You are on page 1of 1

PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

I-Piliin ang wastong sagot.

Kuwentong bayan, epiko, maikling kuwento, pabula

1. _____Isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga


tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin
2. Uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpung makababalaghan at di
kapani-paniwala.
3. Kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang
lugar.
4. Isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Isa itong salaysay o kuwento na ang mga
tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita, ngunit sa mas malalim na pakahulugan ng kuwento.
II- Piliin ang tamang sagot na hindi kabilang sa kahulugan ng salitang naka-italisado sa loob ng
pangungusap.
A.
5. Pinakasalan ni Bantugan ang kanyang mga katipan sa wakas ng epiko.
a. karibal b. kasintahan c. nobya
6. Walang sinuman ang nangahas na makaaway si Bantugan.
a. sumubok b. naglakas-loob c. umatras
7. Nakipaghamok siya nang kagila-gilalas sa kanyang mga kaaway.
a. nakipaglaban b. nakiusap c. nakipangtunggali
8. Isinangguni nila sa Hari ang pagkamatay ni Bantugan.
a. inilapit b.itinago c. ibinalita
9. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan.
a. yumuko b. pumaibabaw c. lumipad
B. Ipares ang tamang kasingkahulugan ng mga salita.
A B
10. Umiiral a. Nagpalingon-lingon
11. Alituntunin b. Malaman
12. Hinabilin c. Nangibabaw, nangyayari
13. Luminga-linga d. Patakaran, dapat sundin
14. matanto e. pinagkatiwala

III- Piliin ang tamang banghay ng Maikling Kuwento. Piliing ang tamang sagot at isulat ang titik
lamang.
A. Papataas na Aksyon
B. Pababang Aksyon
C. Wakas
D. Kasukdulan
E. Simula
F. Suliranin
15. Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento, nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya.
16. Dito makikita ang kakalasan?
17. Pinakamataas na bahagi ng kuwento na may pinakapana-panabik na bahagi ng kuwento?
18. Pinakahuling banghay ng maikling kuwento na puweding masaya, malungkot o nagbubukas sa
iba pang ideya?
19. Ditto nagaganap ang paglalahad sa suliranin?
20. Dito sa bahaging ito inilalahad o inilalarawan ang tauhan, tagpuan o ang mga suliranin?

You might also like