You are on page 1of 20

8

Learning Activity Sheet


Filipino 8
Kuwarter 3 – MELC 6
Napag-iiba ang katotohanan(facts) sa Hinuha
(inference), Opinyon at Personal na
Interpretasyon ng Kausap

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

Sheet (LAS) 20

i
Competency Development Home Learning Plan Status in Filipino
Markahan: Ikatlo Integrating Competency 6, 7, 8, 9 : Mga Petsang Itinakda sa
F8PN-IIId-e-29 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha Pagtatapos ng Modyul:
(inference) Marso 29-Abril 5, 2021
opinyon at personal na interpretasyon ng kausap
F8PB-IIId-e-30 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
F8PD-IIId-e-30 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang
napakinggan
F8PT-IIId-e-30 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
radio broadcasting
Bahagi ng Pagtuturo- Mga Inaasahang Maipakita na Patunay ng Pagganap Inaasahang Araw o Petsa
Pagkatuto ng Pagganap

MELC 6- F8PN-IIId-e-29 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inference) opinyon at personal na interpretasyon ng
kausap
I. Downloading/Uploading Pag-upload ng LAS week 2, MELC’s 6,7,8,at 9. (Lunes)
of LAS Marso 29, 2021

II.Panimula Pagbabasa at pag-unawa sa Susing Konsepto hinggil sa pagkakaiba (Lunes)


ng opinyon, personal na interpretasyon, hinuha at katotohanan. Marso 29, 2021
III. Mga Gawain 1. Pagsagot sa Gawain 1 (Lunes)
2. Pagsagot sa Gawain 2 Marso 29, 2021
Student-Teacher 1.Pagtala ng mga mag-aaral para sa “Student-Teacher Interaction” (Martes)
Interaction 2. Pagtatanong ng mga mag-aaral hinggil sa aralin para sa Ikalawang Marso 30, 2021
Linggo ng Ikatlong Markahan.
MELC 7- F8PB-IIId-e-30 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag

I.Panimula Pag-aaral sa kaibahan ng positibo at negatibong pahayag (Miyerkules)


Marso 31, 2021
II. Mga Gawain 1. Pagbabasa ng awiting “Anak” at pagsagot sa mga tanong bilang (Miyerkules)
Gawain 1 Marso 31, 2021
2. Pagsagot sa Gawain 2
3. Pagbubuo ng talata hinggil sa laraawan sa Gawain 3
Micro Performance 1 Marso 31, 2021
MELC 8- F8PD-IIId-e-30 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan

I.Panimula Pagbabasa ng Susing Konsepto batay sa aralin na may kaugnayan sa (Huwebes)


Radyo at telebisyon Abril1, 2021
II. Mga Gawain 1. Pagbabasa ng dalawang maagkaibang balita sa radio at pag-uugnay (Huwebes)
Sa dalawang ito sa Gawain 1 Abril1, 2021
MELC 9- F8PT-IIId-e-30 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
I.Panimula Pagbabasa ng Panimula/Susing Konsepto ng aralin na may kinalaman sa (Huwebes)
mga salitang ginagamit sa radio broadcasting Abril 1, 2021
II. Mga Gawain 1. Pagsasagawa ng Gawain 1 (Biyernes)
2. Pagsagot sa Gawain 2 Abril 2, 2021
3. Pagkilala sa mga iba pang salitang ginagamit sa radio broadcasting sa
Gawain 3 (Biyernes)
Abril 2, 2021
III. Repleksiyon Pagsagot sa Bahaging Repleksiyon (Biyernes)
Abril 2, 2021
Lagumang Pagsusulit 1 (Biyernes)
Abril 2, 2021

i
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 5

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

(Pag-iiba ng katotohanan (facts) sa hinuha (inference), opinyon at personal na


interpretasyon ng kausap)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inference), opinyon at


personal na interpretasyon ng kausap) F8PN-IIId-e-29

II. Panimula (Susing Konsepto)

May mga pagkakataong nagbibigay ang tao ng sariling opinyon o haka-haka sa


mga paksang pampolitika o pangyayaring nagaganap sa lipunan o pambansang
isyu, o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. May mga
pagkakataon naming kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri
ang mga pahayag na maririnig o isasambit, kung ito ba ay opinyon, personal na
interpretasyon, hinuha o katotohanan.

