You are on page 1of 24

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 3: Antas ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Development Team of the Module

Author/s: Jessica G. Burlat

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT-III


Gideon J. Pascubillo, HT-III
Wilgermina D. Juhaili, HT-I
Mary Cecille D. Luzano, HT
Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

7
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 3
Antas ng Wika

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public schools. We encourage teachers and
other education stakeholders to email
their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education – Region 10 at region10@deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.


Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Paunang Salita

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 3 ukol sa


Antas ng Wika.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo Tuklasin
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga Susi sa Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 1

Aralin 1 ---------------- 4
Balikan ---------------- 4
Tuklasin ---------------- 5
Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 8
Isaisip ---------------- 9

Isagawa ---------------- 10
Tayahin ---------------- 11

Karagdagang Gawain ---------------- 13

Susi sa Pagwawasto ---------------- 15

Sanggunian ---------------- 17
Ang aralin na ito ay kinapalolooban ng pangatlong modyul sa ikalawang
markahan para sa mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Inaasahan na ikaw ay
makasusuri sa antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng

awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

Layunin:
Nakasusuri sa antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) F7WG-IIa-b-
7

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangan na mayroon kang

mahabang pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin.

Sundin ang mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang

buong pasulit o gawain sa itinakdang oras o panahon.

Bago natin sisimulan ang modyul na ito ay aalamin natin kung gaano
kalawak ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan.

Gawain A.
Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel o notbuk.

1. Salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na


tinatawag ring salitang kalye.
1
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pormal

2. Uri ng salitang di-pormal kung saan ito ay ginagamitan ng pagpapaikli o


pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y
mapagsama ang dalawang salita.
a. Pormal c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin
3. Salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o
kaibigan.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Pormal d. Di-pormal
4. Ang mga salitang ito ang ginagamit sa paaralan, panayam, seminar,
gayundin sa mga aklat, ulat at iba pang usapan o sulating
pangintelektuwal.
a. Pormal c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin
5. Karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya kaya’y partikular
na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Pormal d. Kolokyal

Gawain B
Panuto: Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang balbal na nakasulat
nang initiman sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng
mga salitang ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Ina ama pera


Kotse bata pulis
matanda

1. Nakakainis talaga ang ermat ko, umagang-umaga pa lamang ay


sermon na ang almusal ko.
2. Wow! Bagong-bago ang tsekot mo, natupad na rin ang pangarap mo
na magkaroon nito.

2
3. Hindi ko inaasahan na sisitahin ako ng lespu dahil wala akong
naipakitang quarantine pass.

4. Kailan pa kaya ako magkakaroon ng maraming datung upang


makatulong naman ako sa mga taong naapektuhan ang kabuhayan ng
dahil sa pandemyang dulot ng covid-19.
5. Hindi na talaga mapipigilan ang pagiging gurang ko, patunay ang
pagdami ng aking puting buhok.

Gawain C

Panuto: Suriin ang barayti ng wikang ginamit sa pangungusap.Kilalanin at


isulat sa patlang ang salitang may salungguhit kung ito ay balbal, kolokyal,
lalawiganin, o pormal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

1. Ugaling kung ikaw hidlawon ang payaw imo lang lantawon.”


2. “Kung tanawin ay nakaliligaya, may ningning at tangi at dakilang
ganda.”
3. Napakaganda ng bebot na nagbabakasyon kina Aling Selya.
4. Ang mga dalagang Pilipina ay tunay na mahinhin at mayumi.
5. Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan.Adlaw gab-I firmi kita
guinatangisan.”

Magaling! Binabati kita dahil maayos mong naisagawa ang mga


naunang gawain. Ngayon ay maaari ka nang magpatuloy sa ating aralin .

3
Aralin
Antas ng Wika
1

Bago natin simulan ang ating talakayan, magbigay ka ng paghahatol o


pagmamatuwid tungkol sa pahayag gamit ang iba’t ibang diyalekto (Cebuano,
Taglish, Kolokyal) gamit ang concept mapna nasa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel o notbuk..

