You are on page 1of 25

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Char M. Branzuela

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I
Grace O. Gipulao, T – III
Noel Jay S. Pahayac, T – I
Jovanie A. Tangca-an, T – I
Quindie C. Ortega, T – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Kahalagahan ng Ponemang
Suprasegmental

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 1

Aralin 1 ---------------- 4

Balikan ---------------- 4

Tuklasin ---------------- 5

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 9

Isaisip ---------------- 10

Isagawa ---------------- 11

Tayahin ---------------- 13

Karagdagang Gawain ---------------- 16

Susi sa Pagwawasto ---------------- 17

Sanggunian ---------------- 18
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at
maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.
Sa modyul na ito, maipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
ponemang suprasegmental gaya ng tono, diin, at antala.

Layunin
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,
diin, antala) (F7PN-IIIa-c-13)

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangang mayroon kang


mahabang pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin.
Sundin ang mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang
buong pasulit at gawain sa itinakdang oras o panahon.

Bago mo simulan ang aralin, susubukin mo muna ang iyong kasanayan sa


aralin. Ngayon, sagutin mo ang sumusunod na mga katanungan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa
salitang maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga
ito man ay magkapareho ng baybay.
a. Intonasyon b. Punto c. Tono d. Tunog

1
2. Ang pagsasalita nito ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin.
a. Intonasyon b. Punto c. Tono d. Tunog
3. Ito ang tawag sa rehiyonal na tunog o accent.
a. Intonasyon b. Punto c. Tono d. Tunog
4. Ano sa Ingles ang „tunog‟?
a. Accent c. Spelling
b. Articulation d. Pronunciation
5. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita.
a. Antala b. Diin c. Haba d. Hinto
6. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
a. Antala b. Diin c. Haba d. Hinto
7. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinapahayag.
a. Diin at Haba c. Intonasyon o Tono
b. Hinto o Antala d. Tono at Punto
8. Mahalaga ang ponemang suprasegmental para sa mabisang ___________.
a. Pagsasalaysay c. Pangangatuwiran
b. Pagtatanong d. Pakikipagtalastasan
9. Dito ginagamit ang bantas na kuwit at pahilis.
a. Diin at Haba c. Punto
b. Hinto o Antala d. Tono
10. Alin sa mga sumusunod na bantas ang ginagamit sa pagsulat ng hinto o
antala ng suprasegmental?
a. Kuwit (,) c. Tandang Pananong (?)
b. Tandang Padamdam (!) d. Tuldok-kuwit (;)
11. Ang ganda ng tula? (nagtatanong / nagdududa).
Anong ponemang suprasegmental ang ginagamit sa pangungusap?
a. Antala b. Diin c. Intonasyon d. Haba
12. Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinabi na maganda ito)
Anong ponemang suprasegmental ang ginamit sa pahayag?
a. Diin b. Haba c. Intonasyon d. Antala

2
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng
suprasegmental?
a. Nakatutulong ito sa pagpapakilala ng tamang wika na ginagamit sa
pagpapahayag.
b. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang
binibigkas.
c. Matukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita
sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.
d. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga salitang
isinulat.
14. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng ponemang suprasegmental
maliban sa isa.
a. Tumutukoy ito sa pagkilala sa tamang kahulugan ng isang salita.
b. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita ng pantig ng
salita.
c. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag.
d. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa
salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang
mga ito man ay magkapareho ng baybay.
15. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng suprasegmental, maliban sa
isa.
a. Nakatutulong ito upang mas maintindihan ang kahulugan ng salitang
binibigkas.
b. Nagdudulot ng pagkalito sa mga mambabasa ang paggamit ng
suprasegmental dahil nagbabago ang kahulugan nito depende kung paano
ito binibigkas.
c. Sa pakikipagtalastasan matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensiyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang
suprasegmental.
d. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga salitang
isinulat.

