You are on page 1of 19

7

Filipino
Paghihinuha sa Kaugalian at
Kalagayang Panlipunan ng Lugar
Modyul 1, Unang Markahan
HAZEL KATE B. FLORES
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisasagawa ng mag-aaral ang isang

pagunawa sa mga akdang pampanitikan makatotohanang proyektong
ng Mindanao. panturismo.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
1. Ang Kuwentong Bayan (Si Usman, Ang Alipin)

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang

mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC (Week 1)

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng

kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PNIa-
b-1)

Inaasahan din na ikaw ay:

a.Natutukoy angmga kuwentong bayan na sumasalamin sa Mindanao.
b.Nakapaghihinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan.
c. Naisasagawa ang lahat ng gawain sa modyul na ito.

1
Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.

1. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa dumating

ang mga Espanyol. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng
kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. a.
alamat
b. kuwentong-bayan
c. maikling kuwento
d. nobela

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kwentong-bayan sa

Mindanao, maliban sa:
a. Si Maria Makiling
b. Si Manik Buangsi
c. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy
d. Si Usman, Ang Alipin

3. Ano-ano ang sumasalamin sa isang kwentong-bayan?

a. Kultura, kaugalian at pamumuhay
b. Relihiyon, paniniwala at kultura
c. Tradisyon, kaugalian at rehiyon
d. Kaugalian, pananampalataya at suliranin

4. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?

a. Efren R. Abueg
b. Eldifonso Santos
c. Jose Abad Santos
d. Arthur P. Casanova

5. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin?

a. Dahil siya ay mahirap
b. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya
c. Dahil hindi siya marunong rumespeto
d. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang
kanyang anak na dalaga

6. Sa kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”? Sinong sultan ang may
masamang ugali?

a. Sultan Sulatanato
b. Sultan Arabo
2
c. Sultan Zacaria
d. Sultan Kudarat

7. Sino ang dalagang napupusoan ni Usman?

a. Potre Maasita
b. Maria Blanca
c. Normina
d. Almera

8. Si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng Sultan.

Mahihinuhang ang lugar ng Sultan ay…
a. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
b. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.
c. Mas maunlad at may mas malaking palengke dinarayo ng mga tao.
d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

9. “Aking ama maawa ka!,”pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” Nagmamakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama subalit
hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria
ay…
a. matigas ng kalooban
b. mapaghiganti
c. mapagtimpi
d. matalino

10.Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa?

a. Luzon
b. Visayas
c. Mindanao
d. Bicol

11. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman,

Ang Alipin?
a. Lungsod ng Dapitan
b. Lungsod ng Cotabato
c. Lungsod ng Marawi
d. Lungsod ng Lanao

12. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng

Sultan?
a. mapagkunwari
b. matulungin
c. mabait
d. malupit at masama

13. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng
kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanya ng pisikal na
anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito
tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na
___________________________________ .
3
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
d. masipag at mapagmalaki ang sultan

14. Sa wakas ng kwento, ano ang nangyari sa Sultan?

a. nabagsakan ng malaking bato ang ulo ng hari at namatay
b. nagkulong sa loob ng kwarto sa loob ng isang taon
c. pumunta sa ibang lugar at nagbakasyon
d. naglaho parang bula

15. Sa bandang huli, ano ang kapalarang sinapit ng isang aliping si Usman?
a. naging sikat na alipin
b. naging isang magiting na mandirigma
c. maraming pera at yumaman
d. si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang
mabuting pinuno

Modyul Paghihinuha sa Kaugalian at

4
Kalagayang Panlipunan ng Lugar

1 Si Usman, Ang Alipin

(Kuwentong-Bayan)

Ang mababasa mo ay isang kuwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding

Maguindanaon, Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho
ring katawagan. Ang mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong
tagakapatagan o people of the food plains ay itinuturing na pinakamalaking
pangkat etniko ng mga Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila sa gitna ng
katimugang bahagi ng Mindanao at ang kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato,
isang lambak na napaliligiran ng mataas na kabundukan maliban sa bahaging
kanluran. Isang ilog, ang Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng tubig
at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi ng lambak
ay nagmimistulang mababaw na lawak.

Sanggunian:
Stewart, James. “Maguindanao.” Encyclopedia.com.1996. Accessed July 26,2016.
http://www.encyclopedia.com/doc/1G2-3458000839.html

Tuklasin

Gawain A:Pinuno Ko, Kilalanin Ko! (Character Mapping)

Sitwasyon: Pumili ng isang pinuno na iyong iniidolo na maaaring lokal, nasyonal
o internasyonal. Isulat sa ulo ang pangalan ng pinuno at sa ibang bilog naman ang
mga katangiang nagustuhan mo sa kanya.

