You are on page 1of 13

EKSPRESYONG

HUDYAT
NG
KAUGNAYANG
LOHIKAL
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang
wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng
mga pangyayari. Kailangang lohikal na
maipakita ang ugnayan upang madaling
makuha o maunawaan ang mensaheng nais
iparating ng nagsasalita o nagpapahayag. Ang
paggamit ng mga pangatnig, pang-abay at iba
pang ekspresyong tatalakayin ay makatutulong
upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
MGA EKSPRESYONG HUDYAT
NG KAUGNAYANG LOHIKAL
■SANHI AT BUNGA
■PARAAN AT RESULTA
■KONDISYON AT RESULTA
■PARAAN AT LAYUNIN
■PAG-AALINLANGAN AT PAG-AATUBILI
■PAGTITIYAK AT PAGPAPASIDHI
SANHI AT BUNGA
■ Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na
maliwanag na makita ng mga mababasa o
tagapakinig. Ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat,
palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga, at iba pa ay
madalas na gamitin sa ganitong pahayag.
■ Halimbawa:
- Nagsumikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya
gumanda ang kanyang buhay.
- Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
PARAAN AT RESULTA
■ Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang
pang-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa
ganitong pahayag.
■ Halimbawa:
- Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang
mga kaibigan.
- Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng
kanyang amo.
KONDISYON AT RESULTA
■ Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o
sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang
kondisyon. Ang mga pang-ugnay na kung, kapag,
sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
■ Halimbawa:
- Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling
mahirap.
- Kung nakinig ka sa iyong magulang, hindi magiging
ganyan ang iyong buhay.
PARAAN AT LAYUNIN
■ Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang layunin gamit ang paraan. Ang
mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba
pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
■ Halimbawa:
- Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang
mabago ang kanyang buhay.
- Para makatulong sa magulang, nagsikap siya
nang husto sa pag-aaral.
PAG-AALINLANGAN AT
PAG-AATUBILI
■ Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay
nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang
isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay bunga ng pag-
aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka,
marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama
ang pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung gayon.
■ Halimbawa:
- Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay
na iyan.
- Marahil ay hindi na uulan dahil sobrang init naman ngayon.
PAGTITIYAK AT
PAGPAPASIDHI
■ Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay
siyang tunay, walang duda, sa katotohana, talaga,
tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na na at
nang.
■ Halimbawa:
- Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at
walang dudang napatunayan ko ito.
Pangkatang Gawain:
■ Pangkat I : Bumuo ng mini-skit (maikling dula) na ang senaryo ay nagpapakita
ng Sanhi at Bunga at Paraan at Resulta. Isulat ang mga pangungusap na may
Sanhi at Bunga at Paraan at Resulta sa binigay na cartolina, bilugan ang ginamit
na ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

■ Pangkat II : Bumuo ng dalawang saknong na tula na nagpapakita ng


Kondisyon at Resulta at Paraan at Layunin, bilugan ang ginamit na ekspresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal.

■ Pangkat III : Bumuo ng komik strip na may Pag-aalinlangan at Pag-aatubili at


Pagtitiyak at Pagpapasidhi sa kanilang diyalogo. Salungguhitan ang ginamit na
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.
RUBRIKS SA
PAGMAMARKA
■ Akmang Dula/Tula/Guhit– 5 puntos
■ Paggamit ng Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal – 5 puntos
■ Pagtutulungan ng bawat kasapi – 5 puntos
■ Kabuuan - 15 puntos
■ Panuto: Dugtungan ang pangungusap ayon sa hinihinging ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal. Piliin ang sagot sa kahon, letra lamang ang isulat.
A. Baka B. Sa C. Dahil sa D. Walang dudang E. Kung

1. ((Sanhi at Bunga) Maraming kabataan ang tumitigil sa


pag-aaral ______________kahirapan.
2. (Paraan at Resulta) __________ clean and green project
naging malinis ang aming barangay.
3. (Pag-aalinlangan at Pag-aatubili) _______ hindi ko magawa
ang proyekto natin dahil may pupuntahan kaming burol.
4. (Pagtitiyak at Pagpapasidhi) _________________
makakapasa ako sa asignaturang Filipino.
5. (Kondisyon at Resulta) __________ hindi ka
magsusumikap ay wala kang mararating sa buhay.
Takdang Aralin:

■ Isulat sa ½ crosswise ang mga plano


ninyo sa inyong “Christmas Vacation”.
Gumamit ng 5 ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal at salungguhitang ang
mga ito.

You might also like