3
Aralin Kahalagahan ng Ponemang
1 Suprasegmental

Sa araling ito, higit mong mapalalawak ang iyong kaalaman sa


kahalagahan sa paggamit ng ponemang suprasegmental. Halina‟t iyong
simulan.

Magandang buhay mag-aaral! Bago mo pag-aaralan ang susunod na


paksa, balikan mo muna ang nakaraang leksiyon. Umpisahan mo na!

Gawain
Panuto: Kilalanin kung anong gamit ng mga pangungusap ang mga sumusunod
na pahayag sa ibaba. Pilin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel.

Padamdam Pakiusap Pasalaysay


Patanong Pautos Pawatas

1. Ang COVID-19 ay nagdudulot ng malaking pinsala sa buong mundo.


2. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay sanhi ng virus.
Ito ba ay kompermadong totoo?
3. Naku, ang sakit na ito ay nakatatakot!
4. Pakisabi sa mga mag-aaral na mag-ingat at panatilihin ang kalinisan sa
kapaligiran.
5. Kunin mo ang gamot na nasa ilalim ng mesa.

4
Mayroon kang babasahing isang liham pangkaibigan nang sa gayon ay
malaman mo ang kahalagahan ng ponemang suprasegmental. Pero bago ang
lahat, alamin mo muna ang kahulugan at kahalagahan nito.

Ponemang Suprasegmental
 Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may
kahulugan.
 Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.
 Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang
damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto


 Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa
pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng
mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
 Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin
samantala ang punto naman ay rehiyonal na tunog o accent.

Halimbawa:
o Ang ganda ng tula? (nagtatanong / nagdududa)
o Ang ganda ng tula. (nagsasalaysay)
o Ang ganda ng tula! (nagpapahayag ng kasiyahan)

Kahalagahan:
 Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang
iba‟t ibang damdaming nakapaloob sa pangungusap.
 Maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay
kahulugan o makapagpahina ng usapan.

5
2. Diin at Haba
 Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa
pantig ng salita samantala ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
o /BUhay/ - (life) Ang buhay ng tao at biyaya na bigay ng Panginoon.
o /buHAY/ - (alive) Ang bulaklak na sunflower ay buhay na buhay kaya
nakaaakit tingnan.
o /TUbo/ - (pipe) Malaki ang tubo ng tubig na ginagamit sa bahay ko.
o /tuBO/ - (sugar cane) Ang tubo ay ginagamit sa paggawa ng asukal.

Kahalagahan:
 Nagkakaroon ang salita ng iba pang kahulugan kahit pareho ang
baybay nito.
 Nagbabago ang kahulugan ng salita dahil sa diin.

3. Hinto o Antala
 Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag.
 Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga
pananda tulad ng kuwit o comma ( , ) at pahilis o slash ( / ).
Halimbawa:
o Hindi maganda ang bagay na iyan.
(Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.)
o Hindi, maganda ang bagay na iyan.
(Sinasabing ang isang bagay ay maganda.)

Kahalagahan:
 Mas nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating sa kausap kapag
angkop ang paggamit ng hinto o antala.
 Nagbabago rin ang diwa ng pangungusap dahil sa hinto o antala.

6
Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental
1. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental
sa pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga
salitang isinusulat at mas maintindihan ang kahulugan ng salitang
binibigkas.
2. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin, o
intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga
ponemang suprasegmental.

Sina Mara at Clara ay matalik na magkaibigan ngunit dahil sa pandemyang


nangyayari sa lipunan ngayon ay hindi na sila masyadong nagkikita. Kaya,
naisipan nilang magsulatan na lamang.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa
bangayan dahil lang sa isang sulat na ipinadala ni Mara kay Clara.
Ano kaya ang nilalaman ng sulat ni Mara kay Clara? Basahin mo.