Cebuano

Ang paghingi ng pahintulot sa


magulang ay nagmamatuwid na
Pormal Kolokyal
mataas ang pagpapahalaga at
respeto sa nakatatatanda.

Taglish

4
Halina basahin at alamin natins ang mahahalagang kaisipan tungkol sa aralin.

Dalawang uri ng antas ng Wika

1. Mga Salitang Impormal O Di-Pormal - ito ay mga salitang karaniwang


ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Tatlong Uri
Ng Salitang Di-Pormal
A. Balbal (Slang)-ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa
mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang
kalye. Nabibilang ang mga salitang ito sa di-pormal na uri ng salita
kaya’t karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o
pagsulat.

Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal


a. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkuha sa huling dalawang pantig
ng salita.
Halimbawa: Amerikano-Kano
b. Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita
Halimbawa: tigas-astig
c. Pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan
Halimbawa: toxic-ang ibig sabihin ay busy o maraming trabaho
d. . Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan
Halimbawa: Carmi Martin na ang kahulugan ay karma
Iba pang halimbawa:
1. Yosi-sigarilyo
2. Ermat-nanay, ina
3. Erpat-tatay, ama
4. Utol-kapatid

5
B. Kolokyal-ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.Ito ay
madalas na ginagamitan ng papaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa
salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang
salita.

Halimbawa:
Pa’no mula sa paano kelan mula sa kalian
P’re mula sa pare meron mula sa mayroon
Te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan
Paraan o bahagi pa rin ng barayting ito ang dalawang wika tulad ng
tagalog
at Ingles o Taglish o Tagalog-Espanyol
Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (TAglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-Espanyol)
C. Lalawiganin-ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
lalawigan o probinsiya o kaya’y particular na pook kung saan nagmula
o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay
may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng
ibang kahulugan nito.
Halimbawa:
ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay
“ewan” kaon mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay
“kain”
biag mula sa salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay “buhay”
ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”

2. MGA SALITANG PORMAL- mga salitang istandard dahil ang mga ito
ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga
salitang ginagamit sa paaralan, sa panayam, seminar,gayundin sa mga
aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal.
Halimbawa:
a. Maybahay sa halip na waswit

6
b. Ama at ina sa halip na erpat at ermat
c. Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang tulad ng mga
tayutay na lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
a. “Ang kinis ng kanyang buhok ay nakikipag-agawan sa
nagmamanibalang na mangga.”

b. “Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y


binubukalan mandin ng pag-ibig.
Mula sa “Ang Dalaginding”
Ni Inigo Ed Regalado

Naintindihan mo na ba ang iba’t ibang antas ng wika? Kung hindi ay basahin


mo ito na paulit-ulit hanggang sa maintindihan mo. Alam ko kaya mo iyan, ikaw

pa! Ngayon ay may iilang katanungan akong hinanda para sayo upang subukin

ka kung talagang naintindihan mo ang iyong binasa.Handa ka na ba?

Halina at basahin o maaaring awitin mo ang ilang bahagi ng awit.


Gawain
Panuto: Isulat ang mga salitang sinalungguhitan sa hanay B. Tukuyin kung
anong antas ng wika ito napabilang (Balbal, Kolokyal, Lalawiganin, Pormal )
at isulat sa hanay C. ( Ang guro ay magbibigay ng hiwalay na pahina para sa
gawaing ito.)

HANAY A HANAY B HANAY C ANTAS


NG WIKA
BAHAGI NG AWITING-BAYAN SALITA

7
Ang Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning at tangi at
Dakilang ganda

Dandansoy
Dandansoy, bayaan ta ikaw
Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon
BEBOT
Bebot, bebot
Be bebot, bebot
Be bebot, bebot be
Ikaw ang aking
Bebot, bebot

Kung umabot ka na sa bahaging ito ay ibig sabihin ay natutunan mo na


ang dapat malaman sa aralin na ito. Ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong
kaalaman sa bahaging ito.

