You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII - Central Visayas
Schools Division of Toledo City
BUNGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bunga, Toledo City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saang lugar hango ang kuwentong “Ang Munting Ibon”?


A. Zamboanga C.Mindanao
B. Meranao D. Ifugao
2. Sa alamat ng Mindanaw ,ilang pagsubok ang inihanda ni Sultan Kumpit para sa mga manliligaw ni Prinsesa Minda?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima
3. Ano ang pangunahing hanap-buhay ng mag-asawang lokes a Babay at lokes a Mama?
A. pangingisda C. pangangaso
B. pangtotroso D. pangangalakal
4. Ano ang tawag sa kuwentong likhang-isip lamang at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng
pasalindila?
A. kwentong-bayan C. bugtong
B. epiko D. alamat
5. Alin sa mga sumusunod ang apat na tauhan sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
A. tigre, ipot-ipot, tigre at baka
B. prinsesang tutubi, tubino, puno ng Pino at tigre
C. puno ng Pino, lalaki, kalabaw at tigre
D. puno ng Pino, tao, tigre at kuneho
6. Habang pinapakain ni lokes a babay ang kanyang ibon, ano ang inilalabas nito matapos pakainin?
A. ginto C. diyamante
B. diyamante D. pera
7. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa mga ginawa ni lokes a babay?
A. Nagpatayo ng malaking bahay
B. Binigyan c lokes a mama ng mga diyamante
C. Kumuha siya ng guwardiya at mga katulong
D. Bumili ng malawak na lupain
8. Ang mag-asawang Lokes ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang lugar ay...
A. magubat at mapuno C. nasa lungsod
B. nasa tabing-dagat D. nasa kapatagang taniman ng palay
9. Walang maidudulot na tama ang kadamutan.
A. Tama, dahil ito ay maling gawi.
B. Tama, dahil puedeng patawarin ang madamot.
C. Mali, dahil hindi puwedeng magbago ang madamot.
D. Mali, dahil kapag madamot hindi nakapag-iisip ng tama.
10. Sino ang nagsatula sa Indarapatra at Sulayman?
A. Lope K. Santos C. Bartolome del Valle
B. Vilma C. Ambat D. Bartolome Vallende
11. Saang bundok nakatira ang isang halimaw na may mukhang tao na nakakatakot kung ito’y mamasdan?
A. bundok Matumtum C. bundok Bita
B. bundok Kurayang D. bundok Tabag
12. Si Manik Buangsi ay bumaba sa lupa at nag anyo bilang isang _________?
A. mortal C. ginituang bayabas
B. immortal D. ginintuang kabayo
13. Sino ang unang Prinsipe na nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok na ibinigay ni Sultan Kumpit?
A. Prinsipe Kinang C. Prinsipe Kumpit
B. Prinsipe Kanao D. Lahat ay sagot
14. Sino ang nagbigay ng prutas ni Tuan Putli na kanyang itinanim sa hardin?
A. matandang pulubi C. pulubi
B. Manik Buangsi D. Allah
15. Alin sa mga sumusunod ang mga elemento ng alamat?
A. Tauhan at Banghay C. Tauhan, Tagpuan at Banghay
B. Tagpuan at Tauhan D. Wala sa nabanggit
16. Ito ay tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang Alamat.
A. tauhan C. baghay
B. tagpuan D. Tunggalian
17. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay-buhay sa mga pangyayari sa kuwento, maaaring mabuti o masama?
A. Tauhan C. Banghay
B. Tagpuan D. Wakas
18. Ano ang tawag sa kuwento na ang gumaganap bilang mga tauhan ay mga hayop?
A. Alamat C. Kwentong-bayan
B. Pabula D. Maikling kuwento
19. Anong aral ang matutuhan ng mambabasa sa kuwento ng “Hatol ng Kuneho”?
A. Mahinahon pa rin kahit sa gitna ka na ng kagipitan.
B. Maging maingat din sa kapwa na tutulungan mo.
C. Maging maawaan sa lahat ng pagkakataon.
D. Mapagbigay sa kapwang kapos sa buhay.
20. Anong ugali ang ipinakita ni kuneho?
A. madaldal C. matalino o maparaan
B. tamad D. matulungin
21. Sino ang huling hiningan ng hatol ng lalaki kung mainam ba siyang kainin ng tigre?
A. kalabaw C. baka
B. puno ng Pino D. kuneho
22. Sino ang nagsalin ng pabulang ang hatol ng kuneho?
A. Evelyn C. Ampar C. Vilma C. Ambat
B. Vilma C. Amber D. Bartolome del Valle
23. Ano ang tawag sa isang akda na nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang taong nagtataglay ng kapangyarihan na
humaharap sa mga tagpong kababalaghan at hindi kapani-paniwala sa isang lugar?
A. epiko C. alamat
B.kuwentong-bayan D. maikling kuwento
24. Paano mailalarawan ang pulong mindanaw?
A. wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y
namumuhay maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
B. wala ni kahit munting kabundukan pawang kapatagan at maraming halimaw ang naninirahan.
C. sagana sa likas na yaman at pinamumunuan ng dalawang hari na si Indarapatra at Sulayman.
25. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga halimaw na nangimbala sa pulo ng mindanaw?
A. Tuburaw C. Pah
B. Kurita D. ibong may pitong ulo
26. Saang bundok naninirahan ang halimaw na si Kurita?
A. bundok Matumtum C. bundok Kurayang
B. bundok Bita D. bundok ibalon
27. Kailangang magsuot ng face mask ______ makaiwas sa Covid-19.
A. subalit C. para
B. kasi D. dahil
28. Saang bundok naninirahan ang halimaw na c Pah?
A. bundok Matumtum C. bundok Kurayang
B. bundok Bita D. bundok ibalon
29. Saang bundok naninirahan ang halimaw na may pitong ulo?
A. bundok Matumtum C. bundok Kurayang
B. bundok Bita D. bundok ibalon
30. Ano ang isinabit ni Indarapatra sa bintana na s’yang magsasabi sa mangyayari sa kapatid?
A. singsing at espada C. halaman
B. mahiwagang tubig D. pana
31. Ano ang dahilan ng kamatayan ni Sulayman?
A. Siya ay napatay ng isang halimaw na si kurita gamit ang mga paa nito.
B. Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon, datapwa’t siya rin ang sinamang-palad na bagsakan
nito.
C. Siya ay lumundag at naitarok ang kanyang katawan sa matutulis na kuko ng ibong may pitong ulo.
D.Siya ay napatay ng sariling kapatid na si Indarapatra.