Opinyon
Opinyon ang tawag sa mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa
mga totoong pangyayari o dokumento. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala
tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, sa ganang akin at iba pa.

Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, napakahalaga ang pakikisama sa bawat mag-
aaral sa klase.
2. Sa aking palagay, mas masarap mamuhay sa lalawigan kaysa sa lungsod.

Personal na Interpretasyon
Ang personal na interpretasyon ay tumutukoy sa sariling pananaw ng isang
tao sa kanyang buhay, sariling pananaw ng isang obra maestro at sariling
pananaw sa mga aklat na kanyang nababasa.
Halimbawa:
1. Sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya
pinagsisikapang kong mag-aral nang mabuti upang maipagmalaki ng aking
baying tinubuan.
2. Ninais kong maging mabuting tao upang mapatunayan ko ang pahayag na
“Ang tunay na kagandahan ay di lamang makikita sa panlabas na anyo ng
isang tao kundi sa kanyang kalooban.”

Hinuha
Ang hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari o nangyayari batay
sa sitwasyon. Sa paghihinuha, maaaring gamitin ang mga salitang tila, yata,
marahil, baka, siguro, at iba pa.

ii
Halimbawa:
1. Malamig ang simoy ng hangin, baka may bagyong paparating.
2. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Marahil mayroon siyang kailangang habulin.

Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng
pinagkuhanan. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa,
resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay,
tinutukoy na, mababasa na, at iba pa.

Halimbawa:
1. Maraming nagkakasit ng dengue sa taong 2010 batay sa tala ng DOH.
2. Pinatutunayan ni Pangulong Aquino na kayang umunladang Pilipinas sa
pagtahak sa tuwid na landas.

III. Mga Sanggunian


Habijan, Erico PH.D, et.al. Panitik: Filipino sa Panahon ng Pagbabago II
pahina 233-234.
Mosquera, Cleotilde D.R. at Romero, Glenda A. Hamaka II. .pp.103
Most Essential Learning Competency (MELCs) Filipino, pahina 175
IV. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Pag-iibahin ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pahayag na Katotohanan, Opinyon, Hinuha o Personal na
Interpretasyon sa ibaba. Isulat sa talahanayan ang kaukulang sagot.

1. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon,


ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin.
2. Ayon kay Shakespeare, “Ang mundo ay isang teatro” kaya nakikita
ko ang samot-saring karanasan ng tao sa pang-araw-araw na buhay.
3. Para sa akin, mas mainam nang manigurado sa ating kalusugan sa panahon
ngayon.
4. Nagkukumpulan ang mga tao sa palengke. Sila ay lalapitan ng mga pulis at
paalalahanan ng “Social Distancing”.
5. Maraming mga kabataang Pilipino ang nahuhumaling sa mga Kdrama. Kung
gayon, nanganganib na ang Panitikang Pilipino baka kanila itong
makakalimutan.
6. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti nang nababawasan ang
mga out-of school youth
7. Kung ako ang tatanungin, mas mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa
isa’t isa.
8. Marami ang lumilipat na mga mag-aaral sa pure print marahil, nahihirapan sila
sa digital o dili kaya wala na silang may maipantustos sa load.

Katotohanan Opinyon Hinuha Personal na


Interpretasyon

iii
Gawain 2
A. Panuto: Basahin ang mga nasa loob ng kahon at gawin ang mga gawain
batay dito. Ilahad ang iyong kasagutan sa loob ng tatlo hanggang
limang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ito nang patalata.
(10 puntos bawat bilang)

Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw,
buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero
matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita
ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila. Nagdilim
hang aking tingi… Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana…Napatay ko
siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos)

Tony: Bok, si San Agustin, bago naging santo ay naging isang pusakal munang
magnanakaw…Tandaan mo ‘to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti
kaysa mabuting sumama.

