You are on page 1of 3

Pangalan:_____________________________________year/section:________________petsa:________

Test i: multiple choice: Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng pinakamalapit at wastong sagot. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Paano sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pag-aaral?
a. Pumasok sya sa San Juan De Letran at doon ginugol ang kanyang elementarya
b. Nagaral siyang magbasa sa tulong ng kanyang ama at ina
c. Ang kanyang Ina ang kanyang naging unang guro at tinuruan syang magsulat at magbasa
d. Pinasok sya ng kanyang mga magulang sa paaralan ng mga lalaki at doon natuto
2. Ang mga sumusunod ang naging paaralan ni Dr. Jose Rizal maliban sa isa na hindi kabilang?
a. Ateneo de Manila c. Unibersidad Central de Madrid
b. Unibersidad ng Santos Toma d. San Juan De Letran
3. Ano ang ipinaparating na mensahe ng kanyang sinulat na mga nobela ang:“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.?
a. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at katiwalian sa pamahalaan.
b. naglalahad ng mga hinanakit ng mga Indio na inilibing ng buhay sa karahasan at kasakiman
c. naglalahad ng katapatan ng mga prayle sa Pamahalaang Kastila
d. naglalahad ng pag-unawa sa kung ano ang tama at mali noong panahon ng pananakop ng Kastila
4. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Anong samahan ang kanyang naitatag?
a. Laliga Espanya e Filipina b. La liga Filipina c. Laliga El Indio d. La Liga Filipino
5. Ano ang naging epekto kay Rizal ng maisulat at malimbag ang kanyang dalawang nobela?
a. Nagalit ang mga prayle at Pamahalaang Kastila, ikinulong siya at hinatulan ng parusang kamatayan
b. Binigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag, ikinulong at binaril
c. Naganib ang buhay ng kanyang ina at ikinulong din sa kasalanang hindi nya ginawa
d. Sinampahan sya ng kaso ng mga prayle at hindi na siya pinahintulutan na makapasok ng simabahan
6. Paano ginamit ni Rizal ang kanyang talino upang ipakita ang pagmamahal niya sa bansang Pilipinas?
a. naglakbay siya sa iba ibang bansa upang pag-aaralan ang iba’t ibang salita.
b. sumulat siya ng dalawang nobela upang mapukaw ang kaalaman ng mga Pilipino
c. nag-aral siya ng medisina upang magamot ang kanyang ina na may karamdaman sa mata
d. iniwan nya ang kanyang pamilya upang ipagtanggol ang mga Pilipino sa pang-aapi
7. Anong kalupitan ang ginawa ng mga Kastila na tumatak sa isipan at puso ni Rizal noong bata pa sya?
a. pagkabilanggo ng kanyang kapatid c. ang pagbitay sa magsasaka na may-ari ng lupa
b. ang pag garote sa tatlong paring martir d. ang pagkamatay ng kanyang ama
8. Kani-Kanino nakasentro ang kwento ng nobelang Elfilibusterismo habang binabasa mo ang nilalaman nito?
a. Kastila-Prayle-Indio c. Indio-Prayle-Pamahalaan
b. Kastila-Guro-Kabataan d. Pamahalaan-Kultura-Relihiyon
9. Saan isinilang ang may-akda ng El Filibusterismo na si Dr. Jose Protacio Rizal?
a. Los Banos, Laguna B. Plaridel Bulacan C. Calamba Laguna D. Bagumbayan
10. Bakit humarap si Rizal ng kinalabit na ang baril sa oras ng kanyang parusang kamatayan?
a. Upang hindi nya maramdaman ang sakit ng kanyang kamatayan
b. Upang humingi sya ng kapatawaran sa Diyos sa kanyang nagawa sa mga prayle at Kastila
c. Upang ipakita sa kapwa Pilipino na matapang nyang tatanggapin at haharapin ang kamatayan
d. Upang sundin ang kasunduan ng mga prayle at Kastila na ibinigay sakanya bago ang kamatayan
11. Ano ang sinisimbolo ng Bapor Tabo sa unang kabanata o bahagi ng nobela na inyong nabasa?
a. pagkakahati ng estado ng mga tao sa lipunan c. pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at tradisyon
b. pagkakahati ng prinsipyo sa lipunan d. pagkakahati ng dignidad at relihiyon ng tao
12. Bakit lubhang napakahalaga ng estado ng isang tao sa lipunan na kanyang ginagalawan?
a. dahil dito umuusbong ang interes ng isang tao na mabuhay at ipagpatuloy ang buhay
b. dito nasusukat kung saan ka/siya nabibilang na magiging antas ng kanyang buhay
c. naipapangkat nya ang kanyang kinabibilangang ayon sa kanyang katayuan sa lipunan