Gawain
Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng awiting-bayan at suriin ang mga antas
ng wika na ginamit sa mga salitang may salungguhit.
1. Dandansoy, bayaan na kita. Babalik ako sa payaw. Ang salitang
bayaan ay halimbawa ng______.
a. Pormal c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin

8
2. Ikaw ang aking bebot. Ang bebot ay isang uri ng antas ng di-pormal na
wika na_____.
a. Balbal c. Kolokyal
b. Pormal d. Lalawiganin
3. “Ang dalagang Pilipina parang tala sa umaga,kung tanawin ay
nakaliligaya.”
Ang pariralang may salungguhit ay nabibilang sa antas ng wika na
______.
a. Pormal c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin
4. Sa awiting “Si Pelimon, si Pelimon nangisda sa karagatan, nakahuli,
nakahuli ng isdang tambasakan, ang kanyang huli ay guibaligya sa
munting palengke.”Ang guibaligya ay kabilang sa antas na di-pormal
na______.
a. Balbal c. Kolokyal
b. Pormal d. Lalawiganin
5. “O aking mahal, nahan ngayon ang iyong habag? Bakit di mo lingapin
ang pusong nagdurusa” Ang salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng
antas na wika na______
a. Pormal c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin

Pagkatapos na sagutan ang mga gawain ay marapat lamang na iyong


matutunan ang mga mahahalagang kaisipan sa araling ito. Buksan ang iyong
isipan at tanggapin ang katotohanan.Bilang paglalahat sa ating aralin, may
inilaan akong tatlong mahalagang tanong upang masukat ko ang iyong
kaalaman tungkol sa ating aralin.

9
Gawain
Panuto : Basahin at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.
Ibigay ang dalawang antas ng wika at ang pagkakaiba nito.
1. Ano-ano ang tatlong uri ng di-pormal na antas ng wika at ibigay ang
kahulugan ng mga ito?
2. Paano nakatutulong ang paksang antas ng wika sa iyo bilang isang
mag-aaral?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa


ka na bang gamitin ang iyong mga kaalaman sa araling ito sa pamamagitan
ng isa na namang pagsubok?

Gawain
Panuto: Tukuyin ang antas ng wika na ginamit sa mga salitang nakasulat ng
may diin. Isulat kung ito ay Balbal, Kolokyal, Lalawiganin at Pormal. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Masayang-masaya ako sa ibinigay na(1) tipar ng aking mga magulang


(2)Dehins ko malilimutan ang pangyayaring ito sa buong buhay ko. Maraming
mga bisita at kaibigan ang dumalo at nagbigay sa akin ng mga pagbati,
kasama na rito ang aking( 3) matalik na kaibigang si Ana na simula pa sa
aking pagkabata ay kasama ko sa malungkot at masayang alaala ng aming
kamusmusan. Hindi ko rin inaasahan ang regalong ibinigay ng (4)utol kong si
Ariel na laptop na matagal ko ng hinihingi sa kanya na magagamit ko sa aking
pag-aaral.Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng payo ang aking (5)iyaan na si

10
Tiya Margene na ayon sa kanya na laging tandaan (6)”ang pag-aasawa ay
hindi parang kaning isusubo na kapag napaso ay puwede ng
iluwa.”Natatawa na lamang akong sumagot na malayo pa po sa isip ko ang
(7) lumagay sa tahimik sapagkat ako ay (8)bagets pa at malayo pa sa aking
isipan ang tungkol sa (9)kaminyuon. Sa pagbibigay ng mensahe ng aking
magulang ay (10)emote na emote ako at hindi ko napigilan ang pagpatak ng
luha sa aking mga mata sa labis na kaligayahan, ala-alang iingatan hanggang
sa aking pagtanda.

Umabot ka na sa bahaging malapit mo nang mapagtagumpayan ang


aralin. Ngayon ay muli na namang susubukin ang iyong natutunan sa
kabuuan ng aralin. Masusukat dito kung lubos mo bang naunawaan ang
aralin. Handa ka na ba? Halika at iyong simulang sagutin ang mga tanong.