32-41.Piliin ang tamang Retorikal na pahayag sa pangungusap.


32. Ipinagbabawal ang pagdalaw sa sementeryo ngayong darating na Undas ________ dito na lang ako sa bahay
magdarasal.
A. samantala C. kaya
B. dahil D. kasi
33. Maaari na tayong maglaro ______ tapos na tayo sa pagsagot ng ating modyul.
A. kaya C. at
B.samantala D. kapag
34. _______ nga na nakatutulong ang pagkain ng masustansiya at pagiging malinis sa katawan upang maiwasan ang
iba’t ibang klaseng sakit.
A. Tunay C. Sapagkat
B. Dahil D. Sakali
35. Nakamit ni Jeff ang kanyang pangarap ________ mabibili na niya ang kanyang gusto.
A. kung C. sakali
B. bunga nito D. kaya
36. Alin sa mga sumusunod ang pang-angkop na ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n.
A. ng C. nang
B. ni D.sa
37. Mahalaga ang pagsunod _______ pakikipagkaisa upang mapangalagaan ang iyong malusog n pangangatawan.
A. kaya C. para
B. at D.ng
38. Ano ang tawag sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
A.panghalip C. pang-abay
B. pang-ugnay D.pang-uri
39. Sasabay sana ako kay Darna pauwi _______ nakauwi na pala siya.
A. kaya C. kaso
B. kasi D. dahil
40. Ang paghalik ng kamay ay tanda ng pagmamahal ___________ mga magulang.
A. para sa C. para kay
B. ayon sa D. ayon kay
41. Anong pang-angkop ang bubuo sa pangungusap? Palagi______ maagang
pumapasok si Juan sa kase.
A. n C. g
B. na D.ng

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

42. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


A. hatinggabi C. madaling araw
B. katanghaliang tapat D. papalubog na ang araw
43. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop.
A. kampihan C. pana
B. pagkain D. patibong
44. Gayon na lang ang kaniyang panggigilalas sa nakitang kakaiba.
A. pagkaasiwa C. pagkalungkot
B. pagkagulat D. pananabik
45. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap.
A. ibinahagi C. tinago
B. sinarili D. ipinamigay
46. Kitang-kita sa taong iyon ang pagiging tuso.
A. mapagpanggap C. mapanlinlang
B. mabuti D. tapat
47. Siya ay isang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala
A. ermitanyo C. diyos
B. manggagamot D. pastor
48. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran
A. natuwa C. nalito
B. nainggit D. nagalit

You might also like