You are on page 1of 6

Grade Level Grade TWO MTB-MLE 2

Teacher Celeste D. Villaran Quarter: THIRD (Week 7)


Date June 30, 2022 Checked by: DINNA S. DE LARA

I. LAYUNIN (Objectives) Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


Matutukoy at magagamit ang pang-uri sa pangungusap
A. Pamantayang Pangnilalaman Demonstrates understanding and knowledge of language grammar and usage when
(Content Standard) speaking and/or writing.
B. Pamantayan sa Pagganap Speaks and writes correctly and effectively for different purposes using the basic
(Performance Standard) grammar of the language.
C. Pamantayan sa Pagkatuto Identify and use adjectives in sentences
(Learning Competencies) Isulat ang code ng
bawat kasanayan
MT2GA-IVa-2.4.1
II. NILALAMAN (Content) Aralin 7: Ang Pang-uri sa Pangungusap
Integrasyon ESP
1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan:
1.1. pag-awit 1.2. pagguhit 1.3. pagsayaw 1.4. pakikipagtalastasan 1.5. at iba pa

FILIPINO
Nababaybay nang wasto ang mga salita - tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang
pampaningin, at natutunang salita mula sa mga aralin F2PY-IIg-i-2.1
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari F2WG -Ic - e - 2

ARALING PANLIPUNAN 2

* Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno


*Natutukoy ang mga namumuno at mga mamamayang nag -aambag sa kaunlaran ng
komunidad
*Naipaliliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran. AP2PSK-
IIIb-2

SINING
Describes the lines, shapes, colors, textures, and designs seen in the skin coverings of
different animals and sea creatures using visual arts words and actions. A2EL-IIa

III. KAGAMITANG PANTURO


(Learning Resources)
A. Sanggunian (References)  K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELCs) pahina 29
 Kto 12 MTB-MLE Curriculum Guide -2016- pahina 122
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro  Patnubay ng Guro MTB-MLE 2 pahina 130-132
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- K to12 SLM-37-42
Mag-aaral MTB-MLE –LM pahina 105
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Mula Sa
Portal Ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, whiteboard at marker
IV. PAMAMARAAN (Procedures)
A. Panimulang Aralin 1. Pagbati ng mga bata sa kanilang guro.
(Reviewing previous lesson or presenting new 2. Pagkuha ng bilang ng mga batang pumasok
lesson)
3. Pag-awit at pagsayaw ng mga bata sa awiting “Tatlong Bibe”

2. PAGSASANAY: Paglalaro ng “Bring Me’


Kumuha at magpakita ng mga bagay ayon sa ilalarawan ng guro.

3. BALIK-ARAL
Tukuyin kung anong kategorya ng pangngalan ang mga sumusunod na larawan. Isulat
kung tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
1. 4.

2. 5.

3.

FILIPINO
Nababaybay nang wasto ang mga salita tatlo o apat na pantig, batayang talasalitaang
pampaningin, at natutunang salita mula sa mga aralin F2PY-IIg-i-2.1

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop,
bagay at pangyayari F2WG -Ic - e - 2
(Isusulat ng mga bata ang kanilang sagot sa whiteboard at ipapakita pagkatapos)
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin 1. PAGGANYAK
(Establishing a purpose for the lesson) Pagpapakita ng mga larawan.

Suriin ang bawat larawan.


Anong katangian ang ipinapakita dito?

2. PAGHAWAN NG BALAKID
Basahin ang mga salita at pangungusap na nagbibigay ng kahulugan sa mga ito.
a. Lungsod- isang lugar o bayan na maraming populasyon o tao na naninirahan
b. mamamayan-mga taong naninirahan sa isang lugar o komunidad
c. Pandemya- ay ang pang-internasyonal na pagkalat ng isang bagong sakit kung saan
ang karamihan ay wala pa ring kaligtasan laban dito.
d. Facemask-panakip sa mukha upang hindi malanghap ang maruming hangin at maging
ang talsik ng laway
e. Virus -. isang ahenteng nakahahawa na nagpaparami lamang sa loob ng mga buhay na
sihay ng isang organismo.
f. Supot - isang uri ng lalagyan na gawa sa manipis, nababanat, piraso ng plastik 
g. Health kit – lalagyan ng mga kagamitang pangkalusugan
(Tataas ang kamay ng mga batang gustong sumagot sa tanong ng guro)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa PAGLALAHAD
bagong aralin Pagbasa ng maikling kuwento.
(Presenting examples /instances of the new Sa Oras ng Pandemya
lesson) Ang malinis at maayos na Lungsod ng Malabon ay pinamumunuan ng dating
Alkalde, Antolin Oreta III. Nang magkaroon ng pandemya, sa pamumuno niya ay
tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan. Namigay sila ng mga facemask
na may iba’t ibang kulay at hugis upang mabawasan ang kanilang takot sa virus.
Nagpagawa sila ng mga facemask na kulay rosas, puti at asul. Ito ay may iba-iba ring
hugis tulad ng tatsulok, parihaba at bilog. Namigay din sila ng mga supot ng pagkain na
may sampung kilong bigas, limang lata ng sardinas at isang supot na kape at asukal. Ang
health kit ay may sabong mabango, maraming bitamina at dalawang bote ng alcohol.
Masaya ang mga bata at matatanda. Labis ang kanilang pasasalamat sa natanggap nilang
biyaya.