5
Suriin

Sa bahaging ito ng modyul,ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

KAHULUGAN NG KUWENTONG-BAYAN
Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga Pilipino bago
pa man dumating ang mga Kastila. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t
ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga
kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar
kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang
pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o kaya’y mga nilalang na may
pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata,
engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang mga
kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung
kailan ito nasulat.
May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang
ng mga mambabasa o tagapakining subalit ang karamihan sa mga ito ay
kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa
Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa
lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng tagapagkuwento ang mga
detalye na nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa pagbabago sa banghay o
pagdaragdag ng mga tauhan bagamat nananatili ang mga pangungahing tauhan
gayundin ang tagpuan kung saan naganap ang kuwentong bayan.
Mga Kuwentong-Bayang
Tagalog Si Maria Makiling
Si Malakas at Maganda
Mga Kuwento ni Juan Tamad

Mga Kuwentong-Bayan sa Bisaya

Ang Bundok ng Kanlaon
Ang Batik ng Buwan

Mga Kuwentong-Bayan sa Mindanao

Si Manik Buangsi
Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy
Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama, at ang Munting Ibon
Si Usman, Ang Alipin

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

6
“SI USMAN, ANG ALIPIN”
Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova
batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampulna,
isang Maguindanaoan mula sa Lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang lalaking nagngangalang Usman.

Pinaniwalaang nananahan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin.
Matapang, malakas, mataas, at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengkeng malapit sa palasyo

ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Sultan
Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang
kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-

ulat ang mga tauhan sa sultan tungkol sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin
nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kaya nag-utos ang sultan na ibilanggo si
Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan. Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si
Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata.
Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang
patawarin at pakawalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang
sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang
makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili. “Hu, hu, hu, maawa ka sana kay
Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan.
Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang

kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit lahat ng mga ito’y ipinarating nila sa sultan.
Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.

Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina

Usman at Potre Maasita. Higit na tumindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sa
panahong iyon lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan
para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa
dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook.
Napulbos ang buong palasyo. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan
na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan
para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa

bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa
kidlat niyang tinulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangailangan ng tulong at
pagkalinga.
7
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.
“Mabuhay si Usman! Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na
pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang
kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y
may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin,
ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana. Mula noon,
biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong
kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran
ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Gawain A: Tanong Ko, Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga nababanggit na katangian ni Usman?Bakit kahit walang

nagawang kasalanan si Usman ay nais siyang ipakulong ng sultan?

2. Ayon sa kuwento, ano naman ang katangian ni Sultan Zacaria? Tungkol saan
ang kanyang kakaibang kautusan?

3. Ano ang dahilan kung bakit nagmakaawa ang dalagang anak ng sultanna si
Potre Maasita, upang palayain si Usman?

4. Pinakingganba ng sultan ang kaniyang anak? Ano ang kaniyang ginawa?

5. Batay sa mga pangyayari sa kuwento, ano-ano ang mga nagbago sa kaharian

nang sina Usman at Potre Maasita na ang naging sultan at sultana?

Gawain B: Katangian Ko, Patunayan Mo!

Panuto: Patunayan ang katangian ng mga tauhan na nasa loob ng kahon gamit
ang mga pangyayari sa kuwento. Itala ang mga pangyayaring ito sa inyong
sagutang papel.

8
Isang malupit at pangit ang itsura.
Mga Patunay:

______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________
___________________________

Sultan Z acaria
https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9z OwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign =
designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelin k

Isang mabait at makisig na binata .

Mga Patunay:
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Usman
https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_conten t=DAECf4R7YyQ&utm_campaign =
designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelin k

Isang mapagmahal at maalalahaning dalaga.

Mga Patunay:
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Potre Maasita
https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_conten t=DAECf4R7YyQ&utm_campaign =
designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelin k

9
Pagyamanin
Gawain A: Kilalanin Mo Ang Pinagmulan Ko!
Panuto:Tukuyin kung saan nagmula ang mga kuwentong-bayan na nasa
larawan. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa inyong sagutang
papel.

A. Luzon
B. Visayas

C. Mindanao

1.

https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU

2.

10
https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/

3.
https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI

4.

https://www.youtube.com/watch?v=MUjjtB8eGEk

5.

https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi

11
Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. Ang kuwentong-bayan ay kailangang mapanatili at mapahalagahan ng mga

kabataan upang hindi ito mawala at maipagpatuloy pa itong basahin at tangkilikin
maging sa susunod pang henerasyon.
2. Maraming aral ang napapaloob sa mga kuwnetong-bayan na maaaring
gamitin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
3. Ang kuwentong-bayan ay kawili-wiling basahin at magiging interesado ka
kung ito’y iyong paglalaanan ng iyong oras at panahon.
4. Hinihikayat ko kayong manaliksik pa sa iba’t ibang kuwentong bayan na
mayroon ang ating bansa upang madagdagan pa ang iyong mga
kaalaman.

Isagawa
Panuto:Isaliksik at basahin ang mga sumusunod na kuwentong bayan. Isulat ang
mga aral na iyong napulot mula rito na maaaring magagamit mo sa iyong pang-
araw-araw na pamumuhay.

