You are on page 1of 9

Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang

Lohikal
 Sa paglalahad ay mahalagang
maipakita ang wastong
pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari. Kailangang lohikal
na maipakita ang ugnayan
upang madaling makuha o
maunawaan ang mensaheng
nais maiparating ng
nagsasalita o nagpapahayag.
1.Sanhi at Bunga
2.Paraan at Resulta
3.Kondisyon at Resulta
4.Paraan at Layunin
5. Pag- aalinlangan at
Pag- aatubili
6. Pagtitiyak at
Pagpapasidhi
Sanhi at Bunga
Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay
dapat na maliwanag na Makita ng mga
mambabasa o tagpakinig. Ang mga
pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa,
dahil, kasi, kaya, bunga at iba pa ay
madalas na gamitin sa ganitong pahayag.

Halimbawa:
Nagsisikap siyang mabuti sa kanyang pag-
aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
Paraan at Resulta
Nagsasaad kung paano nakuha ang
resulta. Ang pang- ugnay na sa ay
karaniwang ginagamit sa ganitong
pahayag.

Halimbawa:
Nagbago ang kanyang buhay sa
tulong ng kanyang mga kaibigan.
Kondisyon at Resulta
kung isasagawa ang kondisyon. Ang mga pang-
ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaring
gamitin sa pahayag na ito.

Halimbawa:

Kung magsisikap ka sa buhay, hindi


ka mananatiling mahirap.
Paraan at Layunin
Isinasaad ng ugnayang ito kung paano
makakamit ang Layunin gamit ang paraan.
Ang mga pang- ugnay na upang, para, nang,
at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.

Halimbawa:
Nagsisikap siyang mabuti sa pag- aaral upang
bumuti ang kanyang buhay.
Pag- aalinlangan at Pag-
aatubili
Ito ay magkakaugnay sapagkat ang nag- aalinlangan o
nagdududa ay nag- aatubili o hindi kaagad
isinasakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay.
Gayundin ang isang nag- aatubili ay bunga ng pag-
aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila,
baka, marahil at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong
pahayag kasama ang pang- ugnay na kaya, samaktwid,
kung gayon.

Halimbawa:
Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko
magawa.
Pagtitiyak at Pagpapasidhi
Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o
kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay
ang siyang tunay, walang duda, sa
katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama
ang pang- ugnay na na at nang.

Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay
at walang dudang napatunayan ko ito.

You might also like