You are on page 1of 4

PANGALAN: ______________________________________ DATE:

BAITANG AT SEKSYON: ____________________________ MARKA: ____/60

ACTIVITY #1
KABANATA 1 – 9
EL FILIBUSTERISMO
I. TALASALITAAN
A. PANUTO: Bilugan ang titk nang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Pawang kabalbalan ang inyong sinasabi.
A. katawa-tawa B. kalokohan C.katusuhan
2. Ang pagkukulapol ng pintura ay masagwa.
A. pagpapahid B. pagtatambak C. paglalagay
3. Ang bapor ay hirap sa pagsalunga sa salon.
A. paglaban B. paglapit C. pagsama
4. Ang mga tao’y dapat nang patawan ng buwis.
A. bigyan B. bilangan C. lagyan
5. Sa gulud-guluran ng buhangin ay maraming suso.
A. buntun-bunton B. gulud-gulod C. mahabang buhanging nakaulbok
6. Tumiwalag siya sa kilusan kaya siya’y pinaghahanap.
A. humiwalay B. nakipagbakbakan C. umaklas D. umanib
7. Lalong dakila ang magbigay-buhay sa lugmok na bayang ito.
A. baon sa utang B. payak na buhay C. sadlak sa hirap D. salot
8. Walang humpay na batikos ang ipinupukol sa gawain ng mga prayle.
A. pakikiisa B. pagparaya C. pagsang-ayon D. pagtuligsa
9. Ayon kay Basilio ay matatapos din ang pambubusabos ng mga dayuhan.
A. pag-aaruga B. pagkalinga C. pagpaparaya D. pang-aalipin
10. Dahil sa pagiging masikap ni Basilio sa pag-aaral ay natamo niya ang marking sobresaliente.
A. katamtamang marka C. pasadong marka
B. mataas na marka D. pinakamataas na marka

II. ANALOHIYA
___11. Kapitan Tiyago: Maria Clara ; Kabesang Tales : ___________
A. Huli B. Isabela C. Simoun D. Sinang
___12. El Filibusterismo: __________ ; Noli Me Tangere : Paglalantad ng paniniil ng mga dayuhan
A. naglalantad ng kabulukan ng pamahalaan C. pagbabalik ni Simoun
B. nagpapakita ng himagsikan D. pagkitil ng karapatan
___13. Maximo Viola : Noli Me Tangere ; _____________ : El Filibusterismo
A. Apolinario Mabini B. Ferdinand Blumentrit C. Graciano Lopez-Jaena D. Valentin Ventura
___14. El Filibusterismo : ________ ; Noli Me Tangere : Huwag Mo Akong Salingin
A. Paghahari ng Espanyol C. Paghahari ng Kasakiman
B. Paghahari ng Kainggitan D. Paghahari ng Mayayaman
___15. Noli Me Tangere: panlipunan ; El Filibusterismo : ___________
A. pangkultura B. pangkasaysayan C. pampolitika D. inang bayan

1
___16. Noli Me Tangere : Spain ; El Filibusterismo : _____________
A. Ghent, Belgium B. Berlin, Germany C. Barcelona, Spain D. Calamba, Philippines
___17. El Filibusterismo : ___________ ; Noli Me Tangere : Inang Bayan
A. GomBurZa B. Inang Bayan C. Pamilya D. Propaganda
___18. Sa Kubyerta : ____________ ; Sa ilalim ng kubyerta : manggagawa ng barko
A. Indiyo B. Intsik C. Mistisong Kastila D. Prayle
___19. Donya Geronima : Padre Florentino ; ___________ : Padre Salvi
A. Alamat ng Ilog Pasig B. Bernardo Carpio C. Buwayang Bato D. Malapad na Bato
___20. Paring iginagalang : ______________ ; Paring mahilig sa magagandang babae : Padre Camorra
A. Padre Florentino B. Padre Irene C. Padre Sibyla D. Padre Salvi