Sipi sa dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio A. Salazar

Kraytirya sa Pagmamarka sa Hinuha at Personal na Interpretasyon


Pamantayan
Nilalaman ng talata 4
Naglalahad ng Hinuha o Personal na Interpretasyon 4
Wastong gramatika 2
Kabuoan 10

1. Ano kaya ang mangyayari kung naghunos-dili si Doming at hindi


nagdilim ang kanyang paningin sa kanyang nakita? Ilahad ang iyong
mahihinuha batay sa maaaring mangyari.

2. Ilahad ang iyong sariling interpretasyon hinggil sa tinuran ni Tony.

iv
v
Gawain 2
Depende sa
sagot ng mga
mag-aaral.
Pakibatay na
lamang sa
Kraytirya ang
Gawain 1:
Katotohanan Opinyon Hinuha Personal na
Interpretasyon
1.Ayon kay Adrian 3. Para sa 4. 2. Ayon kay
Eumagie, 2012, sa akin, mas Nagkukumpulan Shakespeare,
makabagong mainam nang ang mga tao sa “Ang mundo ay
panahon ngayon, manigurado sa palengke. Sila isang teatro”
ang kaugalian ng ating ay lalapitan ng kaya nakikita
Pilipino ay nana- kalusugan sa mga pulis at ko ang samot-
natiling mayaman panahon paalalahanan saring
sa bawat isa sa ngayon. ng “Social karanasan ng
atin. Distancing”. tao sa pang-
araw-araw na
5. Batay sa tala ng 6. Kung ako 7. Maraming buhay.
Department of ang tatanu- mga kabataang
Education, unti- ngin, mas Pilipino ang
unti nang mahalaga sa nahuhumaling
nababawasan ang magkaibi-gan sa mga Kdrama.
mga out-of ang pagti- Kung gayon,
school youth tiwala sa isa’t nanganganib na
isa. ang Panitikang
Pilipino baka
kanila itong
makakalimutan.
8. Marami ang
lumilipat na
mga mag-aaral
sa pure print
marahil,
nahihirapan sila
sa digital o dili
kaya wala na Susi sa Pagwawasto
silang may
maipantustos sa
load
8
Learning Activity Sheet
Filipino 8
Kuwarter 3 – MELC 7
Pag-iisa-isa ng mga Positibo at
Negatibong Pahayag

g Activity Sheet (LAS)


20 20
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

vi
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 6

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

(Pag-iisa-isa ng mga Positibo at Negatibong Pahayag

III. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag F8PB-IIId-e-30

IV. Panimula (Susing Konsepto)


Ang pagbibigay ng pahayag sa mahalagang isyu na kinakaharap ng bansa ay
isang magandang indikasyon na ang mga mamamayan ay nakikisangkot sa mga
nagaganap sa paligid nila. Ang opinyon ay maaaring salungat o negatibo at sang-
ayon o positibo.

1. Positibong pahayag
Ang mga positibong pahayag ay mga pahayag na naglalaman ng mga
magagandang pahayag. Karaniwang ito ay nagdudulot ng mabuting
epekto sa nakakarinig o kinakausap.
Halimbawa:
a. Napakahusay ng iyong pagpapaliwanag. Lubos akong naliwanagan.

2. Negatibong pahayag
Ang negatibong pahayag ay mga pahayag na naglalaman ng mga
negatibong epekto/damdamin sa kinakausap o nakikinig.
Halimbawa;
a. Mabuti sanang bumalik na ang ang face-to-face na klase, ngunit patuloy
pa rin ang paglaganap ng COVID-19.

III. Mga Sanggunian


Panitikang Pilipino Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 142-143.
Hamaka II. Cleotilde D.R. Mosquera at Glenda A. Romero. Pahina 130.
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 175
http://politikangpinoy.workpress.com/2012/09

IV. Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Basahin ang bahagi ng awiting “ANAK” ni Freddie Aguilar.
Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan hinggil dito.
.

I. Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

i
At sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa’yo

II. Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

III. At ang payo nila’y sinuway mo


Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa’y para sa iyo
Pagkat ang nais mo’y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

1. Ano ang paksa ng awitin?


2. Paano inalagaan ng mga magulang ang kanilang anak? Magbigay ng
tatlong paraan.
3. Kung ikaw ang anak sa awitin, paano mo papahalagahan ang mga
ginawa sa iyo ng iyong magulang?
4. Pansinin ang liriko ng awit. Magbigay ng dalawang positibong pahayag
mula sa awit.
5. Magbigay ng dalawang negatibong pahayag mula sa awit.

Gawain 2:
Panuto: Isulat ang P kung ang pahayag ay positibo, at isulat naman
ang N kung ang pahayag ay negatibo. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ayoko nang mag-aral. Puro pasakit na lamang ang aking nararanasan.

2. Sinikap kong mag-aral nang mabuti kahit kami ay mahirap lamang.

3. Marami ang nahihirapan ngayon dulot ng COVID-19 pandemya.

4. Nalungkot siya sa pagkawala ng asawa ngunit natutong siyang magpursige


sa buhay upang mabuhay silang mag-iina.

5. Mabuhay ang bagong kasal!

6. Kahit may pandemya sa ngayon, hindi natinag ang mga mag-aaral at mga
magulang na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata.

7. Kailangan nating magtulungan para sa bata, para sa bayan!

8. Hindi maganda ang iyong ginawa, kailangang mong matutunan ang


pagrespeto sa iba.
9. Huwag matakot, huwag mabahala. Kaya natin ito!

ii
10. Huwag kang kumilos, kung ayaw mong masaktan!

Gawain 3:
Panuto: Bumuo ng isang talata hinggil sa larawan sa ibaba. Pagbatayan ang
kraytirya na nakasulat.

Kraytirya:

Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik


A. Batay sa larawan ang talatang nabuo 5 puntos
B. Ginagamitan ng tigdadalawa o mahigit pang 5 puntos
positibo at negatibong pahayag
C. Wastong gamit ng gramatika at naisulat ito 5 puntos
nang malinis
KABUOAN 15 puntos
5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay
4- Mahusay 2- Di mahusay

iii
iv
Gawain 2
1. N
2. P
3. N
Gawain 3 4. P
Nakabatay ang 5. P
pagwawasto sa 6. P
kraytirya at sa 7. P
sagot ng mga 8. P
mag-aaral 9. P
10. N
Gawain 1
1. Pagmamahal at pag-aaruga ng magulang sa anak.
2. A. Sila’y nagbabantay sa tuwing pagtulog ng anak
B. Nagpupuyat ang nanay sa pagtimpla ng gatas ni baby
C. Masayang- masama ang ama tuwing kalong niya ang anak.
3. Depende sa sagot ng mga mag-aaral
4. A. 4. A. Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
B.At sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
C. At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa’yo
5. A. Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
B. Naging matigas ang iyong ulo
C. Ang payo nila’y sinuway mo
Susi sa Pagwawasto
8
Learning Activity Sheet
Filipino 8
Kuwarter 3 – MELC 8
Pag-uugnay ng Balitang Napanood sa
Balitang Napakinggan

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

g Activity Sheet (LAS)


20 20

v
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 7

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Pag-uugnay ng balitang napanood sa balitang napakinggan

V. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan F8PD-IIId-e-30

VI. Panimula (Susing Konsepto)


Ang Radyo ay itinuturing na “go-anywhere medium” ng pamamahayag
sapagkat ito ay naririnig ng mga tao kahit habang sila ay naglalakad, nagbibiyahe,
nagmamaneho, nagtatrabaho, o namimili.
Ang Radio bilang isang daluyan ng komunikasyon ay ang pagpapaikli ng mga
salita tulad ng pagsasahimpapawid, radyo, radio transmitter o radio transmitter.
Sa mga pangkaraniwang termino, nauunawaan na ang radyo ay isang daluyan ng
komunikasyon batay sa paglabas at pagtanggap ng mga audio signal ng mga radio
electromagnetic. Ang pag-imbento nitong mga petsa hanggang sa katapusan ng
ika-19 na siglo at ang kasunod na pag-unlad nito ay isang rebolusyon sa mundo
ng telecommunications.
Ang telebisyon (TV) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang
sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng
aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.
Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid
ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may iba’t ibang
kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang
programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang
telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok.

