You are on page 1of 28

MAGANDANG

UMAGA!
KKLSNAAAA
KAKALASAN
SKWAA
WAKAS
GGTNULAIAN
TUNGGALIAN
PGTAAUN
TAGPUAN
AUNAHTN
TAUHAN
MAIKLING KUWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
LAYUNIN
• Nasususri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa napakinggang maikling kwento.
• Naisasalaysay nang maayos pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kwento.
• Nasususri ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa napakinggang maikling kwento
• Nakapagbibigay ng sariling pagpapaliwanag at
nakakalikha o nakagagawa ng isang imahe o drawing
batay sa Maikling Kwento.
KAHULUGAN NG
MAIKLING KUWENTO
MAIKLING KUWENTO
•Ito ay isang masining na anyo ng
panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.
Si Deogracias A.
Rosario ang tinuturing
na “Ama ng Maikling
Kwentong Tagalog.
Kahit ano ay maaring paksain ng
kwentista o manunulat ng maikling
kwento. Maaaring hango ito sa mga
pangyayari sa totoong buhay at
maari ding ito’y patungkol sa
kababalaghan at mga bagay na hindi
maipaliwanag ng kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang
maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni
at salagimsim na salig sa buhay
na aktuwal na naganap o
maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga
Amerikano, tinawag din na
“dagli” ang maikling kwento
at ginagawa itong libangan
ng mga sundalo.
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
1. TAUHAN
Ang nagbibigay-buhay sa
maikling kuwento . ang
tauhan ay maaring maging
mabuti o masama.
2. TAGPUAN
Ang panahon at lugar kung saan
nangyari ang maikling kwento.
Malalaman dito kung ang kuwento at
nangyari bas a panahon ng tag-ulan,
tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa
lungsod o lalawigan, sa bundok o sa
ilog.
3. BANGHAY
Ito ang maayos at
wastong pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari.
BANGHAY
A. SIMULA
B. TUNGGALIAN
C. KASUKDULAN
D. KAKALASAN
E. WAKAS
A. SIMULA
Ang kawilihan ng mga
mambabasa ay nakasalalay sa
bahaging ito. Dito ipinakilala ang
tauhan at ang tagpuang iikutan
ng kuwento.
B. TUNGGALIAN
Dito makikita ang
pakikitunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning
kanyang kahaharapin.
C. KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na pangyayari sa
kuwento kaya’t ito ang
pinakamaaksiyon. Sa bahaging ito
nabibigyang solusyon ang suliranin at
dito malalaman kung magtatagumpay
ba ang pangunahing tauhan o hindi.
D. KAKALASAN
Sa bahaging ito bumababa
ang takbo ng kuwento. Ito
ay nagbibigay ng daan sa
wakas.
E. WAKAS
Ang kinahihinatnan o
resolusyon ng kuwentong
maaaring masaya o
malungkot.
MAHALAGANG TANONG
•Paano makakatulong ang akdang
gaya ng maikling kwento sa
pagpapalaganap at pagpapanatili
ng kultura o paniniwa ng isang
partiklar na lugar?
TANDAAN
•Ang maikling kwento at mga
elemento nito ay bahagi na ng
kasaysayan at panitikan ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng ganitong mga uri
ng panitikan higit na nakikila ang
kultura ng isang bansa.
GAWAIN SA CANVAS
MARAMING
SALAMAT❤

You might also like