You are on page 1of 3

CENTER FOR POSITIVE FUTURE, INC.

#27 J.P. Rizal St. Balite, Rodriguez, Rizal


Government Recognition No. 081 s. 2006
FILIPINO 7
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________________________________ Puntos: ________

Baitang at Pangkat: _______________________________________ Petsa: ____________

I. Basahin ang sumusunod na mga talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat ito.Dinala
niya ang buto upang iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog.
Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na
may hawak-hawak ring buto, tinahulan niya iyon nang tinahulan.

1. AngDahil dito, humulagpos


binasang akda ay isangmula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog.
Hindi namuling nakuha ng sakim na aso ang buto.
a. Pabula b. epiko c. bugtong

1. Ang binasang akda ay isang


.Pabula b. epiko c. bugtong
2. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?
a. Buto b. ilog c. tao
3. Ano ang katangian ng aso
a. Mapagmahal b. sakim c. mapagbigay
4. Bakit tumahol ang aso?
a. Dahil may nakitang tao b. dahil sa buto c. dahil sa nakitang
sariling anino
5. Ano ang aral ng akdang binasa?
a. Maging mapagbigay b. huwag maging mayabang c. matutong
makuntento

Ang Unang Paruparo

Tahimik ang mga taong naninirahan sa isang bayan. Kaibigan nila ang matandang may-ari
ng malawak na halamang punong-puno ng mga bulaklak. IIsa ang hiling ng matanda sa sinumang
hihingi ng bulaklak, na siya lamang ang pipitas ng bulaklak.

May mag-asawang mayaman na sumuway sa hiling ng matanda. Hindi nilanapigil na


pumitas ng mga bulaklak. Sa galit sa mag-asawa, ginawa silang paruparo ng matanda. Mula noon,
ang mga paru-paro ay lapit nang lapit sa mga bulaklak. Dapo nang dapo at lipad nang lipad.

6.Ano ang nag-iisang hiling ng matanda?


a. Magtanim pa ng maraming bulaklak c. bigyan siya ng
bulaklak
b. Siya lamang ang pipitas ng bulaklak
7.Sino ang sumuway sa kahilingan ng matanda?
a. Ang mag-asawa b. mga tao c. mga bata
8. Ano ang katangiang ipinakita ng mag-asawa?
a. Kabaitan b. pagiging masunurin c. kawalan ng
paggalang
9. Ano ang kaparusahang ibinigay ng matanda sa mag-asawa?
a. Ginawa niya itong paruparo c. ang mag-asawa ay naging
tagapagsilbi ng matanda
b. Ginawa niya itong bulaklak
10.Anong aralang mahihinuha natin sa akda?
a. Maging matapang b. maging masunurin c. huwag mawalan
ng pag-asa

II. Kahulugan ng Salita


Panuto; Bilugan ang kahulugan ng salitang nakadiin sa bawat bilang.
11. Humanap ng ibang libutan si Tenoriong Talisayin buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang.
a. Tirahan b. ikutan c. tulugan
12. Ipinamalita ni Talisayin na kasintahan niya si Denang Dumalaga.
a. Sinisinta b. kakilala c. kaaway
13. Gusot-gusot na ang balahibo ng manok na iyon.
a. Iba-iba b. gulo-gulo c. makulay
14.Hindi halos makagulapay ang matanda dahil sa karamdaman.
a. Labis na antok b. labis na paghikbi c. labis na
panghihina
15. “At kung hindi ako ang sumaklolo, wala ka na ngayon.
a. Sumigaw b. tumulong c. nakialam

III. BALARILA
A. Salungguhitan ang mga salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad sa bawat bilang.
16.Maaari nga kayang maglaho ang mga lahi ng hayop na nanganganib nang maubos?
17.Posible kayang makatulong ang mga mamamayanpara maisalba ang mga hayop na ito?
18. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibigay sa mga lalabag sa batas.
19. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
20.Marahil, iyan ang pinakamabuting gawin ngayon.
21.Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan ang mga hayop
sa gubat?
22. Sa tingin mo, posible kayang magkaroon ng katahimikan sa mundo?
23.Baka mahirap iyan dahil wala naming nakabantay sa kagubatan.
24. Malamang uulan mamaya. Makulimlim ang langit.
25. Hindi posible iyang sinasabi mo.
B. Piliin ang tamang pang-angkop sa sumusunod na pangungusap.
26.. Ang lagim ay bigla (-ng, na) dumating sa kanilang lugar.
27. Tinitirhan ang bundok ng isa (-ng, na) halimaw.
28. Lahat ng tao ay nagtago sa kuweba upang makaligtas sa salot (-ng,na) halimaw.
29. Ang kalagim-lagim (-ng, na) sinapit ng baying iyon ay nagdulot ng lungkot.
30. Ginawang malagim ng isa pa (-ng, na) ibong may pitong ulo ang pagkamatay ng biktima nito.
Unang Buwanang pagsusulit sa filipino 7

Anwers key

1. A
2. A
3. B
4. C
5. C
6. B
7. A
8. C
9. A
10. B

II

11. B
12. A
13. B
14. C
15. B

III

A.

16. Maaari nga kayang maglaho ang mga lahi ng hayop na nanganganib nang maubos?
17. Posible kayang makatulong ang mga mamamayanpara maisalba ang mga hayop na ito?
18. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibigay sa mga lalabag sa batas.
19. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
20. Marahil, iyan ang pinakamabuting gawin ngayon.
21. Puwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan ang mga
hayop sa gubat?
22. Sa tingin mo, posible kayang magkaroon ng katahimikan sa mundo?
23. Baka mahirap iyan dahil wala naming nakabantay sa kagubatan.
24. Malamang uulan mamaya. Makulimlim ang langit.
25. Hindi posible iyang sinasabi mo.
B.
26. Ng
27. Ng
28. Na
29. Na
30. ng

You might also like