d. nabibigyang importansya ang pagkakaisa at pagkakaiba-iba ng paniniwala
13. Nahahati sa dalawang bahagi ang sasakyang pandagat na nabanggit sa nobela Ano-ano ito?
a. Kubyerta at Bapor tabo c. Sa ibabaw at ilalim ng Bapor
b. Sa Ibabaw at Ilalim ng Kubyerta d. Sa ibabaw at ilalim ng tabo
14. Saan patungo ang sasakyang pandagat na nabanggit sa kabanata?
a. Maynila b. Laguna c. Zambales d. Bataan
15. Paano inilarawan ng may akda ang anyo ng sasakyang pandagat na nabanggit sa nobela?
a. maganda ang labas nito ngunit ang loob ay hindi mo maaninag ang kagandahan dahil sa luma na ito
b. mabagal ang takbo ng sasakyang pandagat at Punong puno ng mga pasahero
c. makulay ang pintura ng sasakyang pandagat at nanganganib na itong lumubog
d. ito ay hugis bilog na sasakyang pandagat na may mga palamuti sa loob nito
16. Ano ang pinaguusapan at pinagdedebatehan ng ilang pasahero na nakasakay sa sasakyang pandagat?
a. ang pagpapalalim ng ilog na dinadaanan ng sasakyang pandagat at pagtatayo ng gusali
b. ang pagpapalalim ng ilog na dinadaanan ng sasakyan na hindi gagastos ng malaking pera
c. ang pagpapaganda ng daanan upang hindi na sumakay pa ng sasakyang pandagat ang mga tao
d. ang pagdaragdag ng mga sasakyang pandagat na makakatulong upang mabawasan ang pasahero
17. Ano naman ang naging payo ni Simoun sa paksa na pinaguusapan ng mga pasahero sa sasakyang pandagat?
a. Huwag na lamang pansinin ang suliraning ito ng daanan sa dagat
b. Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila
c. Mag-alaga ng pato/itik na siyang magpapalalim sa lawa at magpapataas ng tubig sa ilog
d. Magkaroon ng bagong sasakyang pandagat na magsasakay ng maraming pasahero
18. Paano inilarawan ang kalagayan ng Ilalim ng Kubyerta batay sa kabanata?
a. Punong puno ng mga Indio ang ilalim nito, masikip at madilim ito
b. Masaya ang sumakay sa bahagi na ito dahil binubuo ito ng matatalinong tao
c. Nakakapagod ang maging bahagi ng pasahero sa ibaba ng sasakyang ito
d. Hindi nagiging pantay ang pagtingin sa mga tao na nakasakay rito
19. Ano ang paglalarawan kay Basilio, bilang bahagi ng tauhan sa nobela?
a. isang kastila na nag negosyo at yumaman sa kanyang sariling pagsisikap
b. isang indio na nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot
c. isang indio na makatao na nagsusulat ng mga tula at maikling kwento
d. isang Kastila na sumuway sa utos ng mga prayle kaya naghirap sa buhay
20. Ilang alamat ang nabanggit sa kabanata ng nobelang natalakay?
a. 2 b. 4 c. 3 d. 1
21. Ano ang nilalaman ng kwento ng alamat na ukol kay Donya Geronima.?
a. Ang relasyon ng isang abogado at babae na itinira sa kagubatan
b. Ang relasyon ng isang arsobispo at isang babae na itinira sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
c. Ang relasyon ng prayle at isang babae na itinira sa monastery
d. Ang relasyon ng gurong babae at isang prayle na iniwan matapos gahasahin sya
22. Ano ang nilalaman ng kwento ng alamat ng Malapad-na-bato?
a. Isang diwata na nakatira sa dalampasigan at kumukuha ng mga espiritu
b. Isang dalaga na nakapangasawa ng isang binatang ermitanyo
c. Isang lugar na banal sa mga katutubo na dahil sa paninirahan ng mga tulisan ay nagbago ang paniniwala
d. Isang mangangaso na napadpad sa isla at naging tulisan sa kalaunan
23. Sino ang umampon kay Basilio at pinag-aral siya nito upang mabago ang kanyang buhay?
a. Tandang Selo b. Kabesang Tales c. Padre Irene d. Padre Salvi
24. Sino ang Kabesa de barangay na tinutukoy sa nobela na yumaman dahil sa kanyang sikap at tiyaga?
a. Tandang Selo b. Simon c. Tales d. Basilio
25. Ano ang ginawa ng mga prayle ng nakita nila na ang bukid na dating payak sa pamumuhay ay umunlad?
a. Pinatayuan ng mga gusali b. Pinaalis ang mga kabahayan c. Inangkin ng mga prayle d. pinabayaan
