You are on page 1of 8

MAIKLING

KUWENTO
LUPANG TINUBUAN
GRAMATIKA: PANG-URI
MAIKLING KUWENTO
 maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari
tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari.
 Taglay nito ang pagkakaroon ng
 iisang kakintalan;
 may isangpangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang
bigyan ngsolusyon;
 tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay,
 may mahalagang tagpuan,
 may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas.
MAIKLING KUWENTO
 Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng
katutubong kulay – ang binibigyang diin ay ang tagpuan,
ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang mga
kaugalian at mga gawi sa lugar na binibigyang-diin sa
kuwento.
 Isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng
pang- araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may
isang pangyayari, at may isang kakintalan.(Ayon kay
Genoveva Edroza-Matute)
Elemento ng Maikling Kuwento
 Tauhan - Ang nagbibigay-buhay sa maikling
kwento. Maaring maging mabuti o masama.
Tauhang lapad at bilog
 Tagpuan - Ang panahon at lugar kung saan
nangyayari ang maikling kuwento. Maaring ito ba
sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali
at gabi, sa lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog.
Elemento ng Maikling Kuwento
 Banghay - Ito ang maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari
 Simula - Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay
sa bahaging ito. Dito ipinakikilala ang mga tauhan at
tagpuang iikutan ng kuwento.
 Tunggalian - Dito makikita ang pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin.
Ito ang nagsisilbing pinakadugo ng kuwento.
Elemento ng Maikling Kuwento
 Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na pangyayari sa
kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksiyon. Sa bahaging
nabibigyang- solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
 Kakalasan - Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng
kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas.
 Wakas - Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwentong
maaaring masaya o malungkot.
MARAMING SALAMAT!

You might also like