(Integration-Araling Panlipunan 2)
* Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno
*Natutukoy ang mga namumuno at mga mamamayang nagaaambag sa kaunlaran ng
komunidad

Filipino 2
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag
F2PN-IId-12.2
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at 1. Sagutin ang mga katanungan.
paglalahad ng bagong kasanayan #1 1.Sino ang namumuno sa Lungsod ng Malabon ng magkaroon ng pandemya?
(Discussing new concepts and practicing 2.Paano inilarawan ang Lungsod ng Malabon?
new skill #1) 3.Ano ang ginawa ng lokal na pamahalaan nang magkaroon ng pandemya?
4.Ano - anong kulay ng face mask ang kanilang ipinagawa?
5.Ano - anong hugis ng mga facemask?
6.Ano - ano ang laman ng supot ng pagkain?
7.Ano - ano naman ang laman ng health kit?
8.Ano kaya ang naramdaman ng bata at matanda sa biyayang kanilang natanggap?
9. Ano ang katangian ng mga namuno sa lokal na pamahalaan ang ipinakita sa kuwento?
Tama ba ang kanilang pinakita?

2. Basahin at suriin ang mga parirala mula sa kuwento.


Malinis at maayos na Lungsod
Facemask na kulay rosas, puti at asul
Hugis tatsulok, parihaba at bilog
Sampung kilong bigas
Limang lata ng sardinas
Isang supot na kape at asukal
Sabong mabango
maraming bitamina
dalawang bote ng alkohol
masayang bata at matanda

Ano-ano ang mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan?

Ang salitang pang –uri ay naglalarawan sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Maaaring sa katangian, hitsura, kulay, bilang o dami, laki, amoy, panlasa o hugis ng
pangngalan.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at PAGYAMANIN
paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Discussing new concepts and practicing A. Panuto: Tukuyin ang mga pang-uri sa sumusunod na pangungusap
new skill #2)
1. Ang puno sa aming bakuran ay malaki.

2. Masarap ang binigay niyang keyk.

3. Ang tinimpla niyang kape ay mabango.

B. Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pang-uri sa pangungusap.


4. matamis

5. maganda

C. Panuto: Pinoy Henyo: Magbibigay ako ng 3 “clue”, hulaan ninyo kung anong
bagay ang tinutukoy.

1. parihaba, malambot, ginagamit sa pagtulog - unan

2. pula, bilog, tumatalbog - bola

3. maitim, malakas, nakakatulong sa bukid - kalabaw

4. dilaw, maasim, matigas ang dahon, maraming mata - pinya

5. mabait, naka – itim, nakatira sa simbahan – pastor/pari

(Isusulat ng mga bata sa whiteboard / Ita-type ng bata sa chat box ang kanilang sagot)
F. Paglinang sa Kabihasnan ISAGAWA
(Tungo sa Formative Assessment) PANGKAT I-Bigkasin Mo!
(Developing mastery (Leads to Formative Panuto: Punan ng angkop na pang-uri ang mga patlang upang mabuo ang tula.
Assessment) Pagkatapos ay bigkasin ito.
Ako ay may Alaga
Ako ay may alaga
Asong ________
Buntot ay _______
______ ang mukha
Mahal niya ako
______ ko rin siya
Kaya kaming _______
Ay laging magkasama.

PANGKAT II-Isulat Mo!


Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan.
1. masarap
2. bilog
3. mataas
4. pula
5. mabait

PANGKAT III-Isayaw Mo!