VII.Mga Sanggunian
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-radio
https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon
https://www.bomboradyo.com/category/top-stories/
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 177

IV. Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Anong huling balita sa radyo ang inyong napakinggan at anong
balita sa telebisyon ang inyong napanood? Ano ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga
balitang inyong napakinggan. Isulat ang sagot sa kahon sa ibaba.

Paalala:
Sa mga wala namang radyo at telebisyon sa bahay, may nakalaang babasahin para
sa inyo upang matugunan ang hinihingi sa gawaing ito. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

i
Balitang Napakinggan Balitang Napanood

Sa aking opinyon ang mga balitang ito ay

ii
P13.6-M halaga ng shabu galing Imbestigasyon ng NBI sa PNP-PDEA
Malaysia nasabat via parcel service ng 'misencounter' nagsimula na
PDEG ABS-CBN News
By Bombo Analy Soberano -March 7, 2021 | 8:33 AM Posted at Feb 26 2021 10:12 AM | Updated as of Feb 26 2021

08:08 PM
Nasabat ng mga mga tauhan ng PNP
Drug Enforcement Group (PDEG) ang MAYNILA - Sinimulan na ng National
nasa P13.6 million halaga ng iligal na Bureau of Investigation ang kanilang
droga sa pamamagitan ng mail parcel. parallel investigation sa umano'y
misencounter sa pagitan ng Philippine
Kinilala ni PNP Chief PGen. Debold National Police at Philippine Drug
Sinas ang naarestong suspek na si Enforcement Agency sa Quezon City
Jayson Quijoy, 37-years old, residente kung saan nasawi ang 4 katao.
ng Bago Bantay, Quezon City.

Dumating Huwebes ng gabi ang mga


Nahuli ang suspek sa may bahagi ng tauhan ng NBI sa Commonwealth Ave.
Pantaleon St., Brgy. Guyong, Sta. Maria, kung saan nangyari ang barilan pero
Bulacan habang dini-deliver nito ang hindi pa sila nagbigay ng pahayag sa
iligal na droga. kanilang ginagawang imbestigasyon.
Ayon kay Sinas, modus na ng mga
sindikato na gamitin ang mga parcel Apat katao ang nasawi sa
service para makabenta ng iligal na engkuwentro Miyerkoles ng gabi,
droga. kabilang ang 2 pulis, ahente at
“The PNP is coping with the growing informant ng PDEA.
sophistication of organized crime
particularly syndicates that use every Pinabulaanan naman ng PDEA
means possible to peddle drugs. We are nagkaroon ng "sell-bust." Ito ay
ready for them,” the Chief PNP stressed. pagkukunwari na nagbebenta ng droga
Ayon naman kay PDEG Director, Police para mang-target ng mga tao na
Brigadier General Ronald Lee, si Quijoy namimili ng ilegal na droga.
ang consignee ng parcel na ipinadala ng
Glus SDN BHD of 18G Jalan SG 3/2 Humihingi ngayon ang NBI ng sapat
Taman SRI Gombak 68100 Batu Caves, na oras para mas masuri ang mga
Selangor, Malaysia na una ng hinarang ebidensiya sa insidente. Bumuo na sila
ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction ng joint board of inquiry para
Task Group. imbestigahan ito.
Ang naturang parcel ay idiniklarang Magpapatawag naman ng inquiry ang
“steamboat with grill” na naglalaman ng Kongreso para maging malinaw sa lahat
2,003 grams ng hinihinalaang kung bakit nagkakaroon ng
Methamphetamine Hydrochloride or misencounter.
Shabu na may street value na P13.6M.
Ang nasabing parcel ay personal na - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-
tinanggap ni Quijoy sa ibinigay nitong CBN News
address sa Sta. Maria, Bulacan.
Agad naman siyang inaresto ng mga
operatiba matapos tanggapin ang parcel
sa courier service.

