You are on page 1of 10

MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang


anyo ng panitikang nagsasalaysay
sa madali, maikli, at masining na
paraan.
Ito ay nagdudulot ng aliw at
karaniwang kapupulutan ng mga
aral sa buhay.
Ayon kay Genoveva Edroza-
Matute
Ang maikling kuwento ay isang
maikling kathang pampanitikang
nagsasalaysay ng pang-araw- araw
na buhay na may isa o ilang tauhan,
may isang pangyayari, at may isang
kakintalan.
Elemento ng maikling kuwento
 TAUHAN- ipinakikilala ayon sa
kaanyuan o papel na gagampanan o
katayuang sikolohikal, kung sino ang
bida at ang kontrabida.
 TAGPUAN – ang pangyayarihan ng
aksiyon o mga eksenang naghahayag
ng panahon, kung tag-init o tag-ulan;
ng oras, at ng lugar.
BANGHAY - Ito ay maayos at wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
 Simula – Ang kawilihan ng mga
mamababasa ay nakasalalay sa bahaging
ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang
tagpuang iikutan ng kuwento.
 Tunggalian- Dito makikita ang
pakikitunggali ng pangunahing tauhan
sa mga suliraning kanyang kahaharapin.
 Kasukdulan- Ito ang
pinakamataas na pangyayari sa
kuwento kaya’t ito ang
pinakamaaksiyon. Sa bahaging
ito nabibigyang – solusyon ang
suliranin at dito malalaman
kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi.
Kakalasan – Sa bahaging ito
bumababa ang takbo ng
kuwento. Ito ay nagbibigay ng
daan sa wakas.
Wakas – Ang kinahinatnan o
resolusyon ng kuwentong
maaaring masaya o
malungkot.
Sagutin ang mga sumusunod
1. Anong katangian mayroon ang isang maikling
kuwento? Isa-isahin ang mga ito.
2. Nakita mo ba ang mga katangiang ito sa akdang
iyong binasa? Magbigay ng mga patunay.
3. Ano-ano ang mga elementong bumubuo sa isang
maikling kuwento? Ilahad ang bawat isa.
4. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mahusay
na pagkakahabi ng mga elemento ng kuwento
para maging epektibo ito?
Pagsasanay
Panuto: Buoin ang dayagram
sa ibaba upang masuri ang
kuwentong “ Pagislam” batay
sa mga ementong napag-
aralan .
Mga
Banghay Tagpuan
Tauhan
Panimula :
Tungalian:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Wakas:

You might also like