You are on page 1of 3

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


TALISAY INTEGRATED SCHOOL
IKAAPAT NA MARKAHAN SA FILIPINO 10
Pangalan _______________________ Petsa _____________
Taon at Seksyon _________________ Iskor _____________
I. MARAMIHANG PAMIMILI Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.
____1. Naglalahad ito ng sariling saloobin at damdamin ng tao.
a. Opinyon b. Pagpapayo c. Patalastas d. Pagsasadula
____2. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang
sarili.
a. Gagawin lahat ng magulang para sa kaniyang anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti para sa mga anak.
c. Binili ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang pangangailangang pisikal at espiritwal para sa pangangailangan ng anak.
____3. Mahabang lathalaing pampanitikan at nagtataglay ito ng maraming kabanata.
a. dula b. maikling kuwento c. nobela d. tula
____4. Ito ang kahulugan sa tagalog ng nobelang “El Filibusterismo.”
a. Maka-misa b. Huwag Mo Akong Salangin c. Ang Pagsusuwail d. Sa sariling bayan
____5. Ang El Filibusterismo ay nobelang _____.
a. pambayan b. pangkasaysayan c. pampulitika d. pangkasaysayan
____6. Sa tulong ni ______________, naipalimbag ang El Filibusterismo
a. Valentine Ventura b. Maximo Viola c. Jose Maria Basa d. Antonio Luna
____7. Kanino inihandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
a. GOMBUZA b. Inang-bayan c. GOMBURZA d. Pilipino
____8. Kinuha ni Basilio ang kursong ___________ upang makatulong sa kapwa.
a. abogasya b. medisina c. agrikultura d. edukasyon
____9. Gusto ni Basilio at ng ibang mag-aaral na magkaroon ng _________.
a. Kalayaan sa Pagpapahayag c. Samahan laban sa mga Prayle
b. Akademiya ng Wikang Kastila d. Pagkakaroon ng sariling kalayaan
____10. Handa nang maghimagsik si Basilio dahil sa:
a. wala nang halaga ang kaniyang buhay
b. ito nalang lamang ang nalalaman niyang paraan
c. hinihimok siya ni Simoun na maghimagsik
d. nagbagong anyo na siya
____11. Bakit naawa si Basilio kay Isagani nang nakita niyang ikinasal sina Juanito at Paulita?
a. Dahil hindi naimbitahan si Isagani sa kasal c. Dahil si Isagani ang kutsero ng bagong kasal
b. Dahil dating kasintahan ni Isagani si Paulita d. Dahil si Isagani ay ginawang alipin ni Juanito
____12. Siya ang anak na lalaki ni Kabesang Tales.
a. Basilio b. Isagani c. Tano d. Simoun
____13. Ano ang pangarap ni Kabesang Tales para sa kanyang mga anak?
a. Nais niyang mapalago ang kanyang sakahan.
b. Nais niyang mapabagsak ang mga prayle
c. Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral ang kanyang dalawang anak.
d. Pangarap niyang maging mayaman at makapangyarihan sa nuong Pilipinas.
____14. Bakit ayaw ni Kabesang Tales magbayad ng kalahati sa mga Prayle para sa kanyang lupa?
a. Dahil walang karapatan ang mga prayle sa kanyang lupa.
b. Dugo at pawis ang iginugol ni Kabesang Tales sa lupang kanyang sinasaka.
c. Wala nang matitira para sa kanilang mag-aama kapag pumayag siyang magbayad.
d. Lahat ng nabanggit.
____15. Siya naman ang isa pang anak na babae ni Kabesang Tales.
a. Hermana b. Juli c. Paulita d. Maria Clara
____16. Paano umunlad ang kabuhayan nila Kabesang Tales?
a. Sumunod siya sa mga payo ng mga Prayle.
b. Tumulong sa pagtatanim ang kanyang mga anak
c. Nangutang muna siya ng pampuhunan kay Simoun na mag-aalahas.
d. Nakisama siya sa mayayaman at nang makaipon nagkaingin sa dulo ng bayan.
____17. Ito ang halagang hinihingi ng mga bumihag kay Kabesang Tales upang pakawalan ito.
a. 1000 c. 300 c. 500 d. 100
____18. Nang hindi dininig ang panalangin ni Juli na madagdagan ang kanyang dalawangdaang piso para sa
pantubos sa kanyang ama, ano ang kanyang ginawa?
a. Ibinenta niya ang kanilang lupain.
b. Nanatili pa rin siya sa bahay dalanginan at patuloy lang na nananalangin.
c. Ipinagbili niya sa mga pinakamayayamang kapitbahay ang kanyang mga alahas.
d. Nangutang siya sa mga kakilala at malalapit na kaibigan ni kanyang ama.
