You are on page 1of 41

Mga Akdang

Pampanitikan :
Salamin ng Mindanao
Ang kabuoan ng
kabanatang pag-aaralan
mo ay tungkol sa mga
akdang pampanitikang
sumasalamin sa
Mindanao.
Gaano kalawak ang nalalaman mo tungkol sa
Mindanao?
Mga
Manunulat
Magagandang ng
Tanawing panitikang
Dinarayo Rito kilala Rito

Iba Pang
Mga Akdang Bagay na
Pampanitikan alam ko
g Mula Rito tungkol sa
Mindanao
Magagandang Tanawing Dinarayo Rito

Isa na dito ang Mt. Hibok-hibok (kilala rin bilang Catarman


bulkan ) ang aktibong bulkan sa Camiguin Island, kung
saan ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Mindanao
Island.
Ang Serenity Falls ay isang kahanga-hangang lugar upang bisitahin, nakatayo sa gitna ng Pamucutan at La Paz, Ang lungsod ng Zamboanga ay nag-aalok ng ilan

Ang lungsod ng Zamboanga ay nag-aalok ng ilang mga stream, ilog


at iba pang natural na mga site ngunit ang Serenity Falls ay ang
pinaka-popular.
Maria Cristina Falls
Mga manunulat ng panitikan Mula Rito
Ang Mindanao na pangalawang
pinakamalaking pulo ng bansa at
sinasabing tahanan ng maraming Muslim
sa bansa ay tinatawag ding Lupang
Pangako ng Pilipinas.
Ito ay binubuo ng mismong pulo ng
Mindanao at ng kapuluan ng Sulu.
Nahahati ito sa anim na rehiyong
kinabibilangan ng Rehiyon XI ( Rehiyon
ng Davao), Rehiyon XII , Rehiyon XIII (
Caraga), at Autonomous Region in
Muslim Mindanao ( ARMM).
Sa panitikang Mindanao
masasalaminang kultura at
paniniwala ng mga Muslim at mga
pangkat-etnikong naninirahan dito
gaya ng Meranao, Tausug, Bagobo,
Yakan, T’boli, Badjao, at iba
pa.Karaniwang paksa ng kanilang
panitikan ay may kinalaman sa
kanilang relihiyon at paniniwala
gamit ang kanilag lingua franca,
wikang Bisaya, at Cebuano.
Iilan sa mga kilalang akda sa
Mindanao ay ang Darangen ng
mga Muslim kung saan kabilang
ang epikong Bidasari, Bantugan,
at Indarapatra at Sulayman.
Gayundin ang mga kilalang “
Alamat ni Pilandok” at “ Mga
Sultan ng Borneo” ay dito rin
nagmula.
Sa lalawigan ng Lanao at tanyag ang
Agamaniyog o ang kalipunan ng mga
kilalang pasalindilang panitikan sa
nasabing lugar.
Kakaunti lamang ang mga tala
tungkol sa panitikang Mindanao ngunit
sa kasalukuyan ito ay pinauunlad at
pinalalawak sa tulong ng Sining
Kambayoka sa pangunguna ng Mindanao
State University.
Pagbabalik - aral
Mahahalagang Tanong
1. Bakit kailangang basahin at kilalanin ang
mga akdang sumasalami sa mayamang
kultura ng Mindanao?
2. Sa papaanong paraan maaaring mabago
ng pagbabasa ng mga akdang mula sa
Mindanao ang karaniwang
pangkahalatang persepsiyon ng mga tao
patungkol sa kalagayang
pangkapayapaan sa lugar na ito?
Alam niyoba?
▫ Ang mababasa mo ay isang kuwentong –
bayan ng Maguindanao na tinatawag ding
Maguindanau, o Magindanaw. Ang
kanilang wika ay may pareho ring
katawagan. Ang mga taga – Maguindanao
na nang nangangahulugang mga taong
tagakapatagan o people of the flood plains
ay itinuturing na pinakamalaking pangkat-
etniko ng mga Pilipinong Muslim.
• Matatagpuan sila sa gitna ng katimugang
bahagi ng Mindanao at ang kanilang
rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang
lambak na napapaligiran ng matataas na
kabundukan maliban sa bahaging
kanluran. Isang Ilog, ang Ilog Minadanao
ang dumadaloy rito na nagdadala ng tubig
at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan
kung saan ang malaking bahagi ng lambak
ay nagmimistulang mababaw na lawa.
Talasalitaan
A. Panuto: Ibigay ang
kasingkahulugan ng mga
salitang nakadiin ayon sa
pagkakagamit nito sa
pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Hindi nakinig ang sultan sa
pagsusumamo ng kanyang anak
na dalaga.
a. pagdadabog c. pagkainis
b. pagmamakaawa d. pagsigaw
2. Ang panangis ng dalaga ay hindi
man lang pinakinggan ng ama.
a. pagsigaw c. panunuyo
b. pag-iyak d. pagkagalit
3. Nagpupuyos ang sultan dahil sa ginawa ng
kanyang anak.
a. Nagmamalaki c. galit na galit
b. nanghihina d. nauupos
4. Ang malupit na sultan ay nasawi nang
lumindol sa kaharian.
a. nasaktan c. nahirapan
b. nasugatan d. namatay
5. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang
kanilang bagong sultan.
a. naitanong c. napagpasiyahan
b. nalaman d. napag-usapan
Kasalungat
B. Panuto: Ibigay ang
kasalungat na kahulugan ng
salitang nakasulat nang
madiin ayon sa gamit nito sa
pangungusap . Piliin at isulat
ang sagot mula sa mga salita
sa hanay B .
Hanay A Hanay B
6. Matapang, malakas a. Makulong
mataas , at kayumanggi b. Malayo
ang binatang si Usman. c. Malupit
7. Nais ng sultan na d. Maputi
maglaho sa kaharian ang e. mamalagi
lahat ng binatang
nakahihigit sa kanya ang
kakisigan.
8. Gumawa ng paraan ang
magasintahan upang
makalaya mula sa
bilangguan
9. Dahil sa Hanay B
pagkakakulong ay
higit na naging
a. Makulong
malapit sa isa’t isa b. Malayo
ang mga c. Malupit
magkasintahan. d. Maputi
10. Nakita ng mga e. mamalagi
mamamayang
mapagmalasakit
pala sa mga
nangangailangan ang
kanilang sultan.
“ Si Usman, Ang Alipin”
Kuwentong - bayan
“ Si Usman, Ang Alipin”
• Muling pagsasalaysay ni Arthur P.
Casanova batay sa pagkukuwento ni
DAtu Abdul Sampilna isang
Maguindanaoan mula sa lungsod ng
Cotabato (1983).
• Nang mga nagdaang panahon,
may isang nagngangalang
Usman. Pinaniniwalaang
nananahanan siya sa malayong
sultanato at isa siyang alipin.
Matapang, matas at kayumanggi
si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na
bumisita sa palengke malapit sa
palasyo ng namumunong sultang
nagngangalang Zacaria. Masama
ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit
at pangit ang hitsura. Dahil hindi
niya matanggap ang kanyang anyo,
nagsagawa siya ng kautusang ang
lahat ng mga lalaking nakahihigit sa
kanyang anyong pisikal ay dapat
kitlin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng
mga tauhan ni Sultan Zacaria.
Mabilis na nag-ulat ang mga
tauhan sa sultan sa pagkakita
nila kay Usman na sa tingin
nila’y mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos ang
sultan na ibilanggo si Usman at
pagkatapos ay patayin ito. Agad
na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita,
ang dalagang anak ng sultan si
Usman ay nakadama siya agad
ng pag-ibig sa unang pagkikita
nila ng binata. Nagmamadali
siyang pumunta sa kanyang
amang sultan at nagmakaawang
patawarin at pakwalan si
Usman.
Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si
Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi


siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang
anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang


wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman,


Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit
hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito
sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-
isip ng paraan upang mapigilan ang
kamatayan ng lalaking labis niyang
iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit ang
lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan.
Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang
sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre
Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng
pagkakataong maging mas
malapit sa isa’t isa sina Usman
at Potre Maasita. Higit na
tumitindi ang pagmamahalan
nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas
ang pinal na kautusan.
Kamatayan ang inihatol ng
sultan para sa kanila. Habang
nasa daan ang sultan patungo sa
silid na pagbibitayan sa dalawa,
biglang lumindol nang malakas.
Yumanig sa palasyo at nagiba
ang pook. Napulbos ang buong
palasyo.
Isang malaking bato ang
bumagsak sa ulo ng sultan na
naging sanhi ng kanyang
biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa
malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at
Potre Maasita na makalya mula sa
bilangguan. Nang makalabas sila’y
hindi nagdalawang-isip si Usman.
Mabilis pa sa kidlat niyang
tinutulungan ang mga sugatan at
ang mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumutulong din si Potre Maasita sa
mga naulila at mga nangangailangan
ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang
sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng
taumbayan. “Mabuhay si Potre
Maasita!” ang pagbubunyi at labis
na pagpapasalamat ng mga ito
kina Usman at Potre Maasita.
Labis ang kanilang kasiyahan
nang matanto nilang mabait na
tao si Usman at si Potre Maasita
nama’y may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan
ang naganap. Si Usman, na isang alipin,
ay naging sultan at si Potre Maasita
naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato
ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran
sa buong kaharian. Natagpuan ng
taumbayan ang kagandahan at
kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang
kapangitan at kalupitan.
-Pinagyamang Pluma 7, 2017
Mga Katanungan
1. Ano– ano ang mga katangian
ni Usman? Bakit kahit wala
naman siyang nagawang
kasalanan ay ipinabilanggo
siya ng Sultan?
2. Paano mo ilalarawan ang sultan
bilang iang pinuno? Ano kaya ang
mangyayari sa isang pamayanan
kung katulad niya ang magiging
lider o pinuno?
3. Bakit nagmamakaawa si Potre
Maasita, ang dalagang anak ng
sultan, upang pakawalan si
Usman?
4. Sa halip na pagbigyan ang anak,
ano ang ginawa ng sultan?
5. Paano m siya ilalarawanbilang
ama?
6. Paano nakaligtas ang
magkasintahan sa tiyak na
kamatayan?
7. Kung ikaw ang anak ng sultang ito, ano
ano ang mga gagawin mo para mapag-
isipan ng iyong ama ang maling
ginagawa niya at baja sakaling
magkaroon ng katahimikan hindi lamang
sa inyong tahanan kundi magig sa
kahariang kanyang nasasakupan?
8. Ano –ano ang mga nagbago sa kaharian
nang sina Usman at Potre Maasita na
ang naging sultan at sultana?
Takdang -aralin
• Isulat sa iyong kuwaderno ang inyong
sagot satanong na;
Bakit mahalagang igalang at
bigyang – halaga ng isang
pinuno o lider ang bawat tao,
anuman ang katayuan o
kalagayan nito sa lipunan

You might also like