You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
PIT-OS NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


S.Y. 2022-2023

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksiyon:___________ Iskor: _____

I. PAGPIPILIAN
DIRECTIONS: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan.

1. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa dumating ang mga Espanyol.
Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap.
A. alamat C. maikling kuwento
B. kuwentong-bayan D. nobela
2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kuwentong-bayan sa Mindanao, maliban sa:
A. Si Maria Makiling
B. Si Manik Buangsi
C. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy
D. Si Usman, Ang Alipin
3. Ano-ano ang sumasalamin sa isang kwentong-bayan?
A. Kultura, kaugalian at pamumuhay
B. Relihiyon, paniniwala at kultura
C. Tradisyon, kaugalian at pamumuhay
D. Kaugalian, pananampalataya at suliranin
4. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?
A. Efren R. Abueg C. Jose Abad Santos
B. Eldifonso Santos D. Arthur P. Casanova
5. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin?
A. Dahil siya mahirap
B. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya
C. Dahil hindi siya marunong rumispito
D. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang kanyan g anak na
dalaga
6. Sa kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”? Sinong sultan ang may masamang ugali?
A. Sultan Sulatanato C. Sultan Zacaria
B. Sultan Arabo D. Sultan Kudarat
7. Sino ang dalagang napupusoan ni Usman?
A. Potre Maasita C. Normina
B. Maria Blanca D. Almera
8. Si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng Sultan. Mahihinuhang ang lugar
ng Sultan ay…
A. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.
B. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.

PIT-OS NATIONAL HIGH SCHOOL


PIT-OS, CALIDNGAN, CARCAR CITY, CEBU
School ID: 324903
C. Mas maunlad at may mas malaking palengke dinarayo ng mga tao.
D. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman
9. “Aking ama maawa ka!”,pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” Nagmamakaawa
si Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si
Sultan Zacaria ay…
A. matigas ng kalooban C. mapagtimpi
B. mapaghiganti D. matalino
10. Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa?
A. Luzon C. Mindanao
B. Visayas D. Bicol
11. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman, Ang Alipin?
A. Lungsod ng Dapitan C. Lungsod ng Marawi
B. Lungsod ng Cotabato D. Lungsod ng Lanao
12. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng Sultan?
A. Mapagkunwari C. Mabait
B. Matulungin D. malupit at masama
13. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat
at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na …
A. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan
B. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan
C. mayaman at maraming ari-arian ang sultan
D. masipag at mapagmalaki ang sultan
14. Sa wakas ng kwento, ano ang nangyari sa Sultan?
A. nabagsakan ng malaking bato ang ulo ng hari at namatay
B. nagkulong sa loob ng kwarto sa loob ng isang taon
C. pumunta sa ibang lugar at nagbakasyon
D. naglaho parang bula
15. Sa bandang huli, ano ang kapalaran sinapit ng isang aliping si Usman?
A. naging sikat na alipin
B. naging isang magiting na mandirigma
C. maraming pera at yumaman
D. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang mabuting pinuno.
16. Ito ay mga pahayag na naglalayong higit na maging malinaw ang isang kaisipang inihahayag.
A. nagpapatunay C. nangangatwiran
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
17. Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakilala sa kuwentong-bayan maliban sa isa?
A. Nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita
B. Nagtataglay ng anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar na
pinagmulan nito.
C. May iisang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin na dapat lutasin.
D. Pagmamay-ari ito ng buong bayan.
18. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto and COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na
bagong tuklas. Alin sa mga sumusunod na pananda ang nagpapatunay?
A. Batay sa pag-aaral C. isinagawa ng mga eksperto
B. isang nakakahawang sakit D. kilala sa tawag na COVID-19
19. Kilala ang isang ito bilang “Lupang Pangako o Lang of Promise”.
A. Luzon C. Visayas
B. Mindanao D. Palawan
20. Sinasalamin ng kuwentong-bayan ang mga sumusunod maliban sa:

PIT-OS NATIONAL HIGH SCHOOL


PIT-OS, CALIDNGAN, CARCAR CITY, CEBU
School ID: 324903
A. kaugalian C. paniniwala
B. tradisyon D. tunggalian
21. Ito ay naglalaman ng mga lugar nan ais puntahan ng mga tao upang maging kumpleto ang
kanilang karanasan.
A. Poster C. Blog
B. Travel Brochure D. Audio Visual Presentation
22. Bahagi ng travel brochure na naglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring gumamit ng
iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw sa interes ng turista upang magpatuloy ito sa
pagbabasa sa brochure.
A. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga.
B. Halaga ng transportasyon
C. Introduksyon o panimula
D. Wala sa nabanggit
23. Ginagamit sa travel brochure ang isang particular na lugar upang pukawin ang interes ng mga
dayuhan na puntahan ito.
A. Mukha C. Kulay
B. Tagline o dayalekto D. Font style
24. Ito ay isang bagay na inilalagay sa travel brochure upang madaling mahanap ng isang turista ang
lugar na pupuntahan.
A. Sulat C. Sketch
B. Larawan D. mapa
25. Katangiang dapat taglayin ng isang travel brochure upang mapukaw ang interes ng turista.
A. Nakagagalit at hindi klaro
B. Nakababagot dahil walang kakulay-kulay
C. Nakapupukaw ng atensiyon
D. Nakaaaliw ang larawan ngunit hindi mabasa ang mga letra
26. Masusing pananaliksik ang kinakailangan upang makabuo ng travel brochure. Alin sa mga
pahayag sa ibaba ang kabaliktaran sa nasabing kaisipan?
A. Kinakailangan ang tumpak at wastong impormasyon
B. Kasalanang mortal ang magbigay ng maling impormasyon
C. Responsibilidad ng sinoman magbigay ng tamang kaalaman
D. Kalituhan sa mamamayan ang kulang na impormasyon
27. Bakit mahalagang mag-ipon muna ng mga impormasyon tungkol sa lugar na planong pasyalan?
A. Upang mapaghandaan ang lahat ng kakailanganin
B. Upang maipagmamalaki sa kasama na marami ka nang alam sa lugar na pupuntahan
C. Upang pangunahan ang iyong mga kasama
D. Upang ipaalam sa kanila kung aning maroon sa nasabing lugar
28. Nalinang ang aking pagiging malikhain sa paggawa ng travel brochure.
A. Mapapatunayan ko na mas magaling ako sa iba
B. Maipagmamalaki ko ang magagandang tanawin sa aming lugar
C. Mahihikayat ko ang sinomang makabasa na bisitahin ang aming lugar
D. Mapauunlad ko ang sariling kakayahan
29. Sa panahon ngayon kung saan humaharap ang bansa sa isang matinding krisis na dulot ng
pandemya, may mga turistang naantala ang pagbabalik sa sariling lugar, paano nila pananatilihing
ligtas ang kanilang sarili sa nasabing lugar?
A. Samantalahin ang pagkakataon na magpasyal sa mga lugar na nais puntahan
B. Sumunod sa mga batas na ipinapatupad ng local na pamahalaan kung saan sila naantala
C. Panatilihin ang paghuhugas ng kamay palagi, magsuot ng face mask, umiwas sa
matataong lugar at isagawa ang social distancing
D. B at C

PIT-OS NATIONAL HIGH SCHOOL


PIT-OS, CALIDNGAN, CARCAR CITY, CEBU
School ID: 324903
30. “It’s More Fun in the Philippines”. Katagang pang-akit ng Kagawaran ng Turismo upang
bisitahin ng mga dayuhan ang ating bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Nakatutuwa ang mga tao sa Pilipinas
B. Masayahin ang mga tao sa Pilipinas
C. Masarap maglakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas
D. Maligaya ang paglalakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas.

II. PUNAN ANG PATLANG


PANUTO: Punan ang patlang nang angkop na salitang nagpapakita ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang diwa ng pagsasalaysay sa ibaba. Piliin ang
sagot sa mga salitang nasa loob ng kahon.

Sa huli Isang araw Maya-maya Kung kaya’t Hindi nagtagal

____________ sumakay ng kaniyang motorsiklo si Rodrigo papunta sa kaniyang trabaho.


____________ bumangga ang kaniyang motor sa isang puno kaya’t bumagsak siya ta nawalan ng
malay. _____________ ay dumaan ang isang tao, staff pala ng barangay na nak-off duty.
___________ dali-dali siyang dinala ng taong ito sa pagamutan kahit hindi pa naman siya kilala
nito. __________ laking pasasalamat niya sa mabuting taong tumulong sa kaniya. Utang niya rito
ang kaniyang buhay.

Noong unang
Isang araw Maya-maya Sa wakas Hindi nagtagal
panahon

__________________ may isang maralitang mag-iinang nakatira sa tambakan. _____________


nagkasakit ang mga bata dahil nakakain sila ng pagkaing nabubulok na napulot ng ina sa
tambakan. Dali-daling naghanap ang ina ng makatutulong sa kanila. Nagkataong naroon si
Donato, ang kapitbahay na nagmamalasakit sa pamilya. ___________ pa’y isinugod ang mga
bata sa pinakamalapit na pagamutan. ___________ at ligtas na iniuwi ang mga bata.
____________ natapos din ang pag-aalala ng kanilang ina.

III. PAGKILALA
PANUTO: Tukuyin ang uri ng pang-ugnay na may salungguhit sa talata, kung ito ba ay
pang-ukol, pang-angkop, pangatnig.

Ang Talinghaga
Ano ang palagay ninyo (1) ukol sa kuwentong ito? May (2) isang tao na may (3)
dalawang anak na lalaki. Lumapit siya (4) sa nakatatanda at sinabi, “Anak lumabas ka at
magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po” tugon niya. (5) Ngunit nagbago ang kanyang isip ay
siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa (6) anak na bunso at (7) gayundin kanyang sinabi.
“Opo,” tugon nito. (8) Datapwat hindi naman siya naparoon. (9) Para sa iyo, sino sa dalawa ang
sumunod sa kalooban (10) ng kanyang ama?

1. ________________ 6. ________________
2. ________________ 7. ________________
3. ________________ 8. ________________
4. ________________ 9. ________________
5. ________________ 10. ________________
Inihanda ni:
CHESSA V. TANUDTANUD

PIT-OS NATIONAL HIGH SCHOOL


PIT-OS, CALIDNGAN, CARCAR CITY, CEBU
School ID: 324903

You might also like