____19. Ano ang naging kapalit ng perang ipinaheram ni Hermana Penchang kay Juli?
a. Tatalikuran na ni Juli ang kanyang pamilya at sa kanila na maninirahan.
b. Maninilbihan bilang isang utusan si Juli kina Hermana Penchang.
c. Maninilbihan sa tindahan ni Hermana Penchang si Juli.
d. May malaking interes ang inutang ni Juli.
____20. Anong katangian ni Juli ang nangingibabaw?
a. mapagtiis b. mapagmahal na anak c. mapagparaya d. mapagmataas na anak
____21. Siya ang makatang kasintahan ni Paulita.
a. Juanito b. Isagani c. Simoun d. Benzayb
____22. Ano ang uganayan nina Basilo at Isagani?
a. Magkakilala b. magkapatid c. magkaibigan d. magkapitbahay
____23. Siya ang kumupkop at itinuturing na amain ni Isagani.
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Irene
____24. “Nararapat nating pasalamatan ang sinumang gumawa ng Paskin lalo kung ang sinasabi ay kasang-
ayon ng ating karangalan at damdamin.” Anong damdamin ang nangibabaw sa sinabing ito ni Isagani?
a. kagalakan b. pag-aagam-agam c. pagkalito d. kapayapaan
____25. Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola.
a. Donya Victorina b. Hermana Penchang c. Maria Clara d. Juli
____26. Sa itaas ng kubyerta ay naroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas na tao sa ilalim ng kubyerta
ay makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang makina. Ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay ay
sumisimbolo sa ________________.
a. kahirapan ng buhay ng mamamayan
b. pagkakaiba ng mga Pilipino at Espanyol
c. pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Espanyol
d. pagkamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino
____27. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.” Sino ang nagpahayag nito?
a. Simoun b. Ben Zayb c. Basilio d. Paulita
____28. Ano ang misyon ni Simoun sa muling pagbabalik ng Pilipinas?
a. Upang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay
b. Para harapin ang mga taong umapi o humamak sa kaniya
c. Magtayo ng unibersidad para magkaroon ng edukasyon ang kabataan dito
d. Muling magpayaman at tuluyang kalimutan ang kanyang mapait na karanasan
____29. Ito ang dalawang lihim ni Simoun na natuklasan ni Basilio.
a. Kaibigan at kaanib na ng mga Kastila si Simoun.
b. Nabubuhay at may binabalak na paghihimagsik si Simoun.
c. Itatakas niya si Maria Clara at magpapakalayo na sila.
d. Si Simoun ang pumatay at naglibing sa ina ni Basilio.
____30. “Walang lihim ang hindi nabubunyag.” Ito ay nangangahulugang ______________.
a. Walang maaring magtago ng lihim.
b. Lahat tayo ay may magkakaiba sa pagtatago ng sikreto.
c. Mas mabuting magtiwala sa taong karapat-dapat pagtiwalaan.
d. Kahit anong tago ng sikreto, ito ay lalabas din sa tamang panahon
II. PAGTATAPAT-TAPAT (31-40) Panuto: Piliin sa HANAY B wastong sagot sa HANAY A. Ilagay
sa patlang ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
____31. Ito ang pamagat ng KABANATA 7 a. Si Kabesang Tales
____32. Sa lugar na ito natapos limbagin ni Jose Rizal ang nobela niyang El b. 39
Filibuterismo c. Noli Metangere
____33. Ito ang pamagat ng KABANATA 2 d. Leonor Rivera
____34. Ito ang pamagat ng KABANATA 4 e. Si Simoun
____35. Ito ang kabuuang bilang ng kabanata ng El Filibusterismo. f. Si Plato
____36. Ang manang na pinagsilbihan ni Juli g. Sa Ilalim ng Kubyerta
____37. Ito ang unang nobelang isinulat ni Jose Rizal. h. Tumulong
____38. Ito ang pangunahing layunin ni Crisostomo Ibarra na bumalik bilang i. Maghiganti
Simoun. j. 38
____39. Ito ang pamagat ng KABANATA 6 k. Ghent,Belgium
____40. Sa kanya nangulila si Jose Rizal noong panahong lumayo siya at l. Madrid
habang isinusulat niya ang nobelang El Filibusterismo. m. Si Basilio
n. El Filibusterismo
“PAGBATI sa pangkat ALMENDROS, MOLAVE, MULAWIN, AT NARRA!!!” #TatakTalisayIS –Ma’am Rica  <3
Inihanda nina:
BB. RICA U. ALQUISOLA GNG. CHERRY ANN M. NABO
Iwinasto nina:
BB. KATHERINE U. CATBAGAN BB. MARY GRACE R. LANDICHO
LR Coordinator Ipinagtibay ni: CID Coordinator
GNG. LEA L. LOPEZ
Punongguro I

You might also like