Poblacion 1, Calamba, Mis. Occ


Ika-20 ng Hulyo, 2020

Mahal kong Clara,

Kumusta ka na! Natanggap ko ang pinadala mong sulat sa akin. Mabuti


naman ang kalagayan ko rito?
Napaluha ako nang nabasa ko ang sulat mo. Nagagalak ka na maging
magkaibigan tayo. Hindi ako ang nagagalak na magkaibigan tayo.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagtagpo ang ating landas. Marami
akong nakilala rito. May isang tao na aking napalagayang-loob at naging
magkaibigan kami. Ikaw marami ka ng mga kaibigan.

Nagmamahal,
Mara

7
Pagkatapos mabasa ni Clara ang sulat, narito ang naging tugon niya.

Poblacion 3, Plaridel, Mis. Occ.


Ika-21 ng Hulyo, 2020

Mahal kong Mara,

Anong nangyari sa‟yo! Bakit bigla kang nag-iba? Hindi ko nagustuhan


ang naging sulat mo sa akin! Hindi ka nagagalak na ako ang iyong naging
kaibigan? Mas mabuti sigurong tapusin na natin ang ating pagkakaibigan. Sa
bagay, nag-iba ka na nga dahil mayroon ka ng nobyo. Hanggang dito na lang.

Ang iyong dating kaibigan,


Clara

Gawain: Pag-isipan at Sagutin


Panuto: Batay sa liham na iyong nabasa, ibigay ang kasagutan sa sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang isinasaad ng mga sinalungguhitang salita at bantas sa liham ni
Clara?
a. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay hindi angkop kaya nagkaroon
ng hidwaan ang magkaibigan.
b. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay angkop kaya nagkaroon ng
hidwaan ang magkaibigan.
c. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay nagsasaad ng magagandang
mensahe.
d. Ang mga sinalungguhitang salita at bantas ay nagpapahayag ng sama ng
loob.
2. Ano kaya ang dahilan ng pag-aaway ng magkaibigan?
a. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa isang lalaki.
b. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa online barter.
c. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sa maling gamit ng bantas ng mga
salita.
d. Ang magkaibigan ay nag-aaway dahil sinabihan siyang nagpositibo sa
COVID-19.

8
3. Kung ikaw si Clara, magagalit ka ba sa sulat na natanggap mo? Bakit?
a. Hindi, dahil matalik ko siyang kaibigan.
b. Hindi, dahil naiintindihan ko ang kaniyang sulat.
c. Oo, dahil nasaktan ako sa kaniyang sulat.
d. Oo, dahil may galit ako sa kaniya.
4. Sa bahaging ito, “Hindi ako nagagalak na maging kaibigan mo,” paano mo ito
gagawing tama upang hindi masaktan si Clara?
a. Hindi, ako ang nagagalak na maging kaibigan mo.
b. Hindi ako, ang nagagalak na maging kaibigan mo.
c. Hindi ako ang nagagalak, na maging kaibigan mo.
d. Hindi ako nagagalak na maging kaibigan mo.
5. “Mas mabuting tapusin na natin ang ating pagkakaibigan.” Ano ang ibig
sabihin ng linyang ito?
a. Ayaw ko ng maging kaibigan ka.
b. Ayaw ko / ng maging kaibigan ka.
c. Ayaw / ko ng maging kaibigan ka.
d. Ayaw ko ng maging / kaibigan ka.

Sa yugtong ito, inaasahang natutunan mo na ang mga kaalamang dapat


matamo sa aralin. Ngayon, pagtibayin mo ang iyong mga natutuhan.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap na
naglalaman ng parehong salita ngunit magkaiba ng kahulugan. Ibigay
ang kahulugan ng bawat salita na maaaring nasa wikang Ingles batay sa
pagkagagamit nito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
*Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.

9
1. /buKAS/ pa kaya ang silid-aklatan ngayon? Kung hindi, /BUkas/ na lang ako
pupunta upang magbasa ng mga bagong tula.

/buKAS/ = ______open________
/BUkas/ = _____tomorrow______

2. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao kaya hangga‟t /buHAY/ tayo ay


magpakasaya.

