-aaral at
ano ang gagawing solusyon kaugnay nito.
 Ipalagay ang sagot sa sagutang papel o sa kanyang journal notebook.
 Hikayatin ang mag-aaral na sagutin ito gamit ang sariling pag-unawa mula sa nilalaman ng
talakayan sa naunang bahagi ng module.
 Gawing batayan ang PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO na siyang gagamitin ng guro sa
pagmamarka ng awtput ng bata.

 Isaisip (pp. 13)


 Bilang pagtatapos ng aralin, sa bahaging ito nakalahad ang pagbubuod ng talakayan at
kabuuang nilalaman ng aralin na tinatawag na paghinuha ng batayang konsepto ng aralin.
 Sa Gawain 5: Crossword Puzzle, ipasagot sa mga mag-aaral ang crossword puzzle. Gamiting
batayan sa pagsagot ang mga pahayag na nakasulat sa gilid ng crossword puzzle.
 Ipalagay ang kanyang sagot sa sagutang papel o intermediate paper o journal notebook.
 Isagawa (pg. 14)
 Layunin ng gawain sa bahaging ito ng module ang subukin ang kakayahan ng mag-aaral na
ilapat ang kaniyang pagkatuto sa ibang pamamaraan. Ang mga gawain dito ay tinatawag na
product-based o output-based na siyang magiging pangwakas na gawain para sa aralin.
 Sa Gawain 6: Ang Aking Kahinaan, gamit ang pormat na nasa modyul, ipasulat sa bata ang
apat niyang kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang
malampasan ang kahinaang ito at upang mas mapabuti ang kaniyang pagpapasiya.
 Ipalagay ang kanyang sagot sa sagutang papel o intermediate paper o journal notebook.
 Gawing batayan ang PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO na siyang gagamitin ng guro sa
pagmamarka ng awtput ng bata.

 Tayahin (pp. 15-17)

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

 Layunin ng bahaging ito na tayahin o sukatin ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa paksang-
aralin. Sa pamamagitan ng assessment na makikita dito, matutukoy ng mag-aaral kung
nangangailangan siya ng dagdag pang paggabay mula sa guro upang lubos na maunawaan
ang aralin.
 Paalala: gabayan ang mag-aaral sa pagsagot ng pagtataya. Iwasang buklatin ng mag-aaral
ang mga pahinang naglalaman ng talakayan upang maiwasan ang pagdepende sa paghanap
ng sagot sa modyul.
 Ipasagot s mag-aaral ang Gawain 7: Tayahin ang iyong Pag-unawa, ang unang bahagi ay
Tama o Mali (pahina 15), ang ikalawang bahagi ay Matching Type (pahina 16) at ang ikatlong
bahagi ay Multiple Choice (pahina 17) .
 Ipalagay ang sagot sa sagutang papel o sa kanyang journal notebook.
 Matapos sagutan ang pagtataya, gabayan ang mag-aaral sa pagwawasto. Ang Susi sa
Pagwawasto ay matatagpuan sa pahina 19 ng modyul na ito.

 Karagdagang Gawain (pp. 18)


 Bilang pangwakas na gawain, layunin ng bahaging ito ng module na higit pang palalimin ang
pagkatuto ng mag-aaral sa paksa.
 Sa Gawain 8: Ang Aking Gampanin, Hayaang magnilay ang bata tungkol sa kanyang gampanin
bilang isang mag-aaral. Ipasagot ang tanong sa bata kung ano ang magagawa niya sa
kaniyang pamilya, paaralan at pamayanan upang maisabuhay ang gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob. Gamitin ang pormat na nasa modyul.
 Ipalagay ang sagot sa sagutang papel o sa kanyang journal notebook.
 Gawing batayan ang PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO na siyang gagamitin ng guro sa
pagmamarka ng awtput ng bata.

Pagpapasa:

 Kapag natapos na ng mag-aaral ang pagsagot sa lahat ng mga gawain, ito ay pagsama-samahin at
ilagay sa isang short folder nang naka-fastener. Sa pabalat ng folder ay ilagay ang mga sumusunod:

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

Portfolio sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


S.Y. 2020-2021

Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip


at Kilos-loob
MELC 1, Week 1

Pangalan ng Mag-aaral

Pangalan ng Guro

 Maayos na ilagay ang module at ang portfolio sa envelope kung saan ito nakalakip noong ito ay
tinanggap. Sa pagsasauli ng mga gamit, ibibigay ng guro ang kasunod na module na aaralin ng mag-
aaral para sa susunod na paksang-aralin.
 Ang pagpapasa ng mga gawain ay kasabay sa pagsasauli ng module. Ito ay gagawin lamang sa
itinakdang petsa o araw ng paaralan.
 Panatalihing malinis at maayos ang module at ang portfolio ng mag-aaral.

Inihanda ni: GWEN T. FRANCISCO/ Master Teacher II

Mga Guro sa EsP 10:


ROBELYN M. PARADERO JENNIFER B. PONCE AURORA M. SANTOS SHARON ROSE L. MENDOZA
Teacher I Teacher II Teacher III Master Teacher I

ADELA Q. VIPINOSO
Teacher III/ OIC-EsP Department

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE BULACAN
SAPANG Palay NATIONAL HIGH SCHOOL

School ID: 301062


Official E-Mail: spnhs.deped@yahoo.com
Official Web Site: spnhs.weebly.com
Contact No. (044) 815-0823

You might also like