Susi sa Pagwawasto
Ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral
Gawain 1

iii
8
Learning Activity Sheet
Filipino 8
Kuwarter 3 – MELC 9
Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salitang
Ginagamit sa Radio Broadcasting

o8
g y DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

iv
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 8

Pangalan:_________________________Grado at Seksiyon:_____________________

Petsa: __________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

(Pagbibigay kahulugan sa mga salitang ginagamit sa radio broadcasting)

VIII. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting


F8PT-IIId-e-30

IX. Panimula (Susing Konsepto)

Sa araling ito ay mapapalalim pang lalo ang inyong kaalaman kaugnay sa


gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan.
Mula noon hanggang ngayon ay naging bahagi na ng buhay ng mga kababayan
nating mga Pilipino ang pakikinig sa radyo. Narito ang ilan sa mga salitang
ginagamit sa radio broadcasting.

Mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting


Ang broadcast media ay isang
paraan ng paghahatid ng
BROADCAST MEDIA impormasyon sa nakararami.
Ang pagpapakalat ng
impormasyon sa telebisyon, radio
at pahayagan ay isang halimbawa
ng broadcast media. Ito ay
Mga Salitang ginagamit sa radio karaniwang gumagamit ng audio
broadcasting AUDIO-VISUAL MATERIAL visual upang maghatid ng
impormasyon sa telebisyon at
radyo.

Ang audio-visual materials ay


ginagamit na props ng mga guro o
ng mga taong nagdidisisyon para
SFX (Sound Effects) madaling maintindihan ng mga tao.
Ito ay nababasa at naririnig ng mga
taong binabahagian ng diskusyon.

Ang SFX ay mga ginagamit na


instrument o effects upang maging
mas maganda, makabuluhan at
epektibo ang presentasyon.

1
X.Mga Sanggunian
https://images.app.goo.gl/MRVysWAky1eS4aFF6
https://images.app.goo.gl/4e96VUezCkhho8Jj8
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa Filipino, pahina 175

XI.Mga Gawain

Gawain 1:
Panuto: Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa
radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng maliit na kahon ang
nasabing mga pahayag. Gawin ito sa sagutang papel.

Gawain 2

2
Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at
sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinapakinggang
programa. Ipaliwanag mo rin ang mga kadahilanan kung bakit mo pinanonood o
pinakikinggan ang mga programang iyong nabanggit.

Gawain 3
Panuto: Sa bahaging ito ay makikilala mo pa ang iba’t ibang salitang
ginagamit sa radio broadcasting sa pamamagitan ng pagtukoy nila sa loob ng
kahon batay sa pagpapakahulugan sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.

A. Radio Iskrip B. Station ID C. Infomercial D. Bumper


E. Story Tags F. Teaser G. Billboard H. mamamahayag

1. Ang huling bahagi bilang palatandaan na ang balita o kuwento ay tapos na


at may iba pang detalye o impormasyon sa sumunod na pahina.
2. Ito ay ginagamit na upang mastimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang
manatili sa pinakikinggang palatuntunan
3. Maririnig matapos ng balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong pro-
dukto ng sponsor ang naghatid ng balita.
4.Isang isinulat na materyal na naglalaman ng mga salitang kilos at di-pandiwang
kilos na kailangan sa programa. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin,
sasabihin o kailan o paano.
5. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.
6. Ito aypaglalahad ng impormasyon gamit ang komersyo tulad ng telebisyon o
radyo na kadalasan nating makikita o maririnig araw-araw.
7. Isang tao na nagtitipon, nagsusulat at namamahagi ng balita o iba pang
kasalukuyang impormasyon.
8. Pagkakakilanlan ng isang estasyon.

V. Repleksiyon
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag.

1. Nakatulong ang radyo sa pagpapalawak ng kamalayang panlipunan ng mga


Pilipino dahil

3
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Mahalagang malaman ko ang kaalaman na may kinalaman sa impormal na
antas ng wika at mga salitang ginamit sa radio broadcasting upang
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

Gawain 2 Depende sa sagot ng mga mag-aaral

8.B 6. C 2. F 4. A
7.H 5. D 1. E 3. G
Gawain 3

You might also like