Gawain
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel/ notbuk.
1. Mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala
o kaibigan.
a. Pormal b. Balbal c. Kolokyal d. Di-pormal
2. Salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan sa
mga nakapag-aral ng wika.
A. Balbal B. Pormal C. Kolokyal D. Di-pormal
3. Ang mga salitang ito ay may kakaibang tono o bigkas na maaaring
magbigay pa ng ibang kahulugan nito.
a. Kolokyal c. Lalawiganin

11
b. Balbal d. Pormal
4. Ang salitang “Kano” ay halimbawa ng_______.
a. Lalawiganin c. Pormal
b. Balbal d. Kolokyal
5. Ipinagbabawal sa mga kabataan ang nakalalasing na inumin at yosi.
Ang salitang “yosi” ay halimbawa ng______.
a. Kolokyal c. Balbal
b. Pormal d. lalawiganin

6. Ang dami ng masasarap na pagkain, mapaparami na naman ang kain


ko nito, sira na naman my diet here. Ang salitang initiman ay
halimbawa ng______.
a. Pormal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Balbal
7. Sa bawat araw na pumapasok sa paaralan, ang palaging bilin at
sinasabi sa amin ni nanay “pag-amping.” Ang pag-amping ay _____
a. Kolokyal c. Pormal
b. Balbal d. Lalawiganin
8. Pupunta ka ba bukas sa eskwelahan? Ang salitang eskwelahan at
halimbawa ng ____.
a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pormal
9. Sabik na sabik na akong makita ang aking mga kapatid at ina. Kelan
kaya ako makadadalaw sa kanila? Ang salitang kelan ay halimbawa
ng____.
a. Balbal c. Kolokyal
b. Pormal d. Lalawiganin
10. Ang astig ng kapatid mong galing Amerika, parang ang idolo kong si

Robin Padilla.Ang salitang itiniman ay halimbawa ng____.


a. Pormal c. Balbal
b. Kolokyal d. Lalawiganin

12
11. Ang chaka naman ng panaginip ko. Ang chaka ay salitang balbal na
ang ibig sabihin ay_____
a. pangit c. maganda
b. kaakit-akit d. kahali-halina
12. Ang kakosa ko ay hindi nagkait ng tulong sa panahon ng aking
kagipitan. Ang kakosa ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay____.
a. kapatid c. kaaway
b. kaibigan d. kalaro

13. Masarap kainin ang inapoy kapag mainit pa.Ang inapoy ay salitang
Ilokano na ang ibig ipakahulugan ay_____.
a. kanin c. tinapay
b. lugaw d. pansit
14. Madalas ang paggoli ngayong tag-init. Ang paggoli ay salitang balbal
na ang ibig sabihin ay_____.
a. paglalaba c. pagsasampay
b. pagligo d. pagkukula
15. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nakaranas ng tomguts.
Ang ibig ipakahulugan ng tomguts ay_____.
a. gutom c. sagana
b. busog d.marami

Tapos na! Tapos na! Pero upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman
ay kailangan mo pa ring gawin ang karagdagang gawain.

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa


ka na bang gamitin ang iyong mga kaalaman sa araling ito sa pamamagitan
ng isa na namang pagsubok?

13
Gawain
Panuto: Sumulat ng kwento batay sa iyong sariling karanasan. Gumamit ng
mga salita na may iba’t ibang antas ng wika at salungguhitan ito, pagkatapos
ay tukuyin ito kung anong antas ng wika.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Magaling! Binabati kita dahil napagtagumpayan mong sagutan ang


lahat na mga gawain. Maaari ka ng magsimula sa kusunod na modyul.

14
15
Aklat
Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan.Phoenix
Publishing House,Inc.
Leonora Dela Cruz-Oracion, Gantimpala. Pinagsanib na Wika at Panitikan,
Innovative Education Materials, INC.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E -mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like