26. Sino ang nagpataw ng buwis na tinaasan at tinaasan ang singil hanggang sa hindi na kaya ni kabesang tales?
a.Guardia sibil b. Mga Instik c. Heneral d. Prayle
27. Bakit gustong papag-aralin si Huli ni Kabesang Tales?
a. upang matulad sa kanyang kasintahan na si basilio na malayo ang narating niya sa buhay
b. upang maging maayos ang kinabukasan ng buhay ng kanyang magiging pamilya
c. upang manain nya ang maraming ari-arian nakapangalan sa kanyang ama
d. upang ipaglaban ang karapatan ng mga indyo sa pang-aapi ng mga Kastila
28. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang
aking asawa’t anak na dalaga”
a. Ibinigay sakanya ang lupa na ito at dapat nya itong alagaan at pahalagahan
b. Binuhos nya ang lahat at iniaalay nya pati ang kanyang sariling buhay
c. Dito namatay ang kanyang asawa’t anak at siya ang nagpalago’t nag-alaga ng lupain
d. Isinilang sya sa lugar na ito ng may kapayapaan at kaganapan sa buhay
29. Ano ang ginawa ni Huli upang mailabas sa kulungan ang kanyang ama?
a. umutang sya ng pera kay hermana penchang, isninangla ang alahas at may tumulong sakanya
b. nagdasal sya at umasa sa isang himala at agad naman itong natupad
c. nagtrabaho sya ng buong araw hanggang gabi upang makaipon ng pera
d. nagpatulong siya kay Basilio ang kanyang manliligaw at agad naman itong tinulungan
30. Ano ang tawag sa papel na nagsisilbing katibayan ng tao na siya ay nakatira sa lugar na ito?
a. Cedula b. Lesensya c. Sertipiko d. I.D
31. Ano ang nagiging kaparusahan sa mga Indio kapag naiiwan ang mahalagang papel na ito?
a. ikinukulong ng ilang araw at hindi pinapakain
b. ipinapatapon sa labas ng San Diego at hindi na pinababalik pa
c. binubugbog ng mga guardia sibil sa lansangan
d. hindi maaring maglakad sa mga kalsada mananatili lang sa bahay
32. Sino ang mga kawal na tinutukoy na mga mababangis at walang awa?
a. Guardia Sibil b. Militar c. Prayle d. Kapitan Heneral
33. Ano ang ginagawa ng mga tao bago ipagdiwang ang notchebuena na kung saan ay napipilitan lang sila?
a. Pag-awit sa bahay- bahay b. Prusisyon c. Pagsisimba d. Pagsasayawan
34. Ilang taon na ang nakakaraan ng mangyari ang malagim na kamatayan ng Ina at ama ni Basilio?
a. 13 b. 12 c. 10 d. 8
35. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito:”minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot”
a. hindi matanggap ang kanyang pisikal na kalagayan sa buhay
b. napakarami nyang pinagdadaanan na mga suliranin sa buhay
c. hindi siya pinapansin dahil sa marungis at pangit na kasuotan
d. maraming masasakit na ala-ala ang sumagi sakanyang kaisipan
36. Sa Sistema ng edukasyon sa panahon ng mga prayle, ano ang kanilang layunin kung bakit sila nagtatanong sa mga estudyante?
a. Upang masukat ang kakayahan ng mag-aaral
b. Upang matukoy ang nalalaman ng mag-aaral
c. Upang ipahiya at pagtawanan ang mga mahihirap na mag-aaral
d. Upang magkaroon ng inspirasyon ang mga mag-aaral
37. Sino ang ipinasok sa beateryo dahil sa pasya ng kanyang ama na doon sya mag-aral?
a. Huli b. Maria Clara c. Maria d. Clara
38. Ano ang kalagayan ni Basilio ng matagpuan siya ni Kapitan Tiyago sa lansangan?
a. Maysakit at gulanit ang damit. c. umiiyak habang tumatakbo
b. Hinang hina at hapong hapo d. tulala at hindi makausap
39. Ano ang pinagtalunan ni Simoun at Basilio ng sila ay muling magkita at magkausap?
a. ang pag-sangayon ni basilio sa plano ng mga prayle na pagtatayo ng akademiya ng wikang Kastila
b. ang pagtulong ni Simoun sa oras ng kamatayan ng kanyang ina at ama 13 taon na ang nakakaraan
c. ang pagiging matalino ni Basilio na sa tingin ni Simoun ay nagmamagaling na siya
d. ang pagpanig ni Basilio sa kultura ng mga Kastila kahit siya ay isang Indio sa dugo
40. Ano ang ibig sabihin ni Simoun sa kanyang pahayag kay Basilio na:”ikaw at ako ay uhaw sa katarungan”?
a. ang mga Pilipino ay namulat sa kasakiman ng prayle at mga Kastila
b. na bawat sinilang na indio ay walang karapatang mamuno sa bansa kundi alipin sila
c. pareho silang naging biktima ng pang-aapi ng mga prayle at pamahalaan
d. pareho silang nawalan ng direksyon sa buhay matapos ang mga kabiguang naranasan
TEST II: PAGPAPALIWANAG: Ibigay ang sariling interpretasyon sa mga sumusunod na larawan, bumuo ng isang
diwa o maikling magpapaliwanag ukol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga larawan na ito. Maari na iugnay
sa kwento ng nobela o sa kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan.
________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

__________________________________________________________________

You might also like