You are on page 1of 12

KONTEMPORARYONG

PANTELEBISYON
MGA EKSPRESYONG
HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
• Sa paglalahad ay mahagang maipakita ang wastong
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari.
Kailangang lohikal na maipakita ang ugnayan upang
madaling makuha o maunawaan ang mensaheng nais
iparating ng nagsasalita o nagpapahayag.
• Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba
pang ekspresyong makikita sa ibaba ay makatutulong
upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
1. Sanhi at Bunga – Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at
bunga ay dapat na maliwanag na makita ng mga
mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na
sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga,
at iba pa ay madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya
gumanda ang kanyang buhay
 Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
2. Paraan at Resulta – Nagsasaad kung paano nakuha
ang resulta. Ang pang-ugnay na sa ay karaniwang
ginagamitan sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga
kaibigan
 Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng
kanyang amo.
3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang
maaaring maganap o sumalungat ang pangyayari kung
isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-ugnay na kung,
kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
 Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling
mahirap
 Kung nakinig ka sana sa iyong magulang, hindi magiging
ganyan ang iyong buhay.
4. Paraan at Layunin – Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay
na upang, para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
 Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang
kanyang buhay.
 Para makatulong sa magulamg, nagsikap siya nang husto sa
pag-aaral.
5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – Ito ay magkaugnay sapagkat
ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad
isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang
isang nag-aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang
hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring
gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya,
samakatwid, kung gayon .
Halimbawa:
 Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang
bagay na iyan.
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – Ito ay ugnayang
nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga
salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang
duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama
ang pang-ugnay na na at nang.
Halimbawa:
 Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at
walang dudang napatunayan ko ito.

You might also like