Panuto: Isakilos ang awiting “Sampung mga Daliri”. Itala o isulat ang mga salitang
naglalarawan mula dito.
Sampu - daliri
Dalawa - tainga, mata
Maganda- ilong
Maliliit - ngipin, dila
PANGKAT IV - Ikuwento Mo!
Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.
Pangarap kong Bahay

Paglaki ko gusto ko ng bahay na malaki. Ang pintura ng bahay ko ay berde. Sa


kusina ay may bilog na mesa na may apat na upuan. Sa gitna ng mesa ay may basket na
maraming prutas. Hay! ang sarap mangarap.
1.Anong ang bahay na gusto niya?
2.Anong kulay ng pintura ng bahay?
3.Anong hugis ng mesa?
4.Ilan ang upuan?
5.Ilang prutas ang laman ng basket?

(Integration-ESP 2)
1. Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan:
1.1. pag-awit 1.2. pagguhit 1.3. pagsayaw 1.4. pakikipagtalastasan 1.5. at iba pa

(Papangkatin ang mga bata at gagawin ang itinakdang gawain, pagkatapos ay iuulat ng leader
ang kanilang ginawa.)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw - PAGLALAPAT
araw na buhay
(Finding practical applications of concepts Panuto: Isulat ang MASAYA kung tama ang ginamit na pang-uri sa bawat
and skills in daily living) pangungusap at MALUNGKOT naman kung mali.
1. Ang pagreresiklo ay magandang gawain na makakatulong sa ating kalikasan.
2. Maaaring lumakad na lamang kung malapit na lugar ang pupuntahan.
3. Panatilihing marumi kapaligiran upang ligtas sa anumang sakit.
4. Ang pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng IATF ay nagpapakita na tayo ay
masunuring mamamayan.
5. Magtanim tayo ng kaunting puno at halaman sa ating kapaligiran.

(Integration-AP 2)
*Naipaliliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran. AP2PSK-
IIIb-2
(Tataas ang kamay ng batang gustong sumagot bago tawagin ng guro)
H. Paglalahat ng Aralin PAGLALAHAT
(Making generalizations and abstractions Ano ang pang-uri?
about the lesson) Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Ito ay nagsasaad ng katangian, kulay, hugis, bilang o sukat.
(Tataas ang kamay ng batang gustong sumagot bago tawagin ng guro)
I. Pagtataya ng Aralin TAYAHIN
(Evaluating learning)
Panuto: Piliin sa pangungusap ang ginamit na pang-uri. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

1. Kumakain si Rylan Dae ng masustansiyang pagkain.

A. kumakain B. masustansiya C. pagkain

2. Makapal ang aklat na binabasa ni Prince.

A. binili B. Makapal C. Prince

3. Puti ang suot na uniporme ng mga mag-aaral.

A. puti B. uniporme C. mag-aaral

4. Tahimik na nakikinig ang mga mag-aaral sa kanilang guro.

A. guro B. nakikinig C. tahimik

5. Ang suot na face shield ni Carla Jane ay malinis.

A. niya B. Masaya C. natutuhan


(Isusulat ng mga bata sa whiteboard ang kanilang sagot)
J. Karagdagang Gawain para sa TAKDANG- ARALIN
takdang- aralin at remediation Panuto: Gumuhit ng isang likhang sining sa isang bond paper. Pumili ng isa sa mga
(Additional activities for application or sumusunod.
remediation) 1.larawan ng puting bibe
2.larawan ng matabang baboy
3.larawan ng malaking elepante
4.Larawan ng maamong tupa
5.larawan ng mabangis na tigre

(Integration –Sining 2)
Describes the lines, shapes, colors, textures, and designs seen in the skin coverings of
different animals and sea creatures using visual arts words and actions. A2EL-IIa
Rubriks:
Pagmasdan ang iyong kinulayang larawan na hayop. Lagyan ng kung OO ang sagot at
kung hindi.
1. Napalabas ko ba ang tunay na kulay ng
aking iginuhit?
2. Malinis ba ang aking ginawang
pagkukulay?
3. Nagpapakita baa ko ng tekstura sa
balat ng aking iginuhit?
4. Gumamit ba ako ng tamang kulay base
sa tunay na kulay nito.
5. Gumamit ba ako ng iba’t ibang kulay
sa pagkukulay?
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag – aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag – aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang
ng mag – aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag – aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like