You are on page 1of 6

Region I

SCHOOLS DIVISION OFFICE – CITY OF SAN FERNANDO (L.U.)


San Fernando District I
SAN FERNANDO SOUTH CENTRAL INTEGRATED SCHOOL
Ortega Highway, Tanqui, City of San Fernando, La Union
Telephone No.: (072) 682 - 9008

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


sa FILIPINO 8
Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan:_________________________________ Iskor:__________________
Baitang at Seksyon:__________________ Lagda ng Magulang:______________

I. MARAMING PAGPIPILIAN. Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang sumusunod na pahayag.
Piliin at isulat ang titik na kumakatawan sa tamang sagot. (50 Puntos)

1. Isang epikong-romansang malay na nasasalig sa matandang paniniwalang


napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, tao,
hayop, at iba pa.
A. Bidasari C. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Karunungang ng Buhay D. Sa Pula, Sa Puti

2. Siya ang nakapulot sa anak ng Sultan at Sultana noong ito ay iwan sa bangka
malapit sa tabing ilog.
A. Bidasari B. Diyuhara C. Lila Sari D. Sultan

3. Ito ay isang uri ng panitikan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang
idyoma dahil sa hindi tuwiran ang pagbibigay nito ng kahulugan.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain

4. Isang uri ng panitikan na ipinasa ng ating mga ninuno na nagbibigay ng


paalala at mabuting aral sa atin.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain

5. Uri ng prutas na tinaguriang “King of Fruits” dahil maituturing itong natatangi


hindi lamang sa balat nitong makapal at matutulis kundi isa rin ito sa
pinakamahal na prutas na makikita sa mga bansa ng Timog Silangang Asya.
A. Bayabas B. Durian C. Kasoy D. Ubas

6. Siya ang sinasabing kumakatawan sa isang puno ng prutas na may


mabahong amoy ngunit may matamis at masarap na laman kapag tinikman.
A. Daria B. Juana C. Kaloy D. Lila Sari

7. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa daigdig.
A. Alamat B. Epiko C. Dula D. Pabula

8. Isang uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal sa mga teatro o tanghalan.


A. Alamat B. Epiko C. Dula D. Pabula

9. Tumutukoy sa mga kasabihang pinoy na ginagamit ng mga Pilipino batay sa


katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya.
A. Kasabihan B. Paniniwala C. Salawikain D. Sawikain

10. Siya ang matandang kasambahay ng mag-ina sa akdang “Alamat ng


Durian” na hindi nakatiis sa amoy ng kanyang inaalagaang dalaga.
A. Daria B. Mira C. Rina D. Rosa
11. Mula sa masarap na laman ng prutas na durian, siya ang sumusimbulo sa ng
wagas at matamis na pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak.
A. Daria B. Mira C. Rina D. Rosa
12. Siya ang sinasabing may katangi-tanging ganda na tulad ng isang bulaklak.
A. Bidasari B. Diyuhara C. Lila Sari D. Sinapati

13. Siya ang kapatid ni Bidasari na sinasabing kamukhang-kamuha niya.


A. Bidasari B. Diyuhara C. Lila Sari D. Sinapati

14. Ito ay uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali


ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway.
A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula

15. Ito ang pinakamataas na uri ng pag-ibig na ang isang tao ay handang
magsakripisyo ng sarili para sa minamahal.
A. Agape B. Eros C. Philia D. Storage

16. Ito ang pag-ibig na inuukol sa pamilya o kamag-anak.


A. Agape B. Eros C. Philia D. Storage

17. Ito ang punong Lungsod ng kahariang Champa noong unang panahon.
A. Davao B. Indrapura C. Kembayat D. Java

18. Ito ang tinutukoy na lupang sinilangan sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang


Lupa” na handang ipaghandog ang buong pag-ibig.
A. Amerika B. Espanya C. Pilipinas D. Tsina

19. Bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, ng isang


parirala sa kapwa parirala, o sugnay sa kapwa sugnay upang mabuo ang
diwa o kaisipan.
A. bunga B. pangatnig C. paghahambing D. sanhi

20. Pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin


ang isang pangyayari.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan D. panggaano

21. Ito ang bagay na tinutukoy ni Bidasari na ikukuwintas tuwing umaga.


A. bulaklak B. isdang ginto C. pilak D. perlas

22. Siya ang nagbanggit ng mga karunungan sa buhay para isabuhay ng mga
kabataan sa akdang “Karunungan ng buhay”.
A. Castor B. lolo C. Sioning D. Teban

23. Siya ang kumatha ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”.


A. Bonifacio B. Hen. Lapid C. Hen. Luna D. Jose Rizal

24. Dito iniwan ang sanggol na bagong silang ng Sultana nang maabutan siya
ng panganganak.
A. Bahay B. Bakuran C. Bangka D. Bukid

25. Siya ang nakababatang kapatid ni Bidasari sa totoong magulang nito na sina
Sultan at Sultana.
A. Sinapati B. Sioning C. Teban D. Tisoy

Mula sa bilang 26-30, tukuyin kung ano ang hinihiling ng bawat pahayag mula sa mga
sitwasyon na makikita sa mga akdang pampanitikang tinalakay.

26. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniwan ng mag-asawang sultan at
sultana ang kanilang bagong silang na anak nang maabutan siya ng
pangnganak.
A. Upang itakas sa kanilang mga magulang
B. Upang makatakas sa mga dayuhang nais sumakop sa kanilang lupain.
C. Upang iligtas ang kanilang anak sa nagaganap na digmaang sibil sa kanilang kaharian
D. Upang sila ay makaligtas sa pamumuksa ng higanteng ibong sumalakay sa kanilang
kaharian.

27. Ito ang pangyayari kung bakit napunta sa mag-asawang Diyuhara ang
sanggol na babaeng pinangalanan nilang Bidasari.
A. Iniwan sa pintuan ng kahariaan ang sanggol.
B. Narinig nila ang iyak ng sanggol habang sila ay namamasyal sa tabing-ilog.
C. Napulot ng kanilang katulong ang sanggol na nakalagay sa kahon na nasa tabing-ilog.
D. Habang sila ay nangingisda ay nakita nila ang isang bangkang may lamang sanggol
na inaanod sa ilog.

28. Ito ang dahilan kung bakit inutusan ni Lila Sari ang mga batyaw na tumungo
sa lahat ng dako.
A. Upang mabantayan ang seguridad ni Lila Sari.
B. Upang malaman kung may babaeng nakahihigit ang ganda kaysa sa kanya.
C. Upang malaman ang pangangailangan ng mga taong kanilang nasasakupan.
D. Upang ipamalita sa lahat ang nalalapit na pagdiriwang na gagawin
sa kaharian.

29. Ito ang ginawa ni Diyuhara sa takot niyang baka tuluyang patayin ni
Sultana Lila Sari si Bidasari.
A. Itinago siya sa isang kakahuyan upang huwag makita.
B. Binawi kay Lila Sari ang gintong isdang nagbibigay-buhay kay Bidasari.
C. Kumuha siya ng maraming kawal na magbabantay kay Bidasari araw at gabi.
D. Nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura
roon itinirang mag-isa si Bidasari.

30. Ito ang dahilan kung bakit kinaibigan ng anak na lalaki ni Diyuhara si
Sinapati.
A. Kaklase niya ito noong elementarya.
B. Dahil may natatangi siyang pagtingin para kay Sinapati.
C. Dahil si Sinapati ay kamukhang-kamukha ng kinikilala niyang kapatid
na si Bidasari.
D. Dahil si Sinapati ay anak ng Sultan ng Kembayat kung kaya’t nais
niyang mapalapit dito.

Mula sa bilang 31-35, suriiin ang ipinapahayag ng bawat pangungusap sa ibaba. Piliin
at isulat ang titik na kumakatawan sa tamang sagot. (10 Puntos)
A. Nagpapakita ng kawastuhan ang pangungusap
B. Sumasalungat sa katotohanan ang pangungusap
C. Wala sa nabanggit ang tamang sagot

31. Isa sa pakatatandaan ayon sa matatanda na kapag nagtanim ng bagyo


aanihin ang hangin.

32. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak, ibig sabihin
madalas na bumabagsak sa buhay ang mga taong sobrang taas ang
pangarap.

33. Biglang may kakaibang naramdaman ang dalaga sa kaniyang sarili. Nanigas
ang kanyang mga kalamnan at hindi siya makahinga.

34. Nanalangin si Aling Rosa na huwag pabayaang nag-iisa at libakin ng kapwa


ang kanyang anak.

35. Nagkaroon ng digmaang sibil sa Kembayat kaya tumakas ang Sultan at


Sultana, at ang mga nasasakupan nito sa ibang lugar.

Mula sa bilang na 36-40, tukuyin kung anong uri ng paghahambing kabilang ang mga
pangungusap sa tulong ng mga salitang naitiman at nasalungguhitan.
A. Paghahambing na Magkatulad
B. Paghahambing na Pasahol
C. Pahambing na Palamang
D. Pahambing na Panlunan

36 Ang buhay noon ay mas simple kumpara sa komplikadong buhay ngayon.

37. Di-gaanong natutukan ang pag-aaral ni Jen noong pandemya kung


ihahambing ngayon.

38. Parehong disenyo ng sapatos ang binili ni Aling Berna para kina Ken at Kel.

39. Mas masarap magluto ang aking ina kaysa sa aking ama.

40. Singganda ng rosas ang tulips na nabili ng aking kuya.

Mula sa bilang na 41-45. Basahin nang may pang-unawa ang pahayag na nasa
ibaba. Tukuyin kung anong uri ng pang-abay kabilang ang mga pangungusap. Nasa
ibaba ang pamimilian.
A. Pang-abay na pamanahon
B. Pang-abay na panlunan
C. Pang-abay na pamaraan
D. Pang-abay na panggaano

41. Walang huling isda Tatay Karding kaninang madaling araw.

42. Isang dosenang itlog ang ginamit sa paggawa ng letche plan.

43. Malumanay na sumagot si Gracia sa kaniyang guro.

44. Ang mga bata ay sumasayaw sa entablado.

45. Inabot ng limang oras ang byahe namin papunta sa bahay ng aming
kamag-anak.

Mula sa bilang 46-50, pakasuriin ang bawat pagpapakahulugan ng pahayag. Piliin at


isulat ang titik na kumakatawan sa tamang sagot.

46. Mula sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, “Walang mahalagang hindi


inihahandog ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop, dugo, yaman,
dunong, katiisa’t pagod, buhay may abuting magkalagot-lagot.” Ano ang
pagpapakahulugan ng taludtod na ito.
A. Kung matiyaga kang tumaya sa sugal, yayaman ka.
B. Matatalino at mayayamang tao lamang ang maaaring maglingkod sa bayan.
C. Yaman, dugo, at talino ang kailangan upang ang bayan ay mahango sa pagkaalipin.
D. Ang taong may wagas at dalisay na pagmamahal sa bayan ay handang mag-alay ng
sarili para sa tinubuang lupa.

47. Ang maalab na pag-ibig sa tinubuang bayan ay simula ng kabayanihan.


A. Kapag nagpakamatay ka matatawag kang bayani.
B. Ugaliing maghanda sa anomang digmaang mangyayari sa bayan.
C. Hindi magtatagumpay ang mga taong hindi mahal ang lupang
tinubuan.
D. Kapag ipinagtangol ang lupang kinalakhan ay isang pagpapakita ng
pag-ibig sa bayan.

48. Ang tunay na pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, ito ay hindi


nagmamapuri.
A. Ang pag-ibig ay hindi pumipili ng itsura.
B. Kapag. mahal mo, lahat gagawin mo para sa kaniya.
C. Masarap magmahal kung pareho kayong nagmamahalan at \
nagsusuportahan
D. Mahalin mo ang isang tao batay sa kanyang ugali hindi sa kanyang
panlabas na anyo.

49. Sinaunang Panitikang Pilipino… yamang pamana ng ating mga ninuno


pahalagahan at ingatan ang ating mga puso.
A. Ang panitikan ay tangkilikin.
B. Ang panitikan ay protektahan.
C. Ang panitikan ay ingatan sa pagdudusta ng mga tao.
D. Ang panitikan ay paka-ibigin nang buong puso na walang halong
panghuhusga.

50. Malinis na kapaligiran wastong pangangalaga ng kalusugan ay huwag


balewalahin upang lumawig ang buhay natin.
A. Ang paglilinis ng katawan ay dapat ugaliin.
B. Kailangang maligo ng tatlong beses sa isang lingo.
C. Kapag kumain ng masustansyang pagkain, huwag ng maligo.
D. Panatilihing maging malinis at malusog upang huwag maging sakitin.

Inihanda nina:

ROXANNE MAE B. TINAZA DEBBIE H. LOPEZ


Teacher I Teacher III

JENIE UMOQUIT AMELITA D. ALCARAZ


Teacher I Teacher III

Iwinasto ni:

HAZEL ANN S. NEGRANZA


Filipino Coordinator

Ipinagtibay ni:

JAYVEE S. COLOCAR
OIC- Assistant Principal

Inaprubahan ni:
ARLYN B. BAMBICO
Principal III

You might also like