1.
Aral:
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU

2.
Aral:
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi
12
3.
Aral:
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang

tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang
mga sagot.
1. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa dumating
ang mga Espanyol. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng
kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. a.
alamat
b. kuwentong-bayan
c. maikling kuwento
d. nobela

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kuwentong-bayan sa

Mindanao, maliban sa:
a. Si Maria Makiling
b. Si Manik Buangsi
c. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy
d. Si Usman, Ang Alipin

3. Ano-ano ang sumasalamin sa isang kwentong-bayan?

a. Kultura, kaugalian at pamumuhay
b. Relihiyon, paniniwala at kultura
c. Tradisyon, kaugalian at pamumuhay
d. Kaugalian, pananampalataya at suliranin

4. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?

a. Efren R. Abueg
b. Eldifonso Santos
c. Jose Abad Santos
d. Arthur P. Casanova
13
5. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin?
a. Dahil siya mahirap
b. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya
c. Dahil hindi siya marunong rumispito
d. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang
kanyan g anak na dalaga

6. Sa kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”? Sinong sultan ang may
masamang ugali?
a. Sultan Sulatanato
b. Sultan Arabo
c. Sultan Zacaria
d. Sultan Kudarat

7. Sino ang dalagang napupusoan ni Usman?

a. Potre Maasita
b. Maria Blanca
c. Normina
d. Almera

8. Si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng Sultan.

Mahihinuhang ang lugar ng Sultan ay…
a. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
b. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.
c. Mas maunlad at may mas malaking palengke dinarayo ng mga tao.
d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

9. “Aking ama maawa ka!”,pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” Nagmamakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama subalit
hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria
ay…
a. matigas ng kalooban
b. mapaghiganti
c. mapagtimpi
d. matalino

10. Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa?

a. Luzon
b. Visayas
c. Mindanao
d. Bicol

11. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman,

Ang Alipin?
a. Lungsod ng Dapitan
b. Lungsod ng Cotabato
c. Lungsod ng Marawi
14
d. Lungsod ng Lanao

12. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng

Sultan?
a. mapagkunwari
b. matulungin
c. mabait
d. malupit at masama

13. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng
kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na
anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito
tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na …
a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan
c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
d. masipag at mapagmalaki ang sultan

14. Sa wakas ng kwento, ano ang nangyari sa Sultan?

a. nabagsakan ng malaking bato ang ulo ng hari at namatay
b. nagkulong sa loob ng kwarto sa loob ng isang taon
c. pumunta sa ibang lugar at nagbakasyon
d. naglaho parang bula

15. Sa bandang huli, ano ang kapalaran sinapit ng isang aliping si Usman?
a. naging sikat na alipin
b. naging isang magiting na mandirigma
c. maraming pera at yumaman
d. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang
mabuting pinuno.

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa isang buong papelgumawa ng iyong sariling kathang kuwentong-

bayan.

____________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________.

Pamantayan sa Pagsulat ng Kuwentong Bayan

Binigyan ng 5 puntos 3-4 puntos 2-1
16
Katamtamang Nangangailangan
Tuon Natatangi
Kagalingan ng Tulong
Paksang-Diwa Makabuluhan, Makabuluhan, Naging
naging parang bagama’t hindi napakakaraniwan
bago dahil sa nagmistulang ng paksa.
pamamaraan ng orihinal.
pagsasalaysay at
estilo.
Banghay Maayos ang May Magulo at
pagkakabalangkas pagkakaugnayugna nakalilito ang
ng mga y ang mga pagkakasunodsunod
pangyayari. pangyayari ngunit ng mga
may ilang pangyayari.
bahaging naging
masalimuot.
Tauhan Maingat ang Umaangkop ang Hindi umaangkop
paglalarawan ng kilos at pananalita sa kilos at
katauhan. sa katauhang pananalita ang mga
Umaangkop ang ginagampanan sa tauhan sa
kilos at pananalita kuwentong-bayan katauhang
sa katauhang ngunit may ginagampanan.
ginagampanan sa pagkakataong hindi
kuwentong-bayan. nagiging
konsistent.
Simula at Wakas Naging kaakit-akit Naipahiwatig ang Naging kawili-wili
ang simula ng suliranin sa simula ang simula upang
kuwentong bayan ng maakit ang mga
at ang wakas ay kuwentong-bayan mambabasa ngunit
nakapagkalas sa ngunit hindi naging hindi naging kawili-
suliranin ng kawili-wili ang wili ang wakas
kuwentong-bayan. kakalasan upang maikintal sa
patungong wakas. isipan ng mga
mambabasa ang
tema ng
kuwentong-bayan.
Kabuuang Puntos

https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento

17
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela Esguera-Jose.
Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House 2017.
Stewart, James. “Maguindanao.” Encyclopedia.com.1996. Accessed July 26,2016.
http://www.encyclopedia.com/doc/1G2-3458000839.html
https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?
utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&ut
m_source=publishsharelink
https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU
https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/
https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI
https://www.youtube.com/watch?v=MUjjtB8eGEk
https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi
https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento
https://brainly.ph/question/2198634

18

You might also like