/BUhay/ = __________________
/buHAY/ = __________________

3. /piTO/ sa mga pulis ang gumamit ng /PIto/.

/piTO/ = __________________
/PIto/ = __________________

4. Ang /saYA/ ng mukha ni Charlene dahil nakakita siya ng bagong /SAya/.

/saYA/ = __________________
/SAya/ = __________________

5. Si nanay ay /gaBI/ na nang namitas ng /GAbi/.

/gaBI/ = __________________
/GAbi/ = __________________

Pagkatapos sagutin ang mga gawain, marapat lamang na iyong


matutunan ang mahahalagang kaisipan sa araling ito. Buksan ang isipan at
palawigin ang iyong kaalaman upang lalong maintindihan ang pinag-aralan.

10
Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental?


_____________________________________________________________
2. Paano kaya naging mahalaga ang paggamit ng ponemang suprasegmental
sa pakikipag-usap?
_____________________________________________________________

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa


ka nang gamitin ang iyong kaalaman para sa panibagong pagsubok.

Gawain A. Diin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin ang diin ng salita sa
bawat bilang batay sa kahulugang nakatala sa panaklong. Gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
*Sundin ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
o Kaibigan (friend) /kaiBIgan/

Pangungusap:
Ang tunay na kaibigan ay maasahan sa oras ng pangangailangan.

1. Kaibigan (mutual friend; lover)

Pangungusap:
______________________________________________________________

11
2. Paso (flower pot)

Pangungusap:
______________________________________________________________

Gawain B. Haba
imula Panuto: Basahin ang mga salita. Pagkatapos, bumuo ng mga pangungusap na
magkaiba ang kahulugan dahil sa ponemang suprasegmental na haba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. aso
Kahulugan :

Pangungusap:
______________________________________________________________

Kahulugan :

Pangungusap:
______________________________________________________________

2. hamon
Kahulugan :

Pangungusap:
______________________________________________________________

Kahulugan :

Pangungusap:
______________________________________________________________

Gawain C. Antala
imula Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag at ibigay ang kahulugan
nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Padre, Martin, ang tatay ko.

Kahulugan: Ipinakikilala mo ang iyong tatay sa isang pari at kay Martin.

12
1. Heneral ang tatay ko.

Kahulugan: ___________________________________________________

2. Hindi / bawal ang tumawid sa tulay.

Kahulugan: ___________________________________________________

Gawain D
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Nagbabago ba ang kahulugan ng mga pangungusap dahil sa ponemang


suprasegmental? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Gaano nga ba kahalaga ang ponemang suprasegmental sa pagbuo ng
pangungusap?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pagsasanay I
Panuto: Hanapin ang paliwanag sa mga sumusunod na halimbawa ng
suprasegmental. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sumunod si Annie?
a. nagsasalaysay c. natutuwa
b. nagpapahayag ng damdamin d. nagtatanong / nagdududa
2. Sumunod si Annie!
a. nagsasalaysay c. natutuwa
b. nagpapahayag ng damdamin d. nagtatanong / nagdududa

13
3. Sumunod si Annie.
a. nagsasalaysay c. natutuwa
b. nagpapahayag ng kasiyahan d. nagtatanong / nagdududa
4. Hindi / ako ang nakapasa sa pasulit.
a. Sinasabi na pasado siya sa pagsusulit.
b. Sinasabi na hindi siya pasado sa pagsusulit.
c. Sinasabi na pasado ang kaniyang kaibigan sa pagsusulit.
d. Sinasabi na nagdadalawang-isip siyang makapasa sa pagsusulit.
5. Hindi ako ang nakapasa sa pasulit.
a. Sinasabi na pasado siya sa pagsusulit.
b. Sinasabi na hindi siya pasado sa pagsusulit.
c. Sinasabi na pasado ang kaniyang kaibigan sa pagsusulit.
d. Sinasabi na nagdadalawang-isip siyang makapasa sa pagsusulit.
6. Nagbago na ako.
a. nalulungkot c. nababahala
b. nagsasalaysay d. nagtatanong / nagdududa
7. Nagbago na ako?
a. nalulungkot c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa d. nagpapahayag ng kasiyahan
8. Nagbago na ako!
a. nalulungkot c. nababahala
b. nagtatanong / nagdududa d. nagpapahayag ng kasiyahan
9. Ano ang angkop na kahulugan ng diin?
a. Ito ang bahagyang pagtigil o paghinto sa pagsasalita.
b. Ito ang pagbaba at pagtaas ng tono sa bigkas ng salita.
c. Ito ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang pantig ng salita.
d. Ito ang dahan-dahan at malumanay na pagbigkas ng salita.
10. Saan sa mga pahayag sa ibaba ang nagsasabi ng kahalagahan sa ponemang
suprasegmental na diin?
a. Magkaroon ang salita ng iba pang kahulugan at nagiging ibang bahagi ng
pananalita.
b. Magkaroon ng pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita.
c. Maging malinaw ang mensaheng ibig na ipahiwatig sa kausap.
d. Malaman ang mga tunay na tunog.

14
11. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng antala o hinto maliban sa isa.
a. Nagbago ang diwa ng pangungusap.
b. Naging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap.
c. Naging malinaw ang mensahe kapag angkop ang paggamit.
d. Naipahayag ang damdaming nakapaloob sa pamamagitan ng maling
pagbigkas.
12. Isa sa ponemang suprasegmental ay ang intonasyon kung saan
nagbibigay halaga sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan dahil...
a. maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdaming makapagpahina ng
usapan
b. maging malinaw ang mensaheng ibig ipahiwatig sa kausap
c. magkaroon ang salita ng ibang kahulugan
d. malaman ang mga tunay na tunog
13. Nais niyang alamin kay Rosie kung siya ang nagbukas ng bag.
a. Rosie / ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
b. Rosie ikaw / ba ang nagbukas ng bag ko.
c. Rosie ikaw ba / ang nagbukas ng bag ko!
d. Rosie ikaw ba ang nagbukas / ng bag ko.
14. Tinitiyak ng guro na si Cita ang nagbukas ng kaniyang bag.
a. Cita, ikaw ang nagbukas ng bag ko!
b. Cita, ikaw ba ang nagbukas ng bag ko?
c. Cita ikaw ba, ang nagbukas ng bag ko?
d. Cita ikaw ba ang nagbukas, ng bag ko.
15. Maaaring makapagpapahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay ng
kahulugan o makapagpahina ng usapan. Ang pahayag na ito ay isa sa mga
kahalagahan ng ponemang suprasegmental na __________.
a. Intonasyon c. Haba
b. Diin d. Hinto o Antala

Magaling! Binabati kita at naisagawa mo nang maayos ang mga


gawain. Ngayon, tiyak na nakamit mo na ang layunin sa modyul na ito.

15
Gawain
Panuto: Sumulat ng isang dayalogo tungkol sa iyong naging karanasan kaugnay
sa mga paksa sa ibaba. Gumamit ng mga salitang nagtataglay ng iba‟t
ibang kahulugan dahil sa ponemang suprasegmental na haba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Paksa
a. Pananatili sa bahay sa panahon ng pandemya
b. Pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar
c. Social distancing sa pampublikong sasakyan
d. Pamamasyal sa mga ilog o tabing-dagat
e. Pagtulong sa mga gawaing bahay

__________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

16
17
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Innovative Education Materials, INC.

LARAWAN
o https://www.google.com/search?q=pagkasunod+sunod+na+mga+pangyayari
&client=opera&hs=cTN&sxsrf=ALeKk02-2m75jZAR826oJALgXLpO4YdD-
Q:1594888617205&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiIiPCLr9H
qAhXTad4KHdEHDIgQ_AUoAXoECAwQAw#imgrc=grpbiV_QVv7RHM&img
dii=O6bmFZwNGw5bsM

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like