III. SINO
PANUTO: Tukuyin at piliin kung sino ang nagwika ng sumusunod na pahayag.
___21. “Tayong lahat, ama, ay uuwi sa lupa at ipinanganak tayong walang baro.”
A. Basilio B. Kabesang Tales C. Tandang Selo D. Simoun
___22. “Ang wikang Kastila ay hindi magiging wikang panlahat, sa halip ito ang aalipin sa ating mga Pilipino.”
A. Basilio B. Huli C. Isagani D. Simoun
___23. “Kapag siya’y pinainit ng apoy, kapag ang maliit at hiwa-hiwalay na ilog ay minsanang bumuhos dahil
sa banging hinukay ng tao.”
A. Isagani kay Padre Simoun C. Basilio kay Padre Florentino
B. Isagani kay Simoun D. Basilio kay Kapitan Basilio
___24. “Walang kabuluhang isipin ang isang bagay na hindi mangyayari.”
A. Padre Camorra B. Padre Irene C. Padre Sibyla D. Padre Salvi
___25. “Ang tubig na matabang ay naiinom, ngunit nakatatalo sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy;
tangi rito, kapag pinainit ay nagiging singaw, kapag pinagalit ay nagiging dagat na malawak, at
minsa’y nagwawasak sa sangkatauhan at nagpapayanig sa buong daigdig.”
A. Basilio B. Huli C. Isagani D. Simoun

IV. KILALANIN ANG MGA TAUHAN


PANUTO: Piliin sa lipon ang tinutukoy ng bahaging sinalungguhitan sa mga sumusunod na
pangungusap.
A. Basilio E. Isagani I. Padre Irene M. Padre Sibyla
B. Ben Zayb F. Juliana J. Padre Forentino N. Simoun
C. Don Custodio G. Kabesang Tales K. Paulita Gomez O. Tandang Selo
D. Donya Victorina H. Padre Camorra L. Padre Salvi P. Tiburcio

___26. Kanonigong may pambihirang ilong, niregaluhan ng dalawang kabayong kastyano.


___27. Manunulat na mukhang prayle.
___28. Isang Pransiskanong payat at nangangalira.
___29. Matikas ang tindig, vice-rector ng isang unibersidad.
___30. Lalo pang pinahiwaga ang pagkatao ng makapal at asul na salamin sa mata.
___31. Mapanlait na mapagpanggap na isang Europeo.
___32. Bukod sa masayahing tunay, mayaman, ulila at tunay na maganda siya.
___33. Ulises ng Pilipinas sa kanyang pagtakas sa asawa.

2
___34. Liberal na mapagpanukala na bukod tanging nag-iisip sa Maynila.
___35. Estudyante ng medisina na kilala sa kahusayang manggamot at kahanga-hangang
pangangalaga sa mga may sakit.
___36. Mataba, mataas, makata na nagtapos sa Ateneo na may ugaling malungkutin at walang kibo.
___37. Akala ng kahabag-habag na pilantod, siya ay nakatagpo na ng matamis na dalandaan.
___38. Kura-paroko, napagkamalang Pari Garrote at binansagang El Kabayo sa kahiligan sa babae.

V. PAGPAPAHIWATIG, PAGPAPAKAHULUGAN AT SIMBOLISMO


PANUTO: Piliin ang titik ng tamang pagpapakahulugan, pagpapahiwatig, at simbolismo ng mga sumusunod na
pahayag.
___39. “Ang bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang
kalayaan.”
A. Ang wika ay may pag-iisip. C. Ang kalayaan ay pag-aari ng bayan.
B. Ang wika ay pag-iisip ng bayan. D. May taglay na kalayaan ang may sariling wika.
___40. “Ang mga tulisan ay wala sa kabundukan kundi nasa kabayanan.”
A. Ang mga tulisan ay nasa bundok. C. Ang mga Pilipinong naninirahan sa bundok ay tulisan.
B. Ang mga magnanakaw ay naglipana. D. Ang masasama ay ang kastilang namumuno sa bayan.
___41. Ang Bapor Tabong ito ay tunay na napakabagal sa pag-usad dahil bukod sa mababaw na ilog anapaka-
rami pang bagay na nakasasagabal dito. Ano ang sinisimbolo ng mabagal na pag-usad ng Bapor Tabo?
A. mabagal na pag-unlad ng tao C. mabagal na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
B. mabagal na pagbaba ng presyo ng langis D. mabagal na pagdating ng pabor sa paroroonan nito
___42. “Tayong lahat ay ipinanganak na walang saplot sa katawan.”
A. Natuturuan ang anak. C. Ipinanganak tayong pantay-pantay.
B. Hubad tayo nang ipinanganak. D. Nakatadhana na ang kapalaran nang tayo’y ipinanganak.
___43. Sinamsam ang mga sandata ni Tales kaya ito’y nadukot ng mga tulisan, dahil ditto nagpaalila si Huli
kaya napipi si Tandang Selo. Ano ang sinisimbolo ng pagkapipi ni Tandang Selo?
A. sumunod sa batas C. walang kalayaang magpahayag
B. pagpapaalila ni Huli D. pagdukot kay Tales ng mga tauhan

VI. PAGBIBIGAY IMPORMASYON


PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at bbilugan ang titik ng tamang sagot.
___44. Sino ang hari ng mga Indyo?
A. Bernardo Carpio B. Divina Pastora C. Metusalem D. Tatlong haring Magong
___45. Sino ang nagpahayag ng pagtutol mula sa mga prayle nang kunin ang kaniyang lupain dahil sa
tumangging magbayad ng buwis?
A. Isagani B. Kabesang Tales C. Kapitan Basilio D. Sinong
___46. Ayon sa kabanata, sino daw ang HINDI nabanggit na Pilato?
A. Hermana Penchang C. Tagapangasiwa ng pari
B. Kapitan Basilio D. Tinyente ng mga gwardiya
___47. Ano ang ibig sabihin ni Simoun kay Basilio na “ikaw ay katulad ko ring may dapat singilin sa lipunan?
A. pareho silang may pakinabang sa lipunan C. pareho silang kasapi ng lipunang ginagalawan
B. pareho silang nakaranas ng hirap sa lipunan D. pareho silang nakaranas ng kabaitan mula sa
lipunan
___48. Anong lihim ni Simoun ang natuklasan ni Basilio?

3
A. na siya pala si Ibarra C. na maghihiganti sa mga prayle
B. na mayaman pala si Simoun D. na siya ay isang di tunay na mang-aalahas
___49. Anon ang nabaggit ni Rizal na dapat nating tangkilikin, mahalin at palaganapin?
A. kayamanan B. kaugaliang pinoy C. produktong pinoy D. wika
___50. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan nang pagkatuwa ng mga bata sa pagsapit ng Pasko?
A. binibihisan nang magagara C. isinisimba sila sa misa mayor nang matagal
B. dahil hindi sila makakapaglaro D. dahil maaga silang ginigising para magsimba
___51. Ano ang ibig sabihin ni Kabesang Tales na “kung matatalo siya sa usapin ay hindi na niya kailangan ang
anak”?
A. dahil wala ng silbi ang kaniyang buhay C. dahil wala na siyang maipapamana sa anak
B. dahil hindi niya maipababalik ang anak D. dahil makukulong siya na hindi kasama ang anak
___52. Ano ang ginagawa ni Simoun nang siya’y makita ni Basilio?
A. nagtatanim ng halaman C. inaalala ang nangyari sa kaniyang buhay
B. naghuhukay ng kayamanan D. tinatakpan ng lupa ang kaniyang kayamanan
___53. Ano ang ibig sabihin nang sinabi ni Simoun na “hindi ba ninyo alam na walang kabuluhan ang buhay na
hindi iniukol sa isang layuning dakila”?
A. magiging makabuluhan lamang ang buhay kung tayo ay nakapagplano nang mabuti
B. magiging makabuluhan lamang ang buhay kung tayo may inaalay na mahal sa buhay
C. magiging makabuluhan lamang ang buhay kung tayo ay may sariling adhikain sa buhay
D. magiging makabuluhan lamang ang buhay kung tayo ay magsisikap nang mabuti sa buhay

IV. KILALANIN ANG DAMDAMIN


PANUTO: Pag-uugnay ng damdamin sa ikinikilos ng mga tauhan. Isulat ang titik nang tamang sagot sa patlang.
___54. Di nakatulog si Huli
a. mainit ang ulo b. pagkabagabag c. pag-alaala d. pagkagiliw
___55. Dagliang inangat ang imahen
a. pag-asa b. pagsisiguro c. pagkatuwa d. pagkaagresibo
___56. Walang-kibong naghanda ng agahan
a. pagkalungkot b. pagkahilo c. pag-aantok d. maysakit
___57. Hindi pagbati ni Huli na Maligayang Pasko sa kanyang lolo
a. pagkalimot b. pagmamadali c. pagkalito d. pagtatampo
___58. Pagkapipi ni Tandang Selo
a. pagdadalamhati b. pagkawala ng gana c. pagwawalang-bahala d. pagtataka
___59. Paghihintay ni Sinong sa paglaya ni Bernardo Carpio
a. himala b. nangangarap c. pag-asa d. pag-sisiguro
___60. Pagpunta ni Basilio sa dating tirahan sa gubat
a. pag-alaala b. pag-iisa c. pangangarap d. pagkabagabag
___61. Paglantad ni Basilio kay Simoun sa gitna ng kagubatan
a. nabigla si Simoun c. natuwa si Simoun
b. nagalit si Simoun d. uminit ang ulo ni Simoun

“Magtiwala sa sarili, huwag sa sagot